- 4 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Navotas Rep. Tiangco: P13.8B na isiningit sa 2025 budget ay pakana ni Rep. Zaldy Co
-Thunderstorm Advisory, nakataas sa NCR at ilang karatig-lugar hanggang 11:37am
-2, sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Brgy. Kirang dulot ng landslide
-Executive Sec. Lucas Bersamin sa mga kongresista: "Clean your House first!"
-Dismissed Bulacan 1st District Engr. Alcantara, pinabulaanang siya ang umano'y "Kingpin" ng ghost flood control projects sa Bulacan
-12-anyos na lalaki, patay matapos malunod sa ilog; hinala ng pamilya, may foul play sa pagkalunod ng binatilyo
-Traffic enforcer, sugatan matapos mabangga ng tumatakas na rider
-Oil Price hike, ipatutupad bukas
-68th birthday ni PBBM, maagang ipinagdiwang ng Filipino community sa Cambodia/Migrant Workers Office ng Pilipinas, magbubukas sa Phnom Penh
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Thunderstorm Advisory, nakataas sa NCR at ilang karatig-lugar hanggang 11:37am
-2, sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Brgy. Kirang dulot ng landslide
-Executive Sec. Lucas Bersamin sa mga kongresista: "Clean your House first!"
-Dismissed Bulacan 1st District Engr. Alcantara, pinabulaanang siya ang umano'y "Kingpin" ng ghost flood control projects sa Bulacan
-12-anyos na lalaki, patay matapos malunod sa ilog; hinala ng pamilya, may foul play sa pagkalunod ng binatilyo
-Traffic enforcer, sugatan matapos mabangga ng tumatakas na rider
-Oil Price hike, ipatutupad bukas
-68th birthday ni PBBM, maagang ipinagdiwang ng Filipino community sa Cambodia/Migrant Workers Office ng Pilipinas, magbubukas sa Phnom Penh
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mainit na balita, may ibininyag si Navotas Rep. Toby Tiangco kaugnay sa issue sa insertion sa 2025 national budget
00:09sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa maanumalya umanong flood control projects.
00:13Sabi ni Tiangco, si Akubicol Partylist Rep. Zaldi Coe ang may pakanaumano ng pagsingit sa budget.
00:20Ayon kay Tiangco, may mga isiningit na proyekto si Coe sa iba't ibang distrito na hindi alam o hindi naman hiningi ng mga congressman.
00:29Batay sa datos na ipinakita ni Tiangco, aabot sa 13.8 billion pesos ang isiningit umanon ni Coe sa 2025 budget.
00:38Si Coe ang nooy chairman ng House Committee on Appropriations na tumalakay sa 2025 budget.
00:45Pinaiimbitihan ni Sen. Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta si Coe sa susunod na pagdinig.
00:50Unang sinabi ng Kamara na nasa Amerit si Coe para magpagamot.
00:54Susubukan ng GMA Integrated News na makunan siya ng pahayad.
00:57Dumano rin sa pagdinig ang mag-asawang Curly at Sara Descaya.
01:03Ang iba pang detalya sa ongoing na pagdinig, iahatid namin maya-maya lang.
01:07Isa pang mainit na balita, nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory dito sa Metro Manila.
01:19Ayon sa pag-asa, apektado rin ang Cavite, Laguna, Batangas at ilang panig ng Bulacan, Quezon Province at Rizal.
01:26Pina-alerto ang mga residente mula sa banta ng Baja o landslide.
01:30Tatagal ang thunderstorm advisory hanggang 11.37 ngayong umaga.
01:35Sa mga susunod na oras, uulanin na rin ang iba pang bahagi ng bansa base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
01:42Posible po ang heavy to intense rain sa ilang lugar.
01:46Wala namang bagyo o low-pressure area na nagbabadya sa bansa.
01:49Mga local thunderstorm po at ulang dulot ng easter lease ang nararanasan ngayong araw.
01:57Sugat pa ng dalawang sakay ng isang jeep patapos mahulog sa bangin sa Arita Nueva Vizcaya.
02:02Nakabaliktad na ang jeep na yan na may kargang inaning pananim ng matagpuan sa barangay Kirang.
02:08Ayon sa mga otoridad, siyempong napadaan ang jeep ng gumuho ang bahagi ng kalsada roon dahil sa naranasang pagulan sa lugar.
02:15Dahil diyan, apektado ang daloy ng trapiko.
02:18Sinisiguro naman ang Department of Public Works and Highways, Nueva Vizcaya 2nd District Engineering Office na aayusin ang nasirang bahagi ng kalsada.
02:29Sinalubong ng matinding ragasan ng tubig ang mga motorista sa kalsadang yan sa barangay Green Hill sa President Rojas, Cotabato.
02:36Mas bumagal pa ang daloy ng trapiko dahil sa malalaking tipak ng bato na nahulog mula sa bundo.
02:42Nagsagawa ng clearing operations ang lokal na pamahalaan para alisin ang mga humambalang na bato.
02:48Halos mag-zero visibility naman ang kahabaan ng highway niya sa South Cotabato na papuntang isulan sa Sultan Kudarat.
02:56Paahirap at tuloy sa pagbiyahe ang mga dumaraang sasakyan.
03:00Naranasan din ang masamang panahon sa Coronadal City.
03:04Kakaunti na ang bumibiyahing mga motorista habang matumalang benta sa ilang tindahan.
03:09Ayon sa pag-asa, Easterlis ang nagpaulan sa ilang bahagi ng Mindanao.
03:19Pinalagaan ng Malacanang ang anilay pagtatangka ng Kamara na ibaling ang sisi kaugnay sa katiwalaan umano sa lehislatura.
03:27Kasunod po yan ang plano ng liderato ng Kamara na ibalik sa Department of Budget and Management ang National Expenditure Program para sa susunod na taon.
03:36Sugestyo ng ilang senador gawing transparent ang budget deliberations para wala ng lusot.
03:42Balitang hatid ni Dano Tingcunco.
03:44Sa isang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinost ng Presidential Communications Office,
03:53mariin-anyang tinututulan ng gabinete ang mga anyay spin mula sa ilang miyembro ng House of Representatives
04:00na nagtangkang ibaling ang sisi sa ehekutibo sa mga katiwalian at kapalpakan ng lehislatura.
04:06Hindi raw nila kinukonsente ang anumang pag-atake sa integridad at reputasyon ng ehekutibo
04:12at paggamit ng anyay political theatrics para i-hostage ang budget process.
04:17Sabi pa ni Bersamin wala anyang silbi ang anumang investigasyon kung hindi bubusisiin ng mga anyay ugat ng katiwalian.
04:25Kaya hamo niya sa Kamara, clean your house first.
04:28Ipinaliwanag ni Bersamin ang kanyang pahayag.
04:31It's as clear, as direct as that. It's not a mere innuendo.
04:35It's just a clear message that there is much to be done by them before they point a finger at the other branch.
04:44Hindi raw siya galit. Pero malian niya ang pananaw na ibalik sa kanila ang panukalang budget
04:49lalot labas ito sa prosesong inaatang ng saligang batas.
04:53They are only doing their job but one member is particularly wrong in saying that
04:58they should return to us the NEP. That is not in the constitutional order.
05:05Wala rin daw sa hinuha ng Pangulo ang anumang posibilidad ng re-enacted budget para sa 2026.
05:11Walang tinukoy si Bersamin na partikular na miyembro ng Kamara.
05:15Pero bago nito, sinabi ni Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno
05:19na nag-decision shot ilang party leader na irekomendang ibalik ang 2026 national budget sa DBM.
05:25Sinisika pa namin makuha ang pahayag ng party leaders kaugnay sa sinabi ni Bersamin.
05:31Bilang tugon sa pahayag ni Bersamin, sinabi ni Sen. Juan Miguel Subiri na sa ngalan ng transparency,
05:37mainam na ilabas sa publiko ang mga proponent na mga insertion sa budget sa bicameral conference.
05:43Transparency din ang isinusulong ni na Sen. Panfilo Lacson at Senate Minority Leader Tito Soto.
05:49Para makita natin, matrack natin yung mula sa paggawa pa ng NEP.
05:56Sino mga naglagay niyan? Bakit mo nilagay? Diba? At saka kung wala sa NEP, kung wala sa NEP, bakit mo nilagay?
06:05Kaibigan po ba yung kontraktor?
06:07Para sa deliberasyon sa 2026 budget, suyosyo ni Soto dalhin sa plenario ang anumang panukalang amyenda sa budget para hindi lumabas na insertion.
06:15Sa isa namang pahayag na mahigit isandaang grupo mula sa iba't ibang sektor kabilang Makati Business Club, mga unibersidad at iba pang civil society groups,
06:24kailangan na raw nating makawala at talikuran ang sistema ng korupsyon na pumapatay sa mga Pilipino at sumisiraan nila sa tiwala sa gobyerno.
06:32Ang korup na sistema, dapat ang nilang palitan ng sistema ng transparency at accountability.
06:37Nanawagan sila sa DPWH at DBM na mag-convene ng Independent Multisectoral Review Committee na binubuo ng mga civil society groups,
06:45scientists at komunidad para pag-aralan ng mga 2026 budget proposal.
06:50Nanawagan din sila na itigil na ang congressional insertion lalo sa bicameral conference committee
06:55sa Pangulo at DPWH na magbigay ng full transparency sa mga flood control project ng mga nakalipas sa taon.
07:02Nanawagan din sa Pangulo ang mga grupo na isa publiko ang mga dokumento sa mga proyekto para sa potensyal na participatory audit ng publiko
07:10at civil society kasabay ng Commission on Audit.
07:14Dapat din daw may managot sa katiwalian, hindi lang daw ang mga itinuturing na small fish,
07:19kundi mga mastermind sa likod ng eskandalo.
07:22Dan at Ingkungko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:27Pinabulaanan ni Dismissed at dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara
07:31ang aligasyong siya umano ang kingpin o pasimuno ng manumalyang flood control projects sa Bulacan.
07:37Ayon sa kanyang abugado na natiling inosyente si Alcantara sa gitna ng mga paratang.
07:42Anuman daw ang anumalyas sa mga proyekto kontrabaha, ginawa ito ng hindi niya alam at walang pahimpulot.
07:49Makikipagtulungan daw si Alcantara sa investigasyon ng mga otoridad sa flood control projects.
07:53Biernes, nang una namin i-binalita ang hatol na guilty kay Alcantara sa mga kasong administratibo ng DPWH
08:00dahil sa pagkakaugna niya sa ghost flood control projects sa Baliwag at Bulacan, Bulacan.
08:05Ito ang GMA Regional TV News.
08:12Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:17Patay matapos malunod ang isang batang lalaki sa isang ilog sa Guagua, Pampanga.
08:22Chris, natagpuan na ba agad ang biktima?
08:24Tony inabot ng halos 24 oras bago nakita ang labi ng biktima sa ilalim ng ilog.
08:33Nagtulong-tulong ang rescuers sa paghanap sa biktimang 12 anyos.
08:37Batay sa investigasyon ng barangay kasama ng bata ang tatlo niyang kaibigan na nagkaya ya ang maligo sa ilog.
08:43Hinala ng pamilya, may foul play na nangyari at isa sa mga kaibigan ang itinuturong sospek.
08:49Itinanggi ng kaibigan ang akusasyon.
08:52Nagsampanan na reklamo ang pamilya ng biktima.
08:54At ito-turnover na ang nasabing kaibigan sa Department of Social Welfare and Development.
09:00Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pulisya.
09:03Sugata naman ang isang traffic enforcer matapos mabangga ng sinitang motorsiklo sa Lipa, Batangas.
09:10Sa kuwan ng CCTV, makikita nagmamando ng traffic ang enforcer sa barangay Sabang.
09:15Maya-maya, nakatanggap siya ng tawag na may rider na tumakas mula sa enforcer na unang sumita sa kanya.
09:21Nang makita ang rider, sinubukan niyang harangin iyon.
09:24Pero nagtuloy-tuloy ang rider hanggang sa mabangga ang biktima na tumilapon sa kalsada.
09:30Dinala siya sa ospital.
09:31Sugatan din at nagpapagaling sa ospital ang binatilyong nakabangga sa traffic enforcer na maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries.
09:41Wala siyang pahayag.
09:48Bip-bip-bip sa mga motorista, may taas presyo sa mga produktong petrolyo bukas.
09:54Sa anunsyo ng ilang oil companies, 1 peso at 40 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel.
10:001 peso naman sa kada litro ng gasolina.
10:02Habang sa kerosene, 70 centavos kada litro ang taas presyo.
10:06Ika-apat na magkakasunod na hike na yan para sa gasolina.
10:11Habang pangatlong linggong taas presyo naman yan para sa diesel at sa kerosene.
10:18Bilang bahagi ng kanyang three-day state visit sa Kambodya,
10:22nakipagkita sa Filipino community roon si Pangulong Bongbong Marcos.
10:26Inanunsyo niya ang pagdatayo ng Philippine Migrant Workers Office para tutukan ang kapakanan ng mga OFW doon.
10:33At mula po sa Pinong Pen, balitang hatid ni Jonathan Andal.
10:44Maagang binati si Pangulong Bongbong Marcos ng mahigit limang daang Pilipino sa Kambodya
10:49para sa naralapit niyang 68th birthday sa September 13.
10:53Ito ang first stop ng Pangulo pagdating niya rito sa Pinong Pen kahapon para sa tatlong araw na state visit.
10:58Naatasan ko si Sekretary Kakdak na magbukas ng Migrant Workers Office dito ngayon sa NOMPEN.
11:09Gagawin nito sa lalong madaling panahon para ipagtanggol ang inyong mga karapatan.
11:15Malaking tulong yan, sabi ng ating embahada rito.
11:18Lalot na-alarma na raw sila sa dumodoble ng bilang ng mga Pilipinong nare-rescue nila pabalik sa Pilipinas
11:24matapos mag-apply dito bilang call center agent pero ginawa lang palang scammer.
11:29Kung noong nakaraang taon daw, walong po ang mga na-rescue nilang Pilipino sa mga scam hubs sa Kambodya.
11:34Ngayon, nasa 180 na ito at may isang dosena pang nagpapa-rescue.
11:39Some of them come from the POGOs that closed. Some admit that the work daon was also scamming.
11:46We thought that people know already, know better.
11:50Kwento raw ng mga na-rescue, online lang nila nakita ang mga job hiring posts
11:55para sa customer service representatives sa Kambodya na may alok na sweldong 1,000 US Dollars o mahigit 50,000 piso kada buwan.
12:03But if they don't meet their quota, they get deductions. In the end, they get nothing.
12:08Media can help raise awareness about the dangers of online recruitment.
12:15Ang problema sa transnational crime ang isa sa mga pag-uusapan sa bilateral meeting
12:19ni na Pangulong Marcos at Cambodian Prime Minister Hun Manay.
12:23Ipatuloy natin tatalakayan sa Kambodya ang pagpapatibay sa kaukulang proteksyon
12:29at kagalingan ng mga migranteng manggagawa.
12:33May meeting din ang Pangulo sa mga negosyante rito sa Kambodya
12:36para palakasin ang pamumuhunan sa dalawang bansa,
12:38maparami ang mga turista at mapalakas ang pag-ia-export
12:41ng mga Pinoy products dito sa Kambodya.
12:44Kasama ng Pangulo ngayon dito sa Pinompen,
12:46si First Lady Liza Araneta Marcos,
12:48ilang miyembro ng kanyang gabinete,
12:50at ang tagapagsalita ng palasyo.
12:52Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:55Shhh.
12:55Shhh.
12:55Iplay technology.
12:56You
Be the first to comment