Skip to playerSkip to main content
Unti-unting tumatambad ang epekto ng Bagyong #TinoPH. Sa pinakahuling tala, 19 ang napaulat na nasawi at vine-verify kung dahil sa epekto ng bagyo. Umabot naman sa 1,400 ang mga stranded sa mga pantalan dahil hindi makapaglayag ang mga sasakyang pandagat. Siniguro naman ng Palasyo na tinutulungan na ang mga apektado.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At mga kapuso, unti-unti pong tumatambad ang efekto ng bagyong tino.
00:05Sa pinakauling tala, labing siyam ang napaulat na nasawi at bine-verify kung dahil sa efekto ng bagyo.
00:11Umabot naman sa sanlibot apataraan ng mga stranded sa mga pantalan dahil hindi makapaglayag ang mga sasakyang pandagat.
00:19Siniguro naman ang palasyo na tinutulungan na ang mga apektado.
00:22Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:24Oras ang hinahabot para hindi na lumala ang efekto ng bagyong tino sa bansa.
00:32Kabilang napaulat na nasawi, naubabot na sa labing siyam, bagamat bine-verify ka pa kung dulot ng bagyo.
00:39Nangangala pa ng dagdag na impormasyon ng Office of Civil Defense, lalot may mga lugar na hindi pa naabot dahil sa nagpapaturi ng ulan at hangin at mga pagbaha.
00:47Pero may gitsanlibot pitong daan tauhan ito ang nakatutok na sa clearing operations.
00:52Kailangan ding alalaya ng 1,400 stranded sa mga pantalan habang bawal pang maglayag at ayusin ang supply ng kuryente.
00:59Ngayong 8 electric cooperative ang may total power outage at 15 ang may partial outage.
01:06Ayos sa palasyo ay niutosan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtutok ng pamahalaan sa mga efektong ito.
01:11Tutungo rin ang ilang miyembro ng gabinete sa mga pinaka-apektadong probinsya upang personal na alamin ang kalagayan at tiyaking na ibabalik agad ang mga pangunahing serbisyo.
01:23Tinitiyak ng pamahalaan ang patuloy na pagkilos upang mapabilis ang pagbangon ng ating mga kababayan.
01:29Kabilang sa mga napuruhan ng Cebu na hindi pa nakakabangon sa 6.9 magnitude na lindol nitong September 30,
01:36kabilang sa halos 400,000 maagang pinalikas roon ay ang mga nawalan ng tahanan dahil sa pagyanig.
01:42Some of those who are at the tent cities, yun kasi kailangan i-dismantle ang tent city kasi that will not withstand itong malakas na bagyong dadaan.
01:52So they were transferred to more sturdy evacuation centers, some to modular shelter units.
01:58Mahigit 2 milyong family food packs na ay pamahagi ng DSWD habang dumarami ang mga nasa evacuation center.
02:05Bukod sa mga food packs, sleeping at hygiene kits, partikular na tinututukan ang kapakanan ng mga vulnerable sector tulad ng nakatatanda, mga kababaihan at mga bata.
02:15Isa po sa tinitignan natin ay dapat meron pong functional water and sanitation health facilities.
02:21Meron din pong mga alternative learning activities or learning modalities para po sa mga kabataan at sa mga mag-aaral natin ng mga internally displaced persons.
02:36Inaasahan magdedeklara ng state of calamity sa ilang lungsod, bayan o probinsya para magamit ang kanilang mga calamity fund.
02:42Ang quick response fund naman ng DSWD na uno ng pinadagdagan ng Pangulo kasunod ang sunod-sunod na kalamidad.
02:50Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended