00:006-6 sa aktividad ang naging linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:04Kabilang dyan, ang kanyang pagkilala sa mga kawani at lokal na opisyal
00:08at paglulunsad ng makabagong pasilidad hanggang sa personal na paglilingkod sa mga nangailangan.
00:14Ang detalya sa report ni Kenneth Pasyente.
00:19Nagsimula ang linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa kanyang pangunguna sa flag raising ceremony
00:25kasama ang mga opisyal at kawani ng Office of the President.
00:28Dito kinilala niya ang mga kawani ng OP sa tapat na pagtupad sa kanilang tungkulin
00:33sa pananatiling na katuon sa trabaho sa kabila ng ingay politika
00:36at sa kanilang pagsisikap upang maisakatuparan ang mga programa at proyekto ng administrasyon
00:41na naglalayong mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.
00:46Dumalo rin ang Pangulo sa isang aktividad kasama ang local leaders
00:49kung saan binigyang diin niya ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan
00:53sa pagpapatupad ng mga programa at sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala.
00:58Pinasalamatan din niya ang mga dumalong opisyal para sa kanilang servisyo publiko
01:01at patuloy na pakikipagtulungan sa pambansang pamahalaan.
01:06Martes, pinangunahan niya at ni First Lady Lisa Araneta Marcos
01:09ang paglulunsad ng mga bagong pasilidad ng NIA Terminal 3
01:13at ang 2025 Presidential Pamaskong Salubong para sa mga OFW.
01:17Ipinakita sa programa ang mga in-upgrade na pasilidad,
01:20kabilang ang biometric e-gates na nagpapabilis ng immigration process,
01:25pati ang mas pinalawak at modernong mga pampublikong espasyo.
01:28Personal ding sinalubong ng Pangulo at ng unang ginang
01:31ang mga nagbabalik bayang OFWs bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo
01:35at ambag sa bansa.
01:36Merkules, hinimok naman ang Pangulo
01:39ang limampung bagong promote na PNP Generals
01:41na maging patas sa servisyo,
01:43panatilihin ang pagtataguyod ng batas
01:45at laging irespeto ang karapatan ng bawat Pilipino.
01:49Ipinunto pa niya na hindi lamang ito pagtaas ng ranggo.
01:52Sa halip ay kaakibat nito ang mas mataas na responsibilidad
01:54na dapat nilang gampanan sa malinis at tapat na pamamaraan.
01:59Inatasan din niya ang mga ito na tiyakin
02:01ng kaayusan at kaligtasan ng mga Pilipino ngayong Kapaskuhan.
02:04Bilang bahagi ng diwan ng Pasko,
02:07personal na nagsilbi ang Pangulo ng mainit na pagkain
02:10at namahagi ng mga regalo sa mga walk-in client
02:13ng walang gutom kitchen ng Department of Social Welfare and Development
02:16sa Nasdage Building sa Pasay City.
02:19Bumisita rin ang Pangulo sa bagong bukas na pag-abot processing center
02:22na matatagpuan sa ikalawang palapag ng gusali
02:25na nagsisilbing pansamantalang kanlungan at sentro ng tulong
02:29para sa mga batang lansangan,
02:31individual at pamilyang nasa sitwasyon ng kahirapan.
02:34Huwebes, hinimok ng Pangulo na maglingkod
02:37ng may integridad at tapang
02:38ang mga bagong promote na general at flag officers
02:41ng Armed Forces of the Philippines.
02:43Binigyang din ang Pangulo ang kahalagahan
02:45ng kanilang panunumpa bilang pagpapakita
02:47ng katapatan sa konstitusyon,
02:48serbisyo sa mamamayang Pilipino
02:50at pagmamahal sa bansa.
02:52Pinaalalahanan sila ng punong ehekutibo
02:54na ang bagong ranggo
02:55ay kaakibat ng mas mataas na responsibilidad.
02:58Kenneth Pasyente
03:00para sa Pambansang TV
03:02sa Bagong Pilipinas.