00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Tila mas naging maayos ang daloy ng mga sasakyan at motorcyclo
00:09sa Commonwealth Avenue sa Quezon City
00:12kumpara sa dating karaniwang buhol-buhol na trapiko.
00:15Sa gitna yan ang ikalawang araw na pagpapatupad ng
00:18no-contact apprehension policy
00:20kung saan kabilang sa paglabag ang hindi tamang pag-alis
00:23sa itinakdang linya sa kalsada.
00:25Pero pansin ng ilang rider tila natagalan sila sa biyahe
00:29dahil nagkukumpulan umano ang mga motorsiklo sa iisang linya.
00:34Nakatutok si Joseph Moro.
00:40Sa Commonwealth Avenue, Quezon City,
00:42kung saan karaniwang labo-labo ang mga sasakyan,
00:47biglang tila naging masunurin ang mga motorista.
00:50Ang mga motorsiklo walang lumalabas sa kanilang linya.
00:53Ikalawang araw ngayon ng no-contact apprehension policy o NCAP
00:57na ipinatutupad ng MMDA sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
01:02Sa ilalim ng NCAP, CCTV camera ang panghuli tulad ng camera na ito
01:07na naka-install sa Commonwealth.
01:08Sa talas nito, walang lusot ang mga pasaway.
01:12Ayon sa mga rider, okay lamang na may NCAP pero yun nga lamang...
01:15Kung mga angahas na lumabas sa linya at makukuna ng CCTV,
01:211,000 pesos ang multa sa first offense dahil disregarding traffic sign ito.
01:27Dagdag isang daang piso kung nakatsinelas at 1,500 pesos kung walang helmet.
01:46Kung sisilong sa mga underpass obstruction itong maituturing na may multang isang libong piso rin,
01:59meron din mga pribadong sasakyan na pumapasok sa motorcycle.
02:05Kung sisilong sa mga underpass obstruction itong maituturing na may multang isang libong piso rin,
02:12meron din mga pribadong sasakyan na pumapasok sa motorcycle lane.
02:16Sabi ni MMDA chairman Romando Artes, okay lamang tumapak ng bahagya
02:20kung halimbawa ay tatawid sa U-turn pero bawal na magbabad.
02:25Isang libong piso rin ang multa para rito.
02:28Umaas ang MMDA na makatutulong sa pagbawas ng trapiko ang NCAP lalo pa
02:33na sumusunod na sa kanika nilang lane ang mga motorista.
02:37Kahapon, nasa mahigit 800 ang nahuling violator ng NCAP
02:41kumpara sa average na 3,000 huli nung hindi pa ito ipinatutupad.
02:46Hanggang kaninang alas 12 ng tanghali, nasa mahigit 300 ang nakunan ng CCTV.
02:51Nagbabala naman ang MMDA laban sa isang monong link kung saan pwede mong malaman kung may violation ka.
02:58Sa susunod na linggo, ilulunsa ng MMDA ang text alert at website
03:02para mas mabilis na maabisuhan ang mga motorista ng kanilang mga paglabag
03:06pero hanggat wala ang mga ito ay padadala sa pamamagitan ng field post ang notice of violation.
03:12Kung gustong i-contest ang huli, pwede gawin ito sa pamamagitan ng QR code at hindi na kailangan pumunta sa MMDA.
03:20Pwede rin nilang hingin yung actual CCTV footage ng violation.
03:25So the resolution of the contest can happen online? Pwede tayo mag-back and forth?
03:31Yes, online lahat.
03:33Pwede magbayad sa banko o personal sa MMDA pero inaayos na rin na pwede magbayad sa mga mobile wallets.
03:40Nagain naman ang party list group na one rider party list ng resolusyon sa kamera
03:44para pansamantala munang ipagpaliban ang pagpapatupad ng NCAP.
03:49Gusto nitong usisain ang NCAP at investigahan ang kahandaan ng MMDA na iputupad ito.
03:54Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments