-Reklamong libel, isinampa ni Batangas Rep. Leviste vs. PCO Usec. Castro


-PAGASA: Bagyong Ada, lumakas bilang Tropical Storm pero bumagal ang kilos


-Amb. Romualdez: dating DPWH Sec. Bonoan, humiling ng dagdag na isang buwan para manatili sa Amerika para sa operasyon ng misis; iginiit na hindi siya nagtatago/Dating DPWH Sec. Bonoan na umabot umano sa P30.5B ang "allocables" sa 2025 Nat'l Budget, kabilang sa mga ipina-subpoena ng Senate Blue Ribbon


-Baguio City Mayor Magalong: Imbestigasyon sa sunog sa DPWH-CAR, posibleng abutin ng 5 araw


-Driver, patay matapos sumalpok ang minamanehong truck sa sinusundang dump truck


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mainit na balita, nagsampa ng reklamong libel si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
00:07Laban yan kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
00:11Sabi ni Leviste dahil ito saan niya ay mapanirang mga pahayag ni Castro tungkol sa kanyang solar energy company.
00:17Paglilinaw ni Leviste, iba ang kumpanyang ibinenta niya sa kumpanyang may prangkisa mula sa Kongreso.
00:23Sa panayam ng Super Radio DC Double D kay Leviste, bago maghahin ng reklamo, pinunan niya kung bakit siya lagi ang binabanggit ni Castro sa kanyang vlog.
00:35Hindi ko po alam bakit sobrang interested si PCO Undersecretary Claire Castro sa akin pagkatapos kong inilabas ang cabral files.
00:46Gabi-gabi, minsan, dalawang episode sa isang gabi, gumagawa ng vlog si PCO Undersecretary Claire Castro tungkol sa akin.
00:55Yung insinuation kasi na binenta ko yung kumpanya na may prangkisa ay parang ginawa kong negosyo yung government franchise.
01:07Tutok lang po dito sa Balitang Hali at susubukan po namin mga kapanayam si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
01:16Lumakas bilang tropical storm ang Bagyong Ada pero bumagal po ang kilos nito.
01:22Namataan po yan ang pag-asa 335 kilometers silangan ng G1 Eastern Summer kaninang alas 8 ng umaga.
01:29Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour.
01:33Nadagdagan pa ang mga lugar sa Bicol Region na isinailalim po sa wind signal.
01:38Tumutok po dito sa Balitang Hali para sa 11 AM Bulletin at bagong listahan ng mga lugar na may babala.
01:45Base po kasi sa pinakahuling forecast track na pag-asa,
01:48posibleng lumapit ang Bagyong Ada sa Eastern Summer at Northern Summer bukas
01:53at sa Katanduanes naman sa darating na linggo.
01:56Kung higit pang kikilos ang bagyo, Pakanluran,
01:59may chance sa mag-landfall po ito sa Eastern Visayas o sa Bicol.
02:03Posibleng pang magbago ang galaw ng Bagyong Ada lalo na ngayong weekend.
02:08Maari po itong magbago ng direksyon sa araw ng linggo.
02:11Papalayo sa bansa.
02:15Mainit na balita, humiling si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan
02:20ang dagdag na isang buwan para manatili sa Amerika.
02:23Ayon kay Philippine Ambassador to the United States, Jose Manuel Romualdez,
02:27hiniling ni Bonoan na manatili sa Amerika hanggang sa February 15.
02:32Nasa California raw ang dating kalihim dahil rescheduled at extended ang operasyon ng kanyang misis.
02:39Giyit daw ni Bonoan, hindi siya nagtatago.
02:42November 11, 2025, umalis ng bansa si Bonoan.
02:45Kaugnay niyan at noon pong nga December 17, siya dapat nakatakdang umuwi.
02:50Isa si Bonoan sa mga ipinasupina ng Senate Lou Bremen Committee para sa pagdinig sa flood control scandal sa lunes.
02:57Ayon sa chairman ng komite na si Sen. Ping Lakson,
03:00umabot-umano sa P30.5 billion pesos ang allocables ni Bonoan sa 2025 national budget.
03:08Kinukuha pa ang pahayag ni Bonoan kaugnay niyan.
03:13Pusibling abutin ng limang araw ang embisigasyon sa nangyaring sunog o sunog sa DPWH Cordillera Regional Office sa Baguio City.
03:22Ay kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kabilang ang ilang sensitibong dokumento sa mga nasunog.
03:28Base naman po sa report ng mga embisigador ng BFP,
03:32isang malaking vault na naglalaman ng mga masiselang dokumento na ang kagawaran ang nadamay.
03:38Ligtas daw ang laman nito dahil fireproof ang nasabing vault.
03:42Ang mga laman ay mga duplicate copy raw na mga dokumentong naisumite na sa Commission on Audit.
03:49Nito pong Merkoles na sunog ang Financial Management Records Room ng DPWH Cordillera.
03:56Walang naiulat na nasaktan sa sunog.
03:59Ito ang GMA Regional TV News.
04:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
04:09Bumanggang isang truck sa sinusundan itong dump truck sa Lubao, Pampanga.
04:14Chris, kama sa'yo mga sakay niyan?
04:15Connie, nasawi ang driver ng bumanggang truck.
04:23Sa video, kita na magaan ang daloy ng mga sasakyan sa Jose Abad Santos Avenue papuntang Bataan.
04:30Ang dump truck bumagal ang takbo para magbigay daan sa isang van na patawid sa kalsada.
04:35Maya-maya sumalpok sa likuran ng dump truck ang kasunod na truck.
04:39Bukod sa nasawing truck driver, sugata naman ang kanyang kasama.
04:43Patuloy na kinukunan na pahayag ang mga kaanak na mga biktima at iba pang sangkot sa aksidente.
04:48Patuloy ang investigasyon ng mga otoridad.

Recommended