00:00In this na bumiyahe patungong New York para sa UN General Assembly,
00:04mas pinili ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:07na tutukan ang mga pangunahing issue sa bansa.
00:10Positibo naman ang pananaw dito ng isang political analyst
00:13na patunayan niya ng seryosong pamunoh ng Pangulong.
00:16Yan ang ulat ni Kenneth Pachente.
00:20Issue ng Bayan ang uunahin ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:24kaya minabuti niyang hindi na dumalo
00:26sa 80th session ng United Nations General Assembly sa New York
00:29Ayon kay Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro,
00:33may mga isyo kasing dapat tutukan ng Pangulo,
00:36particular na ang pagpapababa ng presyo ng mga bilihin,
00:39na isa sa mga hinaing ng taong bayan.
00:41Dagdag pa riyan ang isyo ng flood control projects na una ng kinundina ng Pangulo.
00:45Babantayan din ang Presidente ang Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:50Kasabay nito, nilinaw ng palasyo na walang banta sa kanyang buhay
00:53at higit lalong walang koneksyon ang malawakang kilos protesta
00:56sa September 21 sa naging desisyon ng Pangulo.
00:59Hindi naman po nangangamba ang Pangulo dahil alam po niya na ang pagpaprotesta ng Taumbayan ay tungkol sa paglaban sa korupsyon, kakampi sa kanyang adhikain.
01:10Dahil sabi nga po niya kahapon, kung hindi siya presidente, malamang ay makakasama rin siya sa pagprotesta laban sa korupsyon.
01:18Para sa isang political analyst, good move ang ginawa ng Pangulo.
01:21Hindi naman ito nangangahulugan na pagbaliwala sa UN General Assembly.
01:25Sa halip, patunay lamang ito na seryoso ang punong ehekutibo sa pagresolba sa mga isyo ng bayan particular na sa flood control.
01:44Makikinabang pa rin naman anya ang Pilipinas sa naturang international forum sa pangunguna ni Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro.
01:55In this international gathering, kesa naman ito hindi walaan.
01:59I think the international community will understand the absence of the president.
02:03Ayon sa DFA, isusulong ng Pilipinas ang paninindigan nito sa multilateralism pati na ang rules-based order.
02:10Bibigyang diindi ni Secretary Lazaro ang papel ng Pilipinas sa pagtugon sa mga iba't ibang hamon,
02:14pati na rin ang panawagan ng bansa para sa isang mas matatag na United Nations.
02:18Isang UN na isinusulong ang kapayapaan, siguridad, climate action, proteksyon sa mga migrante, at sustainable development.
02:26Kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas, makikibahagi si Lazaro sa high-level meetings
02:31sa mga mahalagang isyo tulad ng artificial intelligence, climate financing, migration, biodiversity, at maritime security.
02:40Makikipagpulong din ang kalihim sa mga foreign minister upang patatagin ang bilateral at multilateral na ugnayan,
02:46itataguyod ang interes ng Pilipinas at isusulong ang mga pambansang prioridad.
02:50Isusulong din ang kandidatura ng bansa bilang non-permanent member ng United Nations Security Council para sa taong 2027 hanggang 2028.
02:59Kenneth, pasyente para sa pambansang TV sa Bago, Pilipinas.