- 3 weeks ago
- #iwitness
Aired (March 14, 2026): Hindi lang daw saya ang hatid ng mga alagang hayop, dahil may mas malalim pala silang naibibigay— ang kakayahang maging therapy pets!
Lumalawak ang pag-aaral na maaaring makatulong ang mga hayop sa mental health ng mga Pilipino. At hindi lang pala aso at pusa ang puwedeng maging therapets, dahil may iba pang uri ng hayop na maaari ding magbigay ng emotional support sa mga tao!
Panoorin ang video. #iWitness
‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists— Howie Severino, Kara David, Atom Araullo, Mav Gonzales, and John Consulta. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:15 PM on GMA Network.
Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Lumalawak ang pag-aaral na maaaring makatulong ang mga hayop sa mental health ng mga Pilipino. At hindi lang pala aso at pusa ang puwedeng maging therapets, dahil may iba pang uri ng hayop na maaari ding magbigay ng emotional support sa mga tao!
Panoorin ang video. #iWitness
‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists— Howie Severino, Kara David, Atom Araullo, Mav Gonzales, and John Consulta. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:15 PM on GMA Network.
Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Category
😹
FunTranscript
00:00.
00:01.
00:01.
00:01.
00:01.
00:01.
00:01.
00:02.
00:11.
00:12.
00:13.
00:13.
00:14.
00:14.
00:15.
00:16.
00:16.
00:18.
00:18.
00:19.
00:20.
00:21.
00:21.
00:21.
00:21.
00:21.
00:23.
00:23.
00:24.
00:24.
00:24.
00:26.
00:26.
00:26.
00:35.
00:35.
00:36.
00:36.
00:37.
00:38.
00:46Even just their mere presence can help you, parang ganon.
00:52Ayun, sobrang cute. No?
00:56She's so lazy. She's so cute.
01:02May lumalawak na pag-aaral na ang mga hayop
01:05maaring makatulong sa lumalaking mental health.
01:11At ngayon, hindi lang pala mga aso at pusa ang maaring maging therapy pets.
01:18O para mas maikli, TheraPets.
01:30Sa gitna ng payapang tanawin sa aming tahanan sa Taal Lake sa Batangas,
01:40may isa kaming alaga na mahilig sumalubong sa mga bisita.
01:44Ang itik na si Beanie. Short for Mabini.
01:48Di tulad ng mga kauri niya.
01:52Si Beanie mas pinipiling lumapit at makihalubilo sa mga tao.
01:57Nakakita na ba kayo ng duck na parang pusa?
02:03At ang pinakapaborita niyang gawin,
02:05habulin at kunin ang tsinelas ng mga bisita.
02:17Bait naman. Bait.
02:19Dahil sanay sa tao si Beanie, nakitaan siya ng potensyal ni Dr. Rina De Luna.
02:24Hi Beanie!
02:26Beanie! Beanie!
02:27Isang veterinaryo mula sa University of the Philippines, Los Baños.
02:32So, kumakailan ay namasyal kayo dito sa Taal Lake.
02:38At may nakilala kayong isang itik dito.
02:45At nagkaroon ka nga ng mga ideya.
02:49So, pakikwento lang yung naging experience mo.
02:51Bihira sa mga farm animals, nalalapit agad sa tao.
02:55Kasi nga yung relasyon naman natin sa kanila, hindi aspet.
02:58Kaya parang nakakitaan ko siya,
02:59Uy, bakit kaya siya may kagustuhang lumapit sa tao?
03:05At nung napag-alaman ko po, siya pala dati ay isang alaga.
03:09At nakatira lamang sa kondo,
03:11at napag-desisyonan nung may-ari.
03:14Nung pumunta po sila dito,
03:16nakita nila na baka ito ay mas magandang environment
03:20para kay Mabini kasi mas natural, may lake.
03:22Talaga pong sinasalubong niya kami,
03:25lumalapit po siya sa amin.
03:26Kaya sabi ko, kakaiba to.
03:28Siguro meron siyang experience before
03:30kung bakit nag-imprint na siya sa tao.
03:32Kaya naisip ko, pwede siya.
03:34May potensyal siya para maging therapy animal.
03:37Gusto mo maglangoy?
03:38Lakoy ka muna!
03:39Gusto mo magplay?
03:40Play pa!
03:42Kasalukuyang inaaral ni Doc Rina
03:44ang potensyal ng farm animals gaya ni Bini
03:47na maging thera pets.
03:49Ang thera pets ay mga alagang hayop
03:52na tumutulong sa pagpapagaan ng pakiramdam ng tao.
03:56Bini, siming ka muna!
03:59Lalo na sa mga dumaranas ng stress, lungkot at trauma.
04:04Sa ibang bansa, matagal ng ginagawang therapy animal
04:08ang mga gaya ni Bini.
04:10Dahil nga kay Mabini,
04:12nalaman ko na noong 1950s,
04:14ginagamit na pala ang mga docs
04:17for animal assisted therapy.
04:18Ang tawag sa kanila ay quack therapy.
04:21Kaya naisip ko, sila pala yung karapa
04:24dapat tawagin quack doctor.
04:26Hindi sila yung, hindi nila intensyon
04:29na i-replace yung mga totoong doctors natin.
04:32Pero parang doktor na rin sila
04:35kasi nakakatulong na rin po sila
04:37sa pagbawas nga ng mga negative emotions natin.
04:45Dito sa Pilipinas,
04:47karaniwang aso ang naiisip ng marami
04:49kapag sinabing therapy pet.
05:01Tulad na lang ng Corgi na si Milo.
05:04Tuwing lunes, bumibiyahe siya
05:07dahil marami ang naghihintay sa kanya.
05:23Ang mga istudyante sa UPLB.
05:30Good afternoon na yan.
05:32So for today, we'll have a tale
05:34with art therapy doon nga ito.
05:36Good afternoon po. Ako po si Lynn.
05:38Ito naman po si Lay.
05:40Kami po yung mga handlers ni Milo.
05:41So a short introduction about kay Milo.
05:44Si Milo po ay Corgi.
05:46So yung temperament niya po ay
05:48ano po siya?
05:49Ang energetic,
05:51playful,
05:52vocal.
05:53Tapos
05:54doon naman po sa
05:56fun facts about kay Milo po.
05:59Trilingual po siya.
06:01Nakakaintindi po siya ng Tagalog,
06:03English at haligay nun.
06:06Bahagi si Milo ng Animal Assisted Intervention
06:09para sa mga mag-aaral.
06:11Isang programang sinimulan ni Doc Rina
06:13sa UPLB.
06:15Sa tulong ng mga hayop tulad ni Milo,
06:18ang mga istudyante
06:19mas nagiging komportable
06:21at interesado sa loob ng classroom.
06:29Bago pa man magsimula ang klase,
06:32nagpakitang gilas muna si Milo.
06:34Parangy pong trick si Milo for today.
06:36Ito demonstrate ko na lang
06:38ang pwede niyong gamin sa ahiya.
06:40So the first and whole strip hotel
06:41guys, wala pa nga eh.
06:44Up, up, up, up, up.
06:46Sit.
06:48Up.
06:50We did smell.
06:52Final yan.
06:54Next trick.
06:56Turn.
06:57Apa.
07:03Hello.
07:05Hindo.
07:06Hindo.
07:07Hindo.
07:08Hindo.
07:09Hiyo.
07:12Hiyo.
07:14Hiyo.
07:15Hiyo.
07:15Hiyo.
07:15Hiyo.
07:15Hiyo.
07:16Hiyo.
07:17Ang second year student na si Jiang,
07:20isa sa mga nakikinabang sa programa ni Doc Rina.
07:24Sabi ko nga po kay Doc Rina nung mga nakaraang araw,
07:27breather course ko itong NSTP.
07:30Kasi galing po sa field ng agricultural biotechnology,
07:33nasa ano po kami,
07:34halos nasa lab po ako araw-araw.
07:36So napakabigat po nung study workload na napupunta po sa akin
07:41tuwing NSTP po.
07:42Ito nga lang po ating NSTP na wala akong absent
07:45kasi na-enjoy ko siya every meeting.
07:49Malaki ba ang pangangailangan ng mga therapy pets
07:52o yung mga sarisaring hayop na makatulong nga
07:59sa mga taong may pinagdadaanan?
08:01Malaki ba yung need niya?
08:02Tingin ko po malaki ang pangangailangan lalo na dito sa Pilipinas.
08:07Sa amin pa lang po sa eskwelahan,
08:08alam ko po na ang mga estudyante ay ilaps sila
08:12na lumapit sa mga professionals,
08:14lalo na patungkol sa mga concern sa mental health.
08:17Pero ang intensyon namin na magkaroon ng animal assisted intervention
08:21para ba maiwasan natin na kung may nararamdaman na sila
08:25na lumalapa.
08:27Ayon sa datos ng Philippine National Survey on Mental Health and Wellbeing,
08:33meron lamang dalawa hanggang tatlong mental health professional
08:36sa bawat isang daang libong Pilipino.
08:40Dahil sa malaking kakulangan,
08:42maraming suliranin sa usapin ng mental health
08:45ang hindi natutugunan.
08:48Kaya naman patuloy na nagahanap ang mga eksperto
08:52ng iba't ibang paraan,
08:53tulad ng animal assisted therapy.
08:56Pag sinabi niyo pong animal assisted therapy,
08:59this is actually more like a structured and goal oriented approach
09:03to really ensuring and improving the mental health and well-being of your clients.
09:08But I would like to actually focus on dogs
09:10because that's what I use in therapy po.
09:13So dogs tend to actually project their happiness.
09:16They are very mindful beings.
09:18So their happiness can actually be projected to human beings.
09:22That's why na-absorb din po sila ng mga tao.
09:24May mga pagkakataong po kasi ng isang tao
09:26could actually feel lonely sa buhay,
09:29especially if you are grieving.
09:30Let's say for example nawalan ka ng mahal sa buhay.
09:32So of course therapy animals can be there
09:35but actually the fact that being there already helps
09:41yung may kasama ka, going through your situation,
09:45you don't feel lonely.
09:46Technically their presence alone provides us
09:49an informal psychological support.
09:53Suporta sa panahon habang may pinagdaraanan.
09:56Yan naman ang naging papel ni Elsa
09:59sa buhay ni Dr. Jeri Catan.
10:01This is Elsa.
10:03Yan yung baby Elsa.
10:04She's seven years old.
10:05She's a Pomeranian.
10:07And she's my emotional support animal.
10:10Taong 2021 nang pumanaw ang ina ni Dr. Jeri Catan
10:15dahil sa cancer.
10:16Mula noon, araw-araw niyang nararandaman
10:19ang pangungulila at labis na kulungkutan.
10:23I was actually diagnosed kasi
10:25with major depressive disorder before.
10:27Isang uri yan ang kondisyon sa mental health,
10:30kung saan nakararanas ang isang tao
10:33na matinding lungkot.
10:34Kawalan ng gana sa mga bagay na nakasanayan
10:37hanggang sa maapektuhan na
10:39ang kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.
10:42It was really a hard time.
10:44Sobrang hirap na I had to seek professional help.
10:48Tapos, yun, nag-medications ako.
10:50And then, yung nalaman nga na may dog
10:52parang sinabi, it could help with the, ano,
10:57with my,
10:59with my, ano, situation.
11:01Kaya noong nalaman ng kanyang psychiatrist
11:04na may alagang aso si Doktora Jerica,
11:07agad na in-recommenda si Elsa
11:09bilang kanyang emotional support animal.
11:12At hindi ito basta-basta,
11:15kundi may formal na papeles.
11:17So, Dok, sinare niya sa amin
11:20itong emotional support animal certificate ni Elsa
11:24na in-issue ng isang psychiatrist.
11:28So talagang it's really a formal certification
11:31of Elsa as your emotional support animal.
11:35And yung nakalagay dito,
11:38nagkaroon ng clinical evaluation
11:40and ongoing mental health management.
11:43So talagang ikaw munang in-assess
11:45at kasama dito sa iyong therapy
11:49ay si Elsa.
11:51So, official.
11:53My official status siya
11:54as not just a pet
11:55but an emotional support animal.
11:57How do you know na na effective?
12:00So, ayun.
12:01So, kunwari,
12:04sobrang hindi ako okay.
12:06You know, pagka-depressed ka,
12:07sometimes you don't have the will
12:08to get up in the morning,
12:10you have no energy, ganyan.
12:12Pero, in a way,
12:14pag alam mong may nagaantay din sa'yo
12:16na siyempre,
12:16sa kanino ba siya magde-depend for the food,
12:19for ano niya, sa'yo.
12:20So, parang mapipilitan kang bumangon
12:23and then with that,
12:24nakikita mo na siya,
12:25di ba?
12:25You're gonna be with her na,
12:27like ito si Elsa.
12:29Araw-araw,
12:30malaki ang naitutulong ni Elsa
12:31bilang emotional support animal
12:34ni Doktora Jerika.
12:36Isang dagdag na suporta
12:37o intervention.
12:38Pero hindi ito kapalit ng mga doktor
12:41at gamot.
12:42I mean, marami kasing conditions
12:45na ang cure or yung treatment
12:49ay drugs.
12:51Di ba?
12:52Pero in your case,
12:54it's an animal.
12:56Not really.
12:57I also have my medications.
12:59Hindi talaga natin.
13:00Hindi siya substitute?
13:02Okay.
13:02Para siyang extra lang na
13:05to help ease yung anxiety mo,
13:07ganyan.
13:08But it doesn't replace
13:09yung mismong management
13:10with the medications,
13:11the therapy itself.
13:12It's still not, ano,
13:14a substitute to that.
13:16Minsan ko na rin naranasan
13:17ang matinding takot
13:19at pag-iisa.
13:21Isa ako sa mga unang pasyente
13:23ng COVID.
13:24Sa haba ng aking quarantine,
13:27bawal akong lumapit
13:28o lapitan ng tao.
13:31Pero may mga nila lang
13:32na sumalba sa akin.
13:35Noong mga panahon yun,
13:37wala pang pag-aaral
13:38na naipapasa ang virus
13:40sa mga hayo.
13:41Wala akong ibang kasama
13:43kundi isang pusa
13:44at ang aso kong si Rex.
13:48Masasabi kong
13:49na ituro rin sa akin
13:50ang pandemya
13:51ang mahalagang papel
13:52ng ating mga alaga.
13:58Sa patuloy na pag-aaral
14:00sa iba pang hayo
14:01na maaaring maging
14:02emotional support animal,
14:06papasa rin kaya
14:07ang aming alagang
14:08si Bini?
14:11Pwede siya.
14:13Kandidato siya.
14:14Dito sa iyong programa
14:16na nage-eksperimento kayo
14:19sa ibang klaseng hayop,
14:20mga farm animals
14:21na maging therapy pets.
14:24Bakit may ganung potensyal?
14:27Ito naman si Mabini.
14:28Ang isang criteria po nga
14:30ay may kagustuhan
14:31yung hayop
14:32na maki-interact
14:33sa tao.
14:34Duck ba yan or pusa?
14:37Hello, baby!
14:41Bini!
14:43Ayun yung unang-unang criteria.
14:45Pangalawa,
14:46hindi siya aggressive
14:46sa tao.
14:48At pangatlo,
14:49nai-enjoy niya
14:50to interact with strangers.
14:51Hindi lang yung
14:52kung sino yung may-ari
14:53sa kanya,
14:54kundi kahit sinong pumunta.
14:56Kahit sino.
14:57Come here!
14:58Come here!
14:58Come here!
14:59Gusto mo yan?
15:00Chinayanas na yan ah!
15:02Ah, swim ka na, swim!
15:03Dahil sa kanyang kakulitan,
15:04marami nga ang natutuwa
15:06kay Bini.
15:10Pero may pagkakataon din
15:12na nakararanas siya
15:14ng pananakit
15:14mula sa iba.
15:17Meron daw nakasipa.
15:18Siguro naman,
15:19hindi naman niya talaga
15:20intensya na saktan si ano.
15:22Hindi lang din sila sanay
15:23na may ganong na
15:26tumutukasapaan nila.
15:27Kaya,
15:27hindi ano sa kanila.
15:30Kaya,
15:31no,
15:31napilay.
15:32Tapos,
15:33hindi rin,
15:34siyempre,
15:35alam ng mga tao
15:35yung natural na behavior
15:37ng mga taks.
15:38Kaya siguro nagulat lang din.
15:40Eh,
15:40kasama ang palag
15:41na saktan siya doon.
15:45Isa si Brenda
15:46sa mga naging malapit
15:48at nagbabantay
15:49kay Bini.
15:51Anong dinala siya dito?
15:53Hindi ko naman di siya
15:53pinapansin eh.
15:55Hindi ko siya pinapansin.
15:56Pero,
15:57laging ano lang ako sa kanya
15:58kasi pag may dumarating
16:00na ibang tao,
16:02nauna pa siya sumalubong
16:04tapos talagang
16:04hinaanoy niya yung chinelas.
16:07Ito niya!
16:10Bini!
16:13Bini!
16:14At habang tumatagal,
16:16isang koneksyon na raw
16:17ang nabuo
16:18ni na Brenda
16:19at Bini.
16:47Bini!
16:48At ilang beses na rin siyang
16:50muntik na mawala.
16:53Isa sa mga nakikitang solusyon
16:56ay dalhin siya sa ibang lugar
16:57para doon ipagpatuloy
16:59ang pag-aaral sa kanya
17:01bilang isang therapent.
17:03Ang gano'ng kalapit sa akin
17:03ng gano'ng kalapit sa ikna araw.
17:07Pero,
17:09may umaalma.
17:11Parang ano kasi
17:12yung naging parte na siya
17:13yung araw-araw
17:15sa schedule ko
17:15na pagdating ko nandiyan.
17:17At pagka medyo
17:18napapagod na ako
17:19kaya nalulungkot naman ako,
17:21pupuntahan ko siya doon.
17:22Nandiyan pa lang ako sa gate.
17:24Sinisigawan ko,
17:24Bini!
17:25Bini!
17:26Tapos siya naman,
17:27yung leeg niya,
17:28gaganong-ganon.
17:30Kaya talagang,
17:31ano,
17:33eh kung mawawala siya.
17:41Ano na ang magiging kapalaran ni Bini?
17:49Nandito tayo sa isang eco-park
17:52sa Antipolo
17:53kung saan na tayo gagawa ng ocular
17:57dahil maaari raw dito ilipat
18:02si Bini mula Taal Lake.
18:09Sa isang animal sanctuary
18:11sa Antipolo Rizal,
18:14may mag-ina
18:15na kasulukoy ang pinag-aaralan
18:18ni na Doc Rina
18:18para maging therapy pets.
18:22Sina Bacon
18:24at Liempo.
18:26Knock-knock!
18:27Doc Rina!
18:28Hello po!
18:29Okay, ano pangalan ang alaga niyo?
18:31Ito po si Bacon!
18:32Bacon!
18:34Pero hindi naman siya magiging Bacon.
18:36Hindi naman po.
18:39Si Joey ang caretaker ng mga hayop
18:42sa santuaryo.
18:45Sa dalawampung taon niyang pagkatrabaho rito,
18:48sa ulo na rin niya ang ugali ng bawat alaga.
18:52Magkaibigan ba sila ng itip?
18:53Hapa, magkaibigan na po yan.
18:54Bibi?
18:55Bibi, magkasama yan dyan.
18:57Pwede Joey, anong kwento ni Bacon?
18:59Ito po kasi si Bacon.
19:00Dati po siyang pet ng, ano,
19:03ng parent.
19:04Samahay siya alaga.
19:05Parent ng si Jante.
19:06Hapa.
19:07Anong personality nito?
19:10Mabait ba?
19:11Super friendly.
19:12Hindi po yan.
19:14Mabait po talaga yan.
19:15Bakit sinasabi niyong friendly?
19:17Bali kapag dito po kasi ako nagpapakain,
19:20ano lang siya siya?
19:21Kung sunod na siya sa akin.
19:23Ito kahit naan dyan sa labas po.
19:25Ano yan?
19:26Talagang ano siya?
19:27Sunod lang siya.
19:28Hindi, hindi, hindi siya.
19:29Hindi siya kumbaga.
19:30Bugnutin.
19:31Opo.
19:31Pet, pet na kasi ito eh.
19:34Kaya yun din.
19:36So, pag may lumapit ng bata sa kanya,
19:39safe naman yung bata.
19:40Safe naman po.
19:41As long as before, prior to interaction,
19:43may orientation.
19:44Ano ba yung mga hindi pwede gawin?
19:47Mga safety.
19:47Sir, ang ginagawa po natin ngayon
19:49ay part ng kanyang socialization.
19:51Kasi siyempre kay Kuya Joey,
19:53sanay na sanay siya.
19:54Kasi araw-araw.
19:55Ang sinasanay po namin sa strangers.
19:57Eventually, gagawin na po natin siyang
19:59therapy animal.
20:00May guidelines po talaga
20:01para yung participants alam.
20:03Si Kuya Joey po ang magsasabi sa mga participants
20:05kung paano.
20:08Ang mga gaya ni Bacon,
20:10karaniwang ginagawang pagkain.
20:14Pero dito sa loob ng santwaryo,
20:16sinusubukang baguhin ng mga eksperto
20:18ang pananaw sa mga tulad niya.
20:35So, ang sinasabi niyo rin,
20:38itong si Bacon ay katibaya na ang baboy ay hindi lang yan tinakain.
20:47Or may masamang connotation.
20:54Pero dito,
20:58itong si Bacon ay isang alaga.
21:01At sinasabi niyo nga ay nagbibigay din ng ginhawa.
21:05So, anong klaseng ginhawa ang naibibigay niyo?
21:09Nakatanggal kasi po ng stress eh.
21:11Paano?
21:12Yung kumbaga,
21:14kumbaga yung malungkot ka,
21:16yung may dadalang ano,
21:18nakikita mo siya na natatanggal yung lungkot mo eh.
21:21Dahil?
21:22Parang yung kumbaga pet mo na siya eh.
21:25Na ano mo siya,
21:26nahawakan mo na ang ano.
21:28So, yun mukhang kaibigan niya yung mga bibe.
21:32So, matagal na ba sila magkasama rito?
21:36Bali, kakalipat lang po kasi na ito dito.
21:38Pero ano?
21:39Ano talaga siya?
21:40Kasundo niya yung mga bibe?
21:41Mabayat talaga ito siya.
21:43Kasi, kaya rin kami nandito.
21:45Tumiting kami ng lugar kung saan pwede higipat nga si Bini.
21:52Ayun nga.
21:53Dito may space at secure siya.
21:55Secure ang mga hayop.
21:57At may kasamang mga ibang baby ano.
22:01Mga water animals din yan.
22:02At saka yung babo eh.
22:04Kailangan mahilig din, no?
22:05Opo. Lalo na ngayon ay dadating na ang summer.
22:07Paghahandaan po talaga.
22:09Kailangan ma-rehabilitate na yung dating pan.
22:12Ang laki niya.
22:14Sir, ito naman po si Liempo.
22:16Okay, medyo malawak yung kanyang kulungan.
22:19Okay.
22:20Tapos, iba itong kulungan niya dahil may tubig.
22:23May parang water bodies, no?
22:24Dati po, sir.
22:25Ito ay enclosure ng mga ducks.
22:29Madami pong ducks dati.
22:30So, parang bagay si Bini dito.
22:34Opo.
22:34Kung pwede po natin subukan kung baka katulad nung nanay niya, si Biko, na okay lang naman na may ibang
22:41hayop.
22:41Kung okay kay Liempo, pwede pong si Bini dito kasi meron na po.
22:45Pwede ba maghalo sa isang water body ang baboy at ito?
22:49Opo.
22:49Dahil yun naman po ay magkaibang species.
22:51May avian at saka mama.
22:53Hindi naman po sila magshare na masakit.
22:58Sila na ba ang magiging bagong kasama ni Bini?
23:04Pero, teka muna.
23:06Habang inihahanda ang santuaryong maaaring paglipatan ni Bini, muntik na namang mawala ang bibong itik.
23:14Nung isang araw, kala ko nawala kasi binili ko siya nung laroang duck.
23:22So, dinala ko doon sa likod.
23:24Wala, wala siya.
23:26Siguro mga 30 minutes kaming nagahanap, nakita dun sa kabila, nakatago sa malaking bato.
23:34Siguro, isip niya hindi siya makabalik.
23:37Dahil free range o malayang nakalilibot si Bini sa malawak at bukas na lugar,
23:44kung saan-saan siya nakararating na maaaring maglagay sa kanya sa panganib.
23:50Parang gusto ko nang maglumpas.
23:51Kaya sabi ko, parang natakot na din ako, baka mawawala na lang isang araw.
23:56Tapos sinisip ko na, siguro, kung binigay ko na lang sa ano,
24:03nung pumunta dito si doktora, di ba?
24:06Because siguro hindi siya nawala.
24:08Parang pagsisisihan ko pa yata ito.
24:11Sa kabila ng ginhawang ibinibigay niya sa tao, may mga panganib na kinakaharap si Bini rito.
24:22Paano na kaya?
24:28Sa ngayon, hindi muna magkakahiwalay si Brenda at Bini.
24:37Mananatili muna siya sa taal lake,
24:40habang inihahanda ang santuaryo kung saan maaari siyang dalhin.
24:49Bini, Bini, Bini, Bini, Bini, Bini, Bini.
24:51Ay, Bini ah! Bini!
24:53Pero para maiwasang mawala na naman si Bini,
24:57isang pansamantalang paraan ang inirekomendang gawin sa kanya.
25:06Okay, ngayon, lalagyan namin ng air tag si Bini
25:13para lagi naming alam kung nasan siya.
25:16Kasi dahil sobra siyang friendly,
25:20natatakot kami na baka na lang siyang mawala.
25:22At may nahuli na akong buhat-buhat na siya.
25:26Kasi sobra siyang lumalapit sa tao.
25:28At baka siya gawing pulutan.
25:31Sa paglalagay ng air tag o GPS tracker,
25:35mas madali siyang mahanap anumang oras.
25:37Sa ganitong paraan,
25:40sana hindi na siya kailangang ikulong o ilayo rito.
25:44At maaari siyang manatiling malaya.
25:47Gusto kong lagyan ng pangalan yung ano niye,
25:50malayang lumapit sa tao,
25:52lalo na sa mga umaasa sa kanyang magbigay ng ginawa.
25:56Okay, dalagyan ko na ng B.
25:59B for Bini.
26:00Sa gitna ng nakakastress na mundo.
26:22Mula sa Taal Lake sa Batangas.
26:24Ako po si Howie Severino.
26:27At ito ang eye witness.
26:35Kaya meron akong app, Find My.
26:38Yung mga pets ko na may mga air tag nandito sa Find My app.
26:46Nandito si Bini.
26:48At may sarili siyang icon na itik din.
26:53At makikita yung kanyang location.
27:02At mukhang nasa lupa na siya.
27:06Wala na siya sa tubig.
27:15Maraming salamat sa pagtutok sa eye witness mga kapuso.
27:19Anong masasabi niyo sa dokumentaryong ito?
27:22I-comment na yan at mag-subscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Comments