Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 3, 2025


- Iba't ibang pang-exchange gift na swak sa budget, mabibili sa Baclaran | Parañaque LGU, nakaantabay para hindi humambalang sa sidewalk ang mga nagtitinda


- Ombudsman: 12 DPWH-MIMAROPA officials, pinatawan ng 6 na buwang preventive suspension


- Ilang dokumento kaugnay sa bidding at flood control projects, nakuha sa condo unit ni Zaldy Co; pag-aaralan ng NBI para sa posibleng pagsasampa ng kaso | 9 na dating opisyal ng DPWH-MIMAROPA, naghain ng not guilty plea sa kasong malversation of public funds | Laguna 4th Dist. Rep. Agarao, tinawag na kalapastanganan ang pagdawit sa kaniya ng mga Discaya sa flood control issue | P4.4B halaga ng flood control projects sa Davao City, pinaiimbestigahan sa ICI ni Rep. Antonio Tinio | P946M central command center project na hindi raw magamit ng LTO, pinaiimbestigahan ng ahensiya sa ICI


- Malacañang: First family, handang magpa-lifestyle check | Ulat ng PCIJ: Distrito ni Rep. Sandro Marcos ang may pinakamalaking natanggap na "allocable funds" o pondong ibinibigay ng DPWH sa mga congressional districts | COA: P14M ang hindi pa nakokolektang gastos para sa foreign trips ng mga ahensiya; Malacañang: inabonohan ito ng Office of the President | Usec. Castro: May mga prosesong administratibo at auditing na kailangang sundin kaya naantala ang pagbabayad ng mga ahensiya


- Kapuso shows at personalities, kinilala sa Anak TV Seal Awards 2025


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Mga kapuso, nagsisimula na ang Kabi Kabilang Christmas Parties.
00:16May pang-exchange gift na ba kayo?
00:18Nag-igot sa Baclaran si Bam Alegre para sa mga gift ideas.
00:22Bam, ano-ano ba yan?
00:27Suzanne, good morning. Baclaran Day muna.
00:29First Wednesday ng Desyembre, kaya marami yung pumupunta rito sa Baclaran Church
00:33dito sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Health.
00:37Pagkatapos ng Misa, tara rito sa Baclaran Market kung saan maraming tipid hacks
00:41para sa nalalapit ninyong Monito at Monita.
00:47Kadalasan may tema, ang exchange gift.
00:49Dito sa Baclaran Market, di kang masisiro sa gift ideas na pasok sa budget.
00:54Something shiny ba ang hanap mo?
00:55Bakit hindi subukan ng makikinang na sandals na ito na 400 hanggang 500 pesos ang pares?
01:01Something round. Pwede ang mga bola na ito.
01:033 for 100 sa maliliit na bolang laruan at 400 to 500 pesos sa basketball.
01:09Something hard. Marami rito ang assorted na mga laruan.
01:12May koche-kochehan, may action figures pa.
01:15Maghanda ng 100 to 500 pesos na pambayad.
01:17May budget choices naman ng mga laruan na 2 for 130 pesos.
01:20Something colorful, something pink. Maghanda ng 200 to 500 pesos para sa mga manyika at dollhouse.
01:27Something short, why not short shorts?
01:29May 4 for 180 pesos. Galingan mo na lang mamili.
01:322 for 180 pesos naman para sa basketball shorts.
01:35Something long, ito usurao rito. Baggy pants.
01:37250 hanggang 300 pesos ang isa.
01:40Ito sir, yung mga baggy pants po namin.
01:44May pambata po. Ito, mga ganito.
01:46Pang small size naman.
01:48Sir, tumabenta nga ito. Patukoy sa amin.
01:50At saka yung mga maong na pants.
01:52Sa mga baguets?
01:53Mga baguets. Mga teenager mostly po.
01:54Mga teenager po.
01:56Saan nga yun sir, matumal pa. Hindi pa ano. Matumal pa.
01:58Pero by December siguro mga bagong magsimbang gabi.
02:02Pero kahit pa paano naman, mabenta naman. Makakaraos din.
02:10Para hindi makaabala sa dalin ng trapiko sa lugar, nakaantabay ang lokal na pamahalaan
02:13para tiyakin na hindi sasapa o sasayduok ang mga nagtitinda rito.
02:17Dapat po 6 a.m. mula na sila. Nakaligpit na.
02:21Tapos may task force po tayong mag-maintain doon na pagbabawalan sila na bawal sa kalsada.
02:28Pero sa gilid pa rin lang?
02:29Pwede po sa pader po. Tapos mga gilid. Bawal po sila lumagpat sa ano.
02:34Tapos pag alas 5 paano po rin?
02:35Sa alas 5 ng hapon naman. Pwede naman po. Pero hindi po rin sila pwedeng humarang na mga daanan ng sasakyan.
02:42Lalo pag Wednesday.
02:43Salamat po.
02:48Suzanne, schedule ng misa. Ongoing ngayon yung novena at merong nakatakdang misa ng 7.45 a.m.
02:54At meron din ng 10.45 a.m.
02:57Ito ang unang balita mula rito sa Baclaran Church, Bama Legre, para sa GMA Integrated News.
03:02Pinatawa ng preventive suspension ng ombudsman ang labindalawang opisyal ng Department of Public Works and Highways, Mimaropa,
03:18na isinasangkot sa questionabling road dike project sa Oriental Mindoro.
03:22Ayon sa Office of the Ombudsman, nagsimula ang suspension noong October 23 dahil sa mga sinampang administrative at criminal case sa mga nasabing opisyal.
03:31Epektibo ito ng 6 na buwan.
03:32Ang mga sinuspindi ay sina Gerald Pakanan, Jean Altea, Roben Santos Jr., Dominic Serrano, Felizardo Casuno, at Timohen Sakhar.
03:43Pati sina Montrexis Tamayo, Juliet Calvo, Dennis Abagon, Ler Makaiko, Grace Lopez, at Friedrich Carl Camero.
03:53Malibang kay na Lopez at Camero, naharap ang sampu sa kasong graph at malversation of public funds dahil sa nasabing proyekto.
04:00Sisikapin namin kunan ang pahayag ang mga pinatawan ng suspensyon ng ombudsman.
04:09Pinahimbisigan din sa ICI ang mahigit 80 flood control projects sa Davao City,
04:15pati ang command center project na hindi raw mapakinabangan ng Land Transportation Office.
04:21Sa visa naman ng inspection order, may mga natagpuan dokumento tungkol sa flood control projects sa condo unit ni Saldico.
04:28May unang balita si Joseph Morong.
04:35Sa visa ng inspection order mula sa Makati Regional Trial Court,
04:39pinasok ng mga tauhan ng NBI at Philippine Competition Commission ng condo unit ni dating Congressman Saldico.
04:46Pakay ng NBI na makakuha ng mga ebidensya na magpapatunay sa umunay lutong bidding kaugnay sa flood control projects.
04:54Ayon sa source ng GMA Integrated News, may nakuhang mga dokumento na may kaugnayan sa bidding at flood control projects.
05:01Ayon sa NBI, pag-aaralan kung paano magagamit ang mga na-recover sa unit ni Co para sa case build-up.
05:07Sa Sandigan Bayan 6th Division, not guilty plea, ang inihain ng siyam na dating opisyal ng DPWH Mimaropa,
05:14na kapwa-akusado ni Co sa kasong malversation of public funds.
05:18Kaugnay sa 289 million peso flood control project sa Nauan Oriental, Mindoro.
05:23Kahit non-bailable ang kaso, maghahain ang ilang abogado ng mga akusado ng petition for bail.
05:29Anila mahina ang ebidensya, pero giit ng prosekusyon matibay ang hawak nilang ebidensya at tututulan nila ang petisyon.
05:37Sa Independent Commission for Infrastructure o ICI, nagsimula na ang live streaming ng mga pagdinig.
05:43Unang humarap si Laguna 4th District Representative Benjamin Agaraw Jr.
05:47na idinawit ng mag-asawang Pasifiko at Sara Descaya sa panghihingi umuno ng komisyon o kickback.
05:52Hindi raw kilala ni Agaraw ang mag-asawa at itinanggihing umuno ipag-advance sa kanya ng 9 million pesos
05:58sa pamamagitan ng isang Alvin Mariano.
06:01Kinumpirma ni Agaraw na isang kontraktor si Mariano.
06:04Ano ko kaya ang motibo naman ng mga diskaya? Why are they implicating you?
06:10Hindi ko po alam kung ano po ang motibo ng mag-asawang diskaya.
06:15Wala po akong masabi kasi nga po, hindi po ako nakaupo doon sa sinasabi nilang panahon.
06:22Natural lang po, sa sarili ko po, ayaw ko pong palampasin ang kalapastanga ng ginawa ni diskaya sa aking pagkataon.
06:30Ngayong buong linggo, tuloy-tuloy ang gagawin pagla-livestream ng ICI sa pagtestigo
06:34ng mga kongresista katulad na lamang ni House Majority Leader at Presidential San Congressman Sandro Marcos.
06:41Ipinapatawag din ng ICI si Davao First District Representative Paulo Duterte.
06:45Pinayimbestigahan naman ni Act T-Share's Party District Representative Antonio Tino sa ICI
06:50ang listahan ng 80 proyekto sa distrito ni Duterte na nagkakahalaga ng 4.4 billion pesos mula 2016 hanggang 2022.
07:00Along the Davao and Matina Rivers.
07:03Doon sa 80, mahigit kumulang kalahati ay mga congressional insertions.
07:09Ibig sabihin wala sanep pero naipasok sa GAA.
07:13Hindi lamang mga flood control project ang mandato ng ICI na imbesligahan.
07:18Naghahain ang Land Transportation Office ng bulto-bultong dokumento
07:22kaugnay sa Central Command Center o C3 project na nagkakahalaga ng 946 million pesos
07:28pero ayon sa ahensya ay hindi nagkagamit.
07:31May mga dapat na kameras na dapat ilagay all over the Philippines.
07:36Wala po yung nangyaring yan.
07:38At saka hindi po siya, sa totoo lang, hindi po siya gumagana.
07:41Saka overpriced, may overpayment pa po ito na 26 million.
07:46Isa lamang yan sa tatlong proyekto ng SunWest sa LTO na pinunan ng Commission on Audit sa 2024 Annual Audit Report nito.
07:53Halos 2 bilyong piso ang halaga ng mga kontrata sa LTO ng SunWest.
07:58Kasosyo o ka-joint venture ng SunWest ang tatlong iba pang kumpanya para sa C3 project contract
08:03na pinasok ni lahat ng LTO noong 2020.
08:07Batay sa Audit Report, sagot noon ng LTO sa COA,
08:10ibinigay ng supplier ang lahat ng requirement at wala ang manong overpayment sa proyekto.
08:15Sa press conference, sinabi rin ng LTO na may inimbestigan pa sila ang mga proyekto.
08:19Yun pong dalawa na tinatapos ko, which is yung infrastructure na dalawang building,
08:25three-story each at 500 million, almost 1 billion yung dalawa.
08:30Overpriced po yun, 1,200 square meter floor area at 499,500,000 ang halaga.
08:40Roughly 400,000 per square meter, rough estimate.
08:44So kitang-kita po.
08:45Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
08:51Handa-araw sumalang sa Lifetime Check ang Pamilya Marcos.
08:54Kasunod yan ng ulat na ang distrito raw ni Presidential Sun at House Majority Floor Leader Sandro Marcos sa Ilocos Norte
09:02ang nakatanggap ng pinakamalaking allocable funds o tinatawag na bagong port barrel.
09:09May unang balita ang kasama natin si Maris Umali.
09:15Sa gitna ng mga aligasyong maging sila ay sangkot sa korupsyon.
09:20Handa raw kumasa sa Lifestyle Check si na Presidential Sun at House Majority Floor Leader Sandro Marcos
09:25at ang buong first family.
09:27Nandiyan na po yan. Wala mong pinagbabawa sa Lifestyle Check.
09:30Kahit sino po.
09:32Open po na.
09:33Open po. Even before.
09:35Sagot ito ng palasyo sa lumabas na ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ
09:41na napunta sa distrito ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos
09:45ang pinakamalaking parte ng tinatawag na allocable funds.
09:48Ang allocable funds ay pondong ibinibigay ng DPWH sa mga congressional districts
09:54at sa ulat, tinawag itong bagong anyo ng pork barrel.
09:58Batay sa PCIJ report, aabot sa humigit kumulang 15.8 billion pesos daw
10:04ang natanggap ng distrito ng Majority Leader mula 2023 hanggang 2025
10:08habang ang ibang kongresista na sa 1 hanggang 10 billion pesos lamang ang nakuha.
10:14Meron pang ilan na walang nakuha.
10:16Mas malaki rin umano ang natanggap ng distrito ng Majority Leader
10:19kumpara sa ilang distrito mas malaki ang populasyon.
10:22Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro
10:26na basa na rao ni Pangulong Bombong Marcos ang lumabas na ulat.
10:29Alam naman po ng Pangulo na alam ni Congressman Sandro Marcos
10:33ang kanyang ginagawa at alam niya po kung paano ito sasagutin.
10:38But as of now, I cannot speak for in behalf of Congressman Sandro Marcos.
10:44At sabi naman po niya, siya po ang nagvoluntaryo.
10:48Kung ano man po ang issue sa kanya, siya mismo ang pupunta sa ICI
10:51para maimbestigan po siya.
10:53Bigyan lamang po siya ng date para po magkaroon ng tamang schedule.
10:58Hinihinga namin ang pahayag si Representative Marcos
11:00ugnay ng ulat ng PCIJ.
11:03Sinagot din ni Undersecretary Castro
11:05ang issue ng pag-flag ng Commission on Audit
11:07sa 14 million pesos na hindi pa raw nakokolektang gastos
11:11para sa foreign trips ng iba't ibang ahensya.
11:14Paglilinaw ng palasyo, inabunohan muna ng Office of the President
11:17ang mga gastusin sa biyahe.
11:19Kaya ang mga ahensya pangaraw ang may obligasyon na mag-remit sa kanila.
11:24Ayon sa report ng COA, hanggang December 31, 2024,
11:28may 14,403,827 pesos and 63 centavos na overdue receivables
11:34mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan
11:37na ginasos muna ng OP para sa airfare at hotel accommodation
11:40ng mga opisyan na bumiyahe sa abroad.
11:43Ipinunto rin ang COA na malaking bahagi ng mga ito
11:46ay may isa hanggang dalawang taon nang di na babayaran
11:49ng tanungin kung bakit naantala ang bayad ng mga ahensya
11:52sinabi ni Castro na may mga prosesong administratibo at auditing
11:56na kailangan sundin.
11:57Collection letters were already issued in April and May 2025.
12:03Of the said amount, 7,887,555.64 or 55% were already collected to date.
12:13The OP consistently monitors the outstanding bills
12:16through monthly aging report and sending of collection demand letters.
12:20Ito ang unang balita.
12:22Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
12:24Muli'ng kinilala ang Kapuso Show
12:29sa personality sa Anak TV Seal Awards 2025.
12:33Kasama po ang inyong lingkod.
12:34Kaya maraming salamat, Anak TV.
12:36At ito po ang inyong pambansang morning show.
12:38Unang hirit, syempre, wag hirin po tayo.
12:41Yan ang unang balita ni Bernadette Reyes.
12:43Congrats to us!
12:43Thank you, Anak TV!
12:46Pinili ng libu-libong magulang at professionals
12:49bilang child-friendly and child-sensitive shows
12:52ang mahigit dalawang pong programa ng GMA
12:54at isa ang unang hirit sa mga binigyan ng Anak TV Seal Award.
12:59Ginawaran din ang Anak TV Seal ang 24 oras
13:02at 24 oras weekend.
13:04In the age of misinformation and disinformation,
13:07it is all the more incumbent upon media
13:09to create content that is truthful,
13:13factual, relevant, and right.
13:15Asahan po ninyo na amin po yung ipagpapatuloy hanggang sa hinaharap.
13:20Maraming salamat po muli sa Anak TV.
13:23Gayun din ang kapuso mo Jessica Soho
13:25at mga programa mula sa GMA Public Affairs Group,
13:28mga programa mula sa GMA Entertainment Group,
13:32at tatlong programa ng GMA Regional TV and Synergy.
13:35Sa GTV, limang programa ang ginawara ng pagkilala.
13:39Dinomi na rin ang kapuso shows sa pangunguna ng 24 oras
13:43at kapuso mo Jessica Soho ang top 10 favorite programs.
13:47Sa unang pagkakataon din,
13:49iginawad ang Anak TV Seal Online 2025.
13:52Panalo riyan ang mga programa ng GMA International
13:55na Pinoy at Sea,
13:57Hanap ng Pusong Global Pinoy at Global Unlimited.
14:01Pinarangala naman bilang Hall of Famer si Alden Richards
14:04na isa ring net makabata star awardee.
14:07Ang parangal na ito ay ginagawad sa online influencers,
14:10digital creators at artists na ginagamit ang kanilang platforms
14:15para makapang-inspire,
14:17mag-educate at makapagpakalat ng kindness sa digital space.
14:21This is another reminder for me to keep on pursuing,
14:25keep on giving inspiration to a lot of people,
14:29especially the kids who is watching
14:32and looking at us from afar with the things that we do.
14:37Kapwa awardee ni Alden si na ex-PBB Celebrity Collab Housemates
14:41Will Ashley at Mika Salamangka.
14:44Gayun din si Caprice Cayetano
14:46ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
14:49Anak TV Makabata Star Television Awardee naman
14:52si na David Licauco, Barbie Forteza, Gabby Garcia,
14:56Shaira Diaz, Marco Masa at Chris Chu.
14:58Ito lamang ay sumisimbolo na may ginagawa kaming mabuti
15:02para sa ating mga kabataan.
15:04For us to be chosen, it really means a lot
15:06and it's like I always say, it's an inspiration for us
15:10and a motivation to continue to do better.
15:13You play a very important role in influencing
15:16the growth and the future development of mga bata.
15:20Pag may anak TV seal nakalagay o nakadikit sa programa,
15:25ibig sabihin, hindi dapat matakot,
15:27hindi dapat mabahala ang mga magulang o yung mga guardian
15:31kasi hinimay-himay na yan ng taong bayan.
15:35Ito ang unang balita, Bernadette Reyes,
15:37para sa GMA Integrated News.
15:50Ito ang unang balita, Bernadette Reyes,
Be the first to comment
Add your comment

Recommended