Skip to playerSkip to main content
  • 2 hours ago
-Hilera ng mga tindahan ng paputok, nasunog; sinindihang fountain na lumihis, tinitignang sanhi ng apoy


-PHIVOLCS: Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2 dahil sa dumaraming rockfall events


-INTERVIEW: DR. TERESITO BACOLCOL, DIRECTOR, PHIVOLCS


-PAGASA: Isang bagyo, posibleng pumasok o mabuo sa loob ng PAR ngayong Enero


-Ilang pananim, muling nabalot ng andap o frost; mga magsasaka, gumagamit ng rain burst o power spray para malusaw agad ang yelo/ Sapat pa ang supply ng gulay, ayon sa Benguet Farmers and Vegetable Dealers Association


-Mahigit P1B halaga ng umano'y smuggled na sigarilyo, natuklasan sa 14 na container trucks


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa gitna ng pagsalubong sa bagong taon, hili-hilera ng mga tindahan ng paputok ang nasunog sa Antipolo Rizal.
00:07Ang tinitinang sanhi, isang sinindihang fountain.
00:10Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:15Kinukunan lang ng video ang nagpuputok ang fireworks na yan sa Barangay de La Paz, Antipolo City,
00:21noong kasagsagan ng pagsalubong sa bagong taon kagabi,
00:24nang biglang nagsabugad sa baba ang mga paputok.
00:30Sa isa pang video, kita ang malapitang pagsabog ng saring-saring fireworks.
00:42Kanya-kanyang paglikas ang mga tao.
00:45Ang lugar na pinangyarihan, isang designated area ng tindahan ng mga paputok.
00:50Kita ang isang nagbibideo na sinubukan pang magtago sa likod ng mga istante.
01:00Oh!
01:02Ito!
01:03Ito ay big!
01:04Ito!
01:05Ito!
01:07Ito!
01:10Kwento ng mga saksi, may tsaraw na mga kalat-kalat na pagsabog,
01:14ang nalihis na pagputok ng isang fountain.
01:17Ang ginagawa ko lang po noon is nanonood lang po ako ng fireworks.
01:20Gawa po ng 12 na po noon.
01:24Kaya po nagpupuputok na po sila.
01:26Then napansin ko po biglang lumis po yung paputok.
01:29Then doon na po nagsimula yung trehetya.
01:33Hindi na po namin naligpit yung mga gamit namin, yung mga paninda.
01:37Sa sobrang taranta po, hindi namin alam kung saan kami pupunta.
01:41Yung anak ko po, naligaw siya.
01:43May pader daw silang tinalon.
01:46Yung anak ko po na nahiwalay sa akin, mamay, yung bunso ko is 6 years old po.
01:49Sa sobrang taranta, hiwahiwalay po kami.
01:52Ilan sa mga lumikas, pinasok na lang ang isang bahay sa likod na mga tindahan.
01:58Talagang duguan po yung iba.
02:01Pasensya na po kayo, pumasok na po kami na walang paalam.
02:04Kailangan po namin ng tulog. Kailangan po namin pasagin tong gate na niyo.
02:09Ayon sa Barangay de La Paz Rescue, labing isa ang biktima sa insidente, kabilang ang ilang minor de edad.
02:15Noong pagdating na ko dito, mayroong isang minor injury, nag-hyperventilate, and then it only to found out, yung iba is nandoon na po sa barangay namin.
02:25So doon na po nag-proceed yung ibang rescue, and then may 6 na napunta doon sa hospital.
02:32So chinek namin, in total is 11 sila.
02:34Tumakbo sila eh. So yung pagtagbo nila, nadapa, so mga gas-gas, at yung isa is, yun nga, may laceration doon sa kamay, but all is okay naman.
02:47Kabilang sa mga sumabog na paputok ay aerial fireworks, mga fountain, at mga lucis, maging mga panindang torotot, damay sa sunog.
02:56Halos maubos naman ang mga panindang paputok sa istante na posibleng hindi na rin mapakinabangan.
03:01Nasa walong firetrucks ng Bureau of Fire Protection ang rumisponde sa insidente.
03:06Tuloy ang napula ang sunog pasado alas 12 ng madaling araw.
03:09Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
03:13EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:19Itinas ng FIVOX sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon simula ngayong unang araw ng 2026.
03:24Dahil daw yan sa dumaraming rockfall events ng bulkan itong nakaraang dalawang buwan.
03:28Ayon sa FIVOX, halos 600 rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon simula Nobyembre.
03:34On average, nasa Sampuraw yan kada araw.
03:37Kahapon, December 31, naitala ang pinakamarami para sa taong 2025 matapos magkaroon ng halos 50 rockfall mula sa Bulkang Mayon.
03:46Inihimok ang publiko na huwag pumasok sa 6-kilometer radius ng permanent danger zone ng bulkan.
03:51Pinaiiwas din ang mga sasakyang panghipapawid na lumipad malapit sa tuktok ng bulkan.
04:01Kaugnay sa pagtataas ng Alert Level ng Bulkang Mayon, makakausap natin si FIVOX Director Teresito Bakolkol.
04:07Magandang umag at welcome po sa Balitang Hali.
04:09Yes sir, magandang umagandang po and happy new year sa inyo.
04:14Happy new year din po. Nakamabahala na po ba yung pagtataas sa Alert Level 2 nitong bulkan?
04:19Ano po ibig sabihin ito?
04:22Ang Alert Level 2 means there is an increasing or moderate level of interest that may eventually lead to a magmatic eruption.
04:28Pero sa ngayon, wala pa po tayong eruption.
04:32But the probability po nito is higher compared to say when the volcano is on Alert Level 1.
04:39Sa historical record po nitong bulkan, itong mga rockfall event, talagang magandang gauge po ba ito kung puputok na ang bulkan o hindi pa?
04:48Yes, yung ginagamit natin for Mayon volcano, ginagamit natin yung rockfall events.
04:54Kasi yung 2023 eruption natin, nagkaroon po tayo ng rockfall events prior to its effusive activity.
05:05So almost the same yung nagkikita natin ngayon.
05:09Prior to the eruption, last June 2023, meron tayong 49 in one day, 49 rockfall events.
05:17Pero before that, may mga manging ilan-ilan.
05:19So it's the same with what we're seeing now.
05:21So ang ibig po kasi sabihin nito, may magma na umaakyat and nadidisludge niya yung mga bato na nasa tuktok ng bulkan.
05:30Kaya nagkakaroon tayo ng rockfall events.
05:32Matarik po kasi itong bulkan.
05:33So itong mga rockfall events, talagang magandang gauge kapag may umaakyat na magma.
05:38Doon sa history po nito, kung limampung rockfall events sa isang araw, sa mga susunod na araw, ano po yung likelihood na sumabog na itong bulkan?
05:47Well, again, we assess this on a day-to-day basis kung pagbabasaan natin yung 2023.
05:55After the 49 rockfall events in a day, nagkaroon ng more than 200 rockfall events within 4 days.
06:04So titignan natin kung the same pattern ba, but may mga scenarios na nakikita.
06:11Again, yung first scenario natin is katulad noong 2023, where the activity is more effusive.
06:18And when you say effusive eruption, hindi siya explosive, lalabas lamang ng lava doon sa dalistis ng bulkan.
06:29Ang mangyari nito, this would take longer para matapos.
06:34So yung 2023 took us 6 months bago humupa ang bulkan.
06:38Pwede rin yung 2018 eruption natin, rockfall events and then followed by explosive eruption.
06:43And shorter ito, it only lasted for 2 months, pero yun nga, explosive.
06:51Or pwede rin, eventually, yung unrest na nakikita natin ngayon would eventually taper off.
06:58And yung rockfalls would decrease and yung monitor parameters natin would stabilize.
07:03If this happens, we revert back to alert level 1.
07:06Opo. Hanggang saan po umaabot itong mga batong na uhulog sa may tuktok na bundok ng bulkan?
07:10At may pangangailanan ho bang lakihan yung danger zone?
07:14For now, maintain pa rin natin yung permanent danger zone natin na 6 kilometers.
07:19Even noong 2023, when we raised it to alert level 3, hindi naman tayo nag-expand ng permanent danger zone.
07:26Hindi tayo nag-expand ng danger zone, nasa 6 kilometers pa rin, maintain natin.
07:30Yung rockfall events, nasa upper slope lamang yan, at least around 1 kilometer from the crater of the volcano.
07:42Habang may ganito pong event dyan po sa mayon, kapag kaumulan, meron ho bang epekto ito?
07:47Yes po. Kahit walang event na ganito, may epekto pa rin ito.
07:53Kasi yun nga, yung may mga deposito pa rin tayo na nasa dalis ng vulkan na pwedeng i-remobilize as lahars.
08:01So, yun, yung may mga deposito pa rin tayo kapag malakas yung ulan, pwedeng ma-generate, pwedeng ma-remobilize as lahars.
08:11May pagkakataon po kayo na makiusap sa ating mga kababayan dyan po sa lugar ng vulkan Mayon.
08:18Ano sa inyong pagkakataon? Baka may panawagan po kayo?
08:21Okay, so sa ating mga kababayan na nakatira around Mayon Volcano,
08:25again, paalala natin, Mayon Volcano is on alert level 2,
08:30so please stay out of the 6 kilometer permanent danger zone
08:33and follow only official information coming from our office and sa kanilang mga LGUs.
08:40So, maghanda rin sila in case the volcano's activity would escalate in the coming days or weeks.
08:49Okay, maraming salamat po sa oras na ibinagi nyo po sa Balitang Hali.
08:54Si Fibux Director Teresito Bakulkol.
09:03Ngayong Enero, hanggang isang bagyo ang posibleng mamuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
09:09Ayon sa pag-asa, ang potensyal na bagyo ngayong buwan ay maaaring mag-landfall sa Eastern Visayas o kay Sakaraga Region.
09:17May chance rin lumihis yan ang ating bansa.
09:19Sa ngayon, wala pa rin namamata ang bagyo o sama ng panahon sa loob o labas ng PAR.
09:25Hanging Amihan, shearline at easterly sa mga weather system na nakaapekto ngayon sa bansa.
09:29Dahil din sa Amihan, maalon ngayon at delikado sa maliliit na sasakyang pandagat ang pumalaot sa mga baybayin ng Batanes.
09:38Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin ang halos buong Mindanao at ilang panig ng Luzon at Visayas kasama ang Metro Manila.
09:45Maging alerto sa heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
09:51Ngayong Huwebes, naitala sa Baguio City ang minimum temperature na 15.6 degrees Celsius,
09:57habang 24 degrees Celsius dito sa Quezon City ayon sa pag-asa.
10:01Ito ang GMA Regional TV News
10:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:12Nabalot na naman ng andap o frost ang ilang pananim sa Atok Benguet dahil sa sobrang lamig.
10:18Chris, paano na ro'y yung mga pananim do'n?
10:22Rafi, sabi ng ilang magsasaka, hindi raw sila gaano'ng nababahala sa andap ngayon dahil marami na silang naaning gulay.
10:29Sabi rin ng ilang magsasaka, gumamit sila ng rainburst o power sprayers para malusaw agad ang yelo at hindi masira ang mga gulay.
10:38Tinayak din ang Benguet Farmers and Vegetable Dealers Association na sapat ang supply ng gulay sa lalawigan ngayon.
10:46Inaasahang mas lalamig pa sa mga bulubundukin o matataas na lugar sa Northern Luzon ngayong Enero at sa Pebrero dahil sa Amihan.
10:54Sa Batangas City naman, nasabat ng pulisa at Bureau of Customs ang mahigit sa isang bilyong pisong halaga ng umano'y mga smuggled na sigarilyo.
11:04Ayon sa PNP Highway Patrol Group, may hinahanap silang nakarnap umanong sasakyan.
11:10Natagpuan nila ito sa isang garaheng may labing apat na container trucks.
11:14Nakabukasan nila ang container kaya nakita nila ang umano'y mga smuggled na sigarilyo.
11:20Wala raw noon ang may-ari ng truck.
11:22Inimbestigan pa ng mga otoridad kung anong kinalaman ng nakarnap na sasakyan sa mga smuggled na sigarilyo.
11:29Inaalam din ang customs kung saan ang port of entry ng mga naturang sigarilyo at kung saan dapat ito dadalhin.
11:36Mga otoridad kung saan dapat ito dadalhin.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended