Skip to playerSkip to main content
-Kapitan ng Brgy. Balibago, patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin


-Pag-ulang dulot ng Shear Line, nagdulot ng pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng Luzon/Makilo Bridge, isinara matapos makitaan ng structural issues


-84-anyos na babae, patay sa sunog sa kanilang ancestral home


-Sasakyan ng mga pumatay sa kapitan ng Brgy. Tres De Mayo, nahagip sa CCTV/Hepe ng Digos City Police Station na dating nakaalitan ng binaril na Brgy. Captain, sinibak sa puwesto matapos ituring na person of interest sa krimen


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay ang isang barangay chairman matapos tambangan sa Masantol, Pampanga.
00:15Chris, anong nangyari?
00:18Connie, naalam pa kung sino ang nasa likod ng pananambang maging ang kanilang motibo.
00:24Ayon sa pulisya, pauwi galing sa isang birthday celebration si Kapitan Jin-Kin Kiambao ng barangay Balibago ng Tambangan.
00:32Dead on arrival siya sa ospital.
00:34Sinusuri na na pulisya ang mga nakalap na ebidensya sa crime scene.
00:38Sa tala ng pulisya, mula 2022 hanggang sa kasalukuyan,
00:43abot anim na punong barangay na sa Pampanga ang nasawi sa pamamaril.
00:48Nagdulot naman ng paha at landslide ang ulang hatid ng share line sa ilang bahagi ng Luzon.
00:54Sa Puntot at Ayaw, nasawi ang isang lalaki matapos matabunan ang gumuhulo pa sa barangay Aurora.
01:00Sa search and rescue operations, na-recover ang bangkay ng biktima.
01:04Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng biktima alinsunod sa hiling ng mga kaanak.
01:10Binaanaman ang maraming lugar sa Tuguegaraw, Cagayan dahil sa pagulan.
01:15Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, 50 barangay ang apektado.
01:20Nananatili sa evacuation centers ang nasa mahigit dalawang libong pamilya.
01:26Patuloy ang monitoring ng mga otoridad.
01:28Habang sa bayan naman ng aparien, nalubog din sa baha ang ilang tanim na o taniman at bahay.
01:35Nakahanda naman ang mga otoridad doon para sa posibleng paglikas ng mga apektadong residente.
01:39Isa na rin naman sa mga motorista ang Makilo Bridge sa ating Lion Kalinga matapos makita ng issue sa istruktura nito.
01:48Hinala ng otoridad, naka-apektoryan ang pagulang dulot ng shear line.
01:52Pinayuhan na ang mga motorista na huwag munang dumaan sa tulay para sa pagsusuri at pagkukumpuni roon.
01:59Ito ang GMA Regional TV News.
02:06Balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
02:09Isang matandang babay ang patay sa sunog sa kabangkalan Negros Occidental.
02:14Sara, ano nangyari?
02:15Rafi, hindi na nailabas ng buhay ang 84 na taong gulang na biktima nang magkasunog sa kanilang ancestral home.
02:26Ayon sa mga otoridad, may kasama ang biktima sa kanilang bahay.
02:30Ngunit dahil nasa second floor ang kanyang kwarto, hindi na makalakad at sa laki ng apoy, hindi siya nailigtas.
02:37Tuluyan ding nasunog ang bahay.
02:39Inaalam pa ang posibleng pinagmulan ng apoy na nag-iwan ng mahigit 400,000 pisong pinsala.
02:45Sinisikap punin ang pahayag ng pamilya ng biktima.
02:49Sa Digos Davo del Sur, nahagip sa CCTV ang sasakyan ng gunman na bumaril kay Kapitan Oscar Bucol Jr. ng Baragay Tres de Mayo.
02:59Unang nakita ang sasakyan na pumasok sa subdivision kung saan nakatira si Bucol.
03:04Maya-mayay, mabilis na ang takbo nito papalayo sa bahay ng biktima.
03:08Kinumpirma ng pulis siya na ito ang sinakyan ng mga sospek.
03:12Base sa inisyal na investigasyon, tatlo ang sakay nito.
03:15Itinuturing nilang persons of interest ang mga individual na binanggit ni Bucol sa mga dating niyang social media posts.
03:22Kabilang dyan ang nakaalitan niyang hepe ng Digos City Police.
03:25Tinanggal ang hepe sa pwesto habang isinasagawa ang investigasyon.
03:29Isinailalim naman siya at dalawampung iba pang pulis sa paraffin test.
03:34Wala pa silang pahayag.
03:35Humiling naman ang pamilya ni Bucol na investigahan ng National Bureau of Investigation ang pagpatay sa kapitan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended