Skip to playerSkip to main content
-17-anyos na babae, patay sa pananakal ng dati niyang live-in partner; suspek, kusang sumuko at umamin sa krimen

-60-anyos na motorcycle rider, patay nang mahulugan ng sanga ng puno

-Alkalde ng Shariff Aguak, nakaligtas sa ambush; 2 kasama sa convoy, sugatan/3 suspek sa pananambang, patay sa hot pursuit operation; motibo, patuloy pang inaalam

-Katawan ng babaeng inilibing noong April 2025, natagpuan sa labas ng nitso

-4 na sundalo, patay matapos tambangan ng hinihinalang mga miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group; isa, sugatan

-Motorcycle rider at kanyang angkas, patay matapos mabangga at makaladkad ng trailer truck sa Brgy. Pili

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Oras na para sa mayiinit na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon.
00:11Patay sa pananakal ang isa pong babaeng 17 anyos pa lamang sa Lipa, Batangas.
00:18Chris, natukoy na ba sino ang sospek sa krimen?
00:23Connie, ang dating live-in partner nagbiktima ang umamin sa pulisya na sinakal hanggang mapatay niya ang biktima.
00:30Sa investigasyon ng pulisya, nagpaalam ang biktima na dadalo sa isang birthday party sa barangay Tambo noong January 21 pero hindi na siya nakauwi.
00:38Nakipagkita rin daw noon ang biktima sa dati niyang kalive-in para kunin ang sustento para sa kanilang anak.
00:45Doon na raw nangyari ang pananakal.
00:47Natagpuan ang katawan ng biktima ng kanyang kapatid sa damuhan malapit sa kanilang bahay.
00:53Sumukon sa pulisya ang sospek sa follow-up operation sa Tinambak, Camarinasur.
00:57Maharap sa reklamong murder ang sospek na wala pang ibang pahayag.
01:03Patay naman ang isang motorcycle rider sa San Carlos, Pangasinan, nang mahulugan ng sanga ng puno.
01:09Bas sa investigasyon, napadaan lang sa lugar ang 70-anyos na lalaking rider nang masaktong may nagpuputol ng sanga doon.
01:18Nahulog daw ang sanga at nadaganan ang rider hanggang mabagok siya sa pavement sa kalsada.
01:23Sinampahan ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang dalaking nagpuputol ng sanga.
01:30Sinusubukan pa namin siyang kunan ng pahayag.
01:35Ito ang GMA Regional TV News.
01:39Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
01:45Tinambangan ang konvoy ng Alkalde ng Sheriff Aguac, Maguindanao del Sur.
01:49Cecil, kumusta yung mga biktima?
01:54Rafi iligtas ang mayor pero dalawa sa mga kasama niya sa konvoy ang tinamaan ng bala.
01:59Balitang hatid ni R. Jill Relator ng GMA Regional TV.
02:08Habang nakahinto ang ninivana yan sa barangay poblasyon sa Sheriff Aguac, Maguindanao del Sur,
02:14may gumabang dalawang armadong lalaki at pinaputok ng isa ang animoy rocket propelled grenade.
02:20Pinuntirya pala nila ang konvoy ni Sheriff Aguac Mayor Dato Ahmad Mitra Ampatuan Sr.
02:31Tinamaan ang sinasakyan niyang black SUV.
02:36Nakaabante pa ang SUV at nagkaputokan.
02:43Kalaunan, huminto ang SUV sa isang kalsada at umalingaungaw ang sunod-sunod na putok.
02:50Sinambos, sinambos.
03:05Ayon sa pulisya, papauwi na si Mayor Ampatuan ng tambangan.
03:18Hindi nasaktan ang alkalde.
03:20Pero tinamaan ang bala sa chan, ang dalawang kasama niya sa convoy.
03:26Kabilang ang kanya security escort, isinugod sila sa paggamutan.
03:31May follow-up vehicle, sakay doon yung ilang mga security din ni Mayor.
03:36Yung mga securities niya, sir, nakapag-retaligate sa mga suspects.
03:44But dalawa sa securities niya ay wounded din.
03:48Both ay may tama sa left side ng abdomen.
03:53Tumakas ang mga suspects sakay ng minivan.
03:56Sa hot pursuit operation, tatlong suspect ang napatay sa bayan ng Datu-Unsay.
04:02Iniimbestigahan pa ang motibo sa pananambang habang nakaalerto ang buong kwersa ng PNP Barm.
04:08Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Mayor Ampatuan,
04:13kaugnay sa pananambang na ikatlong tangkana pala sa kanya.
04:17R. Jill Relator ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:31Isang bangkay ng babae ang natagpuang nakalabas sa pinaglibingan nitong nitsos sa Mabini Bohol.
04:37Basis sa imbisigasyon, nadispubriyan ng ilang bumisita sa sementeryo.
04:42Napag-alaman ding inilibing sa lugar ang babae, Abril pa noong nakaraang taon.
04:46Inilibing din naman agad ang bangkay ng babae matapos masuri.
04:50Ayon sa pulisya, tinitingnan nilang dahilan sa insidente ang treasure hunting
04:54dahil may ilan pang nakitang silang mitso.
04:58Patuloy pa ang imbisigasyon.
05:04Ito ang GMA Regional TV News.
05:08Patay ang apat na sundalo matapos tambangan ng hinihinalang mga miyembro ng Daula Islamiyah Mauti Group sa Munay, Lano del Norte.
05:19Ayon sa Philippine Army, nagsasagawa noon ng Community Support Program ang mga sundalo ng tambangan.
05:26Nilinaw ng militar na non-combat mission ang operasyon.
05:30Isa ang sugatan sa insidente.
05:31Kinundi na naman ng Philippine Army ang pananambang at magsasagawa ng operasyon para tugisin ang nasa likod ng krimen.
05:40Binisita naman ni AFP Chief of Staff General Romeo Browner Jr.
05:44at Philippine Army Chief Lieutenant General Antonio Nafarete
05:47ang pamilya ng mga nasawi para magbigay ng tulong.
05:51Binisita rin nila ang sundalong sugatan na nagpapagaling na sa ospital sa Iligan City.
05:56Dead on the spot ang isang rider, kanyang angkas, matapos mabangga at makaladkad ng trailer truck sa Sarayaya, Quezon Province.
06:07Sa investigasyong polisya, binabagtas sa mga biktima ang kalsada sa barangay Pili
06:11lang lumihis sa linya ang kasunubong na trailer truck at mabangga sila.
06:16Hawak na ng polisya ang driver ng truck na maharap sa reklamong
06:19reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property.
06:24Wala pang pahayag ang driver at ang mga kaanak ng mga biktima.
Comments

Recommended