00:00Dead on the spot, ang isang babae matapos pagbabarilin habang nasa gilid ng kalsada sa Barangay Marulas sa Valenzuela.
00:06Ang biktima, kalalaya lang dahil sa kasong may kinalaman sa illegal na droga.
00:11Balitang hatid ni Bea Pinla.
00:16Nabulabog ang Barangay Marulas sa Valenzuela kahapon nang dumating ang dalawang lalaking ito sakay ng motorsiklo.
00:23Ang angkas ng motor, pinagbabaril ang babaeng nakatayo sa gilid ng kalsada.
00:29Bumaba pa ang lalaki, lumapit sa biktima at pinaulanan pa ulit siya ng bala.
00:34Tumakas ang riding in tandem.
00:37Dead on the spot, ang 34 anyos na biktima.
00:40Hindi bababa sa apat na tama ng bala ang kanyang natamo.
00:44Ayon sa mga witness na na-interview natin, may ka-meet up itong biktima natin.
00:52At nung nado na nga sa sabay kanto, ay agad na may dumating na dalawang tao.
00:58Na magkaangkas sa isang motorsiklo.
01:01At doon na, pinaslang na nga itong ating biktima.
01:05Based doon sa ating investigation, kunsehan sa droga itong dahilan kung bakit siya pinaslang.
01:11Ayon sa pulisya, kalalaya lang ng biktima nung nakaraang taon dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
01:18May mga reklamo rin daw dati sa barangay laban sa biktima dahil umano sa pagnanakaw.
01:23Pag nanakaw lang talaga, lagi niyang reklamo rito sa amin.
01:28May pag-uusap sila na hindi na uulitin.
01:29So nag-agreed naman yung mga complainant na hindi niya na uulitin.
01:36Yung ala na uulit niya sa ibang tao naman.
01:39Tinutugis pa ng pulisya ang mga salarin.
01:41Mayroon na po tayong person of interest na ating tinitingnan.
01:45Kung mayroon po kayong nalalaman sa kribin na nangyari ito,
01:49mangyari po lamang na ipagbigay alam nyo agad po sa aming himpilan
01:52para sa kaagarang at pagkakahuling itong ating suspect.
01:57Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:01Low pressure area na lang ulit ang Bagyong Auring.
02:09Ayon sa pag-asa, pasado alas 8 kagabi nang lumabas o lumakas bilang bagyo
02:13ang noy low pressure area sa Batanes area.
02:17Matapos mag-landfall sa Taiwan, humina ulit ito bilang LPA.
02:21Nakalabas na rin ito ng Philippine Area of Responsibility.
02:24Kaninang madaling araw, nagpapaulan pa rin ang trough o extension
02:28ng nasabing LPA sa Batanes.
02:30Patuloy namang naka-apekto ang hanging habagat sa Ilocos Region at Babuyan Islands.
02:35Pusibli ang light to moderate rain sa malaking bahagi ng Mindanao
02:38at sa ilang panig ng Visayas at Luzon kasama na ang Metro Manila
02:41base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
02:44Higit na mataas ang tiyasa na ulan bandang hapon at gabi bukas
02:48at sa Ringgo Father's Day sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
02:52Pusibli ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
02:56Mas maayos na panahon ang aasahan sa lunas ng umaga
02:59kasabay ng mga magbabalik-eskwela.
03:02Pero maigi pa rin magdala ng payong para sa posibleng ulan
03:05pagdating ng hapon o gabi.
03:11Nanalasa ang isang buhawi sa Abulog, Cagayan.
03:18Sa pool sa cellphone video,
03:20ang pananalasa ng buhawi sa basketball court sa Barangay Bago.
03:23Nagtakbuhan ang mga tao habang ilipad ang ilang upuan.
03:27Napaliad din ang mga puno sa paligid.
03:29Ayon sa uploader, wala namang nasaktan sa insidente.
03:35Sa dumalinaw sa Buangad del Sur,
03:37na perwisyo ng landslide ang mga taga-barangay kamalig.
03:40Umambalang sa National Highway ang mga lupa at kahoy matapos ang pagulan doon.
03:45Apektado ang biyahe ng mga bus at truck.
03:48Nadaanan nalang ulit ang kalsada makalipas ng tatlong oras na clearing operation.
03:52Rumaragas ang baha naman ang naranasan sa barangay Kaputian sa malalag Davao del Sur.
04:02Pinasok ng tubig ang ilang bahay kasabay ng malakas na buhos ng ulan.
04:06Halos isandang pamilya naman sa Santa Maria Davao Occidental ang inibikas dahil sa bigla ang pagbaha.
04:15Binala sila sa pitong evacuation center.
04:17Nagbigay na rin ng food packs, hygiene kits, hot meals at medical assistance sa mga apektadong pamilya.
04:23Ayon sa pag-asa, Easter Lease ang nagpaulan sa Davao region.
04:27Deep, deep, deep sa mga motorista, posibleng tumaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo.
04:39Batay sa 4-day trading ngayong linggo, nakikita ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy
04:44na madaragdagan ng 1 peso hanggang 1 peso and 40 centavos ang kada litro ng diesel sa Martes.
04:50Price hike din ang nakikita sa gasolina na 90 centavos hanggang 1 peso and 40 centavos
04:56at sa kerosene na 1 peso hanggang 1 peso and 20 centavos kada litro.
05:02Bunsod niyan na gumaganda umanong trade relations ng Amerika at China at nakikitang pagsigla ng demand.
05:08Kung matuloy, ikalimang sunod na linggong taas presyo na iyan sa gasolina at ikatlo naman sa diesel.
05:15The International Criminal Court is now in session.
05:19Rodrigo Roan Duterte
05:22Pumiling ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release o pansamantalang paglaya
05:33habang dinidinig ang kanyang kasong murder as a crime against humanity sa International Criminal Court.
05:39Sa apelan ng kampo ng dating Pangulo sa ICC Pre-Trial Chamber 1,
05:43sinabing pumayag daw ang gobyerno ng isang ICC member state na manatili sa kanilang lugar ang dating Pangulo.
05:49Sa kaling payagan, handa rin daw ang naturang bansa na sumunod sa anumang kondisyong itatakda ng ICC Pre-Trial Chamber 1.
05:57Tiniyak din ang kampo ni Duterte na walang balak ang dating Pangulo na takasa ng kanyang kaso.
06:02Dapat din daw bigyang konsiderasyon na siya ay 80 years old na.
06:05Lilimitahan din daw niya ang komunikasyon sa ibang tao maliban sa kanyang pamilya.
06:10Hindi rin daw siya gagamit ng internet, cellphone o iba pang gadgets.
06:14Wala pang desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1,
06:18pagunay sa hiling ng kampo ni dating Pangulong Duterte.
06:21Isinumit niya ang urgent request for interim release kahapon, June 12.
06:25Sa Facebook, sinabi ni ICC Assistant to Council Attorney Cristina Conti
06:29na nabigla siya nang makita sa pila ang kampo ni Duterte
06:32na hindi daw kakontrahin ang ICC Prosecutor ang hiling
06:36para sa pansamantalang paglaya ng dating Pangulo.
06:39Batay rao sa huli din ang pag-uusap ng kanyang mga kliyente na biktima sa kaso.
06:43Hindi sila pabor sa anumang special treatment sa dating Pangulo.
06:46Sa panayam ng Super Radio DCWB, sinabi ni Conti na mabuting hintahin din muna
06:51ang pahayag ng ICC Prosecution at ng ICC Member State
06:54na tatanggap umano kay Duterte.
07:00Mahigit sanda ang milyong pisong halaga ng substandard na baterya
07:03ang nakataktang sirayang ng Department of Trade and Industry.
07:07May ulat on the spot si Darlene Kai.
07:10Darlene!
07:11Grafie, nagpapatuloy yung pagsira ng mga lead-acid storage batteries
07:17dito sa isang waste disposal and materials recovery facility sa Valenzuela.
07:21Katulad po ng nakikita niyo rito ay nagpapatuloy yung destruction
07:25ng mga substandard na batteries na yan.
07:28Ayon sa DTI or Department of Trade and Industry, Fair Trade Group,
07:31kigit 21,000 na piraso ng substandard lead-acid storage batteries
07:36ang sisirain ngayong araw.
07:37Nagkakahalaga yan ng mahigit 110 milyon pesos.
07:42Ayon kay Director Regino Maliari Jr. ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau,
07:47ang mga kinumpis kang battery ay nasabat sa hindi bababa sa sampung operasyon
07:52kasamang NBI o National Bureau of Investigation.
07:56Pinakamalaki rito ay mula sa operasyon nila noong September 2024.
08:00Iligal daw ang pagbibenta ng mga ito dahil substandard at walang markings
08:03ng Philippine Standard at Import Clearance Certificate o ICC.
08:07Ibig sabihin, hindi pumasa sa inspeksyon.
08:11Sabi pa ni Maliari, delikado ang mga itong gamitin dahil maaaring mag-leak,
08:15masunog at ikapahamak ng mga nakasakay sa sasakyang gumagamit.
08:20Ayon naman kay DTI Assistant Secretary Agaton Overo,
08:23imported daw ang mga substandard batteries na ito
08:25at malamang na dumaan sa backdoor entry para makapasok sa Pilipinas.
08:29Bahagi raw ng investigasyon ay kung saang-saang lugar galing ang mga baterya
08:34at kung paano ito nakapasok sa bansa.
08:36Sinampahan na raw ang mga wholesaler at retailer
08:40kung nanagbibenta ng mga bateryang ito ng paglabag sa Product Standards Law.
08:46Rafi, sisirain yung mga batteries na ito at i-re-recycle daw yung mga parte
08:50na pwedeng pakinabangan sa lahat ng yan, katawan ng DTI, yung DNR,
08:54para na mas buro na yung disposal, pagtatapon at pag-re-recycle
08:58dito sa mga bateryang ito ay hindi makakasama sa kalikasan.
09:02Yan ang latest mula rito sa Valenzuela City.
09:04Ako po si Darlene Cai para sa GMA Integrated News.
09:07Maraming salamat, Darlene Cai.
09:08Maraming salamat, Darlene Cai.
Comments