- 2 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Ang mega oil price hike ngayong linggo, posible pang masundan ng malakihang taas-presyo sa susunod na linggo!
Wala pang pinal na halaga pero ayon sa oil industry sources, posibleng hanggang P15/L sa diesel, P12/L sa gas at P6/L sa kerosene.
Pati ang pamasahe, sigurado nang tataas ayon sa Department of Transportation, pero hindi pa tiyak kung magkano sa ngayon.
Sa gitna ng 'di karaniwang pabago-bagong presyo ng petrolyo, sinertipikahan ni Pres. Bongbong Marcos bilang 'URGENT' ang panukalang batas sa Kamara para sa pansamantalang pagbawas o pagsuspinde sa excise tax sa mga produktong petrolyo.
May P5,000 ayuda rin para sa mga kwalipikadong tricycle driver sa Metro Manila na ipamimigay simula sa Martes. Plano na ring isunod ang sa iba pang driver ng public transport.
Panuorin ang kabuuang report.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Wala pang pinal na halaga pero ayon sa oil industry sources, posibleng hanggang P15/L sa diesel, P12/L sa gas at P6/L sa kerosene.
Pati ang pamasahe, sigurado nang tataas ayon sa Department of Transportation, pero hindi pa tiyak kung magkano sa ngayon.
Sa gitna ng 'di karaniwang pabago-bagong presyo ng petrolyo, sinertipikahan ni Pres. Bongbong Marcos bilang 'URGENT' ang panukalang batas sa Kamara para sa pansamantalang pagbawas o pagsuspinde sa excise tax sa mga produktong petrolyo.
May P5,000 ayuda rin para sa mga kwalipikadong tricycle driver sa Metro Manila na ipamimigay simula sa Martes. Plano na ring isunod ang sa iba pang driver ng public transport.
Panuorin ang kabuuang report.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Konting paghihigpit pa ng Sinturon dahil sigurado ng tataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo
00:08ayon po yan sa Department of Energy.
00:11Sa pagtaya ng oil industry sources, hanggang 15 pesos ang taas sa kada litro ng diesel, hanggang 12 pesos sa
00:20gas at 6 pesos naman sa kerosene.
00:23Nakatutok si Maki Pulido.
00:52Maki Pulido.
00:54Sa presyo ng bentahan ng langis sa global market sa nakalipas na dalawang araw, maaaring tumaas ng 10 to 12
01:01pesos ang kada litro ng gas, 13 to 15 pesos sa diesel at 6 pesos sa kerosene.
01:07Maaari pa itong magbago depende sa presyo ng bentahan sa mga susunod na araw.
01:12Inutay-utay ang taas presyo ngayong linggo depende sa schedule ng pupuntahan mong gasolinahan.
01:17Ang Shell at Petron, hinati ito sa tatlong araw at ngayong Huwebes ang last tranche.
01:23Pakiusap ng Department of Energy, huwag magpanik baying.
01:27Meron po tayong sufficient supply.
01:29Ang presyo lang po talaga yung issue dito.
01:33Which is malaki po na problema yun yung presyo.
01:35Pero sa gasolinahan ito sa Quezon City, wala na raw patid ang dating ng mga nagpapagas.
01:41Hindi na po ito normal kasi po nung nakakaraan, isa-isa lang po yung dating.
01:45Ngayon po, bultuan po, marami po sila.
01:47Pinabol po namin yung pagtaas uli ng presyo, kaya ngayon pa lang po, nagkakariga na po kami ng gas.
01:52Para makatipid naman po kahit pa paano.
01:54Pero ang iba...
01:55Sunod sa agos na lang. Wala man kami budget para mag-imbak ng mag-imbak.
02:00Kaya kung ano lang yung presyo, yun na lang ma'am.
02:03Tumaas man ang presyo ng LPG.
02:05Sa halip na magmahal ang presyo ng pagkain sa karindirya ni Jenny, binawasan na lang ang takal.
02:10Pero napansin niyang mula nang tumaas ang presyo ng gasolina, nabawasan ang mga customer sa kanilang karindirya.
02:17Kumukonti ang customer namin ma'am ngayon.
02:20Nagtitipid din sila.
02:21Kasi alam nila yung parating na pagtaas ng mga presyo eh.
02:24So kailangan din iisipin din nila parang pandemic, kailangan nila magtipid.
02:28Aminado ang Department of Energy, hindi nila mababantayan kung sobra ang taas presyo ng mga gasolinahan.
02:34Dahil nasa 14,000 ang bilang nito sa buong bansa.
02:37Kaya magsumbong daw sa kanilang website.
02:40May mga lokal na pamahalaan ng nag-iikot na mga gasolinahan.
02:44Kasama sa inspeksyon ni Manila Mayor Isco Moreno ang kalibrasyon.
02:48Para matiyak na awasto ang ibinubog ang gas ng pump.
02:51Nag-ikot na rin ang LGU ng San Juan City para matiyak na walang overpricing.
02:56We make sure that businesses, particularly gas station industry in the city of Manila is in order.
03:06Because there are laws also that requires them to be measured yung kanilang mga metro.
03:13Kung tama ba.
03:17And yung prices are within the allowable increase as per DOE.
03:25We can revoke their business permit immediately.
03:28Bibigyan natin sila ng show post order.
03:30Makita nga ko natin na nagbenta sila ng fuel beyond the allowed range of the Department of Energy.
03:35We can, again, revoke their business permit.
03:39Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido nakatutok 24 oras.
03:44Si Nerti Pikahana bilang urgent ni Pangulong Bombong Marcos ang panukalang batas sa Kamara para sa pansamantalang pagbawas o pagsuspindi
03:52sa excise tax sa mga produktong petrolyo.
03:54Sa liham kay House Speaker Faustino Dean, sinabi ng Pangulo na kailangan ng House Bill 8418 para agad makaresponde ang
04:02pamahalaan sa hindi pangkaraniwang pagbabago-bago ng presyo ng gasolina.
04:06Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng Pangulo ng hinihingi niyang emergency powers para suspindihin o bawasan ang excise tax sa
04:13langis tuwing may national o global economic emergency para makabawas sa presyo nito.
04:19Dahil sertifikado na bilang urgent ng Pangulo, mapapabilisang pag-aproba sa panukala.
04:25Na-aproba nito kahapon sa second reading at maaari na ito ngayong isa lang sa lunes.
04:29Para sa third and final reading, hinihintay na rin ang versyon ng Senado sa kaparehong panukala.
04:36Sisimula ng ipamahagi sa Martes ang 5,000 pisong ayuda mula sa DSWD para sa mga kwalipikanong tricycle driver sa
04:45Metro Manila.
04:46Pinag-aaralan pa ang pamahagi niyan sa iba pang lugar sa bansa maging sa ibang PUV at TNVS drivers.
04:54Nakatutog si Dano Tingkongko.
05:00Mula ng sumipa ang presyo ng mga produktong petrolyo, 300 pesos na lang daw ang nauuwi ngayon ni Jaime sa
05:07kanyang pagpasada ng tricycle.
05:08Ang iba na pupunta sa pambayad sa gasolina at ine-entregang boundary.
05:12Kaya malaking bagay daw sa mga tulad niya ang 5,000 pisong ayuda mula DSWD na ipamahagi sa tulad niya.
05:19Anong ginagawa mo ngayon para makakain naman?
05:23Tipid-tipid lang.
05:24Pagdagdag sa gasolina tapos pang-dagdag sa pang-budget sa bahay.
05:31Si Osalito naman, 15 taon nang namamasada ng tricycle.
05:34Dahil nagmahal ang gasolina, dumoble raw ang kain ng gasolina sa kinikita niya.
05:38Yung gas ko eh, 200 lang po isang araw.
05:42Okay, ngayon nasa gano'n?
05:44Pero ngayon po, nasa 400 na yung gas ko eh.
05:46So mga na nauuwi mo na ngayon?
05:48Nasa 400, 300 na lang po.
05:51Binabudget na lang namin.
05:53Hindi na po kami nag-almusal.
05:55Parang ganun, parang ano na lang, tangalian na lang, nasabunan.
06:00Kahit si Osalito, hindi sigurado kung kasha ang 5,000 pisong ayuda.
06:04Pero okay na rin may biyaya kesa wala.
06:06Tulong na rin po yun. Paon po ang anak namin, pang kain din namin, pang bilhin ng pangailangan sa bahay.
06:15Panggas din namin po yung iba.
06:17Pero kung yun lang po ang kaya, wala tayong magagawa.
06:21Tatanggapin na lang po.
06:22Baba natin na lang po para matagawid namin yung pamilya namin.
06:28Ang iba ko nakausap na tricycle driver, tila nabunutan daw ng tinik ngayong may matatanggap silang tulong.
06:33Kasi mahirap kayo ng biyahe. Salamat kami kung bigyan naman kami ng 5,000, dagdag gasolina.
06:40We have to recognize that just because of the increasing price of the oil, may incapacite ang tao to provide
06:47for their daily needs.
06:49At ito naman po talaga, ang tugon ng AICs po talaga natin is may ensure natin as part of our
06:55program component
06:57na ang isang tao ay hindi nahihirapan doon sa kakayanan niya pong itawid ng kanyang pang-araw-araw na pangangailangan.
07:03Simula sa Martes, March 17, mamamahagi na ang DSWD ng 5,000 pisong ayuda sa tinatayang 139,000 na kwalipikadong
07:12tricycle driver sa Metro Manila.
07:14At para mabilis maayos ang master list ng mga kwalipikado, kukunin ang DSWD ang listahan sa mga LGU.
07:21Saka ito ay che-check at i-verify mula ngayon hanggang lunes.
07:25Actually, we simplified everything. We entrust the LGU that they know their indicators of selection of their beneficiaries.
07:31As long na nag-drive sila at they are recognized tricycle drivers, salapoy kasama sa listahan as verified, assessed, and
07:40endorsed po ng ating pong lokal na pamalan.
07:43Sa true pair, kailangan lang ng certification mula sa local social welfare office at valid driver's license.
07:48At ang pera, kailangan personal na kunin ng driver.
07:52Hindi po kami magbibigay ng kabuoang amount sa isang prangkisa o sa isang operators.
07:57Hindihingan ng driver's license kasi ang target namin, individual po ang pagbibigay.
08:02Sa schedule ng DSWD, simula la 6 ng umaga sa Martes, isasagawa ang pamamahagi ng ayuda sa 39 sites na
08:08itatalaga ng LGU.
08:10Basta kami, makita po namin ang required information namin at meron po silang valid driver's license during that time na
08:20na-determine sila as beneficiary.
08:22At na-deduct namin at nakita namin na wala siyang kaparehas na pangalan at sumiput po siya during our payout.
08:28So, kami po ay magbibigay.
08:31Pinagaaralan pa sa ngayon kung paano ay pamamahagi ang ayuda sa iba mga LGU sa buong bansa.
08:36Pinagaaralan din ang pamamahagi ng ayuda sa mga jeepney driver at mga chuper ng TNBS, taxi, motorcycle taxi at delivery
08:44riders.
08:45Para sa GMA Integrated News, danutin kong nakatutok 24 oras.
08:49Tiyak na raw na tataas ang pamasahe sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
08:57Pero hindi pa masabi ng Department of Transportation kung magkano.
09:02Sa ngayon ng mga petisyon para sa dagdagpasahe, pinagaaralan pa ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board.
09:11Nakatutoklan si Marius.
09:13Marius.
09:13Marius.
09:17Mel, ngayon nga nga iniinda ng mga chuperang sunod-sunod na dagdag singil sa produktong petrolyo.
09:23Gaya ng sinabi mo, pinagaaralan ng LTFRB kung magkano ang nararapat na dagdag naman sa singil sa pamasahe.
09:33Pahirapan pero tuloy raw ang pahumasada ng GP driver na si Ray Escanilla.
09:38Sa halos 30 pesos daw na nadagdag na sa presyo ng diesel ngayong linggo,
09:42300 piso na raw ang nawawala sa arawan niyang kita.
09:45Kaya magandang balita raw sana kung may patupad na ang ipinangako ng Department of Transportation na dagdag singil sa pamasahe.
09:52Sana, aprobahan na nila yung pagtaas ng pasahe kahit pansamantala lang.
09:57Ayon sa Department of Transportation, patuloy pang pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB
10:05ang mga petisyon para sa dagdag pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
10:08Marami pa raw kasing kailangang isaalang-alang.
10:11Di-submitted a recommendation po sa DOS.
10:13Binalik po po yesterday.
10:14We have to re-compute your numbers.
10:16We have to re-crunch your numbers.
10:18Mukhang hindi tutukman.
10:19So that's po na.
10:21Pwede sabi naman ni Chairman Vigor, matatapos na mga individual.
10:24Sa isang pahayag sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez,
10:27na kailangang timbangin ang posibleng epekto ng anumang fair hike
10:30sa pagtaas ng inflation at presyo ng mga bilihin sa buong bansa.
10:34Pero hindi rin naman daw maaaring isantabi ang kalagayan ng mga driver at operator.
10:39Kaya ang sigurado sa ngayon, ayon sa DOTR, magkakaroon ng dagdag singil sa pamasahe.
10:44Kung transport groups ang tatanungin, magkano nga ba ang tamang halagang maidadagdag sa pamasahe?
10:49Siguro sapat na yung dalawang piso na idadagdag para nang sa ganon ay malaking tulong na rin sa ating mga
10:57chuper.
10:58Kung titignan po natin, limos po ito e.
11:01Di ba?
11:02Kung i-co-compute natin yung pagtaas,
11:07saagin increase ito, ma-risk.
11:09Kung titignan natin, biglaan e.
11:11Alam nyo po, ito yung halos break-even lamang ito.
11:15Doon sa itinas po ng petrolyo ngayon sa ating mga producing petrolyo product natin.
11:21Yung dalawang piso na pag-uusapan, ito dapat ko talaga ibigayin sa amin yan.
11:26Pero pasakit daw ito sa mga estudyanting commuter.
11:29Apat na bayay po ko minsan.
11:31Papasok po dalawa, tapos dalawari po pa.
11:34Siyempre 11 pesos po, isang sakay.
11:37Then, kapag tumaas po, mas magastos po yung pamasahe ko kaysa sa pagkain po.
11:43Mababawas po yung siyempre sa budget po namin sa baon namin,
11:46sa mga materials po para sa school, ganon, mga projects.
11:51Meron namang tanggap at naiintindihan ng nakaambang taas pasahe.
11:55Wala naman tayong magagawa eh kasi kawawa din yung mga driver.
11:59Adyas, doblihin natin yung effort para magtrabaho.
12:07Mel, sa susunod na linggo ay naasaha maglalabas na ang LTF-RB ng panibagong rekomendasyon
12:12kaugnay nga sa petisyon sa dagdag pasahe.
12:15Mel?
12:15Maraming salamat sa iyo, Mari Zumali.
12:19Kanikan niyang isip muna ng diskarte ang mga chuper ng jeep
12:22para mapagkasya ang anilay kulang na kulang ng kita ngayon sa pangamasada.
12:26Mula po sa Mandalayong City.
12:28Nakatutok live.
12:29Oskaroida.
12:31Oskar.
12:34Yes, Emil, sa buong maghapon nga ay panaydaing na mga chuper na hirap na hirap na umuno
12:40sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel ang napakinggan natin.
12:44Ang ilan nga sa kanila tila suku na sa pamamasada.
12:52Kung dati-dati pilit na lang pinagkakasya ng jeepin driver na si Jerry ang kinikita sa araw-araw
12:58na yung sumipa na naman ang gusto ang presyo ng krudo,
13:02di na ron niya malaman kung paano pa sasapat.
13:05Ang dati kulang na kulang na.
13:07Hindi na ako bubibili kung kahit na nga pang ilalim to,
13:13hindi na ako nakakabili.
13:15E maski nga araw-gabi, ginagawa na niyang araw, madagdagan lang ng kaunti ang kinikita.
13:21Nag-umpisa ako ano e, alas 5, alas 6.
13:26Tatapos ako nang misan, 11, 11.30, alas 12.
13:32Misan, inaabot ako ng mga hanggang alas 12 ng gabi para makumpleto.
13:39Ang pinangangambahan daw niya kasi pag nagkataon,
13:43baka mapilitan siyang pahintuin muna sa pag-aaral ang bunsong anak na grade 9.
13:48Yun na nga iniisip ko e, sana gusto ko na nga ituloy-tuloy yung pag-aaral niya para makatapos siya.
13:56Ang isa pang jeep ni driver na si Elmer,
13:59nagbabalak na lang munang iuwi ang pamilya sa Cagayan de Oro.
14:03Kung magtuloy-tuloy ganito ng prisyon kasi tataas pa rin ng tataas,
14:07mabuti pa, mag-construction na lang muna kami.
14:09Kasi hindi namin kakayanin sa taas ng prisyon ng diesel.
14:14Iuwi ko muna sa probinsya yung umupamilya ko.
14:16Dahil kahit pa paano, hindi kami umuupan ng bahay.
14:19E dito, obligado ka dito e, buwan-buwan, umuupan ka.
14:23E magkanong upahan dito?
14:25Apat na libon pinakamababa, squatter ka pa.
14:29Saan mang terminal ng jeep ka mapunta, di na lalayo ang usapan.
14:34Sa may malolos bulakan pa nga, marami sa mga jeep nakapirmi na lang sa terminal.
14:40Umaasa sa pila ng mga pasahero.
14:43Halos ganito rin ang sitwasyon sa isang terminal ng jeep na sinadya namin kanina sa Mandaluyong.
14:49Nakakahinayang daw kasi ang gasolinang mawawala kung mag-iikot-ikot pa sila sa daan.
14:53Kaya ang nakikitang solusyon lang umano ng karamihan, itaas na ang pamasahe.
15:00Kasi po yung subsidy yan, ala po sa linggo, bus yan e.
15:05Kaya po mas gusto nila yung long na ano e, yung pagtaspasahean po.
15:10Medyo mahina ang kita ngayon.
15:12Talagang pagka man gagaling ka ng agunoy, katakbo ka ng mga sakay.
15:17Dito ka pala magkakasakay.
15:19Medyo malaking tagit kami.
15:22Kaya minsan napipili ito na ako umuwi.
15:26Bagay na pinakapinangangambahan naman ng mga pasahero, lalo't di naman daw tumataas ang sweldo.
15:33Mga sweldo ng mga tao, mababa lang, tapos mataas yung mga bilingin.
15:39Ang hirap naman sa mga tao.
15:41Hirit pa nga ng senior citizen na si Romel.
15:44Pwede maglakad kung kayang lakarin.
15:48Sana gawa ng pamahalaan, ng paraan.
15:51Pwede yun, alisin na yung excite tax muna e, kahit pansamantala lang.
15:59Emil, ang sentimiento ng mga chuper sa tuwing siya isirit ang presyo ng krudo,
16:06mabilis pa sa las 4, damang-dama daw nila agad.
16:09Ang bigat ng epekto nito.
16:11Sana raw, maging ganun din kabilis ang matanggap nilang tulong at assistance mula sa pamahalaan.
16:18Emil?
16:18Maraming salamat, Oscar Oida.
16:22Matumal o mano ang dating ng mga turista at mamimili sa La Trinidad Benguet,
16:26kahit na dapat ay dagsa ngayong Strawberry Festival.
16:30Mahal na langis pa rin ang sinisisi ng ilan,
16:32lalot malapit ng tumuntong sa isang daan piso kada litro ang presyo ng diesel sa ilang gasilinahan doon.
16:39Nakatutok si Ian Cruz.
16:43March 4 hanggang April 1 ang Strawberry Festival sa La Trinidad Benguet
16:48at karaniwan ay dagsa rito ang mga turista.
16:51Pero sa mga strawberry fields,
16:53ramdam daw ang tumal ng turista ay sa mga nagtatrabaho roon.
16:58Ang karaniwang napupunong parking area, marami pang bakante sa ngayon.
17:02Ang mga guide para sa strawberry pickers,
17:04maswerte na kung makaisang parokyano na dati-dati
17:07bago magtanghali ay nakakatatlo sila.
17:10Wala ganong customer na pumunta dahil mahal daw ang pamasahi
17:14at ang gasolina ay mahal.
17:16Ang mga strawberry noon,
17:18nauubos agad ng mga turistang namimitas.
17:21Pero ngayon, kakaunti ang strawberry pickers at mamimili.
17:24Talagang matumal.
17:26Pati bentahan sir, hindi kami makabenta.
17:28Kaya ang ibang strawberry namin,
17:29dinadala na lang sa yung namimili sa palengke.
17:33O pero mababa din ang presyo.
17:35O medyo konti po ang tao ngayon, matumal.
17:39Kasi siyempre, mahal na ang gasolina, magta-travel malayo.
17:44Napansin nyo walang gano'ng pumapani?
17:45Oo, ngayon nga eh, wala.
17:47Hindi pa masabi ng pamahalang panlaluwigan
17:49kung ilang porsyento ang nawalang turista
17:51dahil sa oil price hike.
17:53Pero makikita naman daw ito
17:55sa kakaunting sasakyan sa La Trinidad
17:57na sentro ng Benguet.
17:59Kita ang manipis na sasakyan
18:00sa kuha ng drone sa main road ng La Trinidad.
18:03Sa tourism, siguradong tatamaan yan
18:06kasi siyempre, isa-isa't ang nag-ano yan,
18:09sa taas ng fuel.
18:11Lahat naman affected yan eh.
18:12So, titignan natin ito kasi ngayon
18:15nasa strawberry festival tayo ng La Trinidad.
18:17Magkita ko yung mga kalsada natin,
18:19hindi ganun karami yung sasakyan.
18:21Sa ngayon, ilang sentimo na lang,
18:24100 pesos na ang kada litro ng diesel
18:26sa isang gasolinahan sa La Trinidad.
18:28Masyadong naapektuhan na rin kami
18:30kaya pati yung mga services namin sa trabaho
18:34kailangan din sana mag-increase
18:36pero hindi eh.
18:37Kaya ganyan pa rin,
18:39kailangan tsagahin.
18:40Hopefully, bumaba.
18:41May mga gasolinahan sa La Trinidad
18:43na nasa 87 hanggang 89 pesos
18:46ang kada litro ng diesel.
18:48Pero si Raynan,
18:49nagpakaraga sa gasolinahan
18:50na sa 99 pesos per liter
18:52ang bentahan.
18:54Pidyan malayo na yun sa akin.
18:55Dito lang ako.
18:56Patuloy ang monitoring ng LGU
18:58katawang ang mga pulis at DTI
19:00para matiyak na walang nagsasamantala
19:02sa nagpapatuloy na pagtaas
19:04ng presyo ng langis.
19:05Umaasa ang mga nagkatrabaho
19:06sa mga pasyalan
19:07na may mga darating pang turista
19:09ngayong weekend
19:10para kahit paano'y makabawi sila.
19:13Para sa GMA Integrated News,
19:14Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
Comments