00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay sa pamamaril ang isang tricycle driver sa Irosin, Sorsobon.
00:14Chris, nahuli ba ang suspect?
00:18Connie, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang suspect.
00:23Ayon sa pulisya, naghihintay ng pasahero ang biktima sa paradahan sa barangay Monbon
00:27ng pagbabarilin siya ng riding in tandem.
00:30Agad na namatay ang biktima na tinamaan ang bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.
00:35Tinamaan din ang bala sa kamay ang isa pang tricycle driver na isinugod sa ospital.
00:40Inaalam pa ang motibo sa krimen.
00:44Labing tatlong biktima naman ng human trafficking ang nailigtas ng mga otoridad sa Rizal, Palawan.
00:50Nabuto ng mga tauhan ng DMW, PAOK at PNP ang mga biktima at sospek madaling araw nitong miyerkules.
00:57Isasakay na raw sana sa bangka ang mga biktima na galing sa iba't ibang probinsya para dalhin sa Thailand at Kamboja.
01:05Ang pangako sa kanila, trabaho bilang call center agents na may sahod na 50,000 pesos.
01:11Ayon sa mga otoridad, dadalhin ang mga biktima sa mga cryptocurrency scam hub.
01:17Iligal silang nirekrut online.
01:20Aristado ang apat na sospek na maharap sa reklamong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.
01:25Wala silang pahayag.
01:27May init na balita sa Visayas at Pindanao mula sa GMA Regional TV.
01:38Hulikam ang pagdaan sa palayan at pinaniniwala ang pagtakas ng isang lalaki sa San Miguel, Iloilo.
01:44Ano ba ang nagawa ng lalaking sospek daw sa isang krimen na yan?
01:49Connie, ang lalaki umano ang pumatay sa amain ng kanyang live-in partner.
01:56Pinagsasaksak niya raw ang biktima ang natutulog noon sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Santo Nino.
02:03Dead on arrival sa ospital ang 48 anyos na si Albert Mallorca.
02:08Ayon sa pulisya, 21 saksak ang tinamu niya.
02:12Hinahanap pa ang sospek na nakita sa CCTV na tumakbo sa palayan at tinapagtakas.
02:17Hindi pa natatagpuan ang dinamit niyang kutsilyo.
02:21Batay sa imistigasyon, posibleng nagawa ng sospek ang krimen dahil hindi umanoboto ang biktima sa kanya bilang live-in partner ng stepdaughter.
02:37Patay na ng matagpuan ang batang babae na inanod ng baha sa Iligan City.
02:42Merkoles nang mahulog daw sa isang kanal sa Barangay Tugaan ang siyam na taong gulang na estudyante.
02:49Kwento ng pinsan na isa sa mga kasama niya noon, sinubukan kasing punin ang biktima ang nalaglag na chinelas.
02:56Nadula siya, nahulog sa kanal at tinangay ng rumaragasang tubig.
03:00Kahapon, kinumpirman ng mga taga Iligan City DRRMO na natagpuan na ang bangkay ng bata sa Barangay Tubod.
03:08Sinisikap ang punan ng pahayag ang pamilya ng biktima.
03:12Samantala, ready for Christmas na ang mga ibinibentang parol dito sa Dagupan City.
03:19Sa Barangay Karanglaan, Paskong-Pasko na ang vibes ng iba't-ibang disenyo ng parol at mga pangdekorasyon.
03:26Maagad na rin namimili ang ilang customer habang hindi pa tumataas ang presyo.
03:30At dahil Bermans na nga, nagsusulputan naman ang mga pampaskong kakanin tulad ng bibingka at puto bongbong sa ilang lugar sa Angeles City, Pampanga.
03:41Gaya ng espesyal na puto bongbong na nilagyan pa ng leche flan.
03:45Manyaman o masarap naman daw sabi ng customers dahil hindi raw tinipid ang ingredients.
03:51Wala raw yang harina kundi purong galabong, bigas at itlog.
03:55Wala raw yang harina kundi purong, bigas at itlog.
Comments