Skip to playerSkip to main content
Simula sa Huwebes, March 19, sabay-sabay na tataas ang pamasahe sa jeepney, bus, airport taxi at TNVS dahil pa rin sa walang prenong pagmahal ng krudo.


Magmamahal din pati pamasahe sa eroplano simula April 1 kung kailan pa man din Semana Santa at bakasyon.


Ngayong araw din ipinatupad ang ikalawang linggo ng mega oil price hike, kasabay ang pamamahagi ng P5,000 ayuda para sa mga driver ng public transportation.


Inuuna ang mga tricycle driver sa Metro Manila pero may mga umaalma dahil wala sa masterlist.


Apela naman ng ilan, kulang ang ayuda ng gobyerno.


Panuorin ang buong report.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Sabay-sabay natataas ang pamasahe sa jeepney, sa bus, airport, taxi at PNVS.
00:12Na epekto pa rin ng walang prenong pagmahal ng krudo.
00:15Pero sa Huwebes pa yan, mga kapuso, kaya isumbong ang mga maniningil ngayong palamang
00:20o yung maniningil ng walang paskil na taripa.
00:24At tila walang bakasyon sa mga kalbaryo dahil pati pamasahe sa aeroplano
00:28ay tataas sa April 1 kung kailan Semana Santa at inaasahang tag-init na.
00:33Nakatutok live si Joseph Moro.
00:36Joseph.
00:40Mel, Vicky, Emil, ito na yung epekto ng krisis sa gitnang silangan dito sa atin.
00:45Yung mga pamasahe nga ng halos lahat na mga pampasaherong sasakyan.
00:49Magtataas yan simula sa Huwebes, yan ay mula sa mga jeep hanggang sa mga TNVS.
00:57Sa Huwebes pa ang dagdag singil sa mga masahe pero pahirapan na ng pagkuhan ng pasajero
01:02ang mga modern jeepneys na Litex Road sa Commonwealth, Quezon City.
01:06Dalawang piso ang dagdag pamasahe sa unang apat na kilometro at 20 centimos kada kilometrong biyahe.
01:12Malaking pulong din po yun. Boss din po pasajero. Ibalik natin yung kalabaw. Yung mga sa inauna, diba?
01:18Piso naman ang dagdag sa minimum fare ng tradisyonal na jeepney at 20 centimos din sa kada kilometrong dagdag.
01:25Dasal ni Mang Dodo, mapunan nito ang nawala nilang kita dahil sa diesel price hike na mayigit 40 pesos na
01:31sa loob ng dalawang linggo.
01:33Kung maabot talaga ito ng buwan, wala na talagang magawa.
01:35Bipitaw na?
01:36Oo, bibitaw na.
01:37Bumabot na ito ng mga kahit 120, wala na. Wala na talagang kikitain. Talagang gutom na.
01:45Pero ang tatlong driver ng operator na si Mang Alex tumigil na sa pamamasada dahil sa mahal ng diesel.
01:51Diadawin nila kayang mag-boundary. Taas na ng gas.
01:54Yung piso, ba dadagdaga kayo ng piso?
01:56Walang kwenta yun.
01:57Dalawang piso naman ang dagdag sa minimum fare sa ordinary bus at tatlong piso kong aircon.
02:03Kung hindi yan itinaas, magbabawas na sana ng mga bus ang isang operator sa Metro Manila.
02:08We will see to it if the binigay ng LTFRB sa amin is enough for the increase.
02:15Pero kung dadagdag, maaaring we're planning to pile again an increase.
02:2015% naman ang dagdag sa dating singil ng mga P2P bus na nakadepende sa kanilang ruta.
02:26Nauna nang inanunsyo ang sa mga provincial bus na pisong dagdag sa unang limang kilometro kung ordinary.
02:32May dagdag din sa mga susunod na kilometro, ordinary man o aircon.
02:36Ang malaki ay sa mga airport taxi.
02:39P40 pesos ang dagdag sa unang limang daang metro at may hiwalay pang dagdag sa kada tatlong daang metro at
02:45kada dalawang minutong biyahe.
02:47Sa mga Transport Network Vehicle Service o TNVS naman,
02:51bukod sa dagdag P20 peso sa dati ng base fare, ay magkakaroon na ng P15 pesos na pick-up fare.
02:57Ang hindi na lamang nagtataas ng kanilang pamasahe, yung mga motorcycle taxi, mga regular na taxi at mga UV express.
03:05Pero hindi ibig sabihin na ligtas na sila sa dagdag singil sa pamasahe dahil meron na silang petisyon na nakabinbin
03:11sa LTFRB para humingi ng dagdag sa pamasahe.
03:15We'll decide on this rule next week. We will look into the possibility kung justified ang provisional increase.
03:27Kailangan magpa-scale ng fare matrix o taripa ang mga pampublikong sasakyan bago sila makasingil ng dagdag pasahe simula Huwebes.
03:35Posible yung bumaba kung huhu pa ang tensyon sa Middle East.
03:53Sa mga mag-aeroplano naman, lalo na ngayong Semana Santa, tataas din ang pamasahe.
03:59Mula sa kasalukuyang Level 4 ay magiging Level 8 ang fuel surcharge para sa mga biyahe mula April 1 hanggang
04:0515.
04:06Ibig sabihin ang fuel surcharge na nasa flight tickets ay magiging mahigit P250 hanggang halos P800 para sa mga domestic
04:15flight.
04:16Mahigit P800 hanggang mahigit P6,000 naman sa international flight.
04:21Pinaikli naman ang Civil Aeronautics Board o CAB ang panahon ng pagre-review ng mga fuel surcharge.
04:27Mula isang buwan hanggang 15 days na lang upang mas mabilis na ma-adjust ang pamasahe kapag nagbago ang presyo
04:35ng jet fuel.
04:40Vicky, paalaala ng LTFRB bago makapaningil yung ating mga driver ha, sa ating mga motorista, mga pasahero, dapat nakapaskil.
04:48Yung taripa o yung fairmate, kirik sa kanilang mga sasakyan.
04:51Meron pa rin namang discount yung ating mga estudyante, senior citizen at PWD.
04:56Kaya kapit sa webes, Vicky.
04:59Kapit na nga. Maraming salamat sa iyo, Joseph Morong.
05:01Sabay sa ikalawang linggo ng Mega Oil Prize Hight, ang pamamahagi ng P5,000 ayuda para sa mga driver ng
05:11public transportation.
05:13Mismong pangulo ang nanguna sa panginigay niyan sa Maynila.
05:17Pero mga tricycle driver lang muna sa Metro Manila ang binigyan.
05:22Ang schedule ng iba sa pagtutok ni Ivan Mayrina.
05:29Mga tricycle driver sa Metro Manila ang unang naambunan ng P5,000 ayuda ng DSWD para sa transport sector.
05:36Kabilang sa kanila si Mang Joseph, nakabadong hindi magtatagal ang ayuda.
05:40Dalawang linggo. Dalawang linggo po.
05:43Pero ikinituan na rin yan ng iba para may pantawid sa panggastos.
05:46I-aano ko muna yung binigyan ko sa gamot, sa mga maintenance ko, sa pagkain, marami po.
05:54Salamat po. Bahit pa paano po makakarawas kami.
05:57Yung mga tricycle driver, nabubuhay lang yan sa P5,0006.
06:01Utang rito, utang ron.
06:03Kaya pagdating ng hapon, ang nauuwi na lang yan, talagang pangkain na lang.
06:08Ang pamahagi ng naturong ayuda sa Maynila, pinakunahan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos.
06:1338 ibang lugar pa ang itilalaga na maging payout center para mapabilis ang distribusyon.
06:19Wala namang gabay sa kung paano gagasusin.
06:22Pero ang ideya sana ay ipandagdag nila yan sa pampakarga ng gas
06:25para hindi sila matigil sa biyahe at kumita pa rin ng panggaso sa araw-araw.
06:30Paikutin pa rin ang ayuda kumbaga para hindi agad maubos.
06:48Sa susunod na linggo, mga jeepney, bus, taxi, TNBS drivers, motorcycle taxi at delivery rider sa Metro Manila naman ang
06:57bibigyan.
06:58Pagkatapos sa Semana Santa, susunod na rin ang mga nasa sektor ng transportasyon sa probinsya.
07:04This is just the beginning of the distribution.
07:08This is something that we have to do because of the sudden increase in oil prices.
07:21Ang pinamigay na ayuda ngayong araw ay mula sa 30 billion pesos sa paunang pondo para dyan ng DSWD.
07:27Ang tanong ho ng ilan eh, ilang beses hoon natin kayang magbigay ng ganito mga ayuda?
07:32Well, ako basta ang direktiba ng ating Pangulo, simple lamang for as long as it takes.
07:37Nakalaan ng pondo, ang sabi nga niya patuloy nasusubay ba yan ng pamalang nasyonal itong mga increases.
07:43Bukod pa yan sa talagang fuel subsidy mula sa Transportation Department.
07:48Para sa GMA Integrated News, Ivan Merina na Katutok, 24 Horas.
07:53Inalmahan naman ang ilang driver ang hindi nila pagkakasama sa master list ng mga dapat makatanggap ng ayuda.
08:00Kaugnay naman ang taas pasahe, may mga nakukulangan kaya tuloy ang transport strike ng isang grupo sa Webes.
08:07Nakatutok si Ian Cruz.
08:12Baga pinilahan ang mga tricycle driver ng Batasan Toda o Batoda, pero inabot pa ng 30 minuto bago sila nakapasok
08:21sa lugar ng pamamahagi ng ayuda ng DSWD sa Batasan Hills, Quezon City.
08:26Driver's license at photocopy nito lang naman ang ipakikita.
08:30Pero dalawang oras bago nakuhan ang lady trike driver na si Anafe ang 5,000 pisong ayuda.
08:36Pandagdag din po pang gastos. Kasi hindi naman po gasolina lang tumaas, lahat po tumataas.
08:43Wala na na sa pagkain. Kasi mahalaga po yung pagkain. Kasi kung hindi po kakain, paano ka mabiyahe, hindi lalong
08:50gutom.
08:50Si Oliver Badwa, walang balak tumigil sa pamamasada at ibinili ang ayuda ng pamalit sa pudpud na gulong ng tricycle.
08:58Malaking bagay po sa amin ito. Nakabili po kami ng gulong, interior. Sa pamilya ko po, may pang budget po
09:09kami pang isang linggo o susunod pa ng linggo.
09:11Pero sa mahigit 2,000 miyembra ng Batoda, may 1,500 lang ang nasa master list.
09:17Ako 12 years na ako buhabiyahe. Bakit yung pangalang ko wala? Tapos yung mga isang taon, dalawang taon, nasa listahan
09:24na.
09:25Kung kailang magpe-payout na, saan nila babaguhin yung master list. E ngayon po, marami po kami ngayon dito. Halos
09:30lahat po kami o. Wala po kami doon lahat.
09:33Nakipag-ugnayan ang Batoda President sa kinatawa ng City Hall at DSWD.
09:37Pag walang medit initial, walang birthday, hiniwalay po nila. Hindi naman po nila inalis, hiniwalay lang. For compliance lang po.
09:44Kaya hindi makita doon sa pay-payout.
09:46Halos ganito rin ang problema sa Holy Spirit.
09:49Doon po sa dating listahan na unang nirelease ng TRD, may mga pangalang po roon yung mga kasamahan ko.
09:55Pagdating po dito sa pay-out, mga wala po.
09:57Sana po maayos yan at para makakuha rin naman kaming hindi makakakuha.
10:02Lahat yan masasama at mabibigyan ng tulong pinansyal.
10:05Huwag muna kayo mag-worry na kung wala kayo sa araw na ito kasi tuloy-tuloy pa ang submission ng
10:11mga listahan.
10:11Aabot sa 139,000 tricycle drivers sa NCR ang bibigyan ng ayuda na mula sa pondo ng Assistance to Individuals
10:20in Crisis Situations o AICS.
10:23Sunod na bibigyan ng driver ng iba pang public utility vehicles.
10:27Kabilang din sa tugon ng gobyerno sa Mega Oil Price Hike ang dagdag pamasahe.
10:33Pero nakulangan ang grupong manibela sa pisong fair hike ng traditional jeepney.
10:39Daigpaan nila ang nanlilimos kaya tuloy ang nationwide transport strike sa Webes.
10:46Pinagbigyan na nga ng piso.
10:48But to say sampal yan, insulto naman sa mga commuters yan.
10:52Pagbabayag sila ng karagdagang.
10:55Diba?
10:56This will effectively increase over 1,000 pesos.
11:00Kung akala nila they need more, then file it.
11:04Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok 24 oras.
11:10Inaasahang mararatify ang panukalang bigyan ng emergency powers ang Pangulo
11:16para suspendihin o bawasan ang oil excise tax.
11:20Isang promision lang ang pagkakaiba ng versyon nila sa versyon ng kamera ayon sa Senate President.
11:27Nakatutok si Mav Gonzalez.
11:33Bukas sinaasahang raratipkahan ng Senado ang panukalang bigyan ng emergency powers
11:37si Pangulong Bongbong Marcos para suspendihin o tapyasan ang excise tax sa langis.
11:42Ayon kay Senate President Tito Soto, isang promision lang ang pagkakaiba ng versyon ng Senado at Kamara.
11:48We can ask the House for a paper by count.
11:52We can ask the House to adopt the Senate version.
11:54Or if they will ask us to adopt their version, depende.
11:57Tignan na sa period of interpellations namin.
11:59Sa panukala, papayagan ang tapyas o suspensyon sa oil excise tax.
12:04Kung isang buwan ang nasa $80 per barrel ang average na presyo ng Dubai Crude Oil.
12:09Pero ang gusto sana ni Senado President Pro Tempore Ping Lakson,
12:12gawing dalawang linggo na lang ang paghihintay.
12:14Kailangan ma-implement na agad yung suspension ng excise tax para maramdaman ka agad, immediate.
12:21Hindi yung one month. Kasi ganon, magtitis pa yung kababayan natin.
12:25Tila hindi rin aniya sulit ang 20 pesos kada litrong maximum na mababawas sa presyo ng langis
12:31kung matapyas ang excise tax.
12:33Kumpara sa 136 billion pesos na mawawalang koleksyon ng gobyerno ngayong taon kung matuloy yan.
12:39Mas pabor siyang ayudahan na lang ang mga apektado.
12:42Kaysa bawas tax na posiblian na yung mga kumpanya lang ang makinabang.
12:53Duda naman si Sen. Aimee Marcos na bababa ang presyo ng gasolina, crudo at LPG
12:58pang inalis ang excise tax.
13:00Ang nakikinabang sa excise tax ay yung mga importer, yung mismong nagbabayad ng excise tax.
13:06Baka hindi naman nila ipass on sa atin yung discount.
13:09Kumbaga, nakadiscount sila dyan. Baka noon mas mainam na yung VAT na lang.
13:14Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzales nakatuto, 24 oras.
13:19May ilang linggo pa bago ang Semana Santa, pero tila nagpe-penitensya ng maraming Pilipino dahil sa mega oil price.
13:28Una na sa mga tila nagpasa ng krus ang mga tsuper.
13:32Dahil nakakaltasan ang naiuwing pera para sa pamilya.
13:36Ang kanilang panawagan, kinuwento nila kay Jonathan Andao.
13:44Sa taas na ng presyo, hindi na kumasya ang three-digit na presyo ng diesel ngayong araw.
13:51Sa digital price board ng gasolinahang ito, mano-mano na ang ginawang paglalagay ng presyo.
13:57Sa nakalap na dato sa GMA Integrated News Research, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa Metro Manila
14:03na lumagpas sa isang daang piso ang kada litro ng diesel.
14:07Ang presyong yan, ngayon lang daw naranasan ang tsuper na si Elmer na tatlong dekada ng jeepney driver.
14:14Imbis kumitasan ako ng mga 700 ngayon, 300 na lang na uwi ko.
14:19Dalawa na lang ako kumakain eh.
14:21Sa umaga na sa gagabi na lang eh.
14:23Mamirinda na lang ako sa tangali.
14:25Kasi kung kainan pa niyo mo, wala na.
14:27Kasi mahalang bilhin na talaga pag kumain ka eh.
14:29Lagpas 1,500 pesos daw ang nalikom ni Elmer sa kalahating araw na pamamasada.
14:34Kalahating araw lang dahil dalawa raw silang tsuper ang nagre-reliebo sa pasada sa iisang jeep kada araw.
14:40Tig 450 pesos sila ng boundary.
14:43Lagpas 800 pesos daw ang nagasos niya sa diesel.
14:46Sa tatlong ikot niya kanina sa rutang Project 2-3 at Welcome Rotonda.
14:50Kaya ang malinis na nauwi niya, 300 pesos na lang.
14:54Pagkakasahin niya pa ito sa pangkain niya at sa ipadadalang sustento sa Angono Rizal
14:59para sa misis at sa isang anak na nasa kolehyo.
15:01Sabi ko, magtipid-tipid ka lang muna anak.
15:03Hindi nga ako nagpadala ngayong linggo kasi simpre, minsan 300 lang sinasombra ako.
15:09Sabi ko, hindi lang ako magpadala. Ipipunin ko lang muna bago ko ipadala.
15:14Sa jeep na lang din daw natutulog si Elmer habang nasa Quezon City
15:17dahil nangihinayang sa pamasahe kung uuwi pa sa Rizal.
15:21Ang plano ngayon ni Elmer, pakiusapan ang kanilang operator na bawasan naman ang boundary nila.
15:26Kasi yung boundary namin 900 talaga. Kahit 700 na lang, yung 200 para idagdag na lang sa diesel.
15:32Ang tugon ngayon ng gobyerno, ayuda o fuel subsidy na tingli limang libong piso kada driver ng PUV o public
15:38utility vehicle.
15:40Pero hindi raw yan ang pinakakailangan ngayon ng mga kagaya ni Elmer.
15:43Kahit ibalik na lang sana sa 50 yung diesel, kahit wala na kaming ayuda.
15:47Kasi yung 5,000, waliwala lang yun sa araw-araw naming gabi-byay.
15:54Batid ni Elmer na ang gyera sa gitnang silangan ang dahilan ng pagtaas ngayon ng presyo ng krudo.
15:59Ang hindi lang daw niya lubos sa kalain, ang bakbaka ng mga higanteng bansa sa mga maliliit sa lipunan tatama.
16:07Higit kailanman, ngayon daw nila pinakakailangan ang tulong ng pamahalaan.
16:13Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal na nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended