00:00Hindi bababa sa 10 bahay ang nasunog kanina madaling araw sa Barangay Culiat sa Quezon City.
00:06Wala raw na iligtas na gamit ang mga nasunugan.
00:09Balita ng hati ni James Agustin.
00:14Nagangalit na apoy ang gumising sa mga residente ng Bayanian Street sa Barangay Culiat, Quezon City,
00:18pasado alas 2 sa madaling araw kanina.
00:21Sa laki ng apoy, mabilis itong kumalat sa magkakadikit na bahay.
00:24Itinaas ng Bureau of Fire Protection ng ikalawang alarma.
00:27Tumulong na rin ang ilang residente sa mga bumbero.
00:30Sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga balde ng tubig.
00:33Ang pamilya ni Gerald, ilang gamit nang naisalba.
00:36Nasa labas daw siya na mangyari ang sunog.
00:39Pag-uwi niya malaki ng apoy kaya ginising niya ang lahat ng kaanak.
00:42Tulog po kasi sila nasa at sa bahay. Tulog po sila lahat.
00:45Tapos parang, mataranta na po kasi ako nun. Hindi ko na po lang gagawin ko.
00:49Parang, kinuha ko na lang po yung mga papeles po namin, mga birth certificate po, mga importanteng gamit.
00:54Walang nailigtas na gamit ang umuupas sa kanila.
00:57Sa kabila niya, laking pasasalamat ni Cecilia na nakalabas silang siyam na magkakaanak.
01:02Natupok nga lang ang motorsiklo ng kanyang anak.
01:04Nung sinabi, malapit na sa amin. Kaya wala kami, nataranta rin kami. Inan lang namin mga bata, nilabas lang.
01:11Parang, mahirap, wala. Wala, wala kami tayo. Mga damit, wala din.
01:16Nandun pa yung mga gamot namin, gamot ng anak ko.
01:19Alas 3-20 na madaling araw nang tuluyang maapula ang apoy.
01:22Ayon sa mga taga-barangay, hindi bababasa sa 10 bahayang na sunog.
01:26Apektadong labing-pitong pamilya, katumbas ng 74 na individual.
01:30Pansamantala silang tumutuloy sa covered court ng barangay.
01:33Nasabihan na rin natin, andito yung ibang mga pamilya na nasunugan.
01:40I-ano na lang namin, ibabalangkas na lang namin yung mga modular tents.
01:47Nagpaluto na rin ng pangagahan nila, yung aming mga employees, ayan dun na at magluluto na.
01:55Inaalam pa ng BFP ang Sanhi ng apoy at kabuang halaga ng pinsala sa ari-arian.
01:59James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:04Sa Quezon City pa rin, nasunog ang isang supermarket sa barangay Pasong Putik.
02:09Kita ang paglamo ng apoy sa establishmento at ang malaking usok na idinulot nito.
02:18Dahil sa laki ng apoy, apektado ang biyahe ng ilang motorista.
02:21Napatigil kasi sila sa kalsada sa tapat ng nasusunog na gusali na nagdulot din ang pagsikit ng daloy ng traffic.
02:27Sa isang punto, bumigay ang pader sa isang bahagi ng supermarket dahil sa apoy.
02:32Nabasag din ang mga salamin at bumagsak ang bahagi ng kisame ng establishmento.
02:36Ayon sa Bureau of Fire Protection, 4.40 a.m. nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalimang alarma.
02:42Ibig sabihin, hindi bababa sa 20 fire truck ang kinailangang rumispunde.
02:47Nahirapan daw ang mga bumbero sa pagpula dahil kailangan pa ng breathing apparatus bago nila mapasok ang loob ng gusali dahil sa makapal na usok.
02:56Under control na ang sunog kaninang mag-alas 8 ng umaga.
02:59Inaalam pa ang sanhin ng apoy maging ang kabuang halaga ng pinsala.
03:03Wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng supermarket tungkol sa sanhi ng apoy.
03:12Paalala mga kapuso, posibleng makaperwisyo ang mga local thunderstorm ngayong araw.
03:18Kagabi nga, binaha ang ilang bahagi ng Davao City.
03:21Nag-wisyo ng ilog ang ilang kalsada sa barangay Tibungco.
03:25Halos pasukin ang tubig ang mga tricycle at ilang kotse.
03:30Naging mabagal ang daloy ng trapiko.
03:32Ilang commuter ang lumungsong na lamang sa baha para makauwi.
03:36Ayon sa pag-asa, local thunderstorm ang nagpaulan sa Davao City kagabi.
03:41Posibleng muli ang mga thunderstorm sa Davao City at maging sa ilan pang bahagi ng Mindanao ngayong araw.
03:48Sa Caraga Region at Southern Leyta naman, shear line ang magpapaulan.
03:53Patuloy namang nagpapalamig ang hanging haamihan sa Luzon kasama ang Metro Manila at sa ilang panig ng Visayas.
04:01Sa mga susunod na oras, uulanin ang ilang bahagi ng Northern at Central Luzon, Quezon Province,
04:07Mimaropa Region, Visayas at Mindanao base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
04:13Maging alerto po sa heavy rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
04:19Sa unang linggo ng Pebrero, isang low pressure area ang posibleng mabuo at pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
04:26Base po yan sa datos ng pag-asa sa silangan ng Mindanao, maaaring mabuo ang nasabing potensyal na LPA.
04:33Lalapit at makakaapekto yan sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.
04:38Mababa naman ang tsyansa ng LPA na maging bagyo.
04:41Sa ikatlong linggo, tuloy-tuloy ang effusive eruption o mahinang pagbuga ng lava ng bulkang Mayon.
04:48Kita yan sa kuha ng PIVOX pasado alas 8 kagabi.
04:51Sa pinakabagong bulletin, nakapagtala rin ang bulkan ng 37 pyroclastic density currents uuson sa nakalipas na 24 oras.
05:00Aabot sa halos 300 rockfall events na nanatili sa alert level 3 ang bulkan.
05:04Bawal pa rin pumasok ang sinuman sa 6-kilometer radius permanent danger zone.
05:11Ito ang GMA Regional TV News.
05:17Mga kapuso, mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
05:23Huli kampo ang pagdukot sa isang negosyante sa Kabanatuan, Nueva Ecija.
05:28Chris, nasa git ba yung biktima?
05:34Connie, nailigtas na ang dinukot na negosyante.
05:37Naaresto rin ang tatlong sospek kabilang na ang pinsa ng biktima na'y tinuturong mastermind ng kidnapping.
05:44Balitang hatid ni CJ Torida ng GMA Regional TV.
05:47Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang lalaki na naglalakad sa gilid ng kalsada sa isang subdivision sa Kabanatuan, Nueva Ecija.
05:59Bandang mag-aalas 8 ng umaga nitong lunes.
06:02Nakasuot siya ng kulay pulang damit at may takip sa muka.
06:05Maya-maya pa, may dalawa pang lumapit sa lalaki na kapwa may takip ang mga muka.
06:10Kasunod nito na nakita sa CCTV ng pagdating ng isang kulay pulang pick-up na pumarada.
06:16Bumaba ang isang may edad na lalaki na nakasuot lamang ng kulay puting sando.
06:20Lumakad siya papalapit sa pintuan para buksan ang lak sa pinto.
06:23Pero mabilis na lumapit ang dalawang lalaki at makikitang nagpupumiglas ang matandang lalaki.
06:29Pilit namang pinupwersa ng dalawang lalaki pabalik na ilapit sa kanyang sasakyan ang biktima habang nakatutok ang isang baril.
06:36Hanggang sa may lapit ang biktima sa kanyang sasakyan.
06:39Ilang saglit pa, pilit na isinakay ng mga sospek ang biktima at agad na umalis.
06:44Ang biktima ang sapilitang tinangay, isa palang negosyante.
06:47Sa tulong ng kuha ng mga CCTV, mabilis na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad.
06:54Through back-tracking, isa natagpuan natin yung subject sa San Miguel Pumarad.
07:03Natuntun at nasagip nila ang duguang biktima sa barangay Bakod Bayan.
07:07Gayun din ang sasakyan ng biktima na inabandonan ang mga sospek.
07:11Agad na dinala ang biktima sa ospital na ngayon ay ligtas na sa kapahamakan.
07:16Sunod-sunod namang naaresto ng mga pulis ang tatlong sospek sa magkahihwalay ng operasyon,
07:20San Nueve Ecija at San Miguel Bulacan.
07:23Isa sa mga sospek ang itunuturong mastermind na napagalamang pinsan ng biktima.
07:28Isa rin siyang awol na pulis.
07:30Nahuli natin yung pinaka main sospek na nataon naman na ex-polis na kamag-anak mismo ng biktima.
07:46Sa panayam ng GMA Integrated News sa mga sospek,
07:50aminado sila sa ginawang krimen para makahingi ng 5 milyong pisong ransom kapalit ng paglaya ng biktima.
07:55Nag-demand sila ng 5 milyon.
08:00Yun nga, nataroon ng konting negosyasyon.
08:03Nakapit na sila sa Kabanatuan City Police Station at mahaharap sa reklamong kidnapping.
08:08Nag-alit sir ako sa kanya dahil nangangailangan ako ng trabaho.
08:10May sakit yung usawa ko, hindi niya ako kinakasin.
08:12Eh sila lahat papi-pera. Ako lang pisa na ka dito.
08:16CJ Turida ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:21Nang dahil umuno sa prank, pinagbabaril ang kotse yung sinasakyan ng ilang kabataan sa Lipa, Batangas.
08:30Sa investigasyon po po siya, may inihatid na kaibigan sa barangay Marawoy nitong lunes ng madaling araw
08:35ang magkakaklaseng edad labing pito hanggang labing siyam.
08:39Nang paalis na sila, bigla na lamang daw lumabas ang sospek at pinagbabaril ang sasakyan ng mga biktima.
08:46Nakalayo ang kotse na tinamaan ng bala. Walang nasaktan sa magkakaibigan.
08:51Lumalabas sa investigasyon na bago ang pamamaril, isa sa mga magkakaibigan ang nanundo sa lugar
08:58ang pumindot sa doorbell ng sospek na posibleng ikinagalit nito.
09:03Inireport na sa pulisya ang insidente matapos ang ilang oras at naaresto ang lalaking na maril.
09:10Kinupiska na pulisya ang kanyang baril na lisensyado naman.
09:13Tumanggi magpaunlak ng panayam ang sospek.
09:20Sa kuha ng CCTV sa isang gasolinahan sa Iloilo City, makikita ang pagdating ng isang motorsiklo sakay ang tatlong lalaki.
09:28Bumaba ang isa sa kanila, bumunot ng baril at nagdeklara ng hold-up.
09:33Ayon sa pulisya, agad di binigay ng lalaking attendant ang belt bag na naglalaman ng pera dahil sa takot.
09:39Mahigit 7,000 pisong kita ng gasolinahan ang natangay ng mga sospek.
09:42Tinutugis pa ang mga nakatakas na sospek.
09:45Ipinatatawag ng Department of Justice si Sen. Jingoy Estrada, dating Sen. Bong Revilla, dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at iba pa kaugnay sa magkakahiwalay na reklamang plunder laban sa kanila.
10:06Nag-issue ng supina ang Justice Department at pinahaharap ang mga respondents sa February 2 at 12 para sa preliminary investigation.
10:15Hinihintay na lang daw ng kagawaran na makompleto ang receiving copies ayon kay DOJ spokesperson, Attorney Paulo Martinez.
10:23Wala pang pahayag ang mga personalidad na tinukoy pero dati na nilang itinanggi ang aligasyon.
10:30Si Revilla kasalukuyang nakakulong sa New Quezon City Jail Mail Dormitory para sa kasong malversation kaugnay sa halos 93 million pesos flood control project sa Pandi, Bulacan.
10:42Kahapon, isinama na siya at ang mga kapo-akusado sa kaso sa ibang preso matapos ang isang linggong medical quarantine.
10:50Ayon sa BJMP, nasa hiwalay na selda si Revilla sa iba pang mga akusado sa kwestiyonabling flood control projects.
11:00Hindi pinayagan ng Sandigan Bayan 6 Division na tumistigo ang dalawang cashier ng DPWH Mimaropa laban sa mga dating katrabaho na akusado
11:08dahil sa substandard namanong dyke project sa Oriental Mindoro.
11:12Hinilingin ang prosekusyon na iharap sana ang dalawang cashier para sa bail hearing ng siyem na dating kasamahan nila na nahaharap sa kasong malversation.
11:21Tetis tiguro sana ang dalawang cashier na na-authorize nila ang pagbayad ng DPWH Mimaropa sa kontraktor na Sunwest Incorporated na iniuugnay kay dating Congressman Zaldico.
11:31Tinutunan nito ng defense team at sinabing hindi na isama ang dalawang cashier bilang mga witness sa pre-trial brief.
11:37Tinutigan ng mga maestrado ang mosyo ng depensa.
11:41Matapos ang pagdinig, sinabi ng prosekusyon na pandagdag lang sana sila o nila ito sa mga nauna ng testimonya at hindi malaking kawalan sa kanila.
Comments