Skip to playerSkip to main content
Bukas, Biyernes mas mararamdaman ang epekto ng Bagyong Ada sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.


Sa satellite image,
kitang hagip na ng mga kaulapan ng bagyo ang Bicol region, Visayas at Mindanao kaya paghandaan na 'yung pag-ulan.


Nadagdagan din ang mga lugar na nasa wind signal no. 1.


Sa Albay, nagsilikas na ang mga nakatira sa lahar-prone areas lalo't nag-aalburoto pa ang Bulkang Mayon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, lumakas pa at isa ng tropical storm ang Bagyong Ada habang unti-unting lumalapit sa kalupaan.
00:10Ang latest sa magiging lagay ng panahon, alamin natin kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor!
00:19Salamat, Emil. Mga kapuso, sa weekend, posibleng pinakamalapit sa lupa ang Bagyong Ada.
00:24Pero simula po bukas, biyernes, mas mararamdaman na rin yung epekto nito sa ilang bahagi ng ating bansa.
00:31Isinailalim na rin sa wind signal ang ilang bahagi ng Bicol Region, kabilang ang eastern portion ng Camarines Sur, Sorsogon, eastern portion ng Albay, at pati na rin ang Catanduanes.
00:40Sa Visayas naman, kasama rin po sa wind signal number one, ang Northern Samar, ganoon din ang Eastern Samar, eastern portion ng Biliran, eastern portion ng Leyte, at pati na rin ang eastern portion ng Southern Leyte.
00:53At para naman po sa Mindanao, kasama rin po sa wind signal number one, ang Dinagat Islands, ganoon din ang Surigao del Norte, at pati na rin ang Surigao del Sur.
01:02Dito po, posibleng maranasan yung mga bugso ng hangin na may kasama pong mga pag-ulana.
01:07At inasaan po natin, dahil nga isa ng tropical storm, ito pong Bagyong Ada, ito ay posibleng po na umabot hanggang sa wind signal number two, ang babala na itataas ng pag-asa.
01:18At posibleng rin pong madagdagan pa yung mga lugar na kabilang dito sa tropical cyclone wind signal.
01:24Ayon po sa pag-asa, huling namataan ang sentro ng tropical storm Ada, sa layong 400 kilometers sa silangan ng Surigao City.
01:32Taglay po ang lakas ng hangin na abot sa 65 kilometers per hour.
01:36At yung bugso naman yan, nasa 80 kilometers per hour.
01:39Northwest po ang galaw nito sa ngayon sa bilis na 15 kilometers per hour.
01:44At ito po yung magiging track naman ng Bagyong Ada, base po ito sa inesya at yung pong latest na bulletin na ilabas ng pag-asa.
01:52Inasaan po natin, nakikita pa rin na ito po ay kikilos pa Northwest hanggang bukas po yan, ibig sabihin pahilagang kanuran, magtutuloy-tuloy yung pagkilos niyan.
02:01At ito pong landfall o yung pong pagdikit niyan dito sa bahagi ng Eastern Visayas, kasama po ito nga Eastern Summer at Northern Summer.
02:09Pusibli po yan na dumikit o lumapit dito sa nabanggit na lugar.
02:13At sunod naman na tutumbukin itong bahagi ng Katanduanes.
02:17Pero mga kapuso, patuloy po natin i-monitor dahil meron din posibilidad na hindi lang po yan didikit basta o lalapit dito sa mga nabanggit na natin na lugar.
02:27Dahil posibli pa rin na magkaroon po ito ng landfall activity o pagtama sa lupa sa Eastern Visayas o di kaya naman ay dito sa Bicol Region.
02:36At patuloy po natin yung i-monitor at mangyayari yan ngayong weekend pero posibli pa pong magkaroon ng mga pagbabago.
02:43So yan po yung magiging movement ng bagyo bago po ito tuluyang mag-recurve o lumihis ng direksyon papalayo dito sa ating bansa.
02:50At patuloy po natin i-monitor kung ano pa yung magiging development dyan sa mga susunod na oras.
02:57At dito po sa ating satellite image kitang kita po natin na talaga pong nahahagip na nung mga kaulapan nitong Bagyong Ada.
03:04Itong bahagi ng Bicol Region, buong Visayas at pati na rin itong Mindanao.
03:09Meron po yung mga pag-ulan na mararanasan sa mga susunod na oras.
03:15At bukod po dito sa Bagyong Ada, meron din pong presence ng Northeast Monsoon o yung hanging amihan.
03:20Yan po yung magdudulot ng malamig na panahon.
03:22Pero bukod po dyan, sa malamig na simoy ng hangin ay magdudulot din po yung mga pag-ulan sa iba pang bahagi ng ating bansa.
03:29Doon naman po sa mga lugar na hindi ko nabanggit po siming makaranas ng localized thunderstorms.
03:35Base po sa datos ng Metro Weather, bukas po ng umaga, pinakamataas yung tsansa ng mga pag-ulan.
03:40Dito yan sa Bicol Region, ganun din sa Eastern and Central Visayas, Caraga at pati na rin sa Northern Mindanao.
03:47May nakikita po tayo kagad na mga malalakas na pag-ulan kaya maging handa po at dobli ingat para sa mga residente.
03:54Magtutuloy-tuloy po yan sa hapon at halos buong Visayas na po ang uulanin.
03:58Kasama dito ang Samar and Leyte Provinces, ganun din ang Buhol, Cebu, Negros Island Region at pati na rin ang Western Visayas.
04:06Meron pa rin mga pag-ulan dito yan sa Northern at Eastern portions ng Mindanao, pati na rin sa ilang bahagi ng Davao Region.
04:14May mga malalakas at matitinding buhos ng ulan na pwede pong magdulot ng mga pagbaha o landslide.
04:19Kaya dobli ingat pa rin, lalong-lalong na po sa mga kapuso natin dito sa Bicol Region, sa banta po ng mudslide at lahar flow dahil dito sa patuloy na pag-aalboroto ng Mayon Volcano.
04:31At dito rin sa ating mapa, nakikita natin may mga kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi po ng Northern at ng Central Luzon, ganun din dito sa ilang bahagi ng Mimaropa.
04:41Para naman sa Metro Manila, hindi pa rin inaalis ang chance na maulit yung mga pag-ulan gaya po ng naranasan kanina sa ilang lungsod.
04:49Kaya kung lalabas ng bahay, magdala pa rin ang payo.
04:52Yan muna ang latest sa ating panahon.
04:54Ako po si Amor La Rosa.
04:56Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
05:01At kaugnay niyan, kansilado na ang ilang klase at biyahe sa Surigao Provinces dahil sa Bagyong Ada.
05:09Ang latest doon tinutukan live ni Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
05:14Cyril?
05:14Yes, Mel.
05:17Ngayong araw, nakaranas ng pag-ulan na may kasamang pabugso-bugso ang malakas na hangin dito sa Surigao City, Surigao del Norte.
05:26Kaya ang klase sa ilang lungsod sa probinsya at Surigao del Sur at Diragat Islands ay kanselado.
05:34Buong araw, pabugso-bugso ang ulan na may kasamang malakas na hangin sa Surigao City, Surigao del Norte dahil nasa wind signal number one ang probinsya, dulot ng Bagyong Ada.
05:49May mga lugar na nagkansela ng klase.
05:53Kanselado rin ang lahat ng biyahe sa mga pantalan ng syudad at ipinagbawal rin ang pangingisda.
05:59Mahipit naman ang monitore ng CDRRMO.
06:02Nakabantay rin sa coastal municipalities, pati na Siargao at Bukas Grande Islands.
06:08Nakadeploy na ang kanila mga kagamitan sa iba't ibang lungsod.
06:11As of now po, wala para rin kaming nareceive na information regarding evacuation centers that have popped up recently.
06:18However, as per our municipal de-arm officers, they have been proactively checking yung mga eskwelahan to see if the need to evacuate is necessary.
06:29Mel, sa ngayon nakaranas uli ng pagulan dito sa Surigao City, pero nasa normal level pa naman ang alon dito sa may coastal area.
06:42Kaya paalala ng otoridad natin, lalo na sa mga residente, na huwag maging kampante dahil baka lumakas pa ang epekto ng bagyo.
06:50Mel.
06:51Maraming salamat sa iyo, Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
06:55Bago naman maramdaman ang bagyo, nagsilikas na ang mga nakatira sa lahar-prone area sa Albay, lalo't nag-aalboroto pa ang vulkang mayon.
07:07Suspendido naman ang paglalayag sa ilang lugar sa Bicol, kaya halos dalawang libo ang stranded.
07:14Wala pa rin sa ginubatan sa Albay, nakatutok live si Ian Cruz.
07:19Ian?
07:19Mel, dahil nga sa paparating na Bagyong Ada ay patuloy nga inililikas ngayon ang mga residenteng nakatira doon sa mga lugar na maaaring daanan ng pagragasan ng lahar na nanggagaling naman sa delisdis ng patuloy na nag-aalborotong vulkang mayon.
07:37Pami-pamilya na ang lumikas sa barangay Maninila dito sa Ginubatan, Albay.
07:46Nakaalalay ang mga taga-barangay at munisipyo pati na mga bumbero sa kanilang paglikas, karamihan sa kanila mga mag-iina.
07:55Mahalaga raw na habang hindi paramdamang epekto ng Bagyong Ada, makaalis na sila.
07:59Yung lahar ba matindi ragasa dito sa inyo?
08:02Opo sir, kapag may bagyo po.
08:04Ano nangyayari?
08:05Yung ano po, daanan namin, yung na ano po siya, nahukay ng tubig.
08:12Itong kanilang barangay ay na-isolate kapag rumagasa po yung tubig na may lahar doon sa dalawang gali na nasa gilid ng kanilang barangay.
08:21At ayaw daw po nila na ma-isolate sila dito, kaya kailangan lumabas sila sa kanilang barangay.
08:26Sa ginobatan East Central School dinala ang mga evacuee.
08:31Sa barangay Masarawag, magkatuwang naman ang MDRRMO at mga sundalo sa pagpapalikas.
08:37Nalulubog kasi sa tubig at lahar ang mahabang bahagi ng kalsada at komunidad kapag malakas ang ulan.
08:44Gawa nga po ng ano, yung galing po sa mayo, dito po sa amin bumabas.
08:49Lahar po yun?
08:51May kasama pong lahar sa kayo mga bato-bato.
08:53May git dalawang limong pamilya ang nais ng ginobatan LGU na maidikas mula sa Maninila at Masarawag.
09:00At sakaling hindi kusang lumikas ang ibang residente.
09:04We will do it po naman na magpa-force evacuation just to ensure po na safe ang ating mga kababayan.
09:10Ganito ang Masarawag gali sa bayan ng ginobatan na nasa 8 km radius mula sa Bulcang Mayon.
09:16Kilala itong nilalamo ng lahar kapag malakas ang ulan.
09:20Pero hanggang kanina, marami pa rin dumara ang malalaking quarry truck.
09:24Isang magsasaka rin ang namataan natin doon na galing mula sa direksyon ng bulkan
09:28sakay ng Paragus o Cariton na hila ng Kalamaw.
09:32Sa isang bahagi ng bayan ng Kamalig, patuloy rin sa trabaho ang mga heavy equipment sa isang gali o uka.
09:38May marker sa gilid ng kalsada na nagbibigay babala na iyo'y lahar flow prone area.
09:44Ang Philippine Coast Guard Station Albay sinuspindi na ang lahat ng operasyon ng lahat ng klase ng sea vessel at watercraft
09:51sa southeastern portion ng Albay na nasa ilalim ng wind signal number 1
09:56gaya ng Legazpi City, Manito, Rappu-Rappu, Bakakay at Santo Domingo.
10:01Pati ng Tabaco City, malilipot, malinaw at tiwi.
10:06Samantala, inatasan naman ni Governor Patrick Alain Azanza ang mahigpit na pagbabantay ng mga LGU at disaster response agencies
10:14sa buong isla ng Katanduanes para paghandaan ang pusibling epekto ng bagyo.
10:20Pinalilikas na rin ang mga residente mula sa mga lugar na bahain at may banta ng landslide
10:25at dahil sa wind signal number 1 na ang umiiral sa isla, ipinatigil na ng PCG Katanduanes
10:32ang paglalayag ng mga sakyang pandagat doon.
10:36Kabilang sa mga apektadong pantalan sa masbate, ang MOBO, Matnog, Pilar at Castilla Port sa Sorsogon
10:43kung saan nasa halos dalawang libo ang stranded na pasahero.
10:48Samantala, mula sa Bayan ng Daraga, bago pumutok ang liwanag kanina umaga,
10:53nakita pang nagningningning ang bulkang Mayon.
10:55Dahil sa patuloy na aktividad tulad ng pagbaba ng ozon o pyroclastic density current.
11:05Mel, gabi na pero hanggang sa mga sandaling ito dito sa Ginubatan East Central School
11:10ay patuloy na dumarating yung mga evacue, yung iba ay sinundo ng MDR-RMO,
11:15ng mga sundalo at mga pulis.
11:16Pero ang nakatutuwa, Mel, mayroong mga lumilikas na sila mismo
11:19ang nagpupunda dito sakay ng kanilang motorsiklo o sakay ng kanilang tricycle.
11:23Ang sinasabi ng MDR-RMO ng Ginubatan, talagang dapat ay tiyaki nila
11:27na walang tao doon sa critical zone para nga kapag rumagasa ang lahar,
11:32ay walang mapahamak.
11:33Yan ang latest mula rito sa Ginubatan Albay.
11:36Balik sa iyo, Mel.
11:37Maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
11:40Maraming salamat sa iyo.
11:45Maraming salamat sa iyo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended