Skip to playerSkip to main content
-Huli-cam: Pananakit sa isang babaeng estudyante ng kanyang classmates sa loob mismo ng paaralan

-Modern jeep, umusok at biglang nagliyab; driver at nasa 20 pasahero, nakaligtas

-Lalaking naghuhukay, patay matapos madaganan ng malaking bato

-Naagnas na bangkay, natagpuan sa bakanteng lote sa Brgy. Mansilingan

-21-anyos na babae, natagpuang patay sa isang kwarto sa boarding house; boardmate ng biktima, itinuturing na person of interest

-Bagong silang na sanggol, inabandona sa tabi ng sapa sa Brgy. Ambatali; nakatakdang i-turnover sa DSWD


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Huli kam ang pananakit sa isang babae sa Narvakan, Ilocosur, ng kanyang mga kaklase.
00:16Chris, may aksyon na bang ginawa tungkol dito ang eskwelahan?
00:21Connie, pinadalhan ang Ilocosur Schools Division Office ng Guidance Counselors
00:26ang paaralan para magbigay gabay sa mga sangkot sa insidente.
00:30Sa video, kita ang paglapit ng isang estudyante sa kanyang kaklase.
00:34Tinulak ang nakaupong estudyante at nang mapatayoy, sinikmuraan hanggang madapa.
00:40Pinagsisipa at sinuntok din siya ng iba pa nilang kaklase.
00:44Nangyari yan habang naka-lunch break.
00:46Nag-embestiga na ang division office, pati na ang polis siya kaugnay dito.
00:50Sinusubukan pa namin kunan ang pahayag ang mga magulang ng mga estudyanteng sangkot sa video.
00:57Nasunog naman ang isang modern jeep habang bumabiyahe dito sa Dagupan City.
01:01Nakababa naman ang driver at mga pasahero.
01:05Maya-maya pa, nabalot na ng apoy ang modern jeep.
01:08Nakaligtas ang humigit-kumulang 20 pasahero.
01:12Inimbisiga ng Bureau of Fire Protection ang fuse box ng sasakyan.
01:16Nakipag-ugnayan na rin ang transport cooperative ng modern jeep sa mga otoridad.
01:23Ito ang GMA Regional TV News.
01:29May init na balita sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
01:33Nasawi ang isang lalaki matapos madaganan ng boulder o malaking bato sa Plaridel Misamis Occidental.
01:40Dagdag din detail tayo sa mula kay Sarah Hiloman Velasco.
01:43Rafi, naguhukay raw noon ng Poso Negro ang lalaki at ayon sa pulisya, kabilang sa mga nabungkal niya ang lupa
01:51sa ilalim ng malaking bato.
01:53Yan daw ang dahilan kung bakit gumulong ang bato sa butas kung saan naguhukay ang lalaki.
01:59Dead on the spot ang biktima dahil sa injury sa ulo, leeg at spine.
02:03Dagdag ng pulisya, aksidente ang nangyari at wala silang nakikitang senyales ng foul play.
02:11Pasintabi po sa mga kumakain, isang naagnas na bangkay ang natagpuan sa Bacolod City.
02:17Nadistubri yan ng isang magtutubo sa isang bakanting lote sa Bargay Mansilingan.
02:23Nakasuot ang bangkay ng itim na t-shirt at shorts at punong-puno ng putik sa katawan.
02:28Ayon sa pulisya, posibleng tatlo hanggang apat na linggo na mula nang mamatay ang tao.
02:34Nakalagat ngayon ang bangkay sa isang punerarya sa bayan ng Ibi, Magalona.
02:40Ito ang GMA Regional TV News.
02:45Natagpo ang patay sa kwarto sa isang boarding house ang isang college student sa Cagayan de Oro City.
02:51Ayon sa pulisya, natagpuan ang babaeng 21 anyo sa Room 1 ng boarding house.
02:56Kahit Room 12 ang kanyang inuupahang kwarto.
03:00Ang umuuparaw sa Room 1 ay isang empleyado ng Cagayan de Oro City Disaster Risk Reduction and Management Department.
03:06Huling nakita ang babaeng noong February 17 at natagpuan lang sa kwarto nitong February 19 matapos may magreklamo ng kakaibang
03:14amoy mula roon.
03:15February 17 din, huling nakita at huling pumasok sa trabaho ang empleyado ng Cagayan de Oro City RRMD.
03:23Itinuturing siyang person of interest sa krimen.
03:25Isinailalim na sa otopsi ang bangkay ng babae.
03:29Wala pang pahayag ang kanyang pamilya.
03:34Isang inabando ng sanggol ang natagpuan sa Ramon Isabela.
03:38Iniwan ang sanggol o bagong silang na sanggol sa loob ng batsa sa tabi ng sapa sa barangay Ang Batali.
03:45Inreport ito sa pulisa ng nakadiscovering residente.
03:48Dinala sa health center ang sanggol at isinailalim sa check-up.
03:52Ililipat ng kustodya ang sanggol sa DSWD.
03:56Nangangalap na ang pulisa ng CCTV footage sa lugar para matukoy ang nag-iwan sa sanggol.
Comments

Recommended