Skip to playerSkip to main content
-Ilang klase sa eskwela, suspendido ngayong araw dahil sa Bagyong Tino

-Pamilya, mga kaibigan at Sparkle family, inalala ang memories nila kay Emman

-Cleanfuel, nagpatupad din ng price rollback sa kanilang auto LPG

-Bais, Negros Oriental, isinailalim sa State of Calamity dahil sa pagtagas ng kemikal mula sa isang planta; 2,700 residente, apektado

-Rita Daniela, ni-reveal na siya ang nag-first move sa relationship nila ni McLaude Guadaña

-INTERVIEW: BENISON ESTAREJA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA

-Malakas na hangin at ulan, ramdam sa ilang bahagi ng Negros Occidental; ilang kalsada, hindi madaanan

-Ilang dating DPWH officials at isang contractor, pinaiimbestigahan ng ICI sa Ombudsman kaugnay sa P72M flood control project sa Plaridel, Bulacan

-Ph tennis player Alex Eala, umakyat sa no. 50 sa WTA rankings na kanyang bagong career high

-Mga stranded na residente sa Brgy. Guadalupe, sinagip

-PAGASA: Bagyong Tino, posibleng mag-landfall sa Panay Island at Palawan


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Suspindido ang klase sa ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahon, dulot ng Bagyong Tino.
00:05Wala pong pasok ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa mga lalawigan ng Maguindanao del Sur,
00:11Lanao del Sur, Cavite, Negros Oriental at Antique.
00:16Wala rin pasok sa Malay, New Washington, Balete at sa Ibahay sa Aklan.
00:22Shift muna sa Alternative Learning Modality ang lahat ng klase ng estudyante sa Kalibo, Aklan.
00:27Kansilado naman ang pasok sa Ibisan, Panitan at sa Pontevedra sa Capiz.
00:33Sa bae na maayon elementary hanggang grade 12 lang ang walang pasok.
00:38Alternative delivery mode naman ang ipatutupad sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Rojas, Dumaraw at sa Hamindan Capiz.
00:48Sa Iloilo, wala rin pasok sa Balasan, Batad, Carles, Pavia, San Junisio, Sara at sa Iloilo City.
00:57Wala namang in-person classes sa mga estudyante sa Concepcion, León at Oton sa Iloilo.
01:03Tutok lang po sa Balitanghali para sa iba pang anunsyo ng class suspensions.
01:10Be a little kind everyday.
01:12Yan ang tumatak sa pamilya at mga kaibigan ng influencer, content creator at sparkle artist na si Eman Atienza sa kanyang burol sa The Heritage Memorial Park.
01:23Nagbigay ng tribute ang Sparkle GMA Artist Center family kay Eman na naging malapit sa kanilang puso.
01:39Sa aking interview sa ilan niyang nakasama at kaibigan sa trabaho, muli nilang inalala ang masasaya at hindi malilimutang memories with Eman, pati na rin ang ilang aral na natutuhan nila kay Eman.
01:52Nasaksihan ko rin sa aking pagtutok sa lamay ni Eman kung gaano siya kaespesyal.
01:58Si Eman ay naging bahagi ng Status by Sparkle na digital arm ng Sparkle GMA Artist Center.
02:05Nakilala si Eman sa kanyang platforms na masayahin, full of energy, outspoken at very authentic.
02:11Open din siya sa usapin ng mental health na hinangaan ng kanyang followers.
02:15October 22, pumanaw si Eman sa Los Angeles sa Amerika.
02:45At ang Petron Gasol na nasa limampung sentimo naman ang tapyas.
02:49Dulot daw yan ang pagbaba ng International Contract Prize ng LPG ngayong buwan.
02:56Nasa state of calamity ang Bayes Negros Oriental dahil sa pagtagas ng kemikal mula sa Wastewater Laguna ng isang planta nitong October 26.
03:04Ayon kay Bayes City Mayor Luigi Conn, mayigit dalawang libong residente ang apektado ng kabuhayan.
03:11Gagamitan daw nila ng Quick Response Fund para mamahagi ng pagkain sa mga apektado.
03:15Ayon sa Department of Environment and Natural Resources,
03:18labing tatlong coastal barangay sa Tanyon Strait protected seascape ang apektado ng wastewater spill.
03:24Patuloy ang kanilang pagsusuri sa lawak ng pinsa laroon.
03:28Pinag-aaralan din daw ng DNR ang Environmental Compliance Certificate at iba pang permit ng kumpanyang may-ari ng planta.
03:34Sa pahayag ng Universal Rubino Corporation sa Philippine Stock Exchange,
03:38Sinabi nito ngayong araw nakatakdang makatapos ang pagsasayos at pagpapatibay sa nasinan itong lagun.
03:47Nakikipagtulangan din daw sila sa DNR at iba pang ehensya para makontrol ang pagkalat ng kontaminadong tubig at para sa recovery.
03:55Ibinibigay din daw ng kumpanya ang nangangapangailangan ng mga pamilyang apektado ng wastewater spill hanggang bubalik sa normal ang sitwasyon.
04:03Maulang Tuesday mga mari at pare, may ni-reveal si Rita Daniela kung sino ang nag-first move sa kanilang relationship ni McClaude Guadagna.
04:20Naglakas na ba akong i-follow siya kasi mga siya talaga nasoplado eh.
04:24Parang di naman to nababakante.
04:28For sure, may girlfriend to. So okay lang.
04:30E, finalow ba ka ko, Tito Boy?
04:32Hey, syempre nung finalow ba ka ko, gumalaw tayo agad.
04:40Ako yung una nag-message.
04:42Okay.
04:44Chika yan ni Rita with Mac sa Fast Talk with Boy Abunda.
04:48Ang dalawa parabang nasa cloud nine habang binabalikan ng moments nila together.
04:53Isinare naman ni Mac na happy siyang mamit ang anak ni Rita na si Uno.
04:57Itong October nang amini ni Rita na exclusively dating sila ni Mac.
05:02Kasunod yan ang kanilang sweet photos na magkasama.
05:05Emosyonal din si Rita nang balikan ng journey before matanggap ang kanyang answered prayer.
05:11But, ngayon po, grabe, sobrang ramdam na ramdam ko si Lord.
05:19Kaya lang po ako naiiyak at nagiging emosyonal.
05:22Na, tama po yung sinabi niya.
05:24You just keep the faith.
05:26And, maging mabuti ka lang during your waiting season.
05:31Ang ganda nun.
05:32Because everything will be worth it.
05:42Update tayo sa epekto ng Bagyong Tino na nagpabaha sa ilang lugar sa Visayas.
05:46Kausapin natin si Pagasa Weather Specialist Benison Istareja.
05:50Magandang umaga at welcome sa Balitang Hali.
05:53Magandang umaga po, Sir Rafi.
05:54Opo, nasa na po ngayon yung Bagyong Tino?
05:57At napapanatili ba na ito yung taglay na lakas?
05:59Magandang umaga po.
06:00Sa ating PPP, ay nasa Visayas ng Bakwala Street sa negros occidentality ng Alaska.
06:07At just po nang umaga po, mga susunod na oras.
06:10Bakitansin na ito ang Western Vitaeas.
06:13Dahil may ang dihang bukas, daling araw.
06:16Katawili naman ang Bagyong Tino, ang dilagang bahagi po ng Palawan.
06:19Hanggang sa makarating po ng West Philippines si bukas ng umaga.
06:22At makalabas ng ating area of responsibility, either bukas ng gabi or sa madaling araw po ng Thursday.
06:29So sa ngayon po, meron itong taglay na hangin na 140 kilometers per hour.
06:32So pagya itong humina, may pagbuksu hanggang 195 kilometers per hour.
06:37At kumikilos pa kanluran sa bilis na 25 kph.
06:41Ganong karaming ulan po yung binubuhos ng Bagyong Tino?
06:43At sa bilis na 25 kilometers per hour, mas mababawasan ba yung epekto nito sa mga lugar na kanyang daraanan?
06:50Sa ngayon po, based doon sa kanyang speed, we're seeing na ito pa rin Western Visayas,
06:57Negros Island Region, tas Palawan yung pinakamakaranas po ng pinakamaraming land.
07:01In fact, meron po tayong red rainfall warning sa Western Visayas at Negros Island.
07:06Ibig sabihin, torrential rains po ang may experience nila sa susunod ng 3 oras.
07:10At meron namang orange warning or intense rains in the next 3 hours.
07:14Dito naman sa may central and eastern portions of Visayas.
07:17And by tomorrow, most likely Palawan na lang po, yung pinakamakaranas ng matinding po din.
07:21Sa tuwing tumatawid po ito ng dagat, lumalakas pa po ba itong bagyo?
07:26Based po doon sa ating forecast, we're seeing na mapapanatili ngayong 140 to 150 kilometers per hour.
07:32Habang tumatawid siya dito sa may Western Visayas hanggang sa makarating ng Palawan.
07:36At pagsapit ng West Philippine Sea, doon siya magre-re-intensify yung bahagyan lalakas po beyond 150 kph.
07:43Pero hindi na natin nakikita na lalakas pa ito bilang it's super tight.
07:47Sa mga lugar po, imposible maapektuhan pa itong Bagyong Tino in the coming days.
07:53Balik po bukas, maaring dito na lamang sa may area po ng Mimaropa.
07:57Yung westernmost portion of Visayas ang magkakaroon ng effect ng hangin, ng lakas ng ulan,
08:02and then other parts of Visayas, plus the western portion of Mindanao and the rest of southern zone.
08:07That includes Metro Manila.
08:09Meron pa rin maaasahan kalad-kalad po ng mga pagulan.
08:11Pero hindi na siya katulad yung today, na nagkaroon tayo ng malawakang mga pagbaha at pagbuho ng lupas.
08:17So expect natin bukas mga generally light to moderate range na lamang po doon sa mga dinaanan itong Bagyong Tino.
08:23Nabanggit niyo po kanina yung dalang ulan itong Bagyo.
08:27Napanood kasi natin yung video na galing sa Cebu.
08:29Talaga namang nalubog yung ilang lugar doon at inanood pa pati yung mga sasakyan.
08:33Mukhang hindi nakapaghanda or talagang first time natamaan siguro yung lugar na ito.
08:38Ganun po kadami para ma-visualize natin.
08:41Ganun kadami yung pwedeng i-boost na ulan itong si Tino sa mga daraanan pa niya.
08:45Yes po, kung mapapansin po natin yung video, parang itong area kung saan nagkaroon ng matinding pagbaha na pakataas po na level nito.
08:53Mukhang yung paligid po niya is parang mataas na level.
08:56So hindi lang maaaring ng galing ulan doon sa area bumagsak.
08:59Maaaring doon din sa mga kabundukan sa paligid niya.
09:02So nag-file up parang naging basic or palanggana po yung area na yun.
09:05Kaya talagang nag-file up yung pagbaha.
09:07As for the forecast rainfall, we're seeing nga na dito sa may patin Cebu,
09:11meron pa rin tayong mga at times intense na pagulan hanggang mamayang hapon
09:14habang nandito sa may Panay Island ang bagyo.
09:17And then by tomorrow, sabihin natin, mababawasan na talaga great niya yung mga pagulan natin.
09:21Pero nandyan pa rin yung banta ng mga pagbaha knowing na meron pa rin mga light po moderate.
09:25Nag-issue rin po kayo ng storm surge warning.
09:28Hanggang kailan po man nanatili ito sa ilang panig ng bansa?
09:32Yes po, in effect pa rin yung ating storm surge warning dito po sa malaking baybayin po
09:36sa mga coastal communities sa may Visayas.
09:38Lalo na sa ngayon, meron tayong higit sa 3 meters
09:41and some areas po dito sa may Negros Island region, Cebu plus Western Visayas.
09:47Then mamayang gabi, most likely dito na lamang po sa may Western Visayas
09:50at Palawan, merong bata ng daluyong.
09:52And by tomorrow, maaring malif na po siya pagdating dito sa may West Philippines.
09:56Anong chance na naman po maging bagyo itong LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility?
10:03Meron po tayong update actually as of 8 in the morning.
10:05Itong low pressure area sa far east of Mindanao,
10:07isang nangganap po na tropical depression or mahinang bagyo.
10:11Pero dahil ito'y malayo pa, more than 2,000 kilometers east of northeastern Mindanao pa,
10:15ito po ay posibleng lumakas pa hanggang super typhoon category actually.
10:19Yung forecast po natin by around Friday or Saturday,
10:23ito yung time kung saan nakapasok na ng area of responsibility dito si tatawagin natin bagyong uwan.
10:29It's around 195 kph yung kanyang forecast intensity.
10:32Pero dahil ito'y several days ahead pa po, malaki pa yung chance na magbabago yung senaryo natin,
10:37yung track, yung intensity regarding this weather disturbance.
10:40Pero sa ngayon, ano po ang tinutumbok nitong na posibleng maging super typhoon?
10:45Bali po pagsapit ng Friday or Saturday,
10:48nasa may silangan na po siya ng Quezon-Bicol area.
10:51Sumaring, ito'y mag-westward movement going towards the entire zone actually.
10:56Meron tayong ganyang senaryo.
10:58And then meron din senaryo na mag-no-Northern Luson siya, mag-west-northwest movement siya.
11:03Pero ang nakikita natin talaga na mas definite senaryo is magiging malakas po talaga ito.
11:08So dapat ngayon pa lang po, maganda na dahil saturated na yung mga kabundukan
11:12at posibleng magdulot ito ng malaking pinsala tulad ng pagbaha.
11:15Yes, ito po mga po sinidaanan itong parating na panibagong bagyo.
11:20Ito yung mga nagkakaroon ng mga pagulan sa ngayon dulot po ng shear line.
11:24Itong Cagayan Valley, Aurora, Quezon, malalakas po yung mga pagulan niyan sa ngayon
11:28at mataas na nga yung bantana mga landslides.
11:31So knowing na itong paparating na bagyo ay makakapay ito early next week
11:34then tataas muli ang chance na ng mga malalakas sa ulan doon at mga pagbaha at landlides.
11:39Okay, may oras pa po para maganda.
11:40Maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo sa Balitang Hali.
11:44Salamat po at ingat.
11:45Si Pag-asa Weather Specialist, Benison Istareja.
11:50Update po tayo sa epekto ng bagyong tino sa Negros Occidental.
11:54May ulit on the spot si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
11:58Aileen?
12:03Rafiko, niramdam na ang lakas ng hangin at pagulan dala ng bagyong tino
12:07sa northern portion ng Negros Occidental at Macaulon City ngayong umaga
12:11kaya naghahanda na ang mga residente.
12:13Dahil sa lakas ng hangin, bumagsak ang ilang sanga ng kahoy sa Victoria City.
12:19Ang ilang kalsada, halos hindi madaanan matapos nagkalat ang mga bumagsak na punong kahoy.
12:25Nagsiliparan ang bubong ng ilang bahay.
12:27Ang ilang residente, siniguradong nakatali ng mahigpit ang mga bubong upang hindi lipa rin ang hangin.
12:32May ilang nag-ayos na ng mga gamit kung sakaling magkaroon ng evacuation, anumang oras.
12:37Base sa 8am bulletin ng pag-asa, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 3
12:42ang central portion ng Negros Occidental, particular ang Moises Padilla, Isabela, Hinigaran at Binalbagan.
12:50Sa Bacolod City, nagsagawa na ng preemptive evacuation sa coastal areas
12:54dahil sa naranasang pagbugsupugsung ulan at malakas na hangin simula kaninang umaga.
13:00Connie, sa tala ng Bacolod City LGU ay umabot na sa mahigit limang raang mga pamilya
13:07ang nasa evacuation center sa mga oras na ito.
13:11Connie?
13:11Maraming salamat, Aileen Pedreso ng GMA Regional TV. Ingat kayo dyan.
13:21Update naman po tayo sa embisigasyon ng Independent Commission for Infrastructure
13:25sa mga kwestyonableng flood control projects sa bansa.
13:29May ulit on the spot si Joseph Morong.
13:32Joseph?
13:36Yes, Connie.
13:37Pinaimbestigahan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa ombudsman
13:41kung may paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards
13:45sina dating DPWH, Secretary Manuel Bonoan,
13:49dating DPWH, Undersecretary Roberto Bernardo,
13:52at dating DPWH, Undersecretary Maria Catalina Cabral.
13:55Connie yan ay bahagi ng ikatlong interim report na inilabas ng ICI ngayong araw
14:01at kung may makikita ang paglabag ang ombudsman sa tatlo,
14:05ay maaaring mapatawan sila ng hindi lalampas sa limang taong pagkabilanggo
14:09o multa na 5,000 pesos o pareho at maaari rin silang hindi na makaupo sa gobyerno.
14:14Bukod sa kanila ay pinaimbestigahan din ng ICI sa ombudsman
14:18kung may posibleng kaso naman ng graft, malversation at falsification of public records
14:23at paglabag sa Government Procurement Act sina
14:26dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
14:30yung dating mga engineers Bryce Hernandez,
14:32at si Yumir Villanueva, presidente ng kumpanyang Top-Notch Catalyst Builders Incorporated.
14:38Ito ay para sa isang 72 million na ghost project sa Bagong Silang, Claridel, Bulacan.
14:44Ang rekomendasyon ng ICI ay base sa report ng Commission on Audit o COA
14:48na nagpakita na wala raw proyektong naitayo pero nabayaran ng buo ang proyekto.
14:54Narito po ang pahayag ni Justice Andres Reyes.
15:00Expect more references, referrals to the ombudsman.
15:07More are coming. I repeat, more are coming.
15:14Kung nisasalukuyan ay naghahainan ng referral itong ICI sa ombudsman.
15:18Ito yung ikatlo nila at ito yung unang pagkakataon na nabanggit
15:20isang itong si dating DPWH, Secretary Manuel Bunuan
15:24at i-narerekomenda na kumimbestigahan ang kanyang involvement sa isang flood control project, Connie.
15:30Maraming salamat, Joseph Morong.
15:32Pasok na sa Top 50 ng World Rankings ng Women's Tennis Association si Pinay tennis player Alex Yala.
15:43Panibagong karirhaya ni Alex.
15:45Sa kanyang social media, ibinahagi ni Alex na dream come true para sa kanya ang nagdaang 2025 season.
15:52Love letter daw ito para sa kanyang pamilya, mga kaibigan at lahat ng sumusuporta sa kanya.
15:57Ngayong taon, ilang beses gumawa ng kasaysayan si Alex.
16:00Una bilang unang Pinoy na magkaroon ng WTA 125 title matapos magkampiyon sa Guadalajara Open.
16:07Pangalawa, unang Pinoy na makaabot sa finals na isang WTA event.
16:11At pangatlo, una ring Pinoy na nakakuha ng panalo sa isang Grand Slam main draw.
16:17Congratulations sa iyo, Alex!
16:18Sa iba pang balita, isa-isang sinagip na mga tauhan ng Philippine Red Cross Southern Leitet Chapter
16:26at Emergency Response Unit ang mga stranded na residente sa barangay Guadalupe sa Maasin City.
16:35Umapaw kasi ang isang malaking kanal doon dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong tino.
16:41Sa Atalisay, Cebu, sinagip din ang mga residente na ninirahan sa ilalim ng tulay matapos umapaw ang tubig sa Mananga River.
16:50Aling na imbedwal at isang alagang aso naman ang inilikas ng Philippine Red Cross Water Search and Rescue Team sa Villa del Rio sa Talamban, Cebu.
17:01Mga kapuso, patuloy na tinatawid ng bagyong tino ang kabisayaan.
17:08Nakatatlong landfall na nga po ang bagyo at posibleng may kasunod pa ayon sa pag-asa sa Panay Island at sa Palawan sa mga susunod na oras.
17:15Bukod sa matitinding ulan at hangin, pinalilikas na rin ang mga nakatira sa ilang coastal areas dahil sa banta ng daluyong o storm surge.
17:23Hanggang bukas, sinasahang mararamdaman ang bagsik ng bagyong tino.
17:26Nakataas pa rin ang wind signal number 4 sa Cuyo Islands at ilan pang panig ng Western Visayas at Negros Island Region.
17:34Signal number 3 naman sa ilang bahagi ng Masbate, Palawan at ng Kabisayaan.
17:38Ingat po mga kapuso!
17:43Ingat po sa bagyo mga kapuso!
Comments

Recommended