00:00Mahigit 63 billion pesos ang iniraan ng pamahalaan para pagtuunan ang mga programa at proyekto sa irrigation.
00:07Kabilang na dito ang mga rehabilitasyon ng mga lumang pasilidad at pagpapalawak ng mga nasiservisyo ang patubig.
00:14May report si Kenneth Pasyente.
00:18Mas matatag na food security habang direktang tinutugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.
00:24Yan ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2026 National Irrigation Administration at National Confederation of Irrigators
00:32Association General Assembly.
00:34Daan ng aktibidad para malaman ng hinaing ng mga magsasaka at iangkop ang mga programa ng pamahalaan batay sa kanilang
00:40pangangailangan.
00:41Ayon sa Pangulo, nananatiling hamon ang kakulangan sa patubig sa mahigit 30% ng irrigable land sa bansa.
00:48Bukod pa sa epekto ng climate change, pagtaas ng gastos sa produksyon at pananalasan ng kalamidad.
00:54Dahil dito, naglaanaan niya ang pamahalaan ng mahigit 63 billion pesos para sa mga programang pangirigasyon,
01:00kabilang ang rehabilitasyon ng mga lumang pasilidad at pagpapalawak ng servisyong patubig.
01:05Lalo't giit niya, ang pagpapalakas ng irrigasyon ay direktang hakbang upang matiyak ang sapat at abot kayang pagkain para sa
01:13bawat pamilyang Pilipino.
01:14Inaasahan natin na ang pondong ito ay makakatulong sa rehabilitasyon ng mga lumang pasilidad,
01:22pagsasayos ng mga sirang kanal at irrigation system,
01:26at ang pagpapalawak ng mga lugar na maaring mabigyan ng servisyo ng irigasyon.
01:32Bukod pa rito, halos 300 billion pesos naman ang inilaan para sa buong sektor ng agrikultura,
01:38para sa binhi, farm-to-market roads, post-harvest at cold storage facilities, pataba at iba pang suporta sa mga
01:45magsasaka.
01:45Ininspeksyon naman ng Pangulo ang NIA Command Center at ipinunto ang papel ng makabagong teknolohiya,
01:51kabilang ang real-time monitoring, satellite-fed data,
01:54at artificial intelligence-based crop monitoring para sa mas epesyenteng pamamahala ng tubig at pagprotekta sa ani.
02:01Ako, gobernur ako sa Ilocos Norte, pagkasasabihin may darating na bagyo,
02:07alam na namin kung saan nababaha, alam na namin kung saan dadaan yung tubig.
02:11Nagbago na po lahat yun.
02:13Kaya't kailangan maganda ang koleksyon natin ng datos,
02:17kailangan pinapakinggan natin ang mga magsasaka.
02:21Dahil kayo ang unang nakakaalam kung ano yung mga pangyayari sa mga lugar ninyo.
02:26Sinabi rin ang presidente na bagaman malaking tulong ang teknolohiya,
02:30na nanatili anyang nakasalalay ang lakas ng sektor ng agrikultura sa mga magsasaka.
02:35Kayo po ang katuwang ng pamahalaan.
02:38Kayo ang nakakaalam ng pangangailangan sa lupa.
02:42At kayo ang kasama namin sa pagbuo ng mga solusyon.
02:47At sa patuloy natin pagpapalakas ng sistema nito,
02:51may responsibilidad ang bawat isa sa atin.
02:54Sa mga kawani ng NIA at mga katuwang sa NCIA,
03:00huwag natin bibiguin ang ating mga magsasaka.
03:04Nagkaroon din ang open forum kung saan mismo ang Pangulo
03:07ang sumagot sa mga tanong ng mga magsasaka,
03:09gaya ng napapanahong pagbibigay ng farm inputs sa kanila.
03:12Sabi ng Pangulo,
03:13nagbigay na siya ng direktiba sa DA na agahan ang pagkuhan ng mga pataba.
03:17Kahit hindi pa nagsisimula ang planting season,
03:20lalot maaari naman anyang iimbak ang mga ito.
03:22Agahan ninyo ang bili para pagdating ng panahon ng planting season
03:30ay nandiyan na hindi naaantay na bibiliin pa lang,
03:35dadalhin pa lang dito sa Pilipinas kung imported pa,
03:38dadalhin pa sa lugar na kung saan nangangailangan, ilang buwan yun.
03:42At nang tanongin ng Pangulo kung maikokonsidera bang maibalik
03:46ang pamamahalan ng mga communal irrigation systems sa NIA
03:49matapos ma-devolve sa mga LGU,
03:51gate ng Pangulo na bagaman mas localized ang magiging pagtugon sa pangangailangan ng irrigators
03:56dahil sa kapangyarihang ibinigay sa mga LGU,
03:58mas mainam pa rin anya na may pag-agapay mula sa national government,
04:02lalo na sa development at technical support.
04:04Sinabi ko na sa ating NIA, eh kako sa kanila,
04:10eh wala naman siguro magre-reklamo kung mag-rehabilitate tayo ng mga local na irrigation system
04:18at maglagay tayo ng bagong irrigation system.
04:22Kaya't yan, eh kahit na sinasabing devolve na yan,
04:26eh basta't kahanggat kaya naming tutulong, tutulong ang national government sa inyo.
04:31So, siyempre, doon on the ground, doon sa pag-decide kung saan dadalin yung tubig,
04:40kung saan gano'ng karami ang bibitawan ng tubig sa isang lugar, nasa sa inyo yun.
04:45Ngunit, yung mga facilities, yung mga infrastructure, yung mga technical support,
04:51eh magdadala kami na galing sa national government.
04:54Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
04:59Pilipinas.
Comments