Skip to playerSkip to main content
  • 1 week ago
Aired (March 15, 2026): Hindi lang pangsuot ang stockings sa San Ildefonso—ginagamit din daw ito sa paggawa ng matamis na Sinambong! Samantala, may isa pang classic na kendi na hindi raw madaling gawin. Pamilyar ka ba sa mga ito? Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:05Sa high fashion noon, basta nakastockings in na in.
00:12Bukod sa sunod sa moda o fashion, protection din ito ng kamabaihan sa kanilang magagandang binti.
00:22Pero dahil sa pagbabago ng estilo ng pananamit,
00:26at patindi ng patinding init ng panahon,
00:31ang stocking ng kababaihan tila na isang tabi na.
00:38Pero mga kababaihan din sa Ilocos ang nakapulot ng bagong paggagamitan ng stocking sa halip na ikulong lang sa aparador.
00:58Maaga pa lang, todo na sa pagkakatas ng tubo ang mag-anak na ito sa Sandil Defonso sa Ilocosur.
01:06Halos 2,000 pirasong tubo kasi ang kailangan nilang pigain para gawing asukal na muskobado.
01:14Kahit dimakinan na ang pagkakatas sa tubo, napapalaban pa rin sila sa manumanong pagbubuhat.
01:25Matapos ang halos tatlong oras na pagpiga ng tubo,
01:30isasalang ang katas at pakukuluan sa kawa.
01:34Ang pinagpigaan naman ang gagamitin bilang panggatong.
01:40Na isinusuksok sa kalanka na kalahating minuto.
01:44Ang pangunahing sangkap na magpapatami sa sinambong.
01:49Ito yung stocking, tapos lalagay yung malagkit.
01:54Ang malagkit na bigas na gagamitin, hindi na sa dahon ng saging ibinalot, kundi sa...
02:00Itong malagkit, nilagay sa stocking, tapos ibabad sa buong magdamag para malambot sa umaga, gano'n.
02:10Kaya po sa stocking nakabalot para pumasok yung matamis niya, yung asukal.
02:16Si Nanay Polis, nagkaedad na raw sa pagluluto ng sinambong.
02:20Apat na oras ito maluluto kasi habang ilalagay sa pangsinambong, tumatamis naman yung katas ng tubo.
02:30Magiging maskubado.
02:33Paglilinaw ni Nanay Polis, malinis at bagong stockings daw ang ginagamit nila sa pagluluto.
02:48Dati, dahon ng nyog. Ngayon, ano na, stocking na kasi hindi na pwede yung dahon ng nyog kasi masyadong marumi.
03:00Yung stocking hindi na idodoble sa ang gamitan lang po para malinis ang sinambong.
03:09Sa aklat ni Carlos Quirino na History of the Philippine Sugar Industry noong 1974,
03:15sinasabing bago pa man nagkaroon na makabagong paggawaan ng asukal,
03:19mano-mano at mahabang proseso ang pagdaraanan sa paggawa ng asukal na muscovado.
03:27Pakukuloyin ulit ito ng tatlong oras sabang nakababad na ang malagkit
03:31para dahan-dahang sipsipin ng mga butil ang tamis ng tubo.
03:38Dahil matamis, umaalsa ang katas ng tubo.
03:42Kaya kailangang alaga ito sa halo.
03:47Matapos ang maghapang pagpupiga at pagpapakulo,
03:51pwede na hanguin ang sinambong na bahagi na ng ating matamis na kasaysayan.
03:59Sa mga kwarentahin at sinkwentahin dyan,
04:03kaway-kaway naman.
04:05At ibalik natin ang inyong kabataan.
04:10Sa pamamagitan ng isang matamis o candy ang balikot sa.
04:17Never heard ba mga tsikiting?
04:22Parang sundot ko lang ako siya po.
04:24Parang asukal po.
04:25Asukal.
04:26Matamis po.
04:27Lasangani.
04:28Medyo may pagka creamy po matamis.
04:32Now, watch and learn.
04:35Ang kending balikot siya,
04:38simple lang ang itsura.
04:40Pero, umaapaw sa tamis.
04:43Ginagawa po yan ng mga magsasaka
04:46na bilang pampataas ng kanilang enerhiya
04:49pag sila pumupunta sa bukid.
04:52Yan po ay binabaon po nila
04:54sa tuwing pumupunta sila sa bukid.
04:57Pero, bihira na daw ang gumagawa nito.
05:00Dahil sa mahabang pagdaraanan
05:03bago pa man ito matikman.
05:05Ang buong proseso,
05:07pang malakasan.
05:10Pero, para sa pamilya Saklaw,
05:12sa Santa Maria,
05:13sa Ilocos Sur pa rin,
05:16tila laro-laro na lang daw
05:18ang pagawa ng balikot siya.
05:21Dapat, ano, mag-persaka.
05:26Mag-inat.
05:28Dahil pang malakasan daw
05:30ang pagawa ng balikot siya,
05:32kababaihan daw ang bumibida.
05:37Dahil malaking bahagi ng buhay
05:40ng mga taga Santa Maria Ilocos Sur
05:42ang balikot siya.
05:44May sarili silang piyesta
05:45para isulong ang kending ito.
05:49Napakahalaga po ng paggawa ng balikot siya
05:51di so bayan namin sa Santa Maria Ilocos Sur.
05:54Napapagalaw niya yung mumunting ekonomiya
05:58ng ating mga micro, small, medium enterprises.
06:04Kabilang sa mga gumagawa ng balikot siya,
06:07ang mga anak na magsasaka
06:09na sina Elizabeth at Lily.
06:24Sige lang sa paghalo
06:26hanggang lumagkit ang katas
06:29at magkulay puti.
06:34Pagkahango,
06:36isasalin sa maliliit na banga.
06:54Matapos ang halos 15 minutong
06:56pagpapalamig sa banga,
06:58pwede na itong hanguin
07:00para dumaan sa pinakabakbakang bahagi
07:03ang pagbanat sa balikot siya.
07:13Ang 70 anyos na si Sally naman
07:16ang bida sa pagbanat sa balikot siya.
07:20Mano-mano itong
07:22hahatakin
07:23ng paulit-ulit
07:24hanggang pumutla
07:26ang kulay
07:27na tila
07:28babasagin.
07:30Mahirap?
07:31Mahirap
07:31kasi magpapersa ka.
07:33Pag wala kang persa,
07:34muna.
07:38Bagamat pagkatamis-tamis,
07:40may mapait na kwento raw
07:42ang balikotsa.
07:45Hindi namin po kasi masasabi
07:47yung kita namin ng buwanan, ma'am,
07:48kasi...
07:49Muzik.
07:50Muzik.
07:51Muzik.
07:53Muzik.
Comments

Recommended