00:01Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay ang angkas ng isang motosiklo matapos maaksidente sa Dasmarinas, Cavite.
00:16Chris, ano ang detalye?
00:21Connie, tumama sa Center Island ng Aguinaldo Highway ang sinasakyang motosiklo ng naaksidente mag-ina.
00:27Basa sa kuha ng CCTV, papunta ang motosiklo sa inner lane nang sumemplang ito at tumama sa Center Island.
00:35Dead on the spot ang nanay ng rider na angkas niya.
00:39Nagpapagaling naman sa ospital ang rider.
00:41Ayon sa embesigasyon na wala ng kontrol ang rider, patuloy pang ineimbestigahan ang insidente.
00:48Ramdam na sa ilang bahagi ng Bicol Region ang epekto ng Bagyong Tino.
00:52Malakas na buhos ng ulan at hangin ang naranasan sa Pamplona, Camarines Sur.
00:58Halos mag-zero visibility rin ang daan sa Legaspe City sa Albay dahil sa masamang panahon.
01:04Batay sa datos ng Office of the Civil Defense Region 5,
01:07mahigit sanlibong pasahero at mahigit apat na rang sasakyan ang stranded sa iba't ibang pantalan sa regyon.
01:14Ito ang GMA Regional TV News.
01:21Inihahandaan na rin ang mga barko sa ilang pantalan sa Mindanao para sa posibleng epekto ng Bagyong Tino.
01:27Sara, saan saan yan?
01:28Rafi, sa nasipit Agusan del Norte, nasa isang daunga na ang mga barko mula sa iba't ibang lugar para makaiwas sa hagupit ng Bagyong Tino.
01:40Abot sa 50 commercial at cargo vessels ang nakadaong sa nasipit seaport.
01:45Ayon sa Philippine Coast Guard, ligtas ang lugar dahil sa mga matataas na bundok sa paligid.
01:51Inaasahan ang pagdating ng marami pang barko.
01:54Sa Davao Occidental naman, suspendido na ang biyahe ng mga sasakyam pandagat dahil din sa Bagyong.
02:00Nakaandaan na rin ang Coast Guard para rumispunde sa mga mangangailangan ng tulog.
02:08Sa Sigma Capiz, sugatan ang limang sakay ng isang pickup matapos mahulog sa gilid ng kalsada.
02:15Sa imbisigasyon ng pulisya, posibleng umanong nakaidlip sa pagmamaneho ang 50-anyos na driver at nawala ng kontrol sa manibela.
02:24Ayon sa ilang saksi, mabilis ang takbo ng pickup.
02:27Wala namang nadamay sa nangyari.
02:29Walang pahayag ang driver ng pickup at ang iba pang sakay.
Comments