00:00Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi titigil ang investigasyon ng pamahalaan hanggat hindi nauhuli ang mga big fish sa korupsyon at hindi nabubuwag ang sistema ng katiwalian.
00:13Yan ang ulat ni Kenneth Pashende.
00:17Sa gitna ng kontrobersiya sa mga flood control project, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatuloy ang investigasyon ng pamahalaan at mapapanagot ang mga nasa likod ng katiwalian.
00:28Sabi ng Pangulo, dapat matukoy ang anyay big fish o malalaking personalidad na may kaugnayan sa mga irregularidad.
00:58Pagtitiyak ng punong ehekutibo, kahit pa kongresista, gobernador o mayor ang dawit, walang makakalusot, kahit pa kaalyado.
01:08Kasi pag hindi mo mabubuwag ang sistema ng iyan hanggat tinanggal mo yung mga player na yan.
01:13So tatanggalin natin yung mga player na yun at kahit sino man sila para magmaayos ang patakbo ng sistema.
01:20Kaugnay ng investigasyon ng Senado at Kamara, sinabi ng Pangulo na prerogatibo ng dalawang kapulungan ng kongreso ang mag-imbestiga.
01:27Gayunman, giit niya na magsasagawa pa rin ng sariling investigasyon ang ehekutibo sa pamamagitan ng bubuuing independent commission para tutukan ang mga aligasyon ng anomalya.
01:36Alam mo, prerogative ng kongreso yan e, prerogative ng House of Representatives na magkonduk sila ng investigasyon at prerogative ng Senado na magkonduk sila ng investigasyon.
01:49So ipatuloy natin at kahit pa paano, pagka may masusing investigasyon, kahit pa paano meron tayo makukuha din dyan.
01:58So baka makatulong din. So but allow them, we will do what, we will have the independent commission, we'll organize it, we will support it fully.
02:07And all the other organs of government will, I'm sure, play their part in finding the truth to all of these anomalies.
02:19Tuloy din anya ang mga flood control project. Pero paglilino ng punong ehekutibo, dapat munang ubusin ang natitirang budget sa 2025 General Appropriations Act.
02:28para sa mga naturang proyekto.
02:30So there will be no budget for 2026 for flood control.
02:35Dahil meron naman 350 billion for 2025 na hindi pa nauubos talaga.
02:41So tuloy-tuloy pa yung trabaho.
02:43Hindi naman, ibig sabihin, titigil natin yung flood control project, mga flood control project.
02:48Ibig sabihin, titiyakin na ngayon natin na ang pag-gasus tama, ang pag-implement tama, maayos ang design.
02:55Sa isyo naman ng panukalan ng ilang kongresista na ibalik ang 2026 National Expenditure Program o NEP, giit ng presidente.
03:03No, it's not a possibility. Ang titignan na lang is the DPWH budget.
03:08Unilaterally, from our end in the executive, I already instructed the DPWH to review and to rewrite the DPWH budget.
03:19So we have a commitment to Congress that the rewritten DPWH budget will be submitted to them.
03:27Samantala, ibinahagi ng Pangulo ang kanilang pag-uusap ni dating DPWH, Sekretary Manuel Bonoan,
03:32matapos magbitiw dahil nakakaabala na raw ito sa Pangulo.
03:36Kaya nagpas siya na magbitiw sa ngalan ng Command Responsibility.
03:40Tiwala naman ang Pangulo sa kakayahan ni Sekretary Vince Dyson bilang bagong kalihim ng DPWH.
03:45He did a very good job in DOTR and I think he understands very well what needs to be done.
03:52And I think he's committed enough to what we are doing that he will do whatever is necessary,
04:03even if it's a little difficult kahit na medyo may magagalit sa kanya.
04:07You know, he's very professional. Basta trabaho-trabaho. Hindi naman walang personal.
04:13Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.