Skip to playerSkip to main content
Sabay-sabay na tataas ang pamasahe sa jeepney, bus, airport taxi at TNVS na epekto pa rin ng walang prenong pagmahal ng krudo.


Pero sa Huwebes pa ‘yan mga Kapuso, kaya isumbong ang mga maniningil ngayon pa lamang o ‘yung maniningil ng walang paskil na taripa.


At tila walang bakasyon sa mga kalbaryo dahil pati pamasahe sa eroplano ay tataas sa April 1 kung kailan Semana Santa at inaasahang tag-init na.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Sabay-sabay natataas ang pamasahe sa jeepney, sa bus, airport, taxi at PNVS.
00:12Na epekto pa rin ng walang prenong pagmahal ng krudo.
00:15Pero sa Huwebes pa yan, mga kapuso, kaya isumbong ang mga maniningil ngayong palamang
00:20o yung maniningil ng walang paskil na taripa.
00:24At tila walang bakasyon sa mga kalbaryo dahil pati pamasahe sa aeroplano
00:28ay tataas sa April 1 kung kailan Semana Santa at inaasahang tag-init na.
00:33Nakatutok live si Joseph Moro.
00:36Joseph.
00:40Mel, Vicky, Emil, ito na yung epekto ng krisis sa gitnang silangan dito sa atin.
00:45Yung mga pamasahe nga ng halos lahat na mga pampasaherong sasakyan.
00:49Magtataas yan simula sa Huwebes, yan ay mula sa mga jeep hanggang sa mga TNVS.
00:57Sa Huwebes pa ang dagdag singil sa mga masahe pero pahirapan na ng pagkuhan ng pasajero
01:02ang mga modern jeepneys na Litex Road sa Commonwealth, Quezon City.
01:06Dalawang piso ang dagdag pamasahe sa unang apat na kilometro at 20 centimos kada kilometrong biyahe.
01:12Malaking pulong din po yun. Boss din po pasajero. Ibalik natin yung kalabaw. Yung mga sa inauna, diba?
01:18Piso naman ang dagdag sa minimum fare ng tradisyonal na jeepney at 20 centimos din sa kada kilometrong dagdag.
01:25Dasal ni Mang Dodo, mapunan nito ang nawala nilang kita dahil sa diesel price hike na mayigit 40 pesos na
01:31sa loob ng dalawang linggo.
01:33Kung maabot talaga ito ng buwan, wala na talagang magawa.
01:35Bipitaw na?
01:36Oo, bibitaw na.
01:37Bumabot na ito ng mga kahit 120, wala na. Wala na talagang kikitain. Talagang gutom na.
01:45Pero ang tatlong driver ng operator na si Mang Alex tumigil na sa pamamasada dahil sa mahal ng diesel.
01:51Diadawin nila kayang mag-boundary. Taas na ng gas.
01:54Yung piso, ba dadagdaga kayo ng piso?
01:56Walang kwenta yun.
01:57Dalawang piso naman ang dagdag sa minimum fare sa ordinary bus at tatlong piso kong aircon.
02:03Kung hindi yan itinaas, magbabawas na sana ng mga bus ang isang operator sa Metro Manila.
02:08We will see to it if the binigay ng LTFRB sa amin is enough for the increase.
02:15Pero kung dadagdag, maaaring we're planning to pile again an increase.
02:2015% naman ang dagdag sa dating singil ng mga P2P bus na nakadepende sa kanilang ruta.
02:26Nauna nang inanunsyo ang sa mga provincial bus na pisong dagdag sa unang limang kilometro kung ordinary.
02:32May dagdag din sa mga susunod na kilometro, ordinary man o aircon.
02:36Ang malaki ay sa mga airport taxi.
02:39P40 pesos ang dagdag sa unang limang daang metro at may hiwalay pang dagdag sa kada tatlong daang metro at
02:45kada dalawang minutong biyahe.
02:47Sa mga Transport Network Vehicle Service o TNVS naman,
02:51bukod sa dagdag P20 peso sa dati ng base fare, ay magkakaroon na ng P15 pesos na pick-up fare.
02:57Ang hindi na lamang nagtataas ng kanilang pamasahe, yung mga motorcycle taxi, mga regular na taxi at mga UV express.
03:05Pero hindi ibig sabihin na ligtas na sila sa dagdag singil sa pamasahe dahil meron na silang petisyon na nakabinbin
03:11sa LTFRB para humingi ng dagdag sa pamasahe.
03:15We'll decide on this rule next week. We will look into the possibility kung justified ang provisional increase.
03:27Kailangan magpa-scale ng fare matrix o taripa ang mga pampublikong sasakyan bago sila makasingil ng dagdag pasahe simula Huwebes.
03:35Posible yung bumaba kung huhu pa ang tensyon sa Middle East.
03:53Sa mga mag-aeroplano naman, lalo na ngayong Semana Santa, tataas din ang pamasahe.
03:59Mula sa kasalukuyang Level 4 ay magiging Level 8 ang fuel surcharge para sa mga biyahe mula April 1 hanggang
04:0515.
04:06Ibig sabihin ang fuel surcharge na nasa flight tickets ay magiging mahigit P250 hanggang halos P800 para sa mga domestic
04:15flight.
04:16Mahigit P800 hanggang mahigit P6,000 naman sa international flight.
04:21Pinaikli naman ang Civil Aeronautics Board o CAB ang panahon ng pagre-review ng mga fuel surcharge.
04:27Mula isang buwan hanggang 15 days na lang upang mas mabilis na ma-adjust ang pamasahe kapag nagbago ang presyo
04:35ng jet fuel.
04:40Vicky, paalaala ng LTFRB bago makapaningil yung ating mga driver ha, sa ating mga motorista, mga pasahero, dapat nakapaskil.
04:48Yung taripa o yung fairmate, kiriksakanin ka nilang mga sasakyan.
04:51Meron pa rin namang discount yung ating mga estudyante, senior citizen at PWD.
04:56Kaya kapit sa webes, Vicky.
04:59Kapit na nga. Maraming salamat sa iyo, Joseph Morong.
05:01Kaya kapit na nga. Maraming salamat sa iyo.
Comments

Recommended