Skip to playerSkip to main content
-PAGASA: Bagyong Ada, bumagal ang kilos habang lumalapit sa Caraga Region


-Ulang dala ng Bagyong Ada, unti-unti nang nararanasan/ Sea travel sa Surigao City, suspendido dahil sa epekto ng bagyo


-Biyahe ng mga RORO mula Sorsogon patungong Northern Samar at Surigao del Norte, kinansela dahil sa bagyo/ Catanduanes na posibleng hagupitin ng bagyo, naghahanda na


-Cebu CDRRMO: 22 ang bagong bilang ng patay sa gumuhong Binaliw Landfill; 14 na iba pa, hinahanap


-Isa, sugatan sa sunog sa Brgy. 73; nasa 7 pamilya, nawalan ng tirahin


-Financial Management Records Room ng DPWH-CAR, nasunog


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Ang ilang panig ng albay na apektado rin ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
00:35Tumutok po dito sa balitang hali para sa bagong listahan ng mga pag-asa ng mga lugar na may wind signal base po sa 11am bulletin.
00:45Magiging maalon at delikadong pumalaot sa ilang baybayin ng Catanduanes, Northern Samar, Siargao, Bucas Grande Islands, Eastern Samar at Binagat.
00:55Ngayong araw may chance ng lumakas bilang tropical storm ang Bagyong Ada.
01:00Bukas o sa Sabado ng madaling araw, posibleng lumapit ang Bagyong Ada sa Eastern Samar o sa Northern Samar bago nito tumbukin ang silangan ng Catanduanes.
01:10Bukod sa pagpapaulan ng bagyo sa ilang panig ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao, nananatili rin ang chance ng ulan dahil naman sa hanging amihan sa ilan pang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
01:21May wind signal sa probinsya ng Surigao del Norte dahil sa Bagyong Ada.
01:28Update po tayo sa paghahanda roon sa epekto ng bagyo sa ulat on the spot ni Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
01:36Cyril!
01:37Connie, paunti-unti nang nararamdaman ngayon ang kaunting ulan na posibleng epekto ng Bagyong Ada dito sa Surigao City, Surigao del Norte.
01:50Panakanakang ulan na may kasamang kaunting pagbugso ng hangin.
01:56Ganito ang sitwasyon ngayon rito sa Surigao City, Surigao del Norte.
02:00Sa impormasyon ng pag-asa, isinailalim sa signal number 1 ang Surigao City, probinsya ng Surigao del Norte at Sur at Dinagat Islands.
02:08Alinsunod rito, inutos ng Surigao del Norte LGO na ipatupad ang granular suspension of classes pero nasa LGO pa rin ang final na desisyon.
02:17Depende sa sitwasyon ng kanilang area of responsibility.
02:20Dito sa Surigao City, e-dineklara na ng LGO na walang suspension of classes sa lahat ng antas.
02:26May pasok rin ang trabaho sa gobyerno.
02:29Suspendido naman ang sea travel ngayon pati na pangingisda.
02:33Nakahanda naman ang CDRRMO sa mga posibleng epekto pa ng Bagyong Ada.
02:39Connie, tuloy-tuloy ang monitoring na ginagawa ngayon ng kinaukulan dito sa Surigao City
02:45kung saan inabisuhan na rin nila yung mga residente na nakatira sa high-risk areas.
02:51Connie?
02:51Cyril, may impormasyon ba tayo kung may paghahanda na sakaling may kailangang ilikas?
03:01Connie, ayon naman sa LGO.
03:02Handa naman silang ilikas yung mga individual na kailangang ilikas
03:06kung sakaling may mga epekto nga malaki galing kay Bagyong Ada.
03:13Pero ayon naman sa LGO ay sana raw walang malaking epekto ang bagyo sa kanilang lungsod at sa probinsya.
03:20Connie?
03:21Maraming salamat at ingat kayo dyan.
03:23Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
03:25Kansilado na ang biyahe ng mga roro sa pantalan ng Matnog Sorsogon dahil sa Bagyong Ada.
03:32Naglabas ang Philippine Coast Guard ng Sea Travel Advisory kaugnay nito.
03:36Kabilang sa mga kinansila ang biyahe papuntang Northern Samar at Surigao del Norte
03:40matapos na itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa lugar.
03:44Wala pa namang wind signal sa Katanduanes.
03:47Pinaghahanda na rin ang provincial government ang Bagyong Ada.
03:50Sa mga inisyal na datos ng pag-asa, posibling mahagupit din ang bagyo ang Katanduanes sa mga susunod na araw.
03:58Inaatasan nito ang mga pagpapatupad ng pre-emptive evacuation,
04:01pre-positioning na relief goods at mga rescue equipment
04:04at pagbabawal sa pagpalaot ng maliliit na sasakyang pandagat.
04:1122 bagong bilang ng nasawi sa paghuhon ng landfill sa barangay Binalio sa Cebu City.
04:16Ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office,
04:19isang babae at isang lalaki ang pinakahuling na retrieve ng rescuers.
04:24Labing-apat na iba pa ang pinagahanap.
04:27Labing-wano naman ang sugatan.
04:29Patuloy pa rin ang search and rescue operations ng mga otoridad.
04:35Isa ang sugatan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Kaloocan.
04:41Nasa pitong pamilya ang nawalan ng tirahan.
04:44Balitang hatid ni Bea Pinlak.
04:49Binulabog ng nagngangalit na apoy ang bahagi ng Barangay 73, Kaloocan.
04:55Tatlong magkakatabing bahay ang natupok.
04:58Nasa pitong pamilya ang nawalan ng tirahan.
05:01Ayon sa ilang residente, nakarinig pa sila ng tila pumutok na mga kawad ng kuryente.
05:06Kinalampag nila ang mga pamilya sa loob ng mga nasusunog na bahay.
05:10Ang mga residente, kanya-kanyang salban ng mga gamit nila.
05:27Ang iba, nagkumahog na tumulong sa pag-apula sa apoy.
05:31May mga umakyat pa sa bubong para sa buyan nito ng tubig.
05:35Maya-maya pa, ang isa sa kanila, napatalon mula sa bubong.
05:39Nakitulong po kasi yung bahay po namin, halos didikita na po ng apoy.
05:46Habang pinagginagawa ko po yun, may pumutok na po na wire.
05:50Naramdaman ko na po sa pa ako yung kilitin ng kuryente.
05:54Kung sakaling lamunin pa ako ng kuryente doon, baka hindi na po ako naka-ask.
05:59Kasi inong inalala ko kaya nagpatihulog na nga po.
06:03Binagsakan ko naman po yung nakaparad ng e-bike doon.
06:06Sugatan ng lalaki na agad nilapatan ng paunang lunas sa ospital.
06:10Dumating kalauna ng mga bombero para apulahin ang sunog na umabot sa unang alarma.
06:15Ang gawa sa kahoy, tapos siyempre nadamay na yung mga kuryente kaya lalong lumaki.
06:21Nagpanik na yung mga tao, sabay-sabay na pa silang lumabas.
06:24Siyempre kanya-kanya na silang hakot ng mga gamit.
06:26Kaya medyo siksika na yung mga tao, medyo nasalubong na yung mga tao.
06:32Hindi naman, kaya medyo nahirapan.
06:34Pero nakapasok naman yung ibang mga bombero.
06:37Pasado alas 12.30 ng madaling araw ng maapulang apoy.
06:41Iniimbestigahan pa ng maotoridad ang sanhinang sunog at halaga ng pinsala.
06:45Binuksan naman ang covered court ng barangay para sa mga pamilyang nawala ng tirahan dahil sa sunog.
06:51Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:56Nagkasunog sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways Cordillera Administrative Region sa Baguio City kahapon.
07:02Ayon sa DFP Financial Management Records Room ng ahensya ang nasunog.
07:06Walang naiulat na sugatan sa insidente.
07:09Base sa embestigasyon, isang utility worker ang nakakita sa bahagi ng gusali na umuusok kaya agad niya itong in-report.
07:16Sa hiwalay na pahayag, kinumpirma ng DPWH ang nangyaring sunog sa Cordillera Regional Office.
07:22Nakikipagugnay na sila sa BFP at lokal na pamahalaan ng Baguio City para sa embestigasyon at sanhi ng apoy.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended