Skip to playerSkip to main content
--Babaeng project engineer, patay sa pamamaril

-2 lalaking sakay ng motorsiklo na nagtangkang tumakas sa checkpoint, arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga

-DPWH engineer, patay matapos sumalpok ang minamanehong kotse sa backhoe na parte ng road construction

-Pulis at kanyang kasama, arestado dahil sa ilegal umanong pagbebenta ng mga baril; tumanggi silang magsalita

-Babaeng negosyante, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem

-Lalaking sanggol, natagpuan sa dike sa Brgy. Gualsic

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:08Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:12Patay sa pamamarilang isang babaeng project engineer sa Dingras, Ilocos, Norte.
00:18Chris, ano ang nakikita ng pulisya na motibo sa krimen?
00:23Connie, inaalam ngayon ng pulisya kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang pagpatay sa biktima.
00:28Ayon sa pulisya, isang residente ang nakakita sa sinasakyang utility van ng biktima na nahulog sa kanal sa barangay San Marcelino
00:36nang puntahan ng pulisya doon na nakita ang duguan na katawan ng biktima.
00:41Isinugod pa siya sa ospital pero namatay rin matapos ang ilang oras.
00:45Sabi ng pulisya walang nakasaksi sa mismong krimen pero may nakapagsabi na nakasalubong daw nila ang mga sospek.
00:53Wala raw alam ang pamilya ng biktima na kaaway nito.
00:55Arestado naman ang dalawang dalaking sakay ng motorsiklo matapos subukang takasan ng isang checkpoint sa Noveleta, Cavite.
01:04Ayon sa pulisya, sinita ang motorsiklo dahil walang suot na helmet ang angkas nito.
01:09Imbis na tumigil ay binilisan pa ng rider ang patakbo hanggang nahabol sila ng mga otoridad.
01:14Napagalamang walang lisensya ang rider at walang kaukulang papeles ang motorsiklo.
01:19Nahulihan pa sila ng mahigit sa labing pitong gramo ng mariwana sa compartment ng motorsiklo.
01:26Aminado ang dalawa na dadalhin nila sa Kawit, Cavite ang iligal na droga na kinuha nila sa General Trias kung saan sila residente.
01:35I-impound ang dala nilang motorsiklo habang maharap ang dalawa sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
01:42May inigit na balita sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
01:48Patay sa aksidente ang isang DPWH engineer sa Sambuanga City.
01:52Cecil, ano nangyari?
01:57Rafi sumalpok ang kanyang minamanehong kotse sa isang nakatigil na bako.
02:03Basis sa embestigasyon, mabilis ang takbo ng kotse sa Diversion Road sa Barangay Mercedes.
02:08May sumenyas daw sa driver na bagalan ang pagmaneho dahil sa road construction.
02:14Pero bumangga pa rin ang kotse sa bako.
02:16Naka-impound ngayon sa Kulyanan, Kulistasyon ang kotse, pati ang nabanggang bako.
02:22Walang pahayag ang pamilya ng nasawing driver.
02:26Patay sa pamamaril ang isang babaeng negosyante sa Ampatuan, Maguindanao del Sur.
02:31Batay sa embestigasyon, pinaslang si Shara Ju Ampatuan habang naglalakad sa kanyang gas station sa Barangay Kamasi.
02:40Nilapitan daw siya ng riding in tandem at pinagbabaril gamit ang kalibre 45.
02:46Dead on the spot ang biktima na tinamaan ng bala sa ulo, dibdib at likod.
02:51Pinaghahanap pa ang mga sospek at inaalam ang motibo sa krimen.
02:55Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa bahagi ng dikes sa Alcala, Pangasinan.
03:03Ay sa nakakita, naglalakad siya sa dikes sa Barangay Gwalsik nang marinig ang iyak ng sanggol.
03:09Nakita niya ang dalaking sanggol na nakabalot ng tela.
03:13Nasa pangalaga na ng Rural Health Unit ang sanggol.
03:16Patuloy na inaalam ng pulisya kung sino ang nag-iwan sa sanggol.
03:25Patuloy na inaalam ng pulisya kung sino ang-iwan sa sanggol.

Recommended