00:01Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Ihahatid na ng GMA Regional TV ang may init na balita mula sa mga probinsya.
00:11Sa Peñaranda, Nueva Ecija, nahulikam ang pamamaril ng isang lalaki sa nakaaway niyang kapwa magsasaka.
00:17Cecil, kumusta yung biktima?
00:23Rafi, ligtas naman ang biktima na siya mismo ang kumukuha ng video.
00:27Hinabol ng pamamaril ng sospek ang biktima sa isang bukid sa Barangay Poblasyon 1.
00:39Hindi tinamaan ang biktima.
00:41Naresto kalaunan ang sospek at nakuha sa kanya ang baril na wala palang lisensya.
00:46Batay sa imbistigasyon, away sa sinasakang lupa ang ugat ng alitan.
00:51Sinampahan na ng reklamong attempted homicide ang sospek at hiwalay pang reklamo kaugnay sa hindi lisensyadong baril.
00:58Walang pahayag ang mga sangpon.
01:02Labing limang sospek ang naaresto sa drug bybas operasyon sa Santa Rosa, Laguna.
01:08Nahuli sila sa isang hinihinalang drug den sa Barangay Dita.
01:12Nakumpiska sa kanila ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at iba't ibang drug paraphernalia.
01:18Nahaharap sila sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
01:23Walang pahayag ang mga sospek.
01:33Patay ang isang alagang aso matapos umanong hampasin ng kahoy ng isang tindero sa Mandawi dito sa Cebu.
01:40Sa kuha ng CCTV, makikita ang asong si Cooper na nakahiga sa tabing kalsada.
01:46Kwento ng may-ari ng aso, nakalabas ang kanilang aso matapos makawala sa pagkakatali sa kanilang bahay noong January 15.
01:55Napadpad si Cooper sa palengken ng Barangay Kanduman.
01:58Doon na raw nangyari ang pananakit matapos umanong amuyin at kagatin ng aso ang karton na naglalaman ng mga panindang daing ng tindero.
02:08Nagkaharap na sa Barangay Hall ang dalawang panig at nakatakda ulit mag-usap ngayong araw.
02:16Ito ang GMA Regional TV News
02:22Pasintabi po, may sensitibong detalye ang susunod na balita.
02:29Isang bangkay na babae ang natagpuan na nakasilid sa plastic drum sa antipolo Rizal.
02:34Ayon sa pulisya, nakita ng mga batang nangangalakal ang drum sa bangin sa isang bahagi ng Marcos Highway sa Barangay San Jose.
02:42Nang buksan ang drum, doon na tumambad ang duguang katawan na nakabalot sa kahon at sako.
02:48May taas na limang talampakan ang babae.
02:51May tatu sa hita at nakasuot ng puting pangitaas at maong nasyon.
02:54Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima.
02:59Maaring makipangugnayan sa tanggapan ng antipolo polis ang sino mang nawawalan ng kaanak.
Comments