Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Ngayong bakasyon, dagsa ang mga tao sa resorts at amusement parks. Ngunit kapag may naaksidente, ano ang habol ng sasakay ng rides kung may pumalya? Alamin kasama si Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Wow, ang saya nun. Naku, mga kapuso, ngayong bakasyon ng mga bata, for sure may mga magpupunta sa resort, katulad
00:08ni Jusa, o kaya sa amusement park.
00:11Paalala lang po, ingat-ingat lang po, dahil ito, tingnan niyo po itong nangyari dito.
00:21Isa sa mga kable ng slingshot ride sa isang amusement park, biglang naputol.
00:27At humampas ang ride sa posting kinakamitan ng isa pang kable.
00:32Halos tamaan ang mga nanonood sa iba ba.
00:35Ayon sa mga otoridad, sugatan ang dalawang batang sakay ng ride, pati ang dalawa pang tinamaan ng debris.
00:43Buti na lang ang aksidente pong yan nangyari sa Seville, Spain, hindi naman dito.
00:49Pero paano nga kung dito sa atin yan nangyari?
00:52Pag-usapan natin, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:59Attorney, hindi na bago ang ganitong mga insidente, pero nangyayari pa rin.
01:04Ano po ang habol na mga sasakay sa ganitong rides na pumapalya, lalo na nga kung may mga bata?
01:11Well, unang-una, bago pag-usapan kung ano ang habol,
01:14kailangan tingnan kung may legal basis ba para masabing entitled na isang tao sa kahit anuman ang maaaring habulin.
01:22So, maaaring natin unang sabihin dyan, res ipsa loketur, the thing speaks for itself.
01:29Ang mga pagkalas na isang ride, yung mga nahuhulog na bago ng ferris wheel,
01:34mga lumilipad na mga braso ng octopus at iba pang katulad na insidente ay hindi naman pangkaraniwang nangyayari.
01:41Hindi dapat nangyayari ito kung walang kakulangan sa pag-iingat ang operator upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.
01:50Kaya't ang operator ay dapat magpakita na wala siyang pagkukulang at ang kababayaan na ito ay maaaring resulta
01:57dahil nga ito ay magiging resulta ng kakulangan sa maintenance,
02:01kawalan ng pagkukumpuni, maling paggamit ng mga safety device o kakulangan sa pagsunod sa mga lituntunin.
02:09Maaari din itong pagkakamali ng mismong nag-ooperate ng amusement ride.
02:14Baka naman ito ay laseng halimbawa o walang sapat na training o binaliwala ang mga safety protocols
02:20o hindi sumunod sa mga safety rules ng manufacturer.
02:24Kung ano man ang dahilan, kinakailangan pa ni naman patunayan.
02:28Kaya may posibleng pananagutan sa isang kasong kriminal dahil sa negligence o pagpapabaya at reckless imprudence.
02:35At syempre, may pananagutang sibil para sa danyos o damages.
02:40So ano nga ang posibleng habol ng mga biktima sa ganitong pangyayari?
02:44Ito ang karaniwang danyos na dapat ibigay sa isang taong nasugatan dahil sa kapabayaan ng iba.
02:50Una sa lahat, syempre, ang pagbabayad ng aktual na gastos para sa paggamutan at pagpapaospital ng nasugatan.
02:58Kasama rito, syempre, ang rehabilitasyon ng pasyente kung siya ay napinsala.
03:03Dapat din bayaran ng pagkawala ng kita kung ang nasugatan ay may trabaho at hindi makakapasok dahil sa insidente nito.
03:11Kung mapapatunay ang pabaya ang operator, maaari ding magkaroon ng exemplary damages at moral damages para sa biktima,
03:20para sa sakit, pagdurusa, sleepless nights, pain and suffering ng biktima.
03:25Well, ang tanong din, attorney, kung hindi naman physical na nasugatan isang tao,
03:30may posibilidad nga ba na mabayaran ng danyos dahil sa trauma na naranasan dahil sa insidente?
03:37Well, nabangit na natin yung moral damages,
03:40pero medyo mahirap na patunayan yung ibang damages na yung presensya, pag-iral at lawak na naturang trauma,
03:48kung basihan ay trauma lamang at mas mahirap patunayan na ang trauma ay direktang resulta ng pagsaksi ng insidente ng
03:55isang nasabing ride.
03:57Kailangan may malinaw na ugnayan sa pagitan ng insidente at ng trauma at yan ang mahirap patunayan,
04:03lalo na kung maipapakita na marami pang ibang sanhinang stress ng biktima,
04:08maaaring problema sa love life, stress sa pag-aaral, family issues at marami pang iba.
04:14So, marami kasing posibleng sanhin.
04:16Hindi po ito simpleng kaso ng, naku na trauma ako at dapat akong bayaran ng danyos.
04:21Kung sakali man, kinakailangan magharap ng expert witness tulad ng doktor, psychiatrist or psychologist
04:29upang patunayan ang trauma at kung paano ito naaapektuhan ang isang tao.
04:34Kung hindi malamang, ay baka hindi magkaroon ng success ang isang kaso.
04:41Unfortunately, ang mga perya ay subject lamang sa mga permit na ibibigay ng local government.
04:47Kailangan siguro na isang ahensya na specialize sa pag-examine ng mga amusement rides
04:53kasi ito ay talagang maaaring maging buwis-buhay na aliwan.
04:58Sana din ay may required insurance coverage, naku lalo na sa maliliit na perya
05:02para maprotektahan ang lahat ng sumasakay.
05:05In the same way na may third-party liability insurance required sa mga kotse
05:11na hindi makapagre-rehistro kung wala ito.
05:14At the very least, kapag may nasaktan, may pagkukunan ng lunas kung meron ngang insurance na available.
05:20Ang mga usaping batas, bibigyan natin linaw.
05:23Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
05:27Ask me, ask Atty. Gabby.
05:31Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:35Bakit? Mag-subscribe ka na dali na para lagi una ka sa mga latest kwento at balita.
05:41I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
05:45Salamat ka puso!
Comments

Recommended