Skip to playerSkip to main content
-Motorcycle rider, patay matapos sumalpok sa poste at makaladkad ng kasunod na sasakyan


-Rider, sugatan matapos sumalpok sa ambulansiya ang sinasakyang motorsiklo


-Halos 40 pamilya, nasunugan sa Brgy. Lapasan


-White Nazarene, dinarayo rin ng mga deboto/Walkthrough sa ruta ng Traslacion ng Señor Sto. Niño sa Mandaue, isinagawa


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:08Patay ang isang polis matapos madisgracia sa Cordon Isabela.
00:13Chris, anong nangyari?
00:18Rafi tubilapon sa kalsada ang rider matapos siyang sumalpok sa poste.
00:23Sa kuha ng dashcam video, kita ang pagbagtas ng motorsiklo sa National Highway sa Barangay Kakilangan.
00:29Maya-maya bumanga ang rider sa poste.
00:32Hindi agad nakapagpreno ang kasunod na sasakyan na maikuhan ng dashcam video.
00:37Kaya nabangga ang biktima at nakaladkad ng ilang metro.
00:41Dead on arrival sa hospital ang rider.
00:43Wala pang pahayag ang kaanak ng biktima, maging ang driver ng kasunod niyang sasakyan.
00:49Sugata naman ang isang rider ng motorsiklo matapos na sumalpok sa isang ambulansya sa Tarlac City.
00:55Sa kuha ng dashcam video, kita ang papalikong ambulansya na may dadalhing pasyente sa isang ospital sa Barangay San Sebastian.
01:03Kita rin sa gilid ang motorsiklo.
01:06Nagderediretso ang rider hanggang sa sumalpok sa ambulansya.
01:10Rumesponde sa insidente ang mga otoridad.
01:13Walang pahayag ang rider na nagtamo ng minor injuries.
01:17Nagkasundo na ang dalawang panig.
01:19Ito ang GMA Regional TV News.
01:27Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
01:32Nasunugan ang halos 40 pamilya sa Cagayan de Oro City.
01:36Sara, alam na ba yung sanhinang apoy?
01:39Rafi, patuloy pa ang investigasyon pero problema sa linya ng kuryente ang tinitingnang anggulo ng mga bombero.
01:47Mabilis kumalat ang apoy sa Sityo San Roque sa Barangay Lapasan dahil gawa sa light materials ang magkakadikit ng mga bahay roon.
01:55Ayon sa Lapasan Fire Station, nakaresponde sila agad pero nahirapan silang pumasok dahil sa masikip na daanan.
02:02Mahigit dalawampung bahay ang nasunog at tinatayang mahigit isang milyong piso ang halaga ng pinsala.
02:08Pansamantalang nananatili ang mga nasunugan sa covered court ng barangay.
02:13Nagsisimula na rin dumagsa ang mga deboto sa imahe ng poong Jesus Nazareno sa Talibon, Bohol.
02:21Ang imahe na matatagpuan sa Barangay San Agustin, tinawag na white Nazarene at may suot na bughaw na sinturon.
02:28Iba ang kulay niyan sa nakasanayan na imahe ng poong Jesus Nazareno.
02:32Ayon sa mga deboto, mahimala rin ang white Nazarene at wala itong pinagkaiba sa poong Jesus Nazareno na nasa Maynila.
02:41Traslasyo naman ang Senyor Santo Niño ang pinaghahandaan sa Mandawe Cebu.
02:46Nagsagawa na ng walkthrough ang mga otoridad sa magiging ruta niyan.
02:50Matapos ang walkthrough, nagsagawa rin ang briefing sa sports complex na dinaluhan ng iba't ibang law enforcement units.
02:57Mahigit sanlibong personel ang idedeploy sa Mandawe para matiyak ang seguridad sa pagdiriwang.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended