Skip to playerSkip to main content
-Impeachment complaint, isinampa laban kay Pangulong Bongbong Marcos

-PAGASA: Bagyong Ada, posibleng humina bilang LPA sa mga susunod na oras o araw

-Civil Defense Sec. Alejandro IV: 260,000 tao, apektado sa pananalasa ng Bagyong Ada; 10,000 pasahero, stranded sa pantalan

-Binatilyo, sugatan matapos masaksak sa riot ng nasa 67 kabataan; 2 sangkot sa pananaksak, hinahanap pa

-PBBM: Natural gas, nadiskubre ng Pilipinas sa Malampaya East-1

-Dating DPWH Sec. Bonoan, bumalik na sa Pilipinas matapos manatili ng 2 buwan sa Amerika

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mainit na balita sinampahan ng impeachment complaint sa Kamara si Pangulong Bongbong Marcos.
00:06Inindorso yan ni Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Partylist Representative Jet Inisay.
00:12Kasama ni Inisay kaninang nagpakilala ng complainan sa reklamo na si Atty. Andre De Jesus.
00:17Ayon kay De Jesus, 6 ang grounds nila para sa impeachment complaint laban sa Pangulo.
00:22Kinumpirma naman ni House Secretary General Celo Igaratil na natanggap nila ang impeachment complaint.
00:30Bilang tropical depression
00:34Humina ng bilang tropical depression ang bagyong ada.
00:39Namataan niya ng pag-asa mahigit 400 km silangan ng kasiguran aurora kaninang alas 8 ng umaga.
00:46Taglay nitong lakas ng hangin na aabot sa 55 km per hour.
00:50Mabagal pa rin kumikilos ang bagyo sa 10 km per hour.
00:54Base sa pinakahuling forecast ng pag-asa, patuloy na kikilos palayo o pahilagang silangan ang bagyong ada sa mga susunod na oras.
01:02Hanggang sa gagawa na ito ng looping track o tila iikot pabalik sa bansa.
01:08Sa kabila niyan, hindi ito tuluyang magagawa ng bagyong ada dahil pahinain pa ito ng haing amihan hanggang sa malusaw.
01:14Sa ngayon, magiging maulap pa rin na sasamahan ng pag-ulan ang Bicol Region, Aurora, Quezon Province at Northern Samar dahil sa trough o extension ng bagyo.
01:25Bukod sa bagyo, patuloy na umiira lang haing amihan sa Northern Luzon.
01:29Malaking bahagi ng bansa ang magkakaroon ng maayos na panahon ngayong lunes.
01:34Ilang lugar lang sa Luzon, Northern Samar at Mindanao ang posibleng makaranas ng light to moderate rains.
01:40Kanina, nakapagtala ang Baguio City ng minimum temperature na 14.8 degrees Celsius, habang 23.8 degrees Celsius dito sa Quezon City.
01:51Mahigit 200,000 tao ang apektado sa pananalasa ng bagyong ada sa bansa.
01:57Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Ricardo Rafaelito Alejandro IV, mula sila sa halos 400 barangay.
02:05Sa kabuan, minor lamang daw ang naging epekto ng bagyo sa Pilipinas.
02:09Maliban sa nangyaring landslide sa Matnogs or Sugon, kung saan dalawa ang nasawi.
02:15Dagdag pa ng kagawaran, aabot sa 82 pantalan ang nagsuspinde ng biyahe sa kasagsagaan ng bagyo.
02:22Dahilan para ma-stranded ang 10,000 pasahero.
02:26Sa ngayon, malalaking sasakyan, pandagat muna ang papayagang bumiyahe.
02:30Lalo't maalon pa rin sa mga areas po ng Samar at Bicol.
02:35Patuloy rin po ang paglilikas sa mga residente sa Albay dahil sa banta ng lahar flow mula sa Bulcang Mayon.
02:43Nakatakda namang maglabas na ang OCD ng kabuang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura pag bumuti na ang panahon.
02:51Samantala, sugata ng isang binatilyo matapos masaksak sa gitna ng riot ng mga kabataan sa Quezon City.
03:00Balitang hatid ni James Agustin.
03:02Nagtakbuhan at nagbatuhan ng bote ang ilang kabataan sa barangay Greater Lagro, Quezon City hapon noong Sabado.
03:13Maya-maya pa kita na may tila kinukuyog sila at pinaghahampas.
03:18Mabilis na nagpulasan ang mga kabataan.
03:20Ang naiwan sa damuhan, isang dugoan na 16 anyo sa lalaki na nasaksak umano sa gitna ng riot.
03:26Isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng saksak sa kamay, likod at agiliran.
03:31Kasalukuyang pa siya nagpapagaling.
03:32Ayon sa pulisya, sangkot sa riot ang dalawang grupo ng mga kabataan.
03:35Ang pinagmula ng away nila, tuksuhan, and then previous sa garage din ng mga gang nung dalawa,
03:44doon sila nagpangabot. Doon yung parang naging meeting place nila.
03:47Kasi tinignan din namin yung mga cellphone, meron silang GC.
03:49Kaya kung saan sila magtatagpo.
03:51Inibitahan sa police station ang 67 kabataan na kasama sa riot.
03:55Karamihan sa kanila ay lalaki, habang apat ang babae.
03:58Ang edad naglalaro sa 11 hanggang 16 anyos.
04:01Some are residents of Quezon City and some are residents of Caloocan.
04:05Pinatawag namin yung kanilang mga magulang and then,
04:07ang intervention natin na ginawa,
04:09tino-over namin sila sa barangay para sa social intervention din.
04:12Sa tulong ng saksina, tukoy ang pagkakilanlan ng dalawang sospek na kapwa 16 anyos.
04:18Patuloy pa silang hinahanap ng pulisya.
04:20Sa ospital, ipinakita sa biktima ang larawan ng isa sa mga sospek.
04:23Na positibo niyang kinilalang sumaksak sa kanya.
04:25Residence sila ng Quezon City, barangay Yiculiat.
04:29And member sila nung isang gang din na kalaban nga nung biktima.
04:34Sasampahan ang mga sospek na reklamong frustrated homicide.
04:37James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:42Samantala, may bagong deposito ng natural gas na nadeskubre sa Palawan.
04:47Tinawag niyang Malampaya East One Reservoir.
04:52For the first time in over a decade, a significant natural gas discovery has been made.
04:58The MAE-1 is estimated to contain around 98 billion cubic feet of gas in place.
05:04Katumbas nito ang halos 14 billion kilowatt hour ng kuryente sa isang taon.
05:10Sa anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos, ang MAE-1 ay tinatayang nasa 5 kilometro sa silangan ng Malampaya Field
05:19at tinatayang naglalaman ng nasa 98 billion cubic feet ng gas.
05:24Kaya raw niya na makapagsupply ng kuryente sa mahigit 5 milyong bahay o halos 200,000 paaralan sa loob na isang taon.
05:31Bukod sa natural gas, may nadeskubre rin yung condensate na isang high-value liquid fuel.
05:38Ayon sa Pangulo, makatutulong ito sa pag-stabilize ng power supply ng bansa.
05:43Umuwi na sa Pilipinas si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan matapos manatili sa Amerika ng dalawang buwan.
05:58Kasama si Bonoan sa mga pinadadalo sa pagdinig mamaya ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa flood control projects.
06:05Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
06:07Matapos ng dalawang buwan sa Amerika, umuwi na sa Pilipinas si dating DPWH Secretary Manny Bonoan
06:17may Immigration Lookout bulletin order para kay Bonoan dahil sa investigasyon sa maanumaliang flood control project.
06:24Dating sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na umabot sa mahigit 30 billion pesos ang allocable ni Bonoan sa national budget.
06:32Si Nadjarin Anya nitong magbigay ng mali-maling coordinates ng flood control project sa Malacanang.
06:38Lumipad pa Amerika si Bonoan noong Nobyembre para samahan ang asawa na magpa-opera.
06:44December 17 dapat ang uwi niya.
06:46Pero ayon sa kanyang abogado, na-delay ang operasyon kaya hindi agad naka-uwi.
06:51Former Secretary Manny Bonoan po ay dumating limbo po noong umaga, January 18.
06:58Nanggaling po siya from Taipei.
07:00Siya po ay nasa immigration lookout bulletin natin.
07:03Kaya po ang kanyang pagdating ay nireport po natin paagad sa Department of Justice.
07:08So far po doon sa ating tala, wala po siyang reported companion na kasama po niyang umuwi na po.
07:15Kasama niya po ang kanyang staff na umalik.
07:18Pero ngayon po, nung siya po ay bumalik, wala pong declared at reported na kasama po pa uwi.
07:26Kasama si Bonoan sa labing dalawang sinagpina ng Senate Blue Ribbon Committee para sa pagdinig.
07:31Kabilang din dyan si nadating Congressman Zaldico, COA Commissioner Mario Lipana,
07:36at dating Deped Yusek Trigiv Olaivar na mga tumanggap umano ng kickback mula sa flood control projects.
07:41Ayon kay Committee Member, Sen. Kiko Pangilinan, malaki ang papel ng Blue Ribbon.
07:47Ngayong hindi makapagpatuloy sa trabaho ang Independent Commission for Infrastructure dahil sa kawalan ng core room.
07:53Matapos magbitiw ni nadating Public Works Secretary Babe Simpson at Executive ng SGV na si Rosana Fajardo.
07:59Tip of the iceberg pa lang dahil bulakan.
08:04Pero habang hinihiring kasi natin, marami ang mga nagpapadala ng mga text messages.
08:11Tingnan din ninyo yung Cavite, tingnan din ninyo yung Pangasinan.
08:17Parang nasa transition tayo. Wala ng ICI, wala ng core room.
08:23At hindi naman na ipapasa pa itong Independent People's Commission.
08:28Although of course, ang sinasabi ng ibang mga legal experts, nandyan naman talaga yung ombudsman which is in the DOJ.
08:36Kahit daw for later release o hindi kaagad nabigyan ng pondo ang ilang proyekto sa Cabral Files,
08:42kailangan pa rin investigahan.
08:44Lalo't may down payment na umano kahit nasa National Expenditure Program pa lang.
08:48Saan galing yung pera?
08:50And most likely, ang ating tansya dyan galing sa mga kontraktor na nag-advance at naniniwalang makukuha nila na yung proyekto dahil rig na.
09:02Meron pa rin katiwalian. Meron pa rin komisyon at kickback.
09:07Sagot naman ni Pangilinan kay Sen. Aimee Marcos na nagsabing puro senador ang pinupuntirya sa mga anomalya pero walang kongresista.
09:16Inimbitahan silang lahat. I think 17 ang inimbitahan ng hearing. So we can tackle that again.
09:24Hindi dahil nga, well sinasabing hindi namin, hindi binibigyan ng pagkakataon na maipaliwanag itong mga sangkot na kongresista.
09:38Hindi naman din totoo yun dahil nga inimbitahan sila. Hindi sila kumarap.
09:42Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended