00:00May namamadali na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtugon sa problema sa trapiko, lalo na ngayong holiday season.
00:07Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:11Nagmistulang parking lot ang kahabaan ng Marcos Highway nitong Sabado dahil sa tukod ng trapiko bunso ng holiday rush.
00:18Kaya ang ilang apektado at netizen, di maiwasang uminit ang ulo.
00:23Ang matinding pagkakabuhol-buhol ng mga sasakyan na yan, pinasusolusyonan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:30Sabi ng Palacio, nais ng Pangulo ng solusyon.
00:32Alam naman din po ng MMDA, alam din po ng DOTR, alam din po ng ating mga ahensya kung ano ang nais ng Pangulo.
00:41Dapat lahat ng problema, magawa ng solusyon.
00:45May mga pagkakataon lang siguro na may mga instances na hindi agad-agad na kayang solusyonan.
00:52Especially pagka yung patungkol sa traffic, pag itong klaseng season.
00:56Pero ginagawa po ng paraan, katulad ng sinabi po ni MMDA siya, Don Artes.
01:01Pinatututukan din ng Pangulo ang isyo sa mahigit isang bilyong unused funds ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA
01:08sa budget nito noong 2024 na napunan ang komisyon ng audit.
01:12Nakalaan ito sa flood at traffic management.
01:14Kaya po, tinututukan na rin po ng DPWH, yung mga patungkol po dyan, para po maiwasan ang ganyang klaseng delay.
01:20At ang delay po kasi, alam natin, ito ay hindi magandang epekto ng servisyo para sa taong bayan.
01:27So, tututukan po ito ng DPWH at ng MMDA. At yun din po naman ang utos ng Pangulo.
01:32Pero paliwanag ng MMDA, nahabol na raw nilang paggamit ng pondo.
01:37Sadyang inabot lang daw ng pandemya, kaya hindi agad na gamit ang mga pondo mula 2018 hanggang noong nakaraang taon.
01:43Sa ngayon po, nakaka-catch up na po tayo. In fact, satisfactory po ang rating na ibinigay sa atin ng World Bank.
01:51In fact, about a week or two ago, nag-meeting po kami ng mission ng World Bank.
01:58At wrapping up na po tayo. At we can assure the public na inayos na po natin yan.
02:07Nakaka-catch up na po tayo. At magagamit po ng tama yung pondo for the purpose intended.
02:12Sa usapin ng traffic ngayong holiday season, lalo na ang nangyaring traffic sa Marcos Highway nitong Sabado,
02:18sinabi ng ahensya na patuloy ang kanilang mga intervention para tugunan ito.
02:22Partikular na ang clearing operations ng mga mabuhay lane.
02:25Patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para maayos ang koordinasyon.
02:30Pero kahapon, nagpulong na po tayo sa panguna ng MMDA kasama po ang LGU ng Marikina, Pasig, Queso City, Tainta at Antipolo.
02:43At nag-propose po tayo ng mga mitigating measures para hindi na po maulit.
02:48At mamaya po may ocular inspection po tayo today, mamayang hapon, para po pignan yung aming proposal at para mag-agree po ang lahat po ng mga LGUs na may access po dito po sa Marcos Highway.
03:07Sa kabuuan, sinabi ng MMDA na hindi maiiwasan ang traffic ngayong Christmas season.
03:12Lalo't sa EDSA palamang, tinatayang aabot na sa 450,000 na mga sasakyan ang dadaan kada araw sa una at ikalawang linggo ng Disyembre.
03:21Halos doble, kumpara sa 250,000 na capacity.
03:25Kaya naman nakikipag-ugnayan na raw ang MMDA sa DOTR para i-extend ang oras ng biyahe ng MRT at LRT lines
03:31para kahit paano ay may masakyan ng publiko at di na magdala pa ng sasakyan.
03:36Pagkaman hindi naman daw pinagbabawal ang mga sales sa mall, hinimok din ng MMDA ang mga mall owner na iwasan ang mall-wide sale.
03:44Hindi naman po natin pinagbabawal yung sale per se, per store.
03:49Ang pinagbabawal lang natin ay yung mall-wide sale na kabuuan po ng mall ay lahat po ng stores ay may sale.
03:56So hindi naman po yan nakaka-restraint ng trade.
04:00So at nag-agree po sila dyan.
04:02Dahil pag sobra rin po ang traffic, nawawala po yung foot traffic sa kanilang mga malls,
04:08na di-discourage din po pag pumunta yung mga mami-mini at nakakabawas din po sa sales nila.
04:16Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment