00:00Jesus is the only one!
00:30Thank you very much.
01:00Iba pang updates, kaugnay sa Pista ng Jesus Nazareno, Tutukan, live!
01:06Pinakamaaga sa loob ng dalawang dekada ang oras na pagalis ng imahe ng Jesus Nazareno sa Quilino Grandstand sa Maynila kanina.
01:19Alas 4 ng umaga, umandalang anda, sabi ng Capo Church Command Post,
01:23mistulang daga at ang mga debotong sumunod sa paggalaw nito.
01:27Ang ibang deboto lumagpas sa harang ng Philippine Coast Guard.
01:32Marami rin nagunahang tumakbo para masundan ang andas.
01:36Sa tala ng Philippine Red Cross, as of 9 a.m., 246 na pasyenteng lumahok sa traslasyon ang nirespondihan nila.
01:46140 ang nagpacheck ng vital signs, 93 ang nakaranas ng pagkahilo, na sprain o nagkaroon ng maliliit na sugat,
01:54siyam ang may malalalim na sugat sa katawan, at apat ang isinugod sa ospital.
02:03Extended po hanggang bukas ng alas 10 na umaga ang pahalik sa replika ng poong Jesus Nazareno sa Quilino Grandstand.
02:10Sa Misa Mayor bago ang traslasyon, ipinunto ang kahalagahan ng pagkukusang bumaba bilang simbolo ng pagmamahal.
02:17Balita natin ni James Agustin.
02:24Sama-sama sa panalangin ng libu-libong deboto ng poong Jesus Nazareno na nakiisa sa Misa Mayor sa Quilino Grandstand kaninang hating gabi.
02:32Pinangunahan ng banal na Misa ni Bishop Rofino Sescon Jr. ng Diyosesis ng Balanga, Bataan.
02:38Humalili siya kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincola na kasalukuyang nasa Roma.
02:42Sa kanyang homily, pinaalala ni Bishop Sescon, na gaya ni Jesus Nazareno ay dapat matuto tayong magkusang bumaba dahil simbolo ito ng pagmamahal.
02:51Sa ating bayan ngayon, may mga ayaw bumaba kahit malina at bistado na.
03:00Ayaw bumaba kahit pahirap na sa bayan.
03:07Ayaw bumaba kahit nagdurusa na ang mga mahihirap.
03:11Ayaw bumaba kahit hindi karapat dapat.
03:25Tumigil na, tama na, maawa na kayo sa taong bayan.
03:31Mahiya namang kayo bumaba na ng kusa, alang-alang sa awa at pag-ibig.
03:41Ang tunay raw na deboto ni Jesus Nazareno ay marunong makinig at sumunod.
03:45Ang namamanata, ang kumakapit at umihila ng lubid, ang mga nagpipingga at pumapasan,
03:53ang mga sumasalya at humahalik sa kanyang paanan, ay dapat lalong nakakapakinig sa Diyos.
04:02Sa poong Nazareno, natututunan natin, ang mga bumagsak ay muling makababangon.
04:11Ang mga nagkamali ay maaaring maitama.
04:15Ang mga nawawala ay maaaring mahanap muli.
04:20Kabilang sa mga nakiisa, si Nakrisha at Derry kasama ang apat na taong gulang nilang anak na CIA.
04:25Galing silang kalookan at nag-leave sa trabaho para makadalo sa traslasyon.
04:28Every year namin itong ginagawa, mas napapanatag yung pag-asama naming mag-asawa,
04:34lalong tumatatag yung pag-ano namin, pagsasamang.
04:38Since naging kami, six years na din kahong nag-de-devotion din.
04:43Si Derry susubukan daw ulit na makahawak sa lubid na humahatak sa andas.
04:47Bahagi na raw ito ng kanyang panata.
04:49Importante sa akin na paghahawag sa lubid dahil dito na tutupad ko yung mga hiling ko sa poong Jesus Nazareno.
04:55Apat na dekada ng deboto ang PWD na si Miriam.
04:59Lalo raw lumalim ang kanyang pananampalataya kay Jesus Nazareno
05:02nang maputulan siya ng kamay matapos maaksidente noong 2024.
05:06Nung na-disgrasya po ako, ay pinalangin ko pala, bigyan pa ako ng isang buhay.
05:11Ito nga po, nabuhay po ako ng ganito.
05:14Kaya po, malakas talaga ang pananari ko sa Diyos.
05:18Lalo sa pong Nazareno, binigyan ako ng pangalawang buhay.
05:22Hindi rin alintanan ng senior citizen na si Mabel,
05:25ang dami ng mga tao makita lang ng personalang imahen.
05:28Sa 20 taon niyang pamamanata, marami raw hiling na natupad.
05:31Tulad po nung na-disgrasya yung anak ko.
05:34Talaga po nga laki ng tulong, nang nasareno sa amin.
05:37Kasi kala namin wala ng pag-asa pero na-operahan yung anak ko.
05:41Yung paniniwala po, yung pananampalataya, yung pagmamahal sa Panginoon.
05:47Magkakaiba man ang pinanggalingan at rason ng pamamanata,
05:50pinagbuklod ang mga deboto ng iisang pananampalataya.
05:54Baon nila ang mga himala na ipinagkaloob ng poong Jesus Nazareno
05:57at hindi matatawarang pasasalamat sa kanya.
06:00James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:04Sa mga debotong hahabol sa traslasyon, maiging magbao ng kapote
06:12dahil sa pusibling ulan sa mga susunod na oras.
06:16Ayon po sa pag-asa, may tiyansang ulanin ang Metro Manila dahil sa hanging amihan.
06:20Apektado rin ang amihan ang Northern at Central Zone maging ang Calabar Zone.
06:25Nakataas po ngayon ang thunderstorm watch sa NCR, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
06:32Hanggang mami ang alas 10 ng gabi, pusibling ang mga thunderstorm sa mga nasabing lugar.
06:37Shear line naman ang magpapaulan muli sa Bicol Region at sa Northern Samar,
06:41habang Easterlies sa iba pang bahagi ng bansa ayon sa pag-asa.
06:45Sa mga susunod na oras, pusibling ang light to moderate rain sa iba't ibang panig ng bansa,
06:49particular na sa Silangang Luzon na may tiyansa ng heavy to intense rains,
06:54base po sa rainfall forecast ng Metro Weather.
06:57Maging alerto sa bantanang baha o landslide.
06:59Ngayong biyernes, naitala ang 14 degrees Celsius na minimum temperature sa City of Pines, Baguio,
07:06habang 24.1 degrees Celsius dito sa Quezon City.
07:09Sa ibang balita, mahigit 30 pa ang hinahanap sa pagguho ng tambak ng basura at estruktura sa Binaliw Landfill sa Cebu City.
07:19Pusidro itong nangyari dahil sa naranasang lindol at mga bagyo roon noong nakarang taon.
07:24May ulat on the spot si Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
07:28Femarie!
07:33Rafi, sa latest na nilabas ng Cebu City DRMO,
07:37nasa labing dalawang individual na ang nakuha mula sa gumuhong estruktura.
07:41Isa sa kanila ang idiniklarang patay.
07:44Ito ay matapos gumuho ang gabundok na basura sa Binaliw Landfill sa Cebu City pasado alas 4 ng hapon kahapon.
07:55At natabunan ang Staff House at Office ng Prime Waste Solution Incorporated na siyang nagmamanage ng landfill.
08:01Ayon kay Cebu City Mayor Nistar Archival,
08:04nasa 109 ang mga empleyado ng Prime Waste at 38 paumanong ang hinahanap na natabunan.
08:10Pahirapan ang isnesagawang search and rescue operation ng mga otoridad
08:14dahil patuloy na gumagalaw ang gabundok na basura.
08:17Sa isnegawang pagpupulong ni Mayor Archival sa mga taga-DENR,
08:21lumutang ang posibilidad na napektuhan na ang landfill sa magnitude 6.9 na lindol noong September 30
08:27dito sa Northern Cebu at sa dami ng tubig na dala ng ulan at baha noong November 4
08:33dahil sa Bagyong Tino at sa mga naranasang pag-ulan sa mga unang araw nitong taon.
08:38Nilinaw ng alkalde na search and rescue operation pa rin ang ginagawa
08:42lalot may naririnig pa ang mga rescuer ng boses sa loob ng gumuong istruktura.
08:48Sa inilabas na pahayag ng management kahapon,
08:51na agad sila nakipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya at lokal na pamahalaan
08:54para sa agarang tulong sa rescue operation.
08:56Dahil sinangyari ang operasyon ng pasilidad ang suspended simula kahapon
09:00at panawagan nila sa publiko na huwag lumapit sa lugar
09:04at pangako nila na sasagutin ang lahat ng pangangailangan ng mga apektadong empleyado.
09:10Utos ng alkalde na 24 oras ang gagawing rescue operation.
09:14Simula kanina ang 12.35am, hindi pa nadagdagan ang labing dalawang na rescue.
09:20Isa nito ang patay.
09:21Mga pamilya ng mga hinahanap pa na empleyado ang nasa labas ng landfill.
09:25Naghihintay ng impormasyon sa sitwasyon ng mga mahal nila sa buhay.
09:29Raffi, ayon kay Cebu City Mayor ni Store Archival na tumawag sa kanya si DPWH Sekretary Vince Dizon.
09:36At ayon pa sa kay Sekretary na tutulong ang DPWH sa pamamagitan ng mga heavy equipments.
09:43Samantalang darating din daw si DILG Sekretary John Vick Rimulya sa Ground Zero
09:48upang personal na ma-check ang nangyari.
09:51Raffi?
09:53Maraming salamat, Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
09:57Ito ang GMA Regional TV News.
10:03Mainit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
10:07Huli kam ang karambola ng tatlong sasakyan sa San Fabian, Pangasinan.
10:12Chris, may casualty ba sa insidente?
10:16Raffi nasawi ang dalawang motorcycle rider na sangkot dyan.
10:20Sa kuha ng CCTV, kita ang unang motorsiklo na patawin sa kalsada sa barangay Kayanga.
10:26Maya-maya pa nasalpok ito ng ikalawang motorsiklo na mabilis ang takbo.
10:31Tumila po ng mga rider sa kalsada.
10:33Sakto namang parating ang isang SUV at nasa gasaan ng dalawa.
10:38Dead on arrival sila sa ospital.
10:40Iniaanda na ang reklamong isasampal laban sa driver ng SUV na nasa kustodiyana ng pulisya.
10:46Sinusubukan pa siyang kunan ng pahayag.
10:48Himu mam from kulin kursi.
Comments