- 7 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Dalagita, tinangay ang ilang gamit ng mga imahen sa San Guillermo Parish Church
-8 sasakyan na posibleng may kaugnayan kay dating Congressman Zaldy Co, kinumpiska sa bisa ng warrant of seizure
-Mga deboto ng Poong Jesus Nazareno, patuloy ang pagdagsa sa Minor Basilica at National Shrine ng Jesus Nazareno/Mahigpit ang seguridad sa paligid ng Quiapo Church; mga nagtitinda sa simbahan at sa ruta ng andas, pinaaalis
-Andar ng andas sa Katigbak Drive hanggang sa may kanto ng Roxas Blvd., mas mabilis ngayong taon kompara noong 2025/Ilang vendor, dismayadong hindi nakabenta nang husto dahil sa bilis ng andar ng andas
-2025 MMFF entries, showing pa rin sa mga sinehan hanggang Jan. 14; mataas umanong presyo ng MMFF movie tickets, pinag-aaralan ng MMDA
-Oil price rollback, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
-Lalaki, sugatan sa pananaksak ng pinsan niyang nag-amok dahil daw sa takot na sugurin ng mga katrabaho
-Daan-daang deboto, nakikibahagi sa Traslacion ng Jesus Nazarenosa Cagayan de Oro City/Traslacion ng Jesus Nazareno sa Davao City, inabot ng mahigit dalawang oras
-Ombudsman Remulla: 2 personalidad pa ang posibleng isailalim sa preliminary investigation ng DOJ kaugnay sa issue ng flood control projects/ Ombudsman Remulla, lilimitahan na raw ang pagsasalita kaugnay sa pagsasampa ng kaso at pagpapaaresto/Ombudsman Remulla sa sinabi ni Sen. Imee Marcos na may makakasuhan sa Jan. 15: Ewan ko kung saan nanggaling 'yon/Malacañang: Walang impormasyon kaugnay sa sinabi ni Sen. Marcos na pagbuwag sa ICI sa Feb. 1
-Malacañang, muling iginiit na maayos ang 2026 National Budget sa gitna ng pagkuwestiyon sa unprogrammed appropriations
-Ph Tennis player Alex Eala, pasok sa semifinals ng 2026 ASB Classic Women's Singles
-Van, napaatras at tumagilid sa paahon na kalsada; kargang 114 sako ng bigas, tinitignang sanhi ng aksidente
-Kang Ling 539 dredging vessel, under detention matapos makitaan ng mga umano'y paglabag/PCG, gustong tiyaking seaworthy ang mga dredging vessel sa bansa/pagtiyak na seaworthy ang mga dredging vessel, bahagi ng routinary inspection sa mga barko ng PCG/ PCG: Kang Ling 539 lang ang dredger na naka-detain ngayon
-Ilang deboto, nagpumilit na makahawak sa lubid ng andas; may mga umakyat din sa street signs para masilayan ang imahen/Ilang deboto at nasa ruta ng Traslacion, muntikang manakawan ng cellphone
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-8 sasakyan na posibleng may kaugnayan kay dating Congressman Zaldy Co, kinumpiska sa bisa ng warrant of seizure
-Mga deboto ng Poong Jesus Nazareno, patuloy ang pagdagsa sa Minor Basilica at National Shrine ng Jesus Nazareno/Mahigpit ang seguridad sa paligid ng Quiapo Church; mga nagtitinda sa simbahan at sa ruta ng andas, pinaaalis
-Andar ng andas sa Katigbak Drive hanggang sa may kanto ng Roxas Blvd., mas mabilis ngayong taon kompara noong 2025/Ilang vendor, dismayadong hindi nakabenta nang husto dahil sa bilis ng andar ng andas
-2025 MMFF entries, showing pa rin sa mga sinehan hanggang Jan. 14; mataas umanong presyo ng MMFF movie tickets, pinag-aaralan ng MMDA
-Oil price rollback, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
-Lalaki, sugatan sa pananaksak ng pinsan niyang nag-amok dahil daw sa takot na sugurin ng mga katrabaho
-Daan-daang deboto, nakikibahagi sa Traslacion ng Jesus Nazarenosa Cagayan de Oro City/Traslacion ng Jesus Nazareno sa Davao City, inabot ng mahigit dalawang oras
-Ombudsman Remulla: 2 personalidad pa ang posibleng isailalim sa preliminary investigation ng DOJ kaugnay sa issue ng flood control projects/ Ombudsman Remulla, lilimitahan na raw ang pagsasalita kaugnay sa pagsasampa ng kaso at pagpapaaresto/Ombudsman Remulla sa sinabi ni Sen. Imee Marcos na may makakasuhan sa Jan. 15: Ewan ko kung saan nanggaling 'yon/Malacañang: Walang impormasyon kaugnay sa sinabi ni Sen. Marcos na pagbuwag sa ICI sa Feb. 1
-Malacañang, muling iginiit na maayos ang 2026 National Budget sa gitna ng pagkuwestiyon sa unprogrammed appropriations
-Ph Tennis player Alex Eala, pasok sa semifinals ng 2026 ASB Classic Women's Singles
-Van, napaatras at tumagilid sa paahon na kalsada; kargang 114 sako ng bigas, tinitignang sanhi ng aksidente
-Kang Ling 539 dredging vessel, under detention matapos makitaan ng mga umano'y paglabag/PCG, gustong tiyaking seaworthy ang mga dredging vessel sa bansa/pagtiyak na seaworthy ang mga dredging vessel, bahagi ng routinary inspection sa mga barko ng PCG/ PCG: Kang Ling 539 lang ang dredger na naka-detain ngayon
-Ilang deboto, nagpumilit na makahawak sa lubid ng andas; may mga umakyat din sa street signs para masilayan ang imahen/Ilang deboto at nasa ruta ng Traslacion, muntikang manakawan ng cellphone
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Huli kam sa Bacolor, Pampanga, nag-iikot sa loob ng San Guillermo Parish Church ang dalagig tangiyan na isa palang kawatan.
00:09Sa tatlong magkakahiwalay na insidente noong December 12, 31 at nitong January 4,
00:14tinarget niya ang ilang gamit ng mga imahe ng Senyor Jesus Nazareno at Santa Marta.
00:19Nahuli kam pang nagsisimba ang bata o suot ang ilan sa mga gamit na tinangay niya.
00:24Ayon sa pamunuan ng simbahan, nabawi naman ang lahat ng kinuha ng bata.
00:28Kwento ng dalagita sa pulisya na gawa niya ang mga pagnanakaw dahil sa mga bumubulong umano sa kanya tuwing nagsisimba.
00:35Inirefer na ng pulisya ang bata sa DSWD para sa ilalim sa intervention at psychosocial support.
00:48Walong mamahaling sasakyang may posibleng kinalaman kay dating Congressman Zaldico ang kinumpiskan ng mga otoridad sa tagig.
00:55Narito po ang aking report.
00:58Mga mamahalin at armored o bulletproof ng mga SUV ang tumabad sa mga tauhan ng Independent Commission for Infrastructure,
01:07Bureau of Customs at HPG sa third floor ng parking ng condominium building na ito sa BGC Taguig.
01:13Ang mga mamahaling sasakyan, subject na warrant of seizure and detention ng Bureau of Customs dahil walang mga kaakulang papeles.
01:20Walo sa siyem na nasa listahan ang nakita ng raiding team.
01:23Tabiak of the search warrant are 9 motor vehicles but unfortunately we are able to confiscate 8.
01:30Sa ating pagsusuri, ito ay hindi nakitaan ng kaukulang record sa ating system sa BOC.
01:36Kung kaya at ating nakumbinsi ang korte na mag-issue ng kaukulang search warrant.
01:40At ito ay dinalan natin ngayon dito for temporary safekeeping hanggang sa tayo ay makapagbigay ng return sa korte
01:46at makapagbigay ng ulat sa naging resulta ng ating pagkakonduct at pag-iimplement ng search warrant.
01:52Meron tayong Rolls Royce, merong Lexus, Escalade, may Toyota Sequoia.
01:59Isa lang itong Escalade na ito sa mga kukumpiskahin ngayon ng ICI dahil posibleng may kinalaman ito sa dating kinatawan na si Zalvico.
02:09Bulletproof itong sasakyan na ito.
02:12Makapal yung salamin.
02:13At makikita naman dito, ayan, part ito ng bulletproofing niya kaya nahirapan daw silang buksan.
02:21At kung pagbabasayahan daw yung itsura nito ay matagal nang nakastock itong sasakyan na ito dito sa parking lot.
02:30So ngayon ay dadali na sa ICI compound ang mga sasakyan na ito.
02:35Ang mga kinumpiskang sasakyan, nilagyan ng selya ng raiding team.
02:38Ang iba hindi na umaandar kaya kinailangan pang ayusin ang mga tauhan ng HPG.
02:43Bukod dun sa mga kotse na subject ng waran, tayo may mga nakita rin yung BOC at yung LTO na mga kotse na may spurious document.
02:51At kasama na itong Ferrari na ito.
02:54Kaya isa ito sa mga kupupiskahin na dadali sa ICI para maimbestigahan dahil na pulang dahil ito sa kaukulang papeles.
03:02Ang mamahaling Ferrari, nakaalarma daw sa LTO.
03:05Kasama ang labing apat na iba pang sasakyan na nakrehistro sa mga personalidad at kumpanyang may kaugnayan umano kay Zaldico.
03:12Lima sa mga nakaalarma ang nakita sa parking building.
03:15Pag the rightful owners will be able to present valid documents and proof of ownership, I think the ACI will be ready to release those motor vehicles.
03:27Sinubukan pagpigilan ng nagpakilalang abogado ng kondo ang paglabas ng mga sasakyan ito dahil hindi raw sila kasama sa waran.
03:33Pero dahil nakaalarma ang mga ito sa LTO, na ilabas din at dinala sa compound ng Independent Commission for Infrastructure dahil wala raw itong espasyo sa BOC.
03:42Habang inilalabas ang mga sasakyan, isang residente ng kondominium kung saan kinuha ang mga ito ang nagsisisigaw.
03:49Balik nyo yan, pera namin yan, isa uli ninyo.
03:53Sa kabuan, nagkakahalaga ng 145 milyon pesos ang walong sasakyan nasa waran.
03:59May feelers na rin daw para maisuko ang ikasyam na sasakyan na umulitinanggal sa parking kahapon ng umaga.
04:05Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:12Tuloy ang pagdating ng mga deboto sa Minor Basilica at National Shrine of Jesus o Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila para sa oras-oras na misa.
04:24Detail tayo sa ulat on the spot ni Darlene Kai.
04:28Darlene?
04:29Rafi ka umpisa pa lang ng 11am na fiesta mas dito sa Simbahan ng Quiapo sa Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazarene.
04:38Pero wala pong hubpayang pagdating ng libu-libong deboto dito sa Quiapo, punong-puno ang loob ng simbahan,
04:45pati yung labas ng simbahan dito sa Plaza Miranda at mga kalapit na kali at kalsada.
04:50Ayon sa pinakuling tala ng Manila Police District at Pamunuan ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno,
05:00mahigit 74,000 mga deboto ang nandito sa Quiapo ngayon.
05:04Ang sistema rito, pumipila muna ang mga deboto sa Villa Lobos bago sila papasukin sa Plaza Miranda
05:10at sa Simbahan ng Quiapo bago mag-umpisa ang Hourly Fiesta Masses.
05:16Sa Villa Lobos pa lang, napakahaba na ng pila.
05:19Kaya oras ang hinihintay ng mga deboto bago makapasok sa simbahan.
05:23May mga debotong pinili na lang makinig ng misa sa labas ng simbahan.
05:28May LED screens naman sa palibot ng Quiapo kung saan marami rin mga deboto ang nakikinig sa live stream ng misa.
05:35Ang 69 years old na si Robert Servando, dumayo pa mula balagtas, bulakan at naglakad ng nakayapak.
05:42Pero sa LED screen na lang nakinig ng misa sa Quezon Boulevard Corner, Paterno.
05:47Hindi na kasi siya makalapit sa simbahan dahil sa kapal ng volume ng mga deboto sa Quezon Boulevard.
05:53Ganyan din ang mag-asawang Bernard at Maria Julieta Jimenez mula Teresa Rizal.
05:58Dala ang maliit na replika ng puong Jesus Nazareno.
06:01Sa gilid ng simbahan na lang sila nagsimba at nakinig ng misa dahil nga mahabay yung pila papasok sa Quiapo Church.
06:09Pero kahit napakarami ng tao ay mahigpit ang siguridad na ipinatutupad ng mga otoridad.
06:15Pinaaalis ang mga vendor na nagtitinda sa paligid ng simbahan at sa rutang daraanan ng andas.
06:21Narito ang pahayag ng mga nakausap naming deboto.
06:24Wala tayong magagawa kasi nagpapali sila.
06:31Ganon talaga trabaho nila yan.
06:34Pero kayo ma'am, ano pong nararamdaman po ninyo ito?
06:36Siyempre ito lang yung pagkakataon namin para kumita kami.
06:40Kasi sobrang higpit na ngayon.
06:42Sana'y lumakas pa kami.
06:45Yung buong pamilya ko.
06:46Hindi nila malilimot ang lakilang gawa ng Diyos.
06:50Nagpapasalamat ito sa mga biyayang binibigay sa akin.
06:52Dumbating kami rito mga 7 o'clock in the morning and then nakita namin sa sobrang dami ng tao, kabilaan.
07:00Kaya nag-decide na lang kami na dito na lang kami sa mas malapit na sa pintuan ng simbahan.
07:08Sa aking likuran sa Plaza Mirada ay talagang punong-puno ng mga deboto.
07:12Yan yung mga hindi na nagkasya papasok sa Quiapo Church.
07:15Pero pagkatapos naman po ng kada misa ay may lumalabas para i-bless.
07:20Hindi lang yung mga nakapasok sa simbahan.
07:22Kung hindi pati yung mga nandito sa Plaza Mirada at yung mga nakinig ng misa doon sa mga palibot na kalye at kalsada.
07:30Mahigpit pa rin yung siguridad na ipinatutupad ng mga otoridad.
07:33Marami doon sa mga nakausap namin deboto ay hihintayin na ang pagbabalik ng andas dito sa simbahan ng Quiapo.
07:40Yan ang latest mula rito sa Quiapo, Maynila. Balik sa'yo, Rafi.
07:44Maraming salamat sa'yo, Darlene Kai.
07:47Kumpara nun ang karang taon, mas mabilis daw ang unang andar ng andas ng Pohong Jesus na Sareno mula sa Quirino Grandstand.
07:53Nadismaya naman ang ilang vendor dahil hindi sila nakabento ng husto.
07:56May ulat on the spot si Oscar Oida.
07:59Oscar!
08:00Oscar!
08:00Yes, Rafi, bukod sa napakaaga, e naging mabilis nga ang andar ng andas mula dito sa May Katigbak Road hanggang makaabot dyan sa May Kanto ng Roas Boulevard.
08:15Mga bandang pasado, las 4 ng madaling araw noon, Rafi, nang una naming mamataan ang andas mula sa kinaroroonan namin dyan sa May Katigbak.
08:25Maya pa ay nasa harapan na namin ito.
08:29Malaking faktor nito ang organisadong andahan ng andas sa pangunguna ng mga pulis ihos.
08:34At sa tulong na rin ang iba pang mga namamanata na nagsilbing human barrier para di basta-basta makalapit sa andas ang iba pang nilang mga kapwa namamanata na naghahangad na sumampas sa andas.
08:47Kaya naman bago pa man mag alas 4.30, nakalampas na ng Roas Boulevard ang andas patungong Padre Burgos.
08:55Hindi gaya noong nakarang taon, tumagal ng mahigit isang oras sa naturang intersection ang andas.
09:00Sinikaten ang araw ng araw bago nakalayo sa lugar.
09:05Sa katunayan kanina, mag-aalas 5 kanina umaga nagsimula ng maglinis ang mga taga-Manila DPS na makalat sa lugar.
09:13Yun nga lang Rafi, gaya na nasabi mo, medyo nadismayang ilan sa mga nakausap naming vendor.
09:18Sa bilis daw kasi ng andar ng andas, di sila gaano nakabenta dun sa kanilang pwesto. Rafi?
09:24Oscar, mag-git mo, mabilis yung pag-uusat dyan sa umpisa at maagang ang umusad itong andas.
09:31Pero sa ating nakikita, sa ating live screen, ay nandun pa rin sa may Ayala Bridge itong andas at matagal lang hindi gumagalaw.
09:39Meron ba tayong informasyon kung bakit hindi gumagalaw itong andas pagdating dito sa may tulay, Oscar?
09:44Okay, yung pagdating sa tulay, Rafi, hindi ko pa matitiyak yan sa ngayon.
09:53Pero yung kanina, yung paglampas ng kanaruroona natin doon sa may katigbak,
09:59pagsapit ng Padre Burgos, medyo dyan nagsimulang bumagal.
10:02Dahil yan yung mga pagkakataon na nakalapit na yung ibang mga namamanata
10:06doon sa andas ng poong Jesus Nazareno.
10:10At pagdating doon sa may papalapit ng finance road,
10:15ang pagkakalam natin ay nagkaroon na ng stock up.
10:19May share sa atin yan, kasama natin si Jun Beneracion.
10:23Pero ang pagkakalam natin, dyan nagsimulang bumagal.
10:26Hanggang sa magpatuloy na nga ang andar ng andas.
10:33Pero yung sinasabi natin, at least yung sa area natin,
10:36parang kung hindi man record, malayong malayo ito sa mga nagdaang isa o dalawang taon
10:43kung kailan maagang nakaalis o nakaandar ang andas mula dito sa Crino Grandstand
10:49at maagang nakalagpas ng katigbak patungo dyan sa may Padre Burgos.
10:54Rafi?
10:55Alam na natin, Oscar, na isa sa mga pinakadelikadong lugar kung saan dumada ng andas
10:59ay sa mga tulay dahil sumisikip itong lugar na ito.
11:02At may panganib na pwedeng may mahulog.
11:05Kaya hindi man kita sa ating video ay may mga kawaninang Philippine Coast Guard
11:09na nariyan sa may Pasig River.
11:11Parang mag-antabay baka sakaling o kung meron mang mga aksidente
11:15dahil nga sa sikip na lugar at yung posibilidad na may mahulog dito sa mga namamanata.
11:21Pero ito, unti-unti na umuusad, Oscar, yung andas dito sa may Ayala Bridge.
11:26Pero dyan sa iyong kinaroronan, Oscar, ano ngayon ang nangyayaring aktibidad?
11:32Nako, dito, Rafi, sa may Kirino Grandstand mismo ay maayos na maayos ang sitwasyon.
11:40Kanina pa ay nakapagsimula na maglinis ang mga kawainin ng Manila DPS.
11:45Sa katunayan, malinis na malinis na itong grass ground, itong green ground ng Kirino Grandstand
11:53maging dito sa ating likuran.
11:54Bagamat patuloy ang pahalik sa nakuha nating informasyon, ay mangilan-ngilan na lamang mga namamanata
12:00ang nakikita natin at karamihan sa kanila ay mukhang namamahinga na lamang.
12:06I understand na inaasahan na siguro mamayang bandang hapon ay muling may mga daragsa dito
12:12upang mag-participate nga doon sa patuloy na pahalik dito sa may Kirino Grandstand.
12:18Sa mga gustong umiwas doon sa malaking bulto ng tao, so ngayon yung pinakamagandang panahon
12:24para magtungo dyan, para sa pahalik, Oscar, dahil walang tao.
12:27Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
12:34Happy Friday mga mari at pare, the MMFF fever is not yet over.
12:40Pinalawig pa kasi ang showing ng 2025 MMFF entries sa mga sinihan.
12:45Ayon sa MMDA, mapapanood ang walong entries ng 51st MMFF hanggang January 14.
12:54Ang hakbang na ito kasunod daw ng mataas na ticket sales ng 2025 entries post-New Year
13:00na nalagpasan na ang 2024.
13:03Kinokonsidera naman daw ng MMDA na i-review ang tungkol sa presyo ng mga ticket
13:08para maparami pa ang mga manonood dito.
13:11Nakikipag-usap na rin daw sila sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines
13:16para mas mapaganda ang movie experience ng mga manonood.
13:20Bip, bip, bip! Mga motorista, may nakambang bawas presyo sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
13:30Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy,
13:33batay sa 4-day trading, nasa 50 centavos kada litro ang inaasahang rollback sa diesel.
13:39Humigit kumulang 40 centavos naman ang nakambang tapya sa kada litro ng gasolina.
13:43Habang sa kerosene, 25 centavos ang inaasahang bawas presyo kada litro.
13:49Ayon sa DOE, pababa ang presyo dahil sa posibilidad na madagdagan ang global supply sa gitna ng mahinang demand.
13:58Ito ang GMA Regional TV News!
14:04Mainit na balita sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
14:08Sugatan sa pananaksak ng pinsan niyang isang lalaki sa Sambuanga City.
14:12Cecil, bakit daw nagamok yung sospek?
14:16Rafi, nagwala raw ang sospek.
14:18Sa paniniwalang susugurin siya ng mga katrabaho.
14:22Kwento ng biktima, buong araw nagtago sa loob ng banyo nila ang sospek nitong miyerkoles.
14:27Takot daw siyang mapag-initan ng mga katrabaho sa minahan matapos silang may matagpuan umanong ginto.
14:34Kinabukasan, kumuha raw ng dalawang kutsilyo ang sospek at nagwala.
14:38Pinakalma siya ng biktima.
14:40Doon na nasaksak ang biktiman ng tatlong beses.
14:44Isang rumispunding pulis ang inatake din ng sospek.
14:47Ligtas naman ang pulis dahil sa suot na vest.
14:50Dahil sa pag-aamok, binaril ng isa pang pulis ang sospek.
14:54Ginagamot na ang sospek sa ospital.
14:56Wala pa siyang pahayag.
14:57Patuloy ang imbesigasyon ng mga otoridad.
15:00Ipinagdiriwang din ang pista ng poong Jesus Nazareno sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
15:09Sa Cagayan de Oro City, daandaang diboto ang nakikipagbahagi sa lokal na versyon ng traslasyon.
15:16Dumayo pa ang ilan sa kanila, bitbit din ang kanya-kanyang kwento ng dibosyon.
15:21Inaasahang aabutin ng alas 7 hanggang alas 8 na gabi bago matapos ang traslasyon doon.
15:27Maaga namang natapos ang traslasyon sa Davao City.
15:30Mula alas 4 hanggang alas 6.30 ng umaga kanina,
15:34inilibot ang replika ng imahe ng poong Jesus Nazareno hanggang maibalik ito sa Black Nazarene Chapel sa syudad.
15:41May nakatakda pang nisa roon para sa pista mamayang alas 7 ng gabi.
15:52Hindi raw alam ni Ombudsman Jesus Crispin Ribulla kung saan nakuha ni Senadora Aimee Marcos
15:58na may kakasuang sangkot sa isyo ng flood control projects sa January 15.
16:02Kaugnay niyan, dalawang personalidad pa ang posibleng imbistigahan ng Department of Justice
16:07kabilang ang isang senador.
16:09Balita natin ni Chino Gaston.
16:13Dalawa pa ang posibleng madagdag sa tatlong kasalukuyan at dating senador
16:17na humaharap sa preliminary investigation ng DOJ sa maanumalyo umunong flood control project.
16:22Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Ribulla.
16:24Yung tatlo muna, pero parang mayroong pang-apat na tinitingnan namin at pang-lima.
16:33Pero isa senador, isa hindi na senador.
16:35Hindi sila pinangalanan ni Rimulla.
16:37Pero ilang senador at dating senador, pati mga kongresista,
16:40ang sumasa ilalim ngayon sa fact-finding investigation ng Ombudsman.
16:44Kapag nakitaan sila ng basihan, saka sila isa sa ilalim sa preliminary investigation
16:49kung saan bibigyan sila ng pagkakataong sagutin ang mga aligasyon at magsumiti ng mga ebidensya.
16:55Kung may sapat na ebidensya, saka sila sasampahan ng kaso.
16:58Sabi rin ni Rimulla, magiging matipid na raw siya sa pagbibigay ng mga detalye
17:02kung kailang magsasampahan ng kaso at posibleng maglabas ng arrest warrant.
17:06Kasi it's misinterpreted and some people want to push the issue more and try to put a date.
17:13I will not do that. Tapos na tayo ron.
17:15I think we've learned our lesson from that.
17:17Hindi raw alam ni Rimulla kung saan nakuha ni senadora Amy Marcos
17:20ang sinasabi nitong pechang January 15
17:22para sa pagsasampahan ng kaso laban kinadating senator Bong Revilla,
17:27senator Jingo Yastrada at senator Joel Villanueva.
17:29Budi siya alam niya ako, hindi ko alam niya.
17:32So there's no truth to that?
17:34Ayaw ko lang saan nagagaling.
17:36Ang Malacanang, dumistansya sa impormasyong nakuha rin umano ni Marcos
17:40na ilang dati at kasalukuyang senador
17:42ang sunod na kakasuhan kaugnay ng flood control skandal.
17:45Pinabulaan din ang palasyo ang nakuhang impormasyon ng senadora
17:48na bubuwagin sa Pebrero ang Independent Commission for Infrastructure.
17:52Wala po na pag-uusapan kung magkakaroon ng replacement
17:55pero nagpapatuloy pa rin po ang ICR.
17:58Pero ang in-expect po ng Pangulo ay magkaroon din po ng batas
18:01para magkaroon ng Independent Commission.
18:02Chino Gaston nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:06Muli nga giniit ng Malacanang na maayos ang 2026 National Budget
18:11sa gitna ng pagkwestiyon ng ilan tungkol sa pagkakaroon pa rin ito
18:14ng Unprogrammed Appropriations.
18:16Maghahing kahapon ng petisyon sa Korte Suprema
18:19si na-Representative Laila de Lima at Edgar Arrice
18:21para tutulan ang Unprogrammed Funds sa budget.
18:24Sabi ni Palas Press Officer Undersecretary Claire Castro
18:27karapatan ng nino man na maghahing ng petisyon.
18:30Gayunman, ilalaban daw ng administrasyon
18:33ang legalidad ng Unprogrammed Funds sa 2026 budget.
18:37Itinanggi rin ni House Assistant Majority Leader Zialon
18:39toad yung nalabag sa konstitusyon
18:41ang Unprogrammed Funds sa General Appropriations Act.
18:44Semi-finals bound na si Pinay tennis player Alex Ziala
18:54sa Women's Singles ng 2026 ASB Classic.
18:58Nakaharap ni Alex sa quarterfinals sa Auckland, New Zealand
19:00si Magda Linet ng Poland.
19:036-3 ang score sa unang set, pabor kay Ziala
19:05hanggang tapusin niya ang laban ng makuha rin ang second set.
19:09Makakalaban niya sa semi-finals si Wang Zinyu ng China.
19:14Napaatras ang van na yan
19:21sa bahagi ng Marcos Highway sa Tuba Benguet.
19:23Ilang saglit pa, nabanggan ito ang isa pang van
19:26hanggang sa tumagilid at tumama pa sa isa pang sasakyan.
19:30Ayon sa pulis siya, kargado ng mahigit sandaang sako
19:32na may bigat na tig-25 kilo na bigas ang van.
19:36Anila, hindi dapat ito pilit na ikinarga sa sasakyan
19:39ng mabigat na kargada.
19:41Agad namang din nala sa paggamutan ang sugatang driver nito.
19:44Wala pang pahayag ang mga sangkot sa aksidente.
19:49Sa ibang balita, halos 30 dredging vessels
19:51ang ininspeksyon ngayon ng Philippine Coast Guard
19:53para tiyakin ang mga papeles at ligtas
19:56ang operasyon nila sa Manila Bay.
19:58Isa sa mga yan under detention
20:00dahil expired umano ang mga dokumento.
20:02Balita, hatid ni Marisol Abduraman.
20:04Ito ang dredging vessel na Kangling 539
20:10na nakadaong ngayon sa Manila Bay.
20:13Under detention ito ngayon,
20:15matapos makitaan ng mga paglabag
20:16ng inspeksyonin ng Philippine Coast Guard
20:18noong January 6.
20:19Meron tayong nakita na detainable deficiency
20:23such as may mga expired siya na documents.
20:26Ayun po yung isa sa mga rason
20:27kung bakit nakadetain siya ngayon.
20:29Ayon sa Maritime Security Expert na si Ray Powell,
20:32nakahold ang balkong Kangling 539
20:34dahil nagkaroon ito ng paglabag
20:36sa Automatic Identification System o AIS.
20:39Kapag nasa Manila Bay daw kasi ito,
20:41Pilipinas ang lumalabas na registry.
20:43Kapag nagagawin naman daw sa bahagi ng Zambales o Cagayan
20:46at sa iba pang lugar sa Northern Luzon,
20:49iba naman ang lumalabas.
20:50When you have an AIS transponder on your vessel,
20:55it's supposed to do one thing.
20:57It's supposed to transmit your identity
20:59and there should not be more than one.
21:01You're supposed to only be one person.
21:04Ang impormasyong ito,
21:05ayaw kumpirmahin ang PCG
21:06hanggang hindi rin natatapos ang kanilang inspection
21:09sa 32 na dredyo na nag-ooperate ngayon sa Manila Bay.
21:13Sa ngayon, meron na raw 27 na dredging vessel
21:16na nag-ooperate sa reclamation sa Manila Bay
21:18ang under inspection ng Philippine Coast Guard
21:21kabila na nga itong barko kung saan tayo nakasampang ngayon.
21:2412,500 cubic meter na buhangin
21:26ang kayang ikarga sa barkong Harvest 89.
21:29Chinek ang mga dokumento,
21:30navigational equipment at iba pa
21:32ng Vessel Safety Enforcement Inspection Team
21:35ng Philippine Coast Guard ang nasabing barko.
21:38Gusto na makatiyak ng Coast Guard
21:39na seaworthy ang mga dredging vessel na bumabiyahe.
21:42Nagkapag-conduct tayo ng Vessel Safety Enforcement Inspection
21:45so nag-focus tayo sa mga safety equipments
21:48as well as sa documents.
21:49Paglilino ng Coast Guard,
21:51bahagi ito ng kanilang rutinaro inspection sa mga barko
21:53bagamat lalo pa rin nila itong pinagting ngayon
21:56kasunod ng panawagan ng Pangulo.
21:58Before pa po, nag-inspect na po tayo.
22:00So nagpa-follow up lang po tayo sa mga inspection
22:02at saka continuous pa naman po yung inspection natin.
22:05At least, maasahan namin na ang barko seworte.
22:08Saan niyo po kinukuha ang mga barko?
22:09Depende po sa order sa amin ng company.
22:12Minsan, ilocus.
22:13Depende po sa quality ng buhangin
22:14kasi na ilalagay nila dyan sa reclamation.
22:17Kasi minsan, mayroong buhangin sa sambalis.
22:21Maglalabas daw ng updated na listahan ng PCG
22:23kapag natapos silang inspeksyonin ang lahat ng dredger.
22:27Pero sa ngayon daw,
22:28ang Kangling 539 lang ang dredger na nakadetain.
22:32Marisol Abduraman,
22:34nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:37Ilang nakilawag sa traslasyon ng muntikan
22:48ang maging biktima ng mga mandurukot.
22:50May ulat on the spot si June Veneracion.
22:53June!
22:53Raffi, sa gitna ng nakamamanghang debosyon at pananampalataya
23:02ng mga deboto ng Puong Jesus Nazareno
23:05ay may mga masasamang loob na nakipagsiksikan
23:08at nagtangkang magsamantala.
23:11Alas 4 pa lang ng madaling araw
23:13habang patawid ang andas ng Puong Jesus Nazareno
23:16sa intersection ng Rojas Boulevard at Padre Burgo Street
23:21ay nagkatensyon na agad
23:23nang magtangka ang ilang kabataan
23:26na makalapit sa prosesyon.
23:28Hinarang, hinatak
23:29at itinaboy sila ng mga ihos na nakabarikada sa kalsada.
23:34Mula ka tigbak drive,
23:36umabot ng mahigit dalawang oras bago makarating
23:39at makalikos sa finance road ang andas
23:42dahil sa dami ng mga sumasalubong.
23:44Pahirapan ang paghatak sa lubid ng andas
23:47dahil sa dami ng mga gustong makihatak.
23:50Kanya-kanyang pwesto ang mga deboto.
23:52May mga nasa taas ng puno
23:53pati street post ay inakita ng mga deboto
23:57para masilayan ang pagdaan ng imahen
23:59ng Puong Nazareno.
24:01Sa gitna naman ng siksikan,
24:04Raffi, may mga nadaganan
24:06kabilang sa kanila si Angel
24:07na naipit ng mga kapwa deboto.
24:10Akala daw niya ay yun na ang kanyang katapusan.
24:13Pero gaya ng iba pang deboto
24:14uulitin pa rin daw ni Angel
24:16sa susunod na taon
24:17na ang sumampas sa andas
24:18dahil yun ang kanyang panata.
24:21Nakakalungkot, Raffi,
24:22may mga nagsamantala sa pagkakataon.
24:25May mga nadukutan ng cellphone
24:26pero mabuti na lang
24:27ay nabitawan ng mga mandurukot.
24:30Pati ang aming cameraman
24:31si Jojo Cabral ay muntik ng mabiktima.
24:34Maswerte at nalaglag daw
24:35ng mandurukot
24:36ang mga cellphone niya.
24:39Pagkadaan ng posisyon
24:40sa finance road,
24:41kasunod na ang mga taga-kolekta
24:42ng basura.
24:44Gayun din ang may mga
24:45dalang power spray
24:46para linisin ang kalat
24:48at panghina-iniwan
24:50sa gilid ng kalsada.
24:52Yan muna ang latest
24:53mula rito sa
24:54Maraming salamat sa iyo,
24:58June Benarasyon.
Comments