Skip to playerSkip to main content
Para tiyaking ligtas ang ruta ng Traslacion sa Biyernes, sinuyod ng MMDA ang mga kalsada sa Maynila na daraanan ng Andas ng Poong Jesus Nazareno.


Pinagsisita ang lahat ng sagabal, maski ‘yung mga nasa designated parking area pero wala umanong ticket.




24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Para tiaking ligtas ang ruta ng traslasyon sa Biernes, sinuyod ng MMDA,
00:07ang mga kalsada sa Maynila na daraanan ng Andas ng Puong Jesus Nazareno.
00:13Pinagsisita lahat ng sagabal, maski yung mga nasa designated parking area,
00:19pero wala umanong ticket. Nakatutok si Oscar Oida.
00:22Hindi biro ang siksigan sa mga kalsada sa palibot ng simbahan ng Quiapo tuwing Pista ng Jesus Nazareno.
00:33Nadelikado kung may mga nakaambalang sa dadaanan ng maladagat na daloy ng mga tao.
00:42Tulad noong 2006 nang bumigay ang mga takit na kahoy sa isang hukay sa Carlos Palanca Street
00:49kung saan may mga nahulog, nagkastampid at may namatay.
00:55Kaya ganun na lang ang pagsuyod ng mga MMDA Special Operations Group Strike Force
00:59sa mga sagabal lalo sa mga dadaanan ng Andas.
01:04Pero sa pagsita sa isang bangketa, nagmatigas pa ang isang barangay XO.
01:12Sa huli, wala rin siyang nagawa kundi sumunod.
01:16Kaya nga sinasabi sa inyo, alisin natin.
01:18Oo nga, ako na lang po mag-alis. Promise po sa inyo, sir.
01:20Bukas pagbalik ko, wala na.
01:22Okay po.
01:22Pero ito, pwede ngayon na.
01:24Yung sideguard?
01:25Yes, lahat.
01:25Itong motor akin niya, sir.
01:26Sige, pakialis na po. Bukas pagbalik ko, pag andyan yan, ako mag-aalis.
01:30Sige po, sir.
01:30Usapan maayos yan, ha.
01:32Bukod sa delikado, makababagal din sa daloy ng traslasyon at andar ng andas ang mga sagabal.
01:39Ngayon pa lang, sinampulan, tinikitan at hinatak ang mga alanganin na kaparada sa Carlos Palanca, Quezon Boulevard, pati na sa Arlegui Street.
01:52Mapakotse man, motorsiklo o toktok.
01:55We're expecting millions or even hundreds of thousands of people who will be participating on.
02:01It's very important na as early as now, i-clear na po natin sila.
02:04Bukod pa sa mga lumalahok sa traslasyon, ang mga nag-aabang lang sa pagdaan ng andas sa bangketa.
02:12Kaya sinita ang mga tindahang lumagpas na ang pagnenegosyo sa dapat sanay daanan ng mga tao at mga carwash na mismong sa bangketa naguhugas.
02:22May ibang nakiusap pa sa MMDA.
02:25Makahul pa pwede na mapagbigyan lang.
02:28Esensya na po, kung pinabigyan natin, lahat na lang po ng humingi ng konsiderasyon, pagbibigyan natin lagi.
02:33Sa Plaza del Carmen, sa harap mismo ng San Sebastian Church, kung saan ginaganap ang pagdungaw,
02:40mas maraming pang illegally parked na sasakyan ang naabutan at nahatak.
02:45Kung tutuusin, designated parking ang lugar.
02:49Pero...
02:50May mga sasakyan na inabutan po natin na wala naman pong parking ticket.
02:54So ibig sabihin po niyan, pumarada po sila illegally.
02:57Simula bukas, suspendido muna ang pagpapaintulot na magparada sa mga designated parking area sa mga lugar na dadaanan ng traslasyon.
03:08Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended