00:02Alamin natin ang naging pahayag ng isa sa mga veteranong boxing analyst sa bansa
00:07na si Atty. Ed Tolentino patungkol sa kung ano nga ba
00:10ang magandang susunod na hakbang para sa karera ni The Filipino Flash, Nonito Donaire Jr.
00:16Para sa detalye, narito ang report ni teammate Paolo Salamati.
00:22Tatlong buwan na ang nakalilipas matapos huling tumapak sa ibabaw ng lona,
00:27muling nakitaan ng presensya ang tinaguriang The Filipino Flash na si Nonito Donaire Jr.
00:32noong weekend sa isang title eliminator match kontra kay Rico Masuda ng Japan.
00:37Makikita sa bakbakang ito na lumabas na ang edad ng 43-year-old Boholano boxer
00:42matapos patumbahin ni Masuda sa ikapitong round ng laban.
00:47Dahil dito, ito na ang ikalawang sunod na mabigo si Donaire kontra sa mga Japanese boxer
00:52kung saan noong Desyembre ng nakarang taon lamang ay nakalasap din siya
00:56ng pagkatalo kontra kay Seiya Tsutsumi sa Tokyo, Japan.
01:01Sa mga naging panayam kay veteran boxing analyst na si Atty. Ed Tolentino,
01:05sinabi nito na wala nang dapat patunayan at habuling tagumpay si Donaire
01:10sapagkat sapat na ang legasyang iiwanan nito sa mundo ng boxing
01:15at ang kanyang iniambag sa Philippine sport.
01:18Ibinahagi rin ni Tolentino na sa dami na nang naabot ni Donaire sa kanyang boxing career
01:23kabilang ang pagbibigay ng ilan sa mga maituturing na biggest fight sa kasaysayan
01:27ay sunod na nitong hantungan ang International Boxing Hall of Fame.
01:32Sa kabuuan, nasa humigit kumulang 25 taon na sa mundo ng boxing si Donaire
01:36na may 43 wins, 10 losses at 28 sa kanyang panalo
01:41na tapos via knockout.
01:43Paulo Salamatin para sa atletang Pilipino, para sa bagong Pilipinas.