Skip to playerSkip to main content
-55 pamilya sa Brgy. Dulong Bayan, nasunugan

-PAGASA: Potensyal na Low Pressure Area, posibleng mabuo sa loob ng PAR sa Christmas Week

-Pagsisimula ng deliberasyon ng BiCam kahapon, na-delay dahil sa magkahiwalay na pulong ng Senado at Kamara

-P33B para sa farm-to-market roads sa 2026 budget, inaprubahan ng BiCam

-LRT-1 operations, balik-normal na matapos maayos ang technical fault sa pagitan ng MIA Road at Redemptorist-ASEANA stations

-Asong nakapatay umano ng manok, patay matapos pagpapaluin ng isang lalaki sa Montalban Public Market

-Bangkay ng isang mangingisda, natagpuang palutang-lutang sa ilog

-Truck na nawalan ng preno, ibinangga sa poste at nasunog; 1, sugatan

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mahigit limampung pamilya ang nasunugan sa Barangay Dulong Bayan sa Baco Orcavite kung kailan papalapit ang Pasko.
00:07Pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa kipot na mga daanan.
00:11Balita natin ni Bam Alegre.
00:15Nabalot na makapal na usok ang paligid ng sumiklab ang sunog sa Sitio Bulate, Barangay Dulong Bayan, Baco Orcavite, pasado alas 8 kagabi.
00:24Magkakatabing bahay na limampunt limang pamilya ang tinupo ng apoy.
00:27Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.
00:34Sin-safety ko lang po yung pamangin ko at saka yung mga pabeles namin, pabeles tapos yung gasul.
00:41Kunti lang naman po yung safety namin.
00:44Mabilis, sobra. Wala na iligtas kahit ano. Mga anak ko, mga pamilya ko, prioritized. Yun lang naman.
00:52Nagdag pa ng BFP, inakyat nila hanggang ikatlong alarma ang sunog. Hindi bababa sa labindalawang firetruck ang agad rumesponde.
01:00Kalaunan, limampunt apat na firetruck ang dumating kabilang ang mga fire volunteer.
01:04Number one na challenge natin doon, sir, ay yung kalsada. Talagang makipot.
01:09So far, yung mga trucks natin ay nahirapang magpenetrate doon sa area.
01:13Gawa ng maliit, tsaka maraming mga nakaharang. At the same time, sad to say, may mga jeep, may mga iba-ibang sasakyan na nandun naka-park along the way.
01:25Humigit kumulang P375,000 ang halaga ng pinsala ng sunog ayon sa BFP.
01:31Patuloy pa ang investigasyon sa sanhi ng apoy.
01:34Pasadolas 9 na makontrol ang sunog at tuluyan itong nakapula bago mag-alas 10 kagabi.
01:39Nung humupa ng apoy, may mga residenteng bumalik sa kanilang bahay para tingnan kung may maaari pang mapakinabangan na kalakal.
01:46Karamihan namay nagpalipas ng gabi sa kalapit na gym ng lokal na pamahalaan.
01:50Inasikaso sila ng City Social Welfare Development ng Bacoor.
01:54Yung mga tent po nakaredy na rin po. Tapos yung mga pagkain po napadala na din.
01:59Bale po nag-start po yung sunog doon sa isang bahay po na malapit sa Jimenez Compound po.
02:06Tapos nagdere-derecho na po.
02:08Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:17Isang sama ng panahon ang posibleng mabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa Christmas Week.
02:23Base sa datos ng pag-asa, maaaring mabuo ang low-pressure area sa silangan ng Mindanao.
02:28Unti-unti itong lalapit at makakaapekto sa bansa mula December 19 hanggang 25.
02:33Pusibleng magpaulan ang LPA sa Caraga Region, Eastern Visayas at Bicol Region.
02:40Sa ngayon, Hanging Amihan at Easterlis ang nagdadala ng paminsan-minsang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
02:47Nakataas ang thunderstorm watch dito sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
02:54Pusibleng ang pag-ulan na may kulog at kidlat hanggang mamayang alas G's ng gabi.
02:59Nakapagtala ang pag-asa ng 14.6 degrees Celsius na minimum temperature sa City of Pines, Baguio.
03:0417.7 degrees Celsius sa Basco Batanes, 19.3 degrees Celsius ang minimum temperature ngayon sa Malay-Balay, Bukidnon.
03:1319.5 degrees Celsius naman sa Kasiguran Aurora, habang 22 degrees Celsius dito sa Quezon City.
03:21Ipagpapatuloy mamaya ang pagtalakay ng Bicameral Conference Committee para sa 2026 National Budget.
03:30Isasalang ulit sa deliberasyon ng budget ng DPWH.
03:33Kasunod yan ang hiling ng ahensya nitong weekend na ibalik ang 45 billion pesos na tinapyas sa panukalang budget nito.
03:41Balita natin ni Bea Pinlak.
03:42Ilang oras na urong bago nagsimula ang ikalawang araw ng Bicameral Conference Committee hearing para talakayin ang panukalang 2026 National Budget.
03:55Ang dapat sana'y 2pm na hiling kahapon, mag-aala 5 na nagsimula.
03:59Nagkaroon ng kokos sa Majority Block ng Senado kasama si Senate President Tito Soto.
04:04It's because some of our colleagues in the Senate raised some concerns about some of the items that have been tackled and will be tackled
04:15and we felt the need to convene a, I wouldn't say emergency, but a meeting to be able to thresh these matters out.
04:29Maaga naman dumating ang contingent ng House, pero nagkaroon din sila ng hiwalay na pulong.
04:34Lalong na antala ang deliberasyon ng Bicam sa 2026 National Budget kahapon nang magtalo ang mga mambabatas.
04:42Kung pwede bang humarap si DPWH Secretary Vince Dizon, bagay na bihira lamang ginagawa.
04:47This is a bicameral conference committee ng Congress and Senate. Wala naman po nakalagay dito na kasama po executive.
04:55We have the power to invite. We are saying that let us listen. We will not agree. We may agree.
05:02But the point is that transparency requires that we hear the executive. After all, it's the executive that will implement what will pass.
05:11Giit ng ilang senador, ilang beses nang humarap sa Senado si Dizon.
05:15At paulit-ulit na itong natanong kung sapat ba ang budget na inilaan ng Senado para sa DPWH.
05:21Ang DPWH daw kasi mismo ang nagbawas ng bilyon-bilyong piso sa kanilang panukalang pondo.
05:28Pero noong Sabado, humirit sila na may balik ang nakaltas na budget dahil sa construction materials price data o costing sa mga materyales sa mga proyekto.
05:37Ang ibig ba sabihin, i-re-restore yung mga duplicated, completed and overlapping projects.
05:44Doon ako nagtataka. At ano ang garantiya natin na sa loob ng dalawang buwan na naman, after two months, he may change his mind again.
05:54Let it be very clear. The senators did not invent the numbers. These are from the Department of Public Works and Highways.
06:03Kalaunan, nagkasundo ang BICAM na payagan ng pagharap ni Dizon.
06:09Nilinaw ni Dizon na walang proyektong tinanggal sa DPWH na ibabalik.
06:13At walang presyo na ibinaba na basta na lang dadagdagan.
06:16Ang hinihingigin lang po natin is yung pong binawas na 45 billion approximately, ibalik po ulit para po ma-implement po ito ng tama.
06:32Hindi po talaga natin pwedeng ibaba na lang ng basta-basta across the board.
06:37Paliwanag niya, sa pagkatapyas ng DPWH budget sa Senado, dalawa ang pwedeng mangyari.
06:43Magkulang ang pondo sa ilang proyekto o kaya'y sumobra naman ang mabawas sa iba.
06:48Iba-iba pa rin daw ang presyo ng materyales sa iba't ibang lugar.
06:52Kaya kakailanganin daw na isa-isang busisiin ang mga ito.
06:56Hindi pa rin nakaligtas ang DPWH sa panggigisa ng mga mambabatas.
07:00I truly resent the fact that the BICAM is being hostaged by the Secretary of the Department of Public Works and Highways.
07:10Dapat tanggalin na lang ninyo lahat kasi pinapadagdagan mo yung budget, tapos yung mga mag-i-implement, wala kang tiwala, ano naman kami?
07:19Matapos malagay sa hot seat ng BICAM si Dizon, mahigit dalawang oras natigil ang deliberasyon.
07:24Nag-usap-usap muna ang mga mambabatas at pagbalik nila, tinapos na ang ikalawang araw ng BICAM.
07:31Hindi pa naa-aprobahan ang budget ng DPWH.
07:34Kailangan pag-usapan pa namin lahat. Kaya sinospend mo na namin yung session.
07:39Ang mga ganitong bagay hindi mo pwede madaliin. Hindi porkit kailangan, may deadline, tapusin natin.
07:44Isasalang ulit ang budget ng DPWH sa BICAM ngayong araw.
07:48Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:51Inaprobahan naman ang BICAM ang P33B na pondo para sa pagpapagawa o pagkukumpuni ng Farm-to-Market Roads.
08:02Bago maaprobahan, nagpahayag muna ng pagkabahala ang ilang senador kaugnay sa budget ng Farm-to-Market Roads.
08:08Tulad na lang ng pagdoble nito sa P33B mula sa orihinal na P16B sa 2026 National Expenditure Program.
08:16Gayun din ang isyo sa transparency at overpricing at ang paglilipat sa Department of Agriculture ng implementasyon nito mula sa Department of Public Works and Highways.
08:26Naprobahan ang pondo kalaunan ng maglatag ng safeguards para sa pondo tulad ng pakikipagpartner ng mga lokal na pamahalaan sa pribadong sektor
08:34at pagkakaroon ng transparency portal kung saan makikita ang lokasyon ng Farm-to-Market Roads.
08:42Balik normal na ang operasyon sa buong linya ng LRT-1 matapos magkaberya kaninang morning rush hour.
08:48Ayos sa Light Rail Manila Corporation na ayos na ang technical fault sa pagitan ng MIA Road at Redemptorist Aseana Station.
08:55Bago mag-alas 6 ng umaga nang magpatupad ng limitadong operasyon ng LTRT o LRT-1 mula Baklaran hanggang Fernando Poe Jr. Station.
09:12Mayinit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
09:16Isang bangkay ang natagpwang palutang-lutang sa isang ilog sa Dagupan, Pangasinan.
09:21Chris, nakilala na ba yung bangkay?
09:23Oo, Rafi. Naisa siyang maingisda na taga-barangay Poblasyon Weste.
09:31Ay sa pulisa nakipag-inuman pa ang maingisdang si Rogelio Martinez bago pumalaot.
09:36Hindi na siya nakabalik hanggang nakita na lang kinabukasan ang kanyang bangkay sa bahagi ng ilog na sakop ng barangay Pantal.
09:44Dinala siya sa ospital pero idiniklarang patay na.
09:48Nasunog naman ang isang truck matapos maaksidente sa Antipolo Rizal.
09:51Naggangalit na apoy at maitim na usok ang nasaksihan ng mga motorista sa kahabaan ng Zigzag Road sa barangay San Jose.
10:00Bahagyaring tumukod ang daloy ng trapiko.
10:03Basis sa salaysay ng pahinante ng truck sa Office of Public Safety and Security, nawala ng preno ang truck.
10:09Para maiwasang makaaksidente ng iba pang sasakyan, ibinanggan na lamang ng driver ang sasakyan sa isang poste.
10:17Dumeretso pa ang truck sa isang kubo at ang mga panindang buko roon.
10:21Sugatan ang nagtitinda.
10:23Bahagyan namang nadamay sa sumiklab na sunog mula sa truck ang isang motorsiklo na nakaparada sa gilid ng kubo.
10:30Ay sa pulisya, nagkaayos na ang mga panig sa pagsasayos sa nasirang kubo, pati na ang pagbabayad sa mga buko at nasirang motorsiklo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended