00:00Wala pa sa isip ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang muling pagsali sa International Criminal Court.
00:05Ito po ang paglilinaw ng Malacanang.
00:07Muli kasing nabuhay ang usapin sa muling pagsali ng Pilipinas sa ICC
00:11dahil sa posibleng pagpatupad ng arrest warrant na inisyo ng ICC laban kay Sen. Ronald Bato de la Rosa.
00:19Ang detali sa report ni Kenneth Paciente.
00:24Muli kasing nabuhay ang usapin ng muling pagsali ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.
00:30Kasunod yan ang mga diskusyon hinggil sa posibleng pagpatupad ng ICC arrest warrant
00:35laban kay Sen. Ronald Bato de la Rosa na dating hepe ng Philippine National Police
00:39noong panahon ng drug war ng nakaraang administrasyon, bagay na nilinaw ng Malacanang.
00:44Sa kasalukuyan, hindi pa pinag-iisipan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang muling pagsali ng Pilipinas sa ICC.
00:51Pero hindi umano nito tuluyang isinasara ang posibilidad ng pagtalakay dito sa hinaharap.
00:57Ang huli namin pag-uusap ng Pangulong, medyo matagal-tagal na po, sa ngayon ay hindi ko pa po ito
01:02muling na itatanong.
01:04Ang huli niya pong sinabi ay hindi pa po magre-rejoin.
01:08So kung kinakailangan po sigurong aralin sa mga susunod ng araw, ay hindi naman po sarado ang Pangulo dyan.
01:16But sa ngayon, ang huli namin pag-uusap ay hindi pa po magre-rejoin.
01:21Una ng iginiit ng palasyo na kahit hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas,
01:25nananatili pa rin umiiral ang Republic Act 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law,
01:33Genocide and Other Crimes Against Humanity.
01:35Matatanda ang opisyal na kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte.
01:43Matapos magsagawa ng paunang investigasyon ng ICC kaugnay ng kampanya kontra iligal na droga ng kanyang gobyerno.
01:49Punto pa ng Malacanang, hindi naman kailangang magkagulo sa pagpapaabot ng suporta sa Senador.
01:55Galit. Kapag ka po ba, if ever, mag-implement ng valid warrant of arrest or pagpapatupad ng utos ng isang
02:08korte,
02:09dapat po ba na ang mga Duterte at mga supporter ni Sen. Bato ay maghasik at maggalit sa gobyerno?
02:17Hindi po ba dapat tayong lahat, kahit anong kulay natin, ay dapat na tumutupad sa batas at pinapatupad ang batas.
02:28So, hindi po kinakailangang magkagulo.
02:32So, sa pinaman ng impeachment laban kay VP Sara, binigyang diinang palasyon na accountability ang nais ng pamahalaan.
02:38So, kung sabihin na the palace is for the holding of the trial, ganito po ang gagawin natin.
02:45Alam po natin, since the time na nagpaumpisa ang Pangulong magpa-imbestiga sa flood control mess,
02:52ang sabi niya, managot ang lahat na managot.
02:55So, hindi naman po pwede maging exemption or ma-exempt itong impeachment trial.
03:04Dahil kung may dapat na mapanagot, ay dapat na managot.
03:07Umapila na rin ang Simbahang Katolika sa Senado na ituloy ang impeachment trial laban sa vice-presidente
03:13at bumoto ng naaayon sa ebidensya at sangalan ng hustisya.
03:18Hindi rin dapat anila madelay ang trial at dapat itong masimulan sa lalong madaling panahon
03:23dahil ang pagpapaliban dito ay pagpapaliban din sa hustisya para sa mga Pilipino, pati na sa vice.
03:29Samantala, nagpaalala ang Malacanang sa publiko na manatiling mapanuri at mapagmatsyag
03:34sa gitna ng mga kumakalat na usapin tungkol sa umano'y destabilization plat laban sa Pangulo.
03:40Ayon sa Palacio, wala pang namumonitor na aktibong plano para pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.
03:46Gayunman, sinabi nito na batid umano ng publiko kung saan nang gagaling ang mga ganitong naratibo
03:51at kung sino ang posibleng makinabang.
03:54So tayo po, mga kamabayan natin sa mga taong bayan, lagi po na lang tayo magmatsyag
04:00at maging mapanuri, lalong-lalong sa mga fake news.
04:03Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong, Pilipinas.
Comments