00:01Mga kapuso, siguradong maraming makakarelate sa pag-uusapan natin.
00:06Lalo na nga yung mga commuter na araw-araw nakikipagdigma sa mga tawiran.
00:12Minsan kasi kahit sa pedestrian na yung katatawid,
00:16para ka pa rin nakikipagpatentero sa mga bilis na sasakyan.
00:21Buis buhay nga ang sabi ng iba.
00:23Pero huwag sana sa nga ng umabot sa ganito sa inyo ang pangyayari.
00:30Sa Infanta, Quezon, isang senior citizen ang makikitang tumatawid sa pedestrian lane
00:36nang bigla siyang nabundol ng isang van.
00:40Sa lakas ng impact, tumilapon ang matanda sa kalsada at nagtamu siya ng mga sugat.
00:46Ayon sa polis siya, pauwi na sana ang biktima galing sa ospital.
00:51Sabi naman ang driver ng van, nag-aalangan tumawid ang lalaki kaya hindi siya agad nakapagpreno.
00:58Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:02Ask me, ask Attorney Gatner.
01:07Attorney, ano po ang habol ng mga aksidente yung tumatawid sa pedestrian lane?
01:13Well, panahon at pagkakataon na talaga para i-emphasize natin
01:18na dapat talagang kilalanin as a general rule,
01:21The pedestrian is king.
01:24Di po ba?
01:25Kapag ang pedestrian o ang taong tumatawid ay nakaapak na sa pedestrian lane,
01:30tigil na dapat ang mga sasakyan.
01:33Hindi naman excuse yung nag-aalangan kasi o ang bagal kasi tumawid.
01:38Kapag nakaapak na ang pedestrian, ang motorista, tigil na, stop na.
01:43At ito ay ayon sa Land Transportation and Traffic Code or ang Republic Act 4136
01:50na talagang nagsasabing may right of way ang pedestrian
01:53at dapat tumigil talaga ang mga motorista
01:56except of course kung may traffic enforcer na nagmamanage ng daloy ng trapiko.
02:02Yung pedestrian naman ang dapat sumunod dito.
02:05Kaya't kapag ang isang tao ay nabundol habang nasa tamang tawiran o pedestrian lane,
02:10may presumption talaga na ang driver na nakabundol ay may kasalanan.
02:15Ito ay base na rin sa Article 2185 ng Civil Code
02:19na nagsasabing may presumption of negligence laban sa driver
02:23kung sa oras ng aksidente ay lumabag siya sa isang traffic regulation.
02:28Yung fact na hindi siya tumigil habang may pedestrian
02:31ay indikasyon siguro na siya ay naging pabaya
02:35at ang taong nabanga ay may karapatang magsampa ng kaukulang kaso
02:39at humingi ng danyos para sa lahat ng pinsalang na tamo niya
02:44gaya ng gastusing medikal na wala ng kita kung hindi siya makapagtrabaho
02:48at iba pang damages na pinapayagan sa ilalim ng ating batas.
02:52Alam natin na ang pabaya na driver ay maaaring managot sa kasong kriminal
02:56sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code for reckless imprudence
03:01resulting in physical injuries or resulting in homicide
03:05kung nauwi sa pagkamatay ang biktima.
03:08At kapag nag-file na ng kasong kriminal,
03:10masasama na dito ang kaso for damages,
03:13so ang tinatawag nating danyos,
03:14dahil sa bawat kriminal na action,
03:17masasama ang civil na kasong kasabay nito.
03:20Maaaring magkaroon din ang kaso for damages lamang
03:23sa ilalim ng Article 2176 ng Civil Code
03:26na tinatawag na kasong quasi-delic
03:29kung saan maaaring humingi ang biktima ng actual damages,
03:32moral damages,
03:33at iba pang danyos depende sa naging pinsala
03:35kung ayaw niya magsampan ng kasong kriminal.
03:38Ngayon, paano naman ang kabaliktaran?
03:40Paano kung ang tumatawid naman ay hindi dumaan sa pedestrian lane
03:44o siya ang lumabag sa traffic rules?
03:47Yung mga guilty of jaywalking at nabangga?
03:50Well, wala na bang kaso laban sa motorista
03:52ang bumanga sa kanya?
03:55Well, hindi rin naman.
03:56Hindi rin naman nawawala po ang presumption na kasalanan
03:59nawawala ang presumption na kasalanan
04:02o naging pabaya ang nakabundol.
04:04Pero hindi ibig sabihin na otomatik
04:06kung wala na siyang karapatang magsampan ng kaso
04:09o humingi ng danyos
04:10dahil maaari pa rin mapatunayan
04:12na naging pabaya ang driver na nakabundol sa kanya.
04:15Hindi naman mawawala ang responsibilidad
04:17ng bawat motorista
04:19na palagi naman dapat na maging defensive
04:22at maingat sa pagmamaneho.
04:25Tandaan, responsibilidad ng mga motorista
04:28na maging maingat at mag-observe
04:30ng tamang right of way
04:32at responsibilidad din ng mga pedestrian
04:34na tumuwid lamang sa tamang lugar
04:36at sumunod sa traffic rules.
04:39Kaya mga magkakapuso,
04:41maging mapagmatyag tayo sa kalsada
04:43dahil kapag parehong responsable
04:45ang lahat sa kalsada,
04:46mas maraming aksidente
04:48ang maiiwasan.
04:50Ang mga usaping batas,
04:52bibigyan po nating linaw
04:53para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:56Huwag magdalawang isip.
04:57Ask me.
04:58Ask Attorney Guest.
Comments