Skip to playerSkip to main content
Daan-daang tricycle driver ang hindi pa rin nakatanggap ng ayuda ngayong ikalawang araw ng pamamahagi nito dahil wala umano sila sa listahan.


May ilang nangangamba ring baka kulangin ang P5,000 kung magtutuloy-tuloy ang krisis, bagay na ikokonsulta na raw ng DSWD.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Daan-daang tricycle driver ang hindi pa rin nakatanggap ng ayuda ngayong ikalawang araw ng pamamahagi nito dahil wala umano
00:07sila sa listahan.
00:08May ilang nangangambaring baka kulangin ang 5,000 piso kung magtutuloy-tuloy ang krisis.
00:15Bagay na, ikokonsulta na raw ng DSWD.
00:18Nakatutok si Ian Cruz.
00:23Mabilis na nakakuha ng 5,000 piso ng ayuda ng DSWD para sa transport sector, ang 47 taong gulang na
00:30taga-pasig na si Oyoboy.
00:32Dalawang dekada na anya siyang tricycle driver, bagaman sira ngayon ng sasakyan.
00:37Malaking tulong anya ang ayuda ngayong maliitang kita nila, bunsod ng mahal na gasolina.
00:42Sa tricycle ko rin po kasi medyo may sira po. Sobrang napakahalaga po kasi tulad ko, may pinagdadaanan din kahit
00:52na. Nalaking tulong po.
00:55Dahil tuloy-tuloy ang pamamahagi rito sa Barangay Pineda, pati mga nakaschedule mabigyan ng hapon ay pinapunta na ng umaga.
01:02Pero may ilang wala sa listahan ng 1,500 target bigyan ng ayuda roon. Kinuha ng Pasig City Hall ang
01:09kanilang mga detalye.
01:10Malaking bagay po yan sa akin sir. Lalo ng isa sa sobrang taas ng gasolina. Halos ang kinikitaan doon nilang
01:17mapunta sa gasolina.
01:19Sa payout center naman, sa Katipunan Park sa District 1, Quezon City, halos at lundaan ang wala sa listahan ng
01:28mahigit 2,000 benepisyaryo.
01:30Nagpapaasa naman kami ng requirements pero lumabas itong mga listang master list, wala yung pangalan namin.
01:37Kaya hindi ko namin alam kung saan nagkaroon ng problema.
01:42Ipinasumiti na sa kanilang TODA ang kopya ng kanilang driver's license.
01:47Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kinausap na rin niya ang mga pinuno ng TODA para ayusin at isumiti ang
01:54mga wala sa listahan.
01:56Meron pa tayong bukas. So ang sabi namin sa kanila, una ay hindi kailangan mangamba, hindi kailangan mag-worry na
02:02hindi kayo makakatanggap.
02:03Pero kahit may nakatanggap, may pangamba, baka anilang kulangin ang ayuda kung lumawig pa ang krisis sa gitnang silangan.
02:12Sa mga susunod na araw, pag ganito pa rin yung sitwasyon natin, baka pwede pong madagragan pa po sana ito.
02:19Iko-konsulta ito ng DSWD at ipakukwenta sa economic team ng gobyerno.
02:24Pero sa ngayon, bibigyan muna ang iba pang nasa transport sector at nasa labas ng Metro Manila bago silipin kung
02:31pwedeng umulit ang mga nabigyan na.
02:34Unahin muna namin, sundan na namin ito ng MC taxi, yung TNVS, mga jeep at service delivery.
02:43Sina naman pagtutuon na natin ang pansin at lalabas na rin tayo ng Metro Manila.
02:47Samantala, handa na para sa nationwide transport strike bukas ang grupong piston para ipanawagan ang pagbabasura sa oil deregulation law
02:57at pag-alis ng excise tax at VAT sa produktong petrolyo.
03:02Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended