Skip to playerSkip to main content
Sinuspinde na ang biyahe ng lahat ng pampasaherong barko ng Aleson Shipping Lines, ang kumpanyang nagma-may-ari sa lumubog na RORO malapit sa Basilan.


Sampu ang nasa listahan ng mga nawawala, pero wala sa talang ‘yan ang mga hinahanap ng ilang nawalan ng mahal sa buhay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Si Luz Pindina, ang biyahe ng lahat ng pampasayarong barko ng Allison Shipping Lights.
00:05Ang kumpanyang nagmamayari sa Lumobog na Roro malapit sa Basilan.
00:09Sampo ang nasa listahan ng mga nawawala pero wala sa talang yan ang mga hinahanap ng ilang nawalan ng makal sa buhay.
00:16Nakatutok live, si Jonathan Andan.
00:18Jonathan.
00:22Emil, andito ako ngayon sa Coast Guard Station, Zambuanga.
00:25Itong nakikita mo sa likod ko, ito po yung health desk ng Coast Guard dito.
00:28Kung saan po dubudulog yung mga naghahanap po ng kanilang mga kaanak na sakay po nung lumobog na Roro.
00:34So ang siste dito, pagkalapit dito, kukunin ng Coast Guard yung pangalan ng nawawala, pangalan ng kaanak at contact number,
00:41sasasabihan na tatawagan pag may nakuhang update.
00:43Sa ngayon po, ubos na yung mga dumudulog dito.
00:47Pero kaninang umaga, sunod-sunod po yung mga dumating dito,
00:52naghanap na kanilang kaanak, siguro lagpas 20 yung pumunta rito.
00:55Pero ang sinasabi nga ng Philippine Coast Guard, basay po sa kanilang official record,
00:58nasa sampu na lang yung missing doon sa lumobog na Roro.
01:06Ito po siya kung sino man po yung nakapulot sa kanya.
01:09Kasi hanggang ngayon missing pa rin po siya.
01:11Pero alam namin na ano po siya, na buhay pa rin po hanggang ngayon.
01:17Magdadalawang araw nang hinahanap ni Hermelin ang anak niyang si Dina,
01:22na sakayan niya ng MB3 siya Kirsten III, nang lumobog ito kahapon sa Basilan.
01:26Kasamaan niya ni Dina ang kanyang kuya, asawa nito at anak nilang sanggol.
01:30Apat sila, so yung tatlo po narescue na pero patay na yung anak, yung apo ko.
01:36Siya na lang po yung nawawala.
01:38Kung buhay man o patay, dapat talaga tanggapin natin kung ano man na kaano sa kanya.
01:44Si Mudar naman, pitong kaanak na sakay rin umano ng Roro, ang hinahanap sa Coast Guard Station kanina.
01:52Asawa ko po si Haridya Girol, pati auntie ko po si Balma Girol, pati asawa niya sa Girol, pati si Alma, pati si Junhar, pati si Rondon Girol.
02:07Pati ikapito po yung batang na maliit dalawang taon.
02:10Sa ibang barko daw, dapat sasakay ang mga kaanak kung hindi pinalipat sa MV Tricia Kirsten 3.
02:16Sabi ng bayo ko, confirm, sumakay sila sa Tricia.
02:19Tinignan po namin sa les, nang missing, wala po sila doon.
02:22So ang tanong ko po kung nasa ng pamilya po, nandun naman po sa manipis po ang pangalan ng mga pamilya po.
02:29Kinumpirma naman ang Philippine Army na nawawala rin ang pasaherong sundalong si Sergeant Wendell Sabuyas.
02:34Kwento ng kapwa nitong sundalong nakaligtas, papunta sana sila kahapon sa hulo kung saan sila na destino.
02:41Ginising siya ng kasama namin, sir. Tapos hindi ko nakakuan kung nagising siya o hindi, sir.
02:47Hindi na namin mahanap si Sergeant Wendell Sabuyas, sir.
02:51Pero sabi ng Philippine Coast Guard, batay sa kanilang official record, posibleng wala ng pasaherong nawawala.
02:57Ang sampung missing sa listahan nila ay ang walong tripulante ng barko, ang kanilang kapitan at ang tauan ng Philippine Coast Guard na naging sea marshal sa biyahe.
03:07We are basing doon sa aming manifest na binigay sa amin.
03:10Ngayon, if ever po na meron talagang ibang missing, that would be part ng magiging result ng investigation natin na ibig sabihin meron talagang hindi nakasulat sa manifesto.
03:20Sa ngayon po, ayaw po namin mag-speculate. Welcome any information from the public.
03:25Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez na nagsadya rito sa Zamboanga City,
03:31hindi muna papayagang bumiyahe ang lahat ng 24 na passenger ships ng Allison Shipping Line ang may-ari ng lumubog na Roro.
03:40Yun ay hanggang hindi sila nakakapasa sa gagawing inspeksyon ng Marina at BCG.
03:45Kung may makitang paglabag, sususpindihin o tatanggalan ng permit ang kumpanya.
03:49They are now grounded. And Marina and Philippine Coast Guard, they have 10 days to conduct a maritime safety audit and risk compliance and also inspection.
04:02Kung lalabas po sa investigasyon na meron pong pagkukulang ang gobyerno, makakaasa po kayo na iyayariin, sisibakin, we will file the appropriate cases against our fellow workers.
04:20Ganon din po sa panig ng ship owner.
04:22Dagdag ni Lopez, meron daw 32 maritime incidents ang Allison Shipping mula 2019.
04:30So I'm asking Marina, what did we do for the last how many years?
04:35Nasaan ang mga report? Ano ba yung pagkukulang natin?
04:39Sa mga rutang Allison Ships lang ang bumabiyahe, nakiusap si Lopez sa Coast Guard na magbigay ng libreng sakay.
04:46Inatasan din ang Marina na maglabas ng special permit sa ibang shipping line.
04:49Pero ano pa talaga ang dahilan ng paglubog ng Roro?
04:56Sabi ng mayor ng Zamboanga City na isang dating kapitan ng barko at asawa ng isa sa mga may-ari ng Allison Shipping Lines,
05:04posibleng dahil ito sa napigtas na lashing o iyong bakal na tali na kumukontrol sa galaw ng karga ng Roro.
05:11Siguro yung lashing materials hindi kinayanan, baka mabigat yung truck, baka over capacity.
05:16So, hindi nila namataan yun, pumotok yung rolling materials.
05:20Nung gumano ng barko, nung nag-rolling siya, e sumaba yung truck na tumagilit.
05:26Kaya nung tumagilit yung truck, nagkaroon siya ng angel of law and dere-derecho na lumubok yung barko.
05:32That will be part of the investigation.
05:34Nagkita niyo rin po yung ganung Roro ngayon.
05:37We are not discounting any possibility.
05:39We focus on the search and rescue.
05:43Mas mahalaga siya ngayon ang buhay ng tao.
05:46Isa rin daw sa iniimbestigahan ng Coast Guard na dahilan ng paglubog ay ang squal o biglaang paglakas ng hangin na madalas ay may kasabay na bugso ng ulan.
05:56Itong area na po ito, itong sa may bukal-bukal at saka sa may Pilas Island, usually may squal po dito.
06:03Parang sa basko po, ito po yung biglaan na paglakas po ng hangin.
06:07We are also checking on that.
06:08Sa aerial inspection ng Philippine Coast Guard na aking sinamahan, nakita namin ang Balok-Balok Island kung saan malapit ang nangyaring paglubog ng Roro.
06:17Pero hindi namin ito natanaw.
06:19Hindi po natin nakita yung mismong Roro.
06:22Dahil total isang perch talaga nakalubok.
06:25Wala rin po tayong nakita palutang na debris.
06:28Ang nakita lang po namin dito ay yung tagas ng diesel.
06:31Sabi ng Coast Guard, naghanda na sila ng oil spill boom at oil dispersant.
06:43Pero sa ngayon, hindi naman dapat ikabahala ang tumagas sa dagat na manipis na langis.
06:48Oil sheen, yung napakanipis, yung parang nagpatak ka ng mantika sa tubig.
06:54Sa ngayon, wala pa po tayong dapat ikabahala.
06:58Normally, yung oil nasa surface lang.
07:06Emil, bukas ay sisisiri na po ng mga technical diver yung ilalim ng dagat ng Basilan
07:12para malaman kung meron bang naipit o natrap doon sa ilalim ng barko.
07:1776 meters yung tinatayang lalim ng dagat doon.
07:20Ang sabi pa ng Philippine Coast Guard, magpapadala na rin sila dito ng ROV o Remote Operated Vehicle
07:26para tumulong po sa pagkahanap doon sa ilalim ng dagat
07:29para po doon sa mga nawawala pa rin pasahero at sakay ng barko.
07:33Yan po ng latest mula nito sa Zamboanga City. Balik sa iyo, Emil.
07:36Maraming salamat, Jonathan Andal.
07:38Maraming salamat, Jonathan Andal.
Comments

Recommended