00:00Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na 80% ng kompleto ang kanyang magiging mensahe para sa ikaapat niyang State of the Nation Address o SONA sa July 28.
00:12Ayon kay Pangulong Marcos, tutok ang kanyang mensahe sa mga programang panlipunan at pang-ekonomiya.
00:20Ipinaliwanag naman ng Pangulo na iba ang SONA ngayong taon kumpara sa mga nakaraan niyang address.
00:25Dahil iba rin ang estado ng bansa ngayon kumpara sa mga nagdaang taon.
00:30Ayon sa Pangulo, kaunting fine-tuning na lang ang natitira at itutuloy niya ang final revision nito ngayong nakabalik na siya ng bansa.