Skip to playerSkip to main content
-Batang lalaki, aksidenteng nahulog sa Tullahan River habang naglalaro/Kapitan ng Brgy. Tinajeros: Bawal ang paglalaro sa bahagi ng riverwall ng Tullahan River


-Ilang lugar sa Bislig, binaha dahil sa ulang dulot ng Shear Line; mga na-trap sa baha, iniligtas/Huli-cam: Landslide sa Brgy. Pangyan; 5 pamilya, inilikas


-PAGASA: Shear Line, patuloy na nagpapaulan sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas


-PHIVOLCS: Nagkaroon ng moderately explosive eruption ang Bulkang Kanlaon kahapon/Mahigit 30 pamilya, inilikas kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon; ashfall naitala sa ilang lugar sa Negros Occidental


-Prosecution team ng Int'l Criminal Court, umalma sa hiling ni FPRRD na hindi dumalo sa confirmation of charges hearing


-Hiling ni FPRRD na hindi dumalo sa confirmation of charges hearing sa Feb. 23-27, pagdedesisyunan pa ng mga hukom ng ICC/Malacañang: Pag-aresto at pagdala kay FPRRD sa ICC, naaayon sa batas/ICC: Inilatag na schedule ng confirmation of charges hearing sa Feb.23-27, ginawa bilang konsiderasyon kay FPRRD


-Laban ni Ph tennis star Alex Eala sa Dubai Tennis Championships, nagwakas sa quarterfinals


-Dating acting manager ng Puerto Princesa City Int'l Airport, patay sa pamamaril


- 4 na pamilya sa Brgy. Palasan, nasunugan; mahigit 20 firetruck, rumesponde sa sunog


-Suspek sa panghoholdap, patay sa engkuwentro sa pulisya; kasama niya, arestado


-Sawa, nakapasok sa isang bahay sa Brgy. Atlag


-Malacañang: PBBM at Mayor Leni Robredo, magkikita bukas para sa inspeksyon ng Oplan Kontra-Baha sa Naga


-Oil price adjustment, posibleng ipatupad sa susunod na linggo


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inahanap ang isang batang lalaki na aksidenteng nahulog sa Tulyahan River sa Malabot.
00:06Ang bata naglalaro raw ng mahulog sa ilog.
00:09Balitang hati ni James Agustin.
00:12Hindi nga po makatulog. Hindi ako makapagpahinga. Nangina na po tuod ko.
00:17Asawa ko nandun. Iyak pa rin lang iyak po. Nahanap po yung anak namin.
00:21Labis ang pag-aalala ni Raymond dahil hindi pa rin natatagpuan ang 8 taong gulang niyang anak na si Roniel
00:26na nahulog sa Tulyahan River sa Malabot.
00:29Naglalaro raw si Roniel kasamang 6 na iba pang bata malapit sa Riverwall
00:33na mangyari ang insidente mag-aalas 5 ng hapon kahapon.
00:37Nasa trabaho noon si Raymond habang ang kanyang misis ay nag-aalaga sa kanilang bunsong anak.
00:43Hindi raw nagpaalam si Roniel sa kanyang nanay.
00:46Nakita pa ang bata sa CCTV na nasa labas ng kanilang bahay bago mag-aalas 3 ng hapon.
00:51Tinawag po yata siya ng mga kalaro niya po eh.
00:54Tapos, walang sabi sa akin,
00:57lang daw na basta nag-chat sa akin yung asawa ko na nahulog na yung anak ko.
01:02Hindi po marunong lumangoy yun. Walang taon pa lang po yun eh.
01:05Ang tsahin ng bata nakausap ang isa sa mga kalaro at isang nakasaksi sa insidente.
01:10Humingi pa raw ng tulong ang bata bago tuluyang lumubog sa tubig.
01:13Umupo pa daw po dyan. May hawak na yung stick tapos winawagayway.
01:19Winawasik niya. Tapos nung pagtayo, yun na po yung nalaglag ko sa...
01:24Sabi din po nung isang bata din po na batang babae po nakalaro.
01:28Yun yung kasama maglaro talaga dito.
01:31Dumungaw naman daw po.
01:33Pero ano, yun pagkadungaw po, tumalisod po dyan sa may parang gutter.
01:39Kaya nalagdag daw po.
01:41Tulong-tulong sa search and rescue operation ng mga otoridad.
01:45Bandang alas 6 kagabi na dumati ang mga rescuer mula sa Philippine Coast Guard.
01:49Gamit ang mga scuba gear, sinuyod nila ang ilang bahagi ng ilo.
01:53Sa ilang oras na paghahanap, bigo silang makita ang bata.
01:56Alas 9.30 kagabi ng pansamantalang itinigil ang rescue operation.
02:00Napakahirap po kasi nung ating Tuliaan River dahil kita naman po natin maitim.
02:05So pag maitim po yan, madilim yung ilalim ng tubig.
02:09So kailangan po talaga pag sinisi dyan, dapat merong ilaw sa ilalim para makita ko saan banda.
02:15May agos po yan, so maaaring yung bata tinangay na po sa malayo.
02:19Ayon sa mga taga-barangay, ipinagbabawal ang paglalaro sa bahagi ng river wall.
02:24May harang itong bakod na kawayan at net, pero nakakalusot pa rin daw ang ilang bata.
02:28May bantay po kami doon para mga laga doon sa mga halaman doon.
02:32Ayan nga lang po, siguro, aksidente yun na nahulog yung bata.
02:37James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:46Binahang ilang lugar sa Mindanao kasunod ng ulang dulot ng shear line o ang nagbabangga ang Amihan at Easterlies.
02:52Sa Bistik, Surigao del Sur, ilang ilog ang umapaw, bunsod ng malalakas na ulan.
02:57Ang mga kalsada, nagbistulang extension ng ilog.
03:00Ilang pamilya ang inilikas gamit ang rescue boats.
03:03Patuloy na nagmamonitor at nag-iikot ang mga otoridad para sa rescue operations.
03:08Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto.
03:11Inaasang magpaputuloy pa ang masamang panahon sa Bistik at sa iba pang bahagi ng Surigao del Sur.
03:17Nagka-landslide naman sa Barangay Pangyan, Trento, Agusan del Sur kahapon.
03:23Sa video, kita ang unti-unting pagunang lupa sa Barangay Pangyan.
03:28Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, walang nasaktan sa insidente.
03:34Limang pamilya naman ang inilikas.
03:36Ang tuloy-tuloy na ulan dahil sa shear line ang itinuturong sanhin ng landslide sa lugar.
03:42Hindi lamang po Agusan del Sur at Surigao del Sur ang inuulan ng husto dahil po sa shear line,
03:49kundi ang ilan pang panig ng Mindanao maging sa Visayas.
03:53Ayon po sa pag-asa, apektado rin ng shear line ang Caraga, Davao Region, Northern Mindanao,
03:59Soxargen, BARMM, Eastern Visayas, Sulu, Cebu at Bohol.
04:05Pina-alerto ang mga residente mula sa Bantanang Baha o Landslide.
04:12Hanging-amihan at Easterlies naman ang umiiral sa natitirang bahagi ng bansa.
04:16Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, halos buong Mindanao at ilang panig ng Visayas ang uulanin sa mga susunod
04:23na oras.
04:24Posible ang heavy to intense rains.
04:26Magpapatuloy ang ulan sa mga nasabing lugar bukas at sa linggo.
04:30Mga kaasa sa mas maayos na panahon ang malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila,
04:36bagaman posible pa rin po ang mahinang ulan o kaya'y local thunderstorm.
04:41Ngayong biyernes na itala sa La Trinidad Benguet at Baguio City ang minimum temperature na 14 degrees Celsius ayon sa
04:49pag-asa,
04:50habang 23.7 degrees Celsius dito sa Quezon City.
04:58Nagkaroon ng moderately explosive eruption ng bulkang Kanlaon.
05:01Nangyari yan pasado alas 4 ng hapon kahapon na tumagal ng 2 minuto.
05:06Umabot sa taas na 2,000 metro mula sa crater ang usok o dark grey plume na ibinugan ng bulkan.
05:12Nakapagtala rin ang pyroclastic density currents o pagdaloy ng uson.
05:17Natanaon ng ilang use cooper mula sa iba pang lugar sa Negros Occidental ang pagputok ng bulkan.
05:21Umabot naman sa mahigit apatapong barangay sa probinsya ang apektado ng ashfall.
05:27Sa La Carlota City, mahigit tatlumpong pamilya ang inilikas.
05:32Ipinag-utos na ng Department of the Interior and Local Government ang pagpapalikas sa mga residenteng nasa permanent danger zone
05:38ng bulkan.
05:40Nananatili ang alert level 2 sa bulkang Kanlaon.
05:44Inalmahan ang prosecution team ng International Criminal Court ang hiling ni dating Pangalong Rodrigo Duterte
05:49na hindi dumalo sa kanyang confirmation of charges hearing sa susunod na linggo.
05:53Sa sagot ng ICC prosecutors, idiniin nila may kapasidad si Duterte physically and mentally para dumalo sa pagdinig.
06:01Bigo rin daw si Duterte na makapagbigay ng malakas na dahilan para sa hindi niya pagdalo sa hearing.
06:06Ang pagtanggi ni Duterte na kinalaning lehitimo ang mga proseso ng korte ay hindi raw prason para hindi siya lumahok.
06:12Kiniling ng ICC prosecutors sa pre-trial chamber na ibasura ang hiling ng kampo ng dating Pangulo.
06:20Habang wala pa ang desisyon ng mga hukom ng International Criminal Court,
06:24nananatiling hiling ayon sa ICC ang sulat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
06:28na hindi siya dadalo sa confirmation of charges hearing ng kaso niyang crimes against humanity.
06:34Balitang hatid ni Marisol Abduraman.
06:39Nakasalalay sa mga hukom ng International Criminal Court
06:42ang pagpapasya sa hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
06:46Ayon sa ICC, nananatiling request mula sa depensa
06:50ang sulat ng dating Pangulo na i-waive ang kanyang karapatang humarap sa confirmation of charges hearing.
06:55Kaugnay sa kasong crimes against humanity mula February 23 hanggang 27.
07:01Di raw niya kinikilala ang horosdiksyon ng korte sa kanyang pagkatao.
07:05Tinawag niyang kidnapping.
07:06Ang pagbadala sa kanya sa dehig na anya'y pinangasiwaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
07:11Dagdag ni Duterte, outrageous o di ka panipaniwalang kasinungalingan.
07:15Ang ako sa siyong, siya ang pasimuno ng EJK sa bansa.
07:19Ayon rin niyang dumalo sa legal proceedings na makakalimutan niya sa loob lang ng ilang minuto.
07:24Matanda, pagod at mahina na raw siya.
07:27Permado ng dating Pangulang sulat na may pechang February 17.
07:31Para kay ML Partilist Representative Laila Dalima,
07:33ang mga deklarasyong ito ni Duterte ay patunay na maayos ang pag-iisip niya.
07:38Propaganda at legal strategy umano ni Duterte ang di pagdalo.
07:42Pero sabi ng depensas sa kanilang isinumitin sa ICC.
07:45Idinikta ito ng dating Pangulo sa kanyang legal team noong February 16.
07:49Kinabukasan, binasa para kay Duterte ang sulat, pinaprobahan at pinirmahan.
07:54Kahit nakalimutan na ni Duterte ang idinikta niya noong araw na yun.
07:59Ang Malacanang, iginiit na naayon sa batas ang pagpapadala sa dehig ni Duterte.
08:04Ginampanan lang din daw ng gobyerno ang responsibilidad nito sa mga nagreklamong biktima.
08:09Kung taxpayer po ang giramit ito, ito lang po ay naaayon sa batas.
08:13Dahil gumaganap lang po ang gobyernong ito sa kanyang katungkulan,
08:18maliban po sa sinabi natin pag-cooperate with the Interpol,
08:23pagpapatupad ng batas na RA-9851,
08:26meron din pong residual obligation ang administration na ito
08:30upang ipatupad ang dating napagkasunduan na
08:35noong tayo pa ay miyembro ng ICC o ng Rome Statute.
08:39Sa lunes, February 23, nakatakda ang unang araw ng pagdinig
08:43sa confirmation of charges sa dating Pangulo sa ICC sa Deheing, Netherlands.
08:48Sinabi ng ICC na batay sa assessment ng independent medical experts na pinadala kay Duterte,
08:55fit ang dating Pangulo na humarap sa hearing.
08:57Katunayan, ang inilatang ng schedule ng ICC ay bilang konsiderasyon kay Duterte.
09:03Tatlong oras lang ang hearing sa February 23, 24, 26 at 27.
09:09At kaya isang oras ng hearing ay may break para raw makapagpahinga ang dating Pangulo.
09:14Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:23Nagwakas sa quarterfinals ang Dubai Tennis Championships journey,
09:27ni Pinay Tennis star Alex Iala.
09:29Tinalo siya sa quarterfinals ni World No. 4 Coco Golf ng Amerika.
09:33Dinomi na ni Goff ang first set sa score na 6-0 o 6-0.
09:37Sa second set, nakadalawang puntos pa si Alex pero nagwagi pa rin si Goff.
09:41Sa pagtatapos ng kanilang laban, nagpasalamat si Goff kay Alex.
09:45Dahil daw kay Alex ay dumami ang bagong tennis fans.
09:52Naglalakad ang babaeng iyan sa barangay San Pedro sa Puerto Princesa, Palawan.
09:58Nang bigla siyang barulin na isang lalaki ng apat na beses.
10:02Napadapang babae at sumigaw para humingi ng tulong.
10:06E diniklara siyang patay pagdating sa ospital.
10:08Dating acting manager ng Puerto Princesa City International Airport ang biktima.
10:13Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Puerto Princesa Police para tumutok sa insidente.
10:19Wala pa silang inilalabas na detalye tungkol sa posibling motibo sa krimen.
10:24Kinundin na naman ang Civil Aviation Authority of the Philippines ang pamamaril.
10:28Makikipagtulungan daw sila sa mga otoridad para sa imbistigasyon.
10:32Patuloy rin hinahanap ang gunman na nakunan sa isang dashcam na tumatakas.
10:37Sinusubukan pa namin kunin ang panigang pamilya ng biktima.
10:42Samantala, nasunugan ang apat na pamilya sa barangay Palasan, Valenzuela.
10:47Mahigit dalawampung truck ng bumbero ang nagtulong-tulong para apulain ang apoy.
10:52Balitang hatid ni James Agustin.
10:57Binulabog na nagangalit na apoy ang mga residente ng Ali 3 sa barangay Palasan, Valenzuela City kaninang hating gabi.
11:03Mabilis na kumalat ang apoy sa magkakadikit na bahay na gawa sa light materials.
11:08Itinaas ang Bureau of Fire Protection na ikalawang alarma.
11:10Hudyat para rumisponde ang mahigit dalawampung firetruck.
11:14Kabilang sa mga nasunugan ng pamilya ni Crystal, pagising daw nila ay malaki na ang apoy.
11:19Kaya wala silang naisalba ni isang gamit.
11:22Sa tagal-tagal namin nakatera dito, ngayon lang po talaga nangyari itong gantong sunog.
11:25Talaga pong walang natera sa amin.
11:30Salamat na lang po talaga at buhay yung mga anak ko at mama ko.
11:34Bukod naman sa kanyang motorsiklo na isalba ni Roger ng kanyang alagang aso at ilang mahalagang dokumento.
11:40Patulog na po kami sir tapos yun nga biglang may usok na amoy namin.
11:46Ngayon naglabasan na lang kami lahat para isipin ang sarili namin.
11:50Napolang sunog matapos ang 45 minuto.
11:53Ayon sa BFP natupo ang apat na bahay.
11:56Apektado ang nasa apat na pamilya.
11:58May mga apartment dito ang bakante.
11:59Iba nagkakawang gawa na at pinatuloy nila muna.
12:02Sa apartment nila pansamantala.
12:04Inalampan ang BFP ang sanhinang apoy.
12:07Maging ang kabuang halaga ng pinsala sa ari-arian.
12:10James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:15Ito ang GMA Regional TV News.
12:20Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
12:24Isang suspect ang napatay sa inkwentro sa Bungabon, Nueva Ecija.
12:29Chris, anong krimen ang sangkot nga ba itong napatay na suspect?
12:34Connie, isa siya sa dalawang suspect sa pangu-hold up sa bayan ng Gabaldon.
12:38Namatahan sa police checkpoint ang dalawang hold-upper na nakasakay sa motorsiklo.
12:43Mabilis daw silang tumakas nang mapansin ang mga otoridad.
12:46Habang hinahabol ang mga polis, nagpaputok daw ng baril ang mga sospek.
12:51Isang polis ang tinamaan sa hita.
12:53Gumantinamaan ng pamamaril ang mga polis na ikinasawi ng isang sospek.
12:58Naaresto ang kasama niya na walang pahayag.
13:01Na-recover ang baril na ginamit ng mga sospek,
13:03pati na ang ilang gamit na hinihinalang ninakaw nila.
13:07Tinutugis ang isa pa na posibleng kasabot daw nila
13:10at tumangay daw sa perang na hold-up nila.
13:14Sa malolos naman sa Bulacan, isang sawa ang nahuli matapos na pumasok sa bahay ng isang barangay sa atlag.
13:24Kwento ng pamilya nakakita sa sawa, natutulog sila ng makarinig ng ingay.
13:29Pagbukas ng ilaw, nakita ang sawa na nakasiksik sa gilid ng isang kabinet.
13:35Humingi ng tulong ang pamilya sa barangay at pinagtulungang hulihin ang sawa.
13:40Pitong metro ang haba niyan.
13:42Nai-turnover na yan sa Department of Environment and Natural Resources.
13:46Wala namang naiulat na nasaktan.
13:48Payo ng DNR kapag nakakita ng ahas sa inyong bahay,
13:52huwag itong saktan para hindi maging agresibo,
13:56manatiling kalbado at gawa ng exit point ang ahas.
13:59Kung hirap na palabasin ang ahas, tumawag na ng eksperto.
14:07Nakatak na magkita bukas si na Pangulong Bongbong Marcos at dating Vice President
14:11at ngayon Naga City Mayor Lenny Robredo.
14:14Ayon sa Malacanang, ito'y para inspeksyonin ang paglilinis ng mga kanal, estero
14:18at iba pang daloyan ng tubig sa Naga City
14:20bilang bahagi ng off-line kontrabahan ng gobyerno.
14:24Kahapon, pinuntahan na ni Mayor Robredo ang mga ininspeksyonin lugar ng Pangulo.
14:28Nang tanungin kung mag-uusap din tungkol sa politika ang dalawang dating naglaban
14:32sa 2022 presidential elections,
14:34sinabi ni Palas Press Officer Claire Castro na abangan na lang ito.
14:38Matapos ang eleksyon 2022,
14:41nagkita na ang Pangulo at si Robredo sa inaugurasyon ng Sorsogon Sports Arena noong October 2024.
14:54Abiso sa mga motorista, may inaasahang dagdagbawa sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
15:01Ayon sa Department of Energy Oil Industry Management Bureau,
15:04base sa 4-day trading, may humigit kumulang 45 centavos na inaasahang rollback sa presyo
15:10ng kada litro ng gasolina.
15:11May nakikita namang taas presyo na humigit kumulang 5 centavos sa kada litro ng diesel,
15:18habang may humigit kumulang 10 centavos naman ang posibleng dagdag sa kada litro ng kerosene.
15:24Ayon sa DOE, nakaka-apekto riyan ang tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran,
15:29maging ang sa Russia at Ukraine.
Comments

Recommended