Skip to playerSkip to main content
-PNP: Abot sa mahigit 100,000 pulis ang nakabantay sa mga transportation hub ngayong holiday season

-NBI: Viral dashcam video sa Kennon Road, tumutugma sa imbestigasyon sa pagkamatay ni dating DPWH Usec. Cabral

-Rep. Leviste: Ilang mambabatas at gov't officials, kabilang sa proponents ng umano'y budget insertions, batay sa mga dokumentong mula kay dating DPWH Usec. Cabral

-PAGASA: Thunderstorm Watch, nakataas sa NCR at ilang karatig-probinsiya hanggang 10pm

-Mahigit P380,000 halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Brgy. Batal; 2, arestado

-Pilipinas, 6th place sa 2025 SEA Games matapos makakuha ng 50 gold medals

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mayigit sandaang libong pulis ang daang deployment ng PNP sa iba't ibang transportation hub ngayong holiday season.
00:06Mas marami yan kumpara sa 60,000 pulis noong 2024 ayon sa Philippine National Police.
00:12Layon itong matiyak ang siguridad at kaayusan ng mga bihahero ngayong magpapasko at bagong taon.
00:1824-7 daw nakabantay ang mga pulis sa mga bus terminal, pantalan at paniparan.
00:24Tugma araw sa pawan ng investigasyon kaugnay sa pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral
00:34ang kumakalat online na dashcam video sa Cannon Road ayon sa National Bureau of Investigation.
00:40Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:44Viral na online ang dashcam video na ito ng sasakyang bumabaybay sa Cannon Road sa Tuba Benguet bandang alas 10 ng umaga noong December 18.
00:52Sa video, makikita ang isang SUV na nakaparada sa gilid ng kalsada at may isang babaeng nakaupo sa concrete barrier.
01:00Hawak na raw ng NBI ang video na ito.
01:03Sabi ng NBI, tugma ito sa mga naunang lumabas sa investigasyon sa pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
01:11Noong paakit pa lang daw sila ng bagyo, huminto muna sila at umupo sa gilid ng kalsada.
01:16Kinumpirma rin ni Interior Secretary John Vecremulia na tunay ang kumakalat na selfie ng driver ni Cabral na tugma rin sa dashcam video.
01:25Natiyak na na maotoridad na si Cabral nga ang babaeng natagpuan sa bangin.
01:29Kaya nakatutok na raw ang PNP sa pag-iimbestiga kung ano nga ba ang nangyari kay Cabral.
01:34Tumutulong din ang PNP sa pagkalap ng mga ebidensyang may kaugnayan kay Cabral na posibleng makatulong sa imbistigasyon sa maanumaliang flood control scandal kung saan idinawit ang dating opisyal.
01:47Nagsagawa ng crime scene reconstruction ang PNP CIDG, SOCO at Forensic Unit.
01:53Isinalaysay ng mga nagpapatrolyang polis kung paano nila sinita si Cabral at ang driver nito.
01:58Noong unang beses itong pumarada sa gilid ng Kennon Road.
02:01Dito po, dito po banda, yan.
02:05At nakikita po kasi namin tumadami, nakawin po dyan.
02:08Sir, may problema ko ba yung sakyan niya? Sir ako ba?
02:11Kailangan ko ba rin yung tulong?
02:14Anak po nung tulong yan.
02:17Wala po, nagpapatakit lang po si Madam.
02:20Ay ganun po ba?
02:22O sige, kung ganito na lang po, maghanap kayo lang ibang partingan, provada po yan.
02:28Baka bangga kayo ng mga dumadating ng sakyan.
02:31Paghanap ko kayo ng sakyan na malilim.
02:35Ganito katarik ang bangin kung saan nahulog umano si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
02:42Ayon sa pulisya, nasa 20 hanggang 30 metro ang layo ng kalsada sa bahagi ng ilog kung saan natagpuan si Cabral.
02:49Hindi pa binigay ng pulisya ang resulta ng pagsusuri nila.
02:52Nag-iimbestiga na ang NBI sa dalawang silid sa hotel sa Baguio kung saan nag-check-in si Cabral at ang driver niya.
03:00Base sa search warrant nila mula sa Baguio RTC Branch 6, may probable cause para paniwalaang may nangyaring murder o homicide
03:08dahil saan nila'y kadudadudang mga detalye sa pagkamatay ni Cabral.
03:13Nakita ang dalawang paper bag at shoulder bag na pambabae na may mga larawan at identification card ni Cabral.
03:19Nakita rin ang mga credit at debit cards, mga susi, legal documents, prescription drugs at ilan pang mga papeles
03:27habang wala namang nakita kahit anong electronic gadget sa kwarto.
03:31Mula sa Baguio, ibiniyahin labi ni Cabral at dumating sa isang memorial chapel sa Quezon City
03:38na antala ang pagbiyahe dahil sa bagal umano ng pagproseso sa mga dokumento.
03:44Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:49Hawak daw ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste
03:53ang ilang dokumentong mula raw mismo kay dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
03:58Sabi ni Levisque, September 4 nang ibigay sa kanya ni Cabral ang mga dokumento
04:02mahigit isang linggo bago magbitiw sa pwesto ang dating Undersecretary.
04:07Nakalista raw sa dokumento ang mga proponent ng budget insertions umano sa DPWH.
04:12Hindi lang senador at kongresista, kundi pati rin mga kalihim at iba pang opisyal ng pamalaan
04:17maging mga pribadong individual.
04:20Naipakita na raw niya ang mga dokumentong ito sa Independent Commission for Infrastructure
04:24at sa ombudsman nitong Nobyembre.
04:26Isa sa publika lang daw niya ito kung ipag-uutos ni Public Works Secretary Vince Dizon.
04:32Wala pang komento rito si Dizon.
04:35Sinisikap din ang GMA Integrated News na makuha ang reaksyon ng ICI at ng ombudsman
04:39sa sinabi ni Congressman Leviste.
04:47Nakataas ngayon ang thunderstorm watch dito po sa Metro Manila.
04:50Ayon sa pag-asa, posibli ang ulan na may pagkulog pagkidlat sa mga susunod na oras
04:55hanggang alas G's mamayang gabi.
04:57Apektado rin ang Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
05:02Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulan rin ang halos buong Southern Luzon,
05:07Visayas at Mindanao kasama na ang ilang panig ng Northern at Central Luzon.
05:12Posibli rin muli ang ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila.
05:15Shear line ang nagpapaulan dito sa NCR at sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.
05:21Hanging amiha naman sa iba pang panig ng Northern Luzon
05:24habang easterlies sa natitirang bahagi ng bansa.
05:28Arestado naman ang dalawang sospek sa pagbebenta umano ng iligal na droga sa Santiago Isabela.
05:33Sa isinagwang by-bust sa barangay Batal,
05:37nasa bat sa mga sospek ang nasa 56 na gramo ng umano yung shabu
05:41na nagkakahalaga ng halos 400,000 pesos.
05:45Nabawi rin sa kanila ang by-bust money na ginamit sa operasyon.
05:50Sa Tuguega raw naman sa Cagayan,
05:52arestado rin ang isang babae sa by-bust operation sa barangay na Mabalansur.
05:57Nakuha sa kanya ang 25 gramo ng umano yung shabu
06:00na nagkakahalaga ng 170,000 pesos at perang ginamit sa operasyon.
06:06Sinusubukan pa ng GMA Regional TV
06:08na makunan ang pahayag ang mga nahuling sospek
06:11na maharap sa kaukulang kaso.
06:13Sa pagtatapos ng 2025 Southeast Asian Games sa Thailand,
06:22pang-anim ang Pilipinas sa dami ng gintong medalya.
06:25Natapos ang 11 araw ng mga laro,
06:27may 50 gold medals ang Pilipinas,
06:3073 silver at 154 na bronze.
06:34Naanguna naman sa medal tali ang host country na Thailand
06:37na may 233 gold medals.
06:40Para sa Philippine Olympic Committee,
06:42tagumpay pa rin maituturing ang paglaban ng Pilipinas sa SEA Games
06:45dahil sa mga record na nabreak na mga lumaban na atleta.
Comments

Recommended