Skip to playerSkip to main content
  • 7 hours ago
Aired (May 11, 2026): Usap-usapan online ang paniningil ng entrance fee sa ilang beach resorts at ang tanong ng netizens—puwede bang maningil kung public domain ang dagat? Alamin kung ano ang sinasabi ng batas tungkol sa access sa mga beach sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.

Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00To be continued...
00:30Entrance fee para magkaroon ng access dito.
00:33Yan ang pag-uusapan natin today as we ask, Atty. Gabby.
00:40Atty, ang dami nagsusumbong kay Lord sa issue na ito.
00:45Diyos ko, pati ang Diyos sinama sa usapan.
00:47Pero ano po ba ang sinasabi ng batas dito?
00:50Totoo bang bawal maningil ng entrance fee kapag nagsiswimming sa dagat?
00:55At, well, ang maiksing sagot dyan, of course, kung ito ay para mag-swimming lamang sa dagat, ay hindi.
01:02No.
01:02Pero, kasi nga, ang dagat ay hindi pagmamayari ng sino man tao,
01:07and will always be considered as part of the public dominion.
01:10Kasama dito ang tinatawag nating foreshore area, yung difference between yung low tide at high tide mark ng tubig.
01:19Public dominion po yan at never na magiging pag-amay-mamayari ng sino man tao,
01:25kahit na magpakita pa sila ng kahit na anong titulo.
01:28At kung maglalakad kayo sa baybayang dagat, pwede rin naman dun sa tinatawag nating salvage zone.
01:35Mula naman ito from the foreshore land papasok.
01:38At ayon sa water code, ang salvage zone sa mga seashore ay 20 meters naman mula sa highest high tide
01:46line.
01:47Kahit na may nagmamayari ng salvage zone na ito,
01:51reserved ang area naman yan,
01:52hindi pwedeng tayuan ng kahit na anumang structure at hindi pwedeng harangan ang mga tao sa paglalakad dito.
02:00Ang tawag dito ay easement of public use at hindi lamang ito for public access.
02:06Ito din ay for recreation, environmental protection, pero pwede din yung disaster mitigation.
02:12Dahil imagine ninyo kung may bagyo at nagkaroon ng storm surge,
02:16kailangan ng extra space para makapasok din ang tubig,
02:20nang walang maapekto na tao o istruktura.
02:23So itong legally mandated na foreshore area at salvage zone,
02:28ang naging batayan kung bakit nagkaroon ng massive cleanup sa Boracay kung matatandaan ninyo.
02:33Diba?
02:34So yung area na yan, pwede.
02:36So habang kayo ay nasa foreshore land or nasa salvage zone,
02:41hindi kayo pwede i-charge para lamang mag-swimming, maglakad dito o mag-sunbathing.
02:46Ang problema lang kasi ay how to get to the salvage area at dun sa foreshore land
02:52kung saan kayo pwede mag-sunbathing nga.
02:55Kasi mula sa salvage area, ito ay private property na pwede nang mabakuran
03:00and like any other private property, maaaring nang ipagbawal ang public access mula sa kalye
03:06at maaaring mag-charge ang private owner ng access fee para makadaan kayo sa property nila.
03:13Mabuti kung yung local government ay makakaprovide ng right-of-way.
03:18Ang LGU ang gagawa dapat ng paraan upang makaprovide ng kaunting access at right-of-way
03:24para makadaan ng publiko papuntang beach area nang hindi kailangan magbayad.
03:29Of course, ang pinaka-usual na ginagawa ng marami sa atin ay nagbu-book through a resort
03:34at gagamitin nyo ang facilities nila, syempre kasama na dito ang access to the beach area.
03:40Kasama na dito ang pagbayad upang magamit yung iba pang mga ibang facilities pang dagat,
03:45yung mga banana boat at iba pang mga add-on na recreational facilities.
03:50So unfortunately, minsan talaga maaaring mag-charge ng access fee kung dadaan kayo through private property.
03:57Of course, yung may mga sariling yate, may sariling bangka, balsa, o anumang sasakyan dagat para ma-access ang beach
04:04mula sa dagat,
04:06ito ay partner ng public area na hindi kayo pwedeng ma-charge ng fee.
04:10Pero kung dadaan kayo by land mula sa kalye, ay maaari kayong ma-charge ng fee kung dadaan nga sa
04:16private property.
04:17Dito po ngayon papasok ang role ng local government unit natin, ang LGU, lalo na sa mga popular beach destination.
04:25Kung walang access mula sa daan, promote local tourism by making sure na may public access by getting a right
04:34of way,
04:34lalo na nga kung may mayayaman na nabili na ang buong beachfront property na ilang kilometro minsan ang haba,
04:42hindi tuloy ma-access ng publiko ang beach mula sa daan.
04:45So sa LG yan.
04:47Pangalawa, yung mga LGU, bantayan ninyo ang mga teritoryo na nasa ilalong ng inyong jurisdiction.
04:53Matuto na nga kayo sa lesson ng Boracay.
04:55Bawal ang mga istruktura sa foreshore at salvage zones.
05:00So that's about 20 to 25 meters from the beach.
05:03Ito ay para sa publiko, hindi lamang para sa recreation at enjoyment,
05:08pero para na rin nga para sa environmental protection at safety na rin ng lahat ng tao.
05:14Ang mga usaping batas, bibigyan po natin linaw.
05:17Butin lang ako, hindi ako mahilig sa beach.
05:19Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
05:23Ask me, ask Atty. Gabby.
05:27Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:31Bakit? Pagsubscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:37I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
05:41Salamat ka puso.
05:42Salamat ka puso.
Comments

Recommended