Skip to playerSkip to main content
-2, arestado dahil sa ilegal na paggawa ng paputok; wala silang pahayag/Nagbebenta ng ilegal na paputok, huli sa buy-bust operation

-4, patay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang SUV; driver, sugatan

-Mag-iina, patay sa sunog sa Brgy. DIstrict 1/Ilang tindahan, nasunog matapos may mag-test ng biniling paputok; 2 lalaking bumili, tumakas

-Motorcycle rider, patay matapos bumangga sa kasalubong na multicab

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Dito naman sa Dagupan City, arestado ang isang nagbebenta o manon ng mga iligal na paputok.
00:05May dalawa rin na aresto sa hiwalay na operasyon matapos mabisto ang iligal nilang pagawaan ng paputok.
00:12Balitang hatid ni CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:19Pasado alas 8 ng gabi noong Sabado,
00:22nang isagawa ng mga operatiba ng Criminal Investigation Unit at Police Station 2
00:26Nang Dagupan City Police Office ang by bus operation sa dalawang sospek na umano'y
00:31nagbebenta ng iligal na paputok sa kanilang bahay sa barangay Bakayaw Norte.
00:36Nagbenta ang mga sospek sa nagpanggap na posture buyer ng 300 piraso ng kwitis na nagkakahalaga ng 2,100 pesos.
00:45Inaresto ang mga sospek na parehong 39 anyos at mga tricycle driver.
00:49Sa mga pagsisiyasat ng Dagupan City Police,
00:53nadiskubre sa loob ng bahay ng mga sospek ang mga raw material at kemikal na ginagamit sa paggawa ng iligal na paputok.
01:00Bukod sa kwitis, nakumpis ka rin ang hinihinalang mga sangkap sa paggawa ng pasabog
01:05at iba't ibang manufacturing materials at parafernalya.
01:08Wala pa ang pahayag ang mga nahuling sospek na mahaharap sa kaukulang kaso.
01:13Arestado rin sa bybas operation ng iligal na paputok ang 27 anyos na lalaking tubong sityo silungan,
01:19barangay Bunuan Binlok, sa parehong araw.
01:22Nakumpis ka sa sospek ang isang piraso ng super dark bomb,
01:26plapla,
01:27anim na piraso ng whistle bomb jumbo,
01:30walong C2 bomb,
01:32walong small dark bomb at isang dynamite.
01:35Mahaharap ang sospek sa kasong paglabag sa RA-7183 o Firecracker Law.
01:40Sinisikap ng GMA Regional TV 1 North Central Luzon na magkuhanan ng pahayag ang sospek.
01:47Si Jay Turida ng GMA Regional TV,
01:50nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:54Ito ang GMA Regional TV News.
02:00Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
02:04Nauwi sa trahedya ang biyahe pa uwi ng isang grupong nagsasalo-salo sa Cagayan de Oro City.
02:08Si Cecil, anong nangyari?
02:12Rafi, apat ang patay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang SUV.
02:18Sugata naman ang driver na chief tanod ng barangay Mambuaya.
02:22Batay sa imistigasyon,
02:23galing sila sa year-end evaluation and assessment ng barangay Peacekeeping Action Team.
02:29Nadisgrasya ang SUV sa palusong at palikong kalsada sa lugar.
02:33Kinukuha pa ang pahayag ng driver at ng barangay Mambuaya Council.
02:39Patay sa sunog ang isang babae at dalawa niyang anak sa barangay District 1 sa Babatgon, Leyte.
02:45Base sa imistigasyon, natutulog ang mag-iina nang magkaroon ng sunog sa kanilang bahay.
02:51Hindi na raw sila nakalabas.
02:53Inabot ng mahigit dalawang oras bago tuluyang naapula ang apoy.
02:57Inaalam pa ang sanhi nito.
02:59Sa barili naman, dito sa Cebu,
03:02nasulog ang ilang tindahan ng paputok ng may magsindi ng triangle
03:06at nahihagis sa nakadisplay na Judas Belt.
03:09Ayon sa imistigasyon, may dalawang lalaking bumili ng paputok at doon ito sinindihan.
03:15Kahapon, narakip ang isa sa dalawa na responsable sa insidente.
03:19Sa inisyal na imistigasyon, nakainom ng alak ang lalaki,
03:23kaya niya nagawa ang pagsindi ng triangle.
03:39Patayang isang motorcycle rider na bumanga sa isang multicab sa Gimbal, Iloilo.
03:45Ayon sa pulisya, lumipat ng lane ang motor kaya sumalpok sa kasulubog na multicab.
03:50Sugat sa ulo ang ikinamatay ng rider.
03:53Pusibli umanong nakainom siya ng madisgrasya.
03:56Nag-uusap na raw ang pamilya ng rider at ang driver ng multicab.
Comments

Recommended