Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Update po tayo sa press conference ng Department of Justice tungkol sa arrest warrant umano ng ICC laban kay Sen. Bato de la Rosa.
00:08At may ulat on the spot mula po roon si Sandra Aguinaldo. Sandra?
00:14Yes, Connie, sinabi niya ng Department of Justice na wala pa silang natatanggap at nakikitang warrant of arrest ng International Criminal Court laban kay Sen. Bato de la Rosa.
00:24Pero ayon kay Prosecutor General Richard Fadillon, kung meron mang warrant ay magpo-comply ang gobyerno.
00:32Matatandaang nitong weekend ay inanunsyo ni Ombudsman Jesus Christy Rebulha na nagpalabas na ng warrant ang ICC.
00:39Paliwanag ni Chief State Council Dennis Chan sa Ilanin ng Batas, may dalawang option ang pamahalaan at ito ay extradition at surrender.
00:48Ano yan, mas mabilis ang proseso ng pag-surrender kay de la Rosa kung sakali.
00:53So extradition daw kasi ay kailangan dumaan pa sa Korte.
00:57Meron din question kung pwede ba ang extradition gayong hindi naman bansa ang ICC.
01:03Wala din naman daw treaty ang Pilipinas at ICC kaugnay sa extradition.
01:08Nabanggit din ang DOJ na merong nakabimbing kaso sa Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng pag-surrender kay Duterte sa ICC na nauna nang nanyari.
01:19Maaari daw nilang hintayin ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay dito.
01:24At kung sakaling ibang paraan daw ang gagamitin nila kay de la Rosa,
01:29ay hindi rin daw nangangahulugan na mali ang ginawa noon ng gobyerno na pag-surrender kay Duterte.
01:35Meron din din daw tinatawa, Connie, na principal or offerer si Tua CCC kung saan inaasahan na tumalim ang isang bansa sa hiling ng isa pa o kaya ay ng ICC.
01:49So yan muna, Connie, ang pinakawaling ulat mula dito sa DOJ.
01:53Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
01:58Ito ang GMA Regional TV News.
02:03May init na balita sa Visayas at Pindanao, hatid ng GMA Regional TV.
02:08Isang lalaki sa Opol Misamis Oriental ang nasawi dahil po sa masamang panahon,
02:13kahit hindi direktang tinamaan ng bagyong uwan.
02:17Sarah, anong nangyari sa biktima?
02:18Connie, nadaganan ang bahay nila ng punong bumagsak dahil sa malakas na hangin.
02:26Nangyari ang insidente nitong linggo sa Barangay Limunda.
02:29Nagkasira-sira ang bahay dahil sa laki ng punong bumagsak.
02:33Sabano pa lang ay masama na ang panahon sa Opol dahil sa buntot ng bagyong uwan.
02:38Sa Bargay Malanang, abala na ngayon ang mga residente sa paglilinis,
02:42kasunod ng pagkupa ng baha na umabot daw hanggang dibdib.
02:45Sa Lapu-Lapu, Cebu, nasira ang bahagi ng seawall sa Kaubian Island
02:50matapos sumadsad ang isang landing craft tank na walang sakay.
02:54Natangay rao ng malakas na hangin ang LCT Golden Star 7 papunta sa pampang nitong linggo.
03:00Signal number one noon sa Cebu dahil sa bagyong uwan.
03:03Sa inspeksyon ng Cebu Coast Guard, wala namang nakitang oil spill
03:07at wala rin daw nasirang bahura at ibang bangka.
03:10Inaalam na ng lokal na pamahalaan ng Lapu-Lapu City kung sino ang may-ari ng vessel.
03:16Ang nasabing LCT Golden Star 7 ang kaparehong landing craft tank
03:20na sumadsad din sa pampang sa buhol sa pananalasa ng Bagyong Udet noong 2021.
03:28Mahigit dalawang libong pamilya ang lumika sa mga evacuation centers sa Zamboanga City,
03:33kasunod ng epekto ng Bagyong Uwan.
03:34Ayon sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga City,
03:37nagmula ang mga apektadong residente sa labing dalawang barangay.
03:41Nakauwi na raw ang ilan sa kanila nang humupa ang baha.
03:44Sa ngayon, may mga bahay pa rin apektado ng baha matapos umapaw ang tubig sa ilog sa Bargay Tugbungan.
03:51Ang mga tinulungang lumikas isinakay pa sa wheel loader
03:54para madala sa evacuation center dahil sa abot-bewang na baha.
03:59Nalumog din sa baha ang mga bahay na nasa tabing ilog sa Bargay Tumaga.
04:03Kahit palayo na po ang Bagyong Uwan,
04:10nagpapakawala pa rin ang tubig ang ilang pangunahing dam sa Luzon.
04:14Sa nakalipas po na 24 oras,
04:16tig-anim na gates ang nakabukas sa Ambuklaw at Binga Reservoirs ayon sa pag-asa.
04:23Lima sa magat,
04:24habang tig-tatlong gates ang nakabukas sa Ipo at ang Gat Reservoirs.
04:29Karaniwang nagpapakawala ng tubig ang mga dam upang maiwasan po ang pagkasira ng mga rubber gate ng dam
04:35at magdulot ng mas malalang pagbaha.
04:41Nasa state of calamity ang Dagupan, Pangasinan dahil sa matinding pinsalang dulot ng Bagyong Uwan.
04:48Winasa po ng bagyo ang mga bahay at bangkang pangisda sa tabi ng dagat.
04:53May heavy equipment ding nabagsakan ng signage kasunod po ng malakas na hangin.
04:59Baha naman sa ilang bahagi ng lungsod dahil sa daluyong o storm surge na sinabayan pa ng high tide.
05:05Lumikas ang ilang residente dahil mabilis tumaas ang tubig.
05:09Nahirapang mag-rescue ang mga otoridad dahil sa taas ng baha.
05:13Ayon sa lokal na pamahalaan, sinisikap maibalik agad ang supply ng kuryente, tubig at iba pang pangunahing servisyo sa lungsod.
05:23Kaugnay naman po sa papel ng Syensya sa Disaster Preparedness.
05:31Kausapin po natin si Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr.
05:36Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali. Si Connie Sison po ito.
05:41Magandang umaga Connie at sa lahat ng inyong taga-panood.
05:43Secretary, sunod-sunod po yung kalamidad nga sa ating bansa.
05:46Papaano po tinitiyak ng DOST na updated ang kakayahan siyempre na mga science agencies at tangkop nga po ba yung impormasyon nila para sa disaster preparedness?
05:57Para makapaghanda ng tama, iba't-ibang impormasyon ang kailangan ng ating mga kababayan.
06:03Una, dapat malaman nila kung ano yung mga panganib na pwedeng tumama sa kanilang lugar.
06:10Kung may bagyong darating, malakas na ulan, lindol, pagsabog ng bulkan, kung ano paman.
06:16Ito ay sa pumamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon patungko sa hazards.
06:21Pagdating po sa geologic hazards, nandyan po ang FIVOX para sa lindol, pagsabog ng bulkan, tsunami.
06:28Pagdating naman sa baha at landslide, nandyan yung Mines and Usance Bureau.
06:32Minsan meron din ang pag-asa at siyempre pagdating sa storm surge pag-asa.
06:36Ito pong mga impormasyon ay makikita sa isang app na tinatawag nating hazard hunter app
06:43na kung saan pwede niyong malaman sa mga bahay niyo, pupuntahan niyo,
06:47kagad-agad in less than one minute, yung mga panganib na pwedeng mangyari.
06:52Pangalawang kailangan malaman ay siyempre, gano'n ba katibay at kahina yung bahay mo?
06:58At meron pong pinalabas ang DOSD FIVOX.
07:01Pagdating sa lindol, ano ba ang dapat basihan para maging matibay ang bahay
07:06at pwede niyong gamitin ito para ma-assess kung yung mga bahay at tinutuloyan niyo ay matibay sa lindol.
07:12Pangalawang napaka-importante talaga ay yung pagbabantay ng mga panganib
07:17pagdating sa bagyo, klima, pagulan, nandyan po ang pag-asa.
07:22Pagdating sa lindol, pagsabog ng bulkan, tsunami, nandyan ang FIVOX.
07:27Itong mga ahensyang ito ay nagpaparami pa ng kanilang mga monitoring stations
07:32at nagbibigay babala pagdating sa mga nangyayari, potentially mangyayari.
07:37Pero pagdating naman po sa dapat mangyayari na response ng ating mga komunidad,
07:45importante po na ang lead dyan ay talagang local government at ang komunidad.
07:50Para kung anuman ang mga panganib at may warning na mangyayari,
07:55ay sumisikap po sila na ma-isakatuparan yung recommended actions
07:58na binibigyan din ang guidance ng DILG, hindi lang ng DOST.
08:03At makikita po natin kapag ang komunidad ay talagang naghahanda,
08:07mas napapababa ang epekto ng mga panganib na pwedeng tumama sa ating bansa.
08:11Okay. At pagdating ho doon sa mga app na nabanggit po ninyo kanina,
08:16meron pa ho ba tayong kailangan na i-update kaya?
08:20Katulad ho halimbawa dito sa Liloan kung saan 34 years,
08:23hindi naman ho doon sila binabaha ngayon lamang.
08:26Nakalagay ho ba sa app na meron talagang danger,
08:29particular na ho doon sa mga areas na binaha ngayon lamang dyan sa may area po ng Cebu?
08:34Tama po yun. Yung statement kasi na matagal nang hindi binabaha,
08:38ay tama naman po yun.
08:40Babahihin talaga yan kung sakaling malakas ang ulan
08:43at nagkakaroon na ng mga pagbabago,
08:46una doon sa desistis o slope kung saan na nanggagaling yung ulan,
08:51kung ang mga ilog ay kumikipot o di kaya ay nagiging mababaw.
08:55At nung pagyo sa kanilang lugar, marami ding landslide na nangyari.
09:00Ibig sabihin, mahuna na o mahina na yung slope
09:03at yung putik na dala ng tubig ay nagpapababaw sa ilog.
09:07Kaya minsan, yung dating volume ng tubig na pwede ma-accommodate
09:12na mga dikid dyan o mga flood control ay na lumiliit,
09:16kaya aapaw po talaga yung tubig.
09:18Kaya importante po na minimaintain ng tao,
09:21hindi lang yung hazard, yung kaalaman,
09:23kundi yung pagbabago ng risgo o yung environment.
09:28Kasi yan po ay talagang magbabago in time na simento,
09:33yung tubig dideretso na ng mabilisan sa kanilang lugar.
09:36So madadagdag po yung hating sa hazard na map sa mga apps po natin.
09:40Kasama na po yung hazard doon.
09:42Ang issue niyan ay yung mga nangyayari sa paligid
09:45na mga other factors beyond the hazard.
09:48Okay.
09:48Ito naman po usap-usapan ngayon,
09:50yung naging papel po ng Sierra Madre, Cordilleras at iba pa sa Bagyong Uwan
09:57at malawak na taniman ng mangrove,
10:00particular land dyan sa Iloilo, laban po sa Baha.
10:02Ano ang inyong masasabi?
10:04Ang kabundukan, lalong-lanoy yung very mataas talagang lugar
10:08tulad ng Sierra Madre,
10:10kapag dumaan na po ang mga clouds at yung malakas na hangin,
10:13dahil sa friksyon ay napapababa niya ang epekto nito
10:18at humihina po yung hangin.
10:20At yung sirkulasyon po ng bagyo,
10:22yung dynamics niya ay nababasag din.
10:24Kaya talagang merong role ang mga kabundukan.
10:28Pero yung mga kabundukan din,
10:29kapag ginalaw po natin at nawalan po ng mga kahoy,
10:33kasi siya po ang sumisip-sip.
10:36At ng ilan sa mga pumapatak
10:38ay nakakatulong sa pagpaba ng erosion
10:42at ng pagbaha o DKI landslide.
10:44Pero kung sobra ulan talaga,
10:46kailangan pa rin natin isipin na kailangan natin maganda at magsilikas
10:49kasi hindi naman totally nasa-stop ng mga bundok
10:54ang mga bagyo at malalakas na ulan.
10:55Partly lang nakakapanghina.
10:58Pagdating sa mangrove, importante po yun.
11:00Unang-una sa pag-stabilize ng lupa sa mga ilog
11:03upang hindi ma-erod at bumabaw yung ilog.
11:06Pagdating sa coastline,
11:07nakakapagpahina din siya ng mga storm surges.
11:10At maliban dyan, yung karbon
11:12na sa sequester ng mangrove
11:15ay nag-tumutulong para sa anti-climate change.
11:18Ayun, napakarami hong mga magandang informasyon na yan
11:21na dapat talagang maisapuso po nating lahat.
11:24Marami pong salamat sa inyo pong binahagi sa aming ora, sir.
11:27Maraming salamat.
11:28Yan po naman si DOS,
11:29si Secretary Renato Solidung Jr.
11:31Maraming salamat.
11:37Maraming salamat.
11:37Maraming salamat.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended