Skip to playerSkip to main content
-2 rider na nagkabanggaan sa Brgy. Cayanga, patay matapos naman mabundol ng SUV


-Lalaki, sugatan sa pananaksak ng pinsan niyang nag-amok dahil daw sa takot na sugurin ng mga katrabaho


-Daan-daang deboto, nakikibahagi sa Traslacion ng Jesus Nazareno sa Cagayan de Oro City/Traslacion ng Jesus Nazareno sa Davao City, inabot ng mahigit dalawang oras


-Mga deboto, nakiisa sa pahipo sa replika ng Poong Jesus Nazareno sa St. Joseph Cathedral/Imahen ng Poong Jesus Nazareno, inilibot sa iba't ibang barangay sa Binmaley bago ang pista ng Jesus Nazareno


-Negosyanteng sangkot umano sa illegal investment scheme, arestado sa kasong syndicated estafa; humingi ng paumanhin sa kanyang mga kliyente


-Patikim sa makulay na Pit Señor Dance Performance, isinagawa sa Taguig


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Huli kam ang karambola ng tatlong sasakyan sa San Fabian, Pangasinan.
00:15Chris, may casualty ba sa insidente?
00:19Rafi nasawi ang dalawang motorcycle rider na sangkot dyan.
00:24Sa kuha ng CCTV, kita ang unang motorsiklo na patawin sa kalsada sa barangay Kayanga.
00:28Maya-maya pa nasalpok ito ng ikalawang motorsiklo na mabilis ang takbo.
00:34Tumila po ng mga rider sa kalsada.
00:36Sakto namang parating ang isang SUV at nasa gasaan ng dalawa.
00:41Dead on arrival sila sa ospital.
00:44Inianda ng reklamong isasampang laban sa driver ng SUV na nasa kustudiyanan ng pulisya.
00:49Sinusubukan pa siyang kunan ng pahayag.
00:54Ito ang GMA Regional TV News.
00:58Mainit na balita sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
01:04Sugatan sa pananaksak ng pinsan niyang isang lalaki sa Sambuanga City.
01:09Cecil, bakit daw nagamok yung sospek?
01:12Rafi, nagwala raw ang sospek.
01:14Sa paniniwalang susugurin siya ng mga katrabaho.
01:17Kwento ng biktima, buong araw nagtago sa loob ng banyo nila ang sospek nitong miyerkoles.
01:23Takot daw siyang mapag-initan ng mga katrabaho sa minahan matapos silang may matagpuan umanong ginto.
01:30Kinabukasan, kumuha raw ng dalawang kutsilyo ang sospek at nagwala.
01:34Pinakalma siya ng biktima.
01:36Doon na nasaksak ang biktima ng tatlong beses.
01:40Isang rumispunding pulis ang inatake din ng sospek.
01:43Ligtas naman ang pulis dahil sa suot na vest.
01:46Dahil sa pag-aamok, binaril ng isa pang pulis ang sospek.
01:50Ginagamot na ang sospek sa ospital.
01:52Wala pa siyang pahayag.
01:54Patuloy ang imbisigasyon ng mga otoridad.
01:59Ipinagdiriwang din ang pista ng poong Jesus Nazareno sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
02:05Sa Cagayan de Oro City, daandaang deboto ang nakikipagbahagi sa lokal na versyon ng traslasyon.
02:12Dumayo pa ang ilan sa kanila, bitbit din ang kanya-kanyang kwento ng debosyon.
02:17Inaasahang aabutin ng alas 7 hanggang alas 8 na gabi bago matapos ang traslasyon doon.
02:23Maaga namang natapos ang traslasyon sa Davao City.
02:27Mula alas 4 hanggang alas 6.30 ng umaga kanina,
02:30inilibot ang replika ng imahe ng poong Jesus Nazareno hanggang maibalik ito sa Black Nazarene Chapel sa syudad.
02:37May nakatakda pang nisa roon para sa pista mamayang alas 7 ng gabi.
02:42Ito ang GMA Regional TV News.
02:51Nakiisa sa pista ng poong Jesus Nazareno ngayong araw ang ilang deboto sa Balanga Bataan.
02:57Yan ang pahipo sa replika ng imahe ng poon sa St. Joseph Cathedral.
03:02Nag-alay ng dasal at nagsabit ng mga sampagita ang mga deboto.
03:06Magkakaroon din ang traslasyon ng poon sa Balanga pagkatapos ng 5.30pm mass mamaya.
03:13Sabin mali naman dito sa Pangasinan, ramdam din ang masidhing pananampalataya ng mga deboto ng poon.
03:19Inilibot ang imahe sa iba't ibang barangay roon bago ang pista ng Jesus Nazareno ngayong biyernes.
03:26Mamayang hapo naman ang nisa at prosesyon mula sa Jesus the Nazarene Parish Church.
03:34Ito ang GMA Regional TV News.
03:37Arestado sa malasiki dito sa Pangasinan ang isang negosyante dahil sa kasong syndicated estafa.
03:47Ay sa polisya, inula ng reklamo ang kumpanya ng akusado na sangkut umano sa illegal investment scheme.
03:54Humigit kumulang 10,000 katao ang namuhunan sa nasabing kumpanya.
03:59Hindi na umarap sa kamera ang negosyante pero inamin niyang mali ang hindi niya pagsunod sa payout ng kanyang mga kliyente.
04:07Pumingi siya ng paumanhin sa kanila.
04:08Ano yan, nagkataon lang umano na may hindi siya naasikasong papeles at hindi raw niya tinakbuhan ang mga paratang laban sa kanya.
04:17Nauno nang nakasuhan ang negosyante noong May 2025 dahil umano sa pagpapatakbo ng cryptocurrency investment scheme na walang kaukulang permit.
04:28Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng malasiki police station ang akusado.
04:34Mula rito sa Cebu City, abot hanggang dyan sa Metro Manila ang Sindulog Fever.
04:41Sa Taguib, nagpatikip ang grupong Baguitos Tribe mula sa Mandaluyong ng makulay na selebrasyon sa pamamagitan ng isang dance performance.
04:50Ayon sa Sindulog Foundation, gusto nilang hikayatin ang mga Pinoy sa iba't ibang parte ng bansa na makisaya sa Sindulog Festival.
04:58Kung team bahay naman kayo, pwedeng makipit senior sa pamamagitan ng livestream ng GMA Regional TV sa aming website, YouTube channel at Facebook pages.
05:08Simula yan 1pm sa January 18, linggo po yan.
Comments

Recommended