Skip to playerSkip to main content
-74-anyos na lalaki, patay matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Pinayag


-Panloloob sa isang bahay sa Brgy. Ugac Sur, nahuli-cam; P20,000 cash at cellphone, tinangay


-2 lalaking umawat sa away, nasaksak; isa sa kanila, dead on arrival sa ospital


-Anim, sumama ang pakiramdam matapos kumain ng tahong at iba pang lamang-dagat na nakuha sa Brgy. Singcang Airport


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Patay ang isang senior citizen na lalaki matapos masunog ang kanilang bahay sa Kayapa, Nueva Vizcaya.
00:12Ayon sa Bureau of Fire Protection, Kayapa, nasunog ang panggatong na mga kahoy na nasa kusina ng bahay.
00:19Nang mapansin iyon ng misis ng biktima, agad niyang inilikas palabas ang kanyang mister na natutulog doon.
00:26Pero gumapang pabalik ng bahay ang lalaki para kunin ang mga personal niya ang gamit.
00:31Doon na siya nakulong at nasawi.
00:34Ayon sa mga otoridad, natagalan ang pagresponde sa sunog dahil liblib ang lugar.
00:39Halos dalawang oras ang biyahe mula sa bayan at wala silang malapit na kapitbahay.
00:44Walang pahayag ang misis ng biktima.
00:49Hulikam ang panuloob sa isang paupahang bahay sa barangay Ugaksur sa Tuguegaraw, Cagayan.
00:55Nakikita o makikita ang pagdaan ng lalaking niya na may bitbit na bag pasado alas 5 ng umaga nitong biyernes.
01:02Nang mapansin ang CCTV, bigla niya itong ibinaling sa kanan.
01:07Ayon sa nanungupahan sa bahay, nahuli ng kanyang kasama sa bahay ang pagkuhan ng suspect sa kanyang wallet.
01:14Agad tumakas ang lalaki tangay ang wallet na may 20,000 pisong cash at isang cellphone.
01:20Iniimbisigahan pa ng pulisya ang insidente.
01:25Ito ang GMA Regional TV News.
01:31Patay ang isang lalaki kasunod ng ramble sa pagadian sa Buanga del Sur.
01:35Nangyari ang kaguluhan sa bahagi ng Seaside Boulevard sa barangay Santiago nitong lunes.
01:40Nakakunan ng video ang pagtumba sa kalsada ng lalaking nakapulang damit.
01:45Napaupo naman ang isa pang lalaki.
01:47Nakatayo kalauna ng lalaki nakapulang damit hanggang bumagsak ulit siya.
01:51Ang napaupo ng mga lalaki, pinaupo muna sa isang silya.
01:55Dinala sila sa ospital pero ang nakapulang lalaki idinekla ng dead on arrival.
02:00Base sa investigasyon, may away ng dumating sa bar ang dalawang lalaki.
02:04Umawat lang daw sila hanggang masaksak.
02:07Pinutugis na ng kulis siyang suspect sa pananaksa.
02:13Anim na taga-Bacolod City ang sumamang pakiramdam matapos kumain ng tahong at iba pang lamang dagat.
02:20Nakuha na nila ang mga ito sa dagat na sakop ng barangay Singkang Airport.
02:24Inadobro nila ang seafood at pinagsaluhan sa tanghalian.
02:27Sumakit ang tiyan, nagsuka at nanginig daw ang anim sa mga kumain.
02:32Tatlo sa kanila ang naospital.
02:34Batay sa pinakahuning bulitin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nitong March 12,
02:39wala namang umiiral na red tide alerts sa Bacolod City.
02:42Makikipagugnayan daw sila sa kanilang regional office kaugnay sa mga nagkasakit.
02:47Kumuha na ng samples sa Bacolod City Health Office para matukoy kung lamang dagat nga ba ang dahilan ng pagkakasakit
02:53nila.
02:54Nagbabala rin ang lokal na pamahalaan na iwasan muna ang pagbibenta at pagkain ng mga shellfish sa lugar.
03:00Dati ng paalala ng Bifar sa tamang paghandle ng shellfish,
03:04i-brush ang mga ito para maalis ang putik at iba pang uri ng dumi.
03:08Ilayo ang mga ito sa matinding init at contaminants gaya ng mga produkong petrolyo para ligtas na makain.
Comments

Recommended