- 5 months ago
- Matinding flash flood at mudflow, naranasan sa Brgy. Masarawag
- Office of Civil Defense: Blue alert status, nananatili bilang paghahanda sa epekto ng LPA
- PBBM: kailangan labanan ang katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan sa ating lipunan | DPWH Sec. Bonoan, bumisita sa rock shed project sa Kennon Road; Isusumite raw agad kay PBBM ang resulta ng imbestigasyon sa proyekto | DPWH Sec. Bonoan: Mga sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan, posibleng isailalim sa preventive suspension
- DND: Paglapit ng China sa BRP Sierra Madre, posibleng may kinalaman sa military exercise ng Pilipinas at Australia sa Palawan
- PBBM, nanguna sa pagbubukas ng Worldskills ASEAN Manila 2025
- Rep. Abante: "Dapat lahat, at hindi sa piling lugar lang, imbestigahan ang flood control projects sa Maynila"
- Ilang balik-trabaho matapos ang long weekend, nahirapan sa pag-commute
- Malalaking tipak ng bato, humambalang sa bahagi ng Barlig-Natonin National Road | Flash flood, nanalasa sa ilang bahagi ng La Trinidad; ilang taniman, nalubog sa baha
- Mahigit 60 kalbo, nagtagisan ng galing sa "Bald-off" competition
- 2 subdivision sa Brgy. Tumaga, binaha matapos bumigay ang isang pader kasunod ng pag-apaw ng ilog; Mahigit 300 bahay, apektado | Ilang kalsada, binaha dahil sa walang tigil na ulan; mga motorista, nahirapan sa biyahe | 3,861 na pamilya, apektado ng malawakang baha matapos umapaw ang ilang ilog na konektado sa Rio Grande de Mindanao
- Dept. of Agriculture, pinag-aaralan ang ilang hakbang para mapababa ang presyo ng bawang | Rekomendasyon ng davao consumer movement, palakasin ang local production ng bawang sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka
- Pinoy hotel workers, kailangan sa Croatia; Government-to-goverment recruitment, target ng DMW | Trabaho sa Japan, Norway, Lithuania, Saudi Arabia, at Ireland, inalok sa mega job fair sa Maynila | driver, welders, at farmers, Kailangan sa Japan; language skills institute ng TESDA, tutulong sa mga gustong magtrabaho abroad | DMW: huwag mag-apply sa mga trabahong inaalok sa social media; suriin kung aprubado at lisensiyado ang recruitment agencies
- GMA Network, Best TV station sa 37th PMPC Star Awards for Television
- Kristoffer Martin, sugatan matapos mabangga ng motorsiklo habang nagbibisikleta siya sa Marcos Highway
- Pirena, nabawi na ang brilyante ng apoy mula kay Olgana | Terra, malapit na bang madiskubre ng mga tao na siya ang superhero?
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Office of Civil Defense: Blue alert status, nananatili bilang paghahanda sa epekto ng LPA
- PBBM: kailangan labanan ang katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan sa ating lipunan | DPWH Sec. Bonoan, bumisita sa rock shed project sa Kennon Road; Isusumite raw agad kay PBBM ang resulta ng imbestigasyon sa proyekto | DPWH Sec. Bonoan: Mga sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan, posibleng isailalim sa preventive suspension
- DND: Paglapit ng China sa BRP Sierra Madre, posibleng may kinalaman sa military exercise ng Pilipinas at Australia sa Palawan
- PBBM, nanguna sa pagbubukas ng Worldskills ASEAN Manila 2025
- Rep. Abante: "Dapat lahat, at hindi sa piling lugar lang, imbestigahan ang flood control projects sa Maynila"
- Ilang balik-trabaho matapos ang long weekend, nahirapan sa pag-commute
- Malalaking tipak ng bato, humambalang sa bahagi ng Barlig-Natonin National Road | Flash flood, nanalasa sa ilang bahagi ng La Trinidad; ilang taniman, nalubog sa baha
- Mahigit 60 kalbo, nagtagisan ng galing sa "Bald-off" competition
- 2 subdivision sa Brgy. Tumaga, binaha matapos bumigay ang isang pader kasunod ng pag-apaw ng ilog; Mahigit 300 bahay, apektado | Ilang kalsada, binaha dahil sa walang tigil na ulan; mga motorista, nahirapan sa biyahe | 3,861 na pamilya, apektado ng malawakang baha matapos umapaw ang ilang ilog na konektado sa Rio Grande de Mindanao
- Dept. of Agriculture, pinag-aaralan ang ilang hakbang para mapababa ang presyo ng bawang | Rekomendasyon ng davao consumer movement, palakasin ang local production ng bawang sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka
- Pinoy hotel workers, kailangan sa Croatia; Government-to-goverment recruitment, target ng DMW | Trabaho sa Japan, Norway, Lithuania, Saudi Arabia, at Ireland, inalok sa mega job fair sa Maynila | driver, welders, at farmers, Kailangan sa Japan; language skills institute ng TESDA, tutulong sa mga gustong magtrabaho abroad | DMW: huwag mag-apply sa mga trabahong inaalok sa social media; suriin kung aprubado at lisensiyado ang recruitment agencies
- GMA Network, Best TV station sa 37th PMPC Star Awards for Television
- Kristoffer Martin, sugatan matapos mabangga ng motorsiklo habang nagbibisikleta siya sa Marcos Highway
- Pirena, nabawi na ang brilyante ng apoy mula kay Olgana | Terra, malapit na bang madiskubre ng mga tao na siya ang superhero?
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00Music
00:00Patinding flash flood ang naranasan sa isang barangay sa Ginobatan, Albay, kasunod na pagulang dulot ng low pressure area.
00:20Rumagasa ang baha na may kasamang putik at debris mula sa bulkang Mayon, sa kalsadang yan sa barangay Masarawag.
00:27Dahil dyan, hindi madaanan na mga sakyan ang lugar at ilang residente na rin ang stranded sa kanilang mga bahay.
00:35Ay sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, walang naiulat na nasaktan o nasawi sa pagbaha at mudflow.
00:43Patuli ang monitoring sa mga barangay na apektado ng baha.
00:50Nananatiling na sa blue alert status ang pamahalaan bilang paghahanda sa epekto ng low pressure area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:58Nang-standby ang relief goods at rescue teams para sa mga maapektuhan ng masamang panahon ayon kay Office of Civil Defense spokesperson Junie Castillo.
01:06Nakipahugnayan na rin sila sa regional offices, local government units at iba pang ahensya.
01:11Itong mga nakarang araw lang, nasa mahigit labing isang libong pamilya ang naapektuhan ng ulang dulot ng haing habagat at bagyong isang.
01:21Ipinagutos si Pangulong Bongbong Marcos sa dapat may permit mula sa lokal na pamahalaan ng bawat infrastructure project ng gobyerno.
01:29Nangakunod siyang pananagutin ang mga sangkot sa mga anomalya at katiwalian.
01:33Narito ang aking unang balita.
01:34Ang iila na pinipili ang sariling interes kaysa kapakanan ng bayan, ang pinatamaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:44Hindi lang pagpapalakas ng ating depensa ang kailangan natin tutukan upang maaalagaan ang ating kalayaan.
01:51Kailangan din natin labanan ang banta ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan ng ating lipunan.
01:59Panahon na raw para gabayan ng kabataan, para maging mas mapanuri at pangako ng Pangulo, mananagot ang sangkot sa anomalya at katiwalian.
02:08Ilalabas natin ang buo at pawang katotohanan at titiyakin natin hindi na mauulit ang kawalan ng respeto at malasakit sa taong bayan.
02:20Nito mga nakaralinggo, ang inspeksyon ng Pangulong Anyipal Pak na flood control project sa Bulacan at rock netting at rock shed sa Kennan Road sa Benguet.
02:28Isa sa pinunan ng Pangulo, hindi umanotin trabaho ng DPWH ang slope protection at protection wall sa pundasyon ng rock shed.
02:35Wala silang tinayo, wala silang linagay na wall, wala silang linagay na riprap, wala silang linagay na slope protection.
02:42Kaya ang valor ng kanyang trabaho is zero, complete zero.
02:49This is 260 million project. Useless. Parang tinapon mo yung pera sa ilog. Useless.
02:59How can you tell me that it's not economic sabotage?
03:02Pinuntahan din ni DPWH Sekretary Manuel Bonoan ang proyektong sinita ng Pangulo sa Benguet.
03:07Ayon sa DPWH, isusumiti nila agad sa Pangulo ang resulta ng imbisigasyon.
03:12Kaugnay naman sa flood control project sa Bulacan, nauna nang nilagay sa floating status sa nadating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
03:20OIC District Engineer Bryce Erickson Hernandez, at wala pang miyembro ng 1st District Engineering Office ng Lalawigan.
03:27Inihintay pa raw ni Bonoan ang paliwanag ng mga sangkot, pero nakaumang na raw ang posibilidad ng preventive suspension laban sa kanila.
03:35Because of the risk on yung perceived anomalous implementation of projects, yung sinasabi natin, ghost project, yan ang pinakagarapal na sigurong gagawin mo yan.
03:45We're validating it, and I think in a few days, siguro, makadapat hindi lang floating status yan.
03:51I have to nag-issue na po ako ng show cause order sa kanila lahat, yung mga involved dyan.
03:57And in a few days, pagka hindi satisfactory yung ano nila, then I'll have to issue again yung preventive suspension to nila.
04:04Without prejudice, of course, to finding additional cases po kung parang din.
04:09Tinatayang nasa apataraang proyekto mula 2022 hanggang 2025 ang bineveripika ng DPWH,
04:16kabilang ilang proyekto mula sa nakarang administrasyon.
04:19Kasunod ng pag-areso kay Batangas 1st District Engineer Abilardo Calalo,
04:23babala ni Bonoan sa iba pang district engineer.
04:25This is already a warning to everybody.
04:28Kailangan po lahat ng tagpapatubad ng mga projects.
04:33At the president is calling the dawayan ng gusto yung mga proyekto at dapat iwasan yung mga corruption.
04:41Hindi lang daw hanggang district engineer ay pasususpindi o kakasuhan.
04:45Sakaling may matibay na ebidensya, wala raw sasantuhin.
04:49Kahit mataas opisya ng local o national government.
04:51Ito ang unang balita. Ivan Merina para sa GMA Integrated News.
04:56Posibleng may kinalaman daw sa military exercise sa Pilipinas at Australia
05:00kung bakit lumapit ang mga speedboat at rubberboat ng China sa BRP Sierra Madre
05:05sa Ayungin Show noong nakaraang linggo.
05:08Ayun po yan sa Department of National Defense.
05:11Sabi ni Defense Secretary Gilberto Chedoro Jr.
05:13na monitor nila ang mas malaking prosesya ng China sa lugar
05:16na maaaring dahil sa nasabing joint exercise.
05:20Hanggang kahapon, labing walong barko pa ng China ang nanatili sa Ayungin Show.
05:25Kakanda naman daw ang Philippine Navy at Armed Forces of the Philippines
05:28ang posibleng susunod na hakbang ng China.
05:31Tinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbubukasang World Skills ASEAN Manila 2025 sa Pasay.
05:45Sa kanyang talumpati, binigyan diin ang Pangulo ang kahalagahan ng skills sa iba't ibang larangan.
05:49Ipinagmalaki rin ang Pangulo na ang ikalabing apat na indisyon ng kompetisyon
05:54ay ang pinakamalaki sa kasaysayan.
05:57May 257 na kalahok mula sa 32 skill areas sa 6 na pangunahing sektor.
06:03Tabi lang diyan ang IT Software Solutions for Business at Web Technology,
06:08Cabinet Making, Fashion Technology, Electronics, Bakery at Automobile Technology.
06:13Ngayong araw, magsisimula ang kompetisyon na magtatagal hanggang August 30 sa World Trade Center.
06:21Skills are the new global currency.
06:24They are the foundation of innovation and the engine of industry.
06:29For our participants, the rewards go far beyond gold, silver, or bronze.
06:35Here, you show that you can thrive under pressure
06:38where challenges spark creativity, build confidence.
06:42And these are the qualities that will serve you long after this competition will end.
06:47Imbisigahan na lahat ng flood control projects sa Maynila
06:51ayong kemanila 6th District Representative, Bienvenido Abante Jr.
06:55Sagot niya yan, kasunod ng panawagan ni Manila Mayor Isco Moreno
06:58na imbisigahan ng mga flood control projects sa 2nd, 3rd, at 6th District na Lusod.
07:04Hindi raw solusyon ng pagtukoy sa ilang distrito o lugar
07:07dahil konektado ang mga dalawin ng tubig at drainage system sa Lusod.
07:11Kung nais daw talaga nilang maintindihan ang ugat ng problema,
07:14dapat daw maging seryoso sa paghanap na solusyon at hindi lang saan niya sa pamumulitika.
07:22Back to work na. Maraming matapos ang long holiday weekend.
07:25Kumustahin natin ang biyahe at pagkakomute?
07:28Live mula sa Quezon City, mayroon ang balita si James Agustin.
07:32James, good morning.
07:33Maris, good morning.
07:37Unti-unti na dumarami yung mga pasayero na naghihintay na masasakyan sa bahaging ito
07:41ng Commonwealth Avenue sa Felcoa sa Quezon City ngayong umaga.
07:45Pasado alas 5 pangalan ng umaga kanina, Maris,
07:48ay marami ng mga pasayero na nahihirapan sa pagsakay.
07:51May ilang pampublikong sasakyan kasi gaya ng mga ordinary bus at modern jeep na puno ana.
07:56No choice ang iba kung hindi tumayo na lang.
07:58Dahil back to work na ang karamihan matapos ang holiday,
08:01ay inagahan nila ang pagbiyahe.
08:03Marami rin may dalampayong binang paghahanda sa posibleng pagulan na mararanasan ngayong araw.
08:12Pinapatila po namin muna kaya lang pagkani na talaga kailangan umuwi.
08:18Kailangan pilitin.
08:20Nag-aantay na lang po yung may pwedeng masakyan kahit ito.
08:23Paano pa maulan?
08:25Payong.
08:26Payong na lang po.
08:31Samantala, Maris, ito po ngayon yung sitwasyon dito sa bahagi ng Filcoa.
08:37Marami-arami na yung mga pasayero.
08:39Ang obserbasyon natin, may iba dyan na nahihirapan talaga makasakay dahil punuan yung mga sasakyan
08:44at matagal na naghihinta.
08:45Yung iba naman, agad na nakakasakay depende doon sa dumaraan na PUV
08:49dahil may mga air-conditioned buses naman dito na hindi pa naman tayuan.
08:52Silipin naman po natin yung lagay ng trafico dito sa westbound lane ng Commonwealth Avenue,
08:57mga sasakyan na galing sa area ng Fairview at Tandangsora na patungo sa Elliptical Road.
09:02Unti-unti na rin dumarami yung mga sasakyan pero may mga taga-MMDA naman na nagmamando sa bahaging ito ng Filcoa.
09:08Doon naman sa eastbound lane na patungo sa area ng Fairview ay maluwag ang traffic situation ngayong umaga.
09:15Yan ang unang balita mula rito sa Quezon City.
09:17Ako po si James Agustin para sa Jemmy Integrated News.
09:20Bumagsak ang malalaking tipak ng bato sa Natonin Mountain Province.
09:31Pumambalang ang mga nahulog na bato sa Barlig-Natonin National Road.
09:36Isinara muna sa mga motorista ang bahagi ng kalsada.
09:39Ayon sa lokal na pamahalaan, posibleng matagalan ang clearing operation sa lugar.
09:44Grabing baha naman ito!
09:46Rumaragas ang baha naman ang naranasan sa ilang bahagi ng La Trinidad, Benguet.
09:52Sa bilis ng pagtaas ng tubig, nagmadali ang ilang residente sa paglalagay ng sandbag sa paligid na isang tindahan.
09:59Nalubog na sa bahang ilang kalsada at bahay.
10:02Nasalanta rin ang ilang tanima ng strawberry, lechugas at repolyo.
10:06Bagong tanim pa naman ang mga ito naaanihin sana sa Desyembre.
10:13No hair? Don't care!
10:15Yan ang tema ng isang kompetisyon sa Illinois, USA.
10:19Mahigit-anim na pong kalbo ang lumahok sa pinakaunang bald-off contest.
10:24May mga natural na kalbo at mayroon ding gumamit na lang ng bald caps.
10:29Ang goal nila tanghaling the baddest, Baldi.
10:33First runner-up ang kalbong nagpaandar sa kanyang hour of performance.
10:37Ang nagwaging baddest, Baldi, si Tom na nag-coastlay bilang kalbong karakter na isang cleaning product.
10:45Ang natanggap nila mga premyo, kalbo-themed na merchandise.
10:48Pinaha ang ilang bahagi ng Mindanao kasi ng pagulang dulot ng habagat.
10:57Inasok ng tubig ang bahay na yan sa isang subdivision sa barangay Tumaga sa Mwanga City.
11:03Abot baywang ang baha.
11:05Napaiyak na lang ang mi-ari dahil wala silang naisalbang gamit.
11:09Bagit tatundaang bahay rin na nalubog sa bahay sa Ayudahan Urban Pool Subdivision sa parehong barangay.
11:16Gamit ang mga bangka, inilikas ang mga otoridad ang mga stranded na residente.
11:20Ayos sa Sambuanga City's Disaster Risk Reduction Management Office,
11:24bumigay kasi ang isang pader.
11:26Pataos umapaw ang kalapit na ilog kaya bumaha sa lugar.
11:30Bumaha rin sa ilang kalsada sa Cotabato City dahil sa halos walang tigil na ulan.
11:35Pahirapan tuloy ang pagdaan ng mga sasakyan.
11:37Sa buluan mag-indanao del Sur, halos 4,000 pamilya mula sa 5 bahay o 5 barangay
11:43ang apektado ng malawakang baha.
11:45Umapaw kasi ang ilang ilog na konektado sa Rio Grande de Mindanao.
11:52Iniimbisigahan ang Department of Agriculture ang umunay profiteering o pananamantala sa presyohan ng bawang.
11:58Pinag-aaralan din ang ilang paraan para mapababa ang presyo nito.
12:01Live mula sa Davao City, Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
12:05Jandy!
12:06Yes, Susan, ayon sa isang consumer group, kailangan umanong palakasin ang local production ng bansa
12:16para mabawasan ang pagdepende natin sa importasyon ng bawang.
12:20Kasi mas mapapababa raw nito ang presyo.
12:23Dito sa Metro Circle sa Bangkerohan sa Davao City, kadalas ang bumibili ang mga mamimili ng gulay at spices
12:33dahil mura ang bentahan.
12:36Isa sa mga mabenta ang bawang.
12:38Ayon kay Secretary Laurel, nakita nilang may profiteering sa industriya ng bawang.
13:01Pwede natin sabihin baka may cartel.
13:04We just started getting more people to import garlic dahil wala naman tayong garlic industry.
13:11Parang nalimit kasi sa ilan players yung garlic eh for so long.
13:15Ang gagawin nila kung may bagong player papasok,
13:19mabagsak na nga presyo para malugi yung bago.
13:22Bago sila makapag, ano, so we're addressing that.
13:25Okay, Ramah Pod. Kung babaon na sa buwan, ang capital pod na mo.
13:31Eh, sa amin naman dipindi. Pag may kinikita kami, kung saan namin binibili, pwede pahayag kami doon.
13:39Basta yung kinukunan nyo, mas mababa.
13:41Halimbawa, makuha namin mga 90. Di pwede namin ibinta ng 100.
13:46Sa ipinadalang pahayag sa GMA Regional TV, sinabi ng Davao Consumer Movement na welcome development sa kanila
13:52ang hakbang na ito ng DA.
13:54Pero sana raw ay mas palakasin pa ang local production ng bawang
13:58sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka
14:01at pag-aaral sa pagpapalago ng garlic production.
14:05Mapapababa raw kasi nito ang importation na reresulta sa mas mababang presyo nito.
14:11Ayon naman kay DA Region 11 Public Relations Officer Salso Vergara,
14:15mahirap magpatubo ng bawang sa Davao Region at kahit sa buong Mindanao
14:19dahil hindi angkop ang klima.
14:21Pinag-aaralan na raw nila kung anong variety ng bawang ang magandang itanim.
14:26Karamihan sa local production ng bansa, nasa Ilocos Region.
14:33Susan, sa ngayon ay patuloy ang pag-aaral ng DA sa paglalagay ng maximum suggested retail price sa bawang.
14:41Susan.
14:41Maraming salamat, Jan D. Esteban ng GMA Regional TV.
14:47Libo-libong hotel workers ang kailangan sa Croatia.
14:50Government to government ang target hiring nito ayon sa Department of Migrant Workers.
14:54Ibig sabihin, walang placement fee.
14:57May unang balita si JP Soriano.
15:02Cashier sa isang hardware chain sa Pilipinas si Jessa.
15:06At masaya naman daw sa kanyang trabaho.
15:08Pero dahil lumalaki na ang kanyang mga anak, panahon na raw para maghanap ng trabaho may mas malaking sahod.
15:16So gusto ko sana maka-experience ng international.
15:20So kahit yung ano lang, yung mga sa hotel, mga housekeeper po.
15:25Ang target na trabaho ni Jessa, swak sa oportunidad na binubuo ngayon ng Department of Migrant Workers at ng bansang Croatia.
15:33Mga kailangan kasi ang Croatia ng libu-libong hotel workers gaya ng housekeepers, front desk at office staff.
15:42At ang target government to government o G2G.
15:46Wala itong placement fee at direkta sa DMW ang aplikasyon.
15:50At hindi daraan sa anumang agency.
15:53Pero dahil binubuo pa lang, paalala ng DMW.
15:56Abangan lang po yung kaukulang announcement pagpapatul sa illegal recruiter.
16:02Ang Public Employment Service Office o peso ng Maynila, kaisa ang TESDA, DOLE at DMW,
16:08pinangunahan ang mega jobs fair kabilang sa mga kumpanya at employers na lumahok,
16:13ay nakabase sa Japan, Norway, Lithuania, Saudi Arabia at Ireland.
16:18Ayon sa peso, daan-daang Pilipinong manggagawa gaya ng driver, welders at farmers o magsasaka ang kailangan ng Japan.
16:28Estimated po, converted po sa peso is around 70 to 90 thousand po.
16:33And ang maganda po dyan, sagot na po ng employer lahat, yung accommodation, pati yung food po nila.
16:39Pero kwalifikado man sa skills sa trabahong inaalok sa Japan,
16:43ang kadalasang problema ay hindi marunong ng salitang ni Hongo o Japanese ang aplikante.
16:49Dito papasok ang Language Skills Institute ng TESDA na siyang tutulong para magbigay ng language training skills.
16:57Kung trabaho naman sa Pilipinas, ang mga in-demand na trabaho ngayon.
17:01Papalapit na yung bare month.
17:03So meron po tayong mga store crew, mga sales representatives.
17:06Nandiyan din po yung mga housekeeping.
17:09So syempre yung mga hotels po kasi natin, medyo maraming ngayon ang, medyo nagbuboom sila ngayon.
17:15Maaaring tignan ang pinakamalapit na peso sa inyong lugar sa website ng peso at PhilJobNet ng Dole.
17:22Muling paalala ng DMW, huwag kakagating at huwag na huwag mag-a-apply sa mga trabahong inaalok sa social media.
17:29Pati na rin sa cross-platform instant messaging apps para hindi mabiktima ng illegal recruiters at maging biktima ng human trafficking.
17:39Kahit pa inaalok ng isang otorizadong ahensya ang mga trabaho abroad,
17:43tignan muna kung aprobado ang job orders at kung lisensyado ang recruitment agencies sa website ng DMW.
17:50Ito ang unang balita, JP Soriano, para sa GMA Integrated News.
18:00Kinilala ang ilang kapuso programs at personalities sa 37 PMPC Star Awards for Television,
18:06Best TV Station ng GMA Network,
18:08ang 25 years ninyo nang kasama sa pagbibigay ng balita, impormasyon, saya at world-class na serbisyo,
18:14ang unang hirit, huwagi bilang Best Morning Show.
18:17At ang mga hosts nito ang Best Morning Show hosts.
18:20This will even inspire us to wake up even earlier, work even harder, and serve with even greater hearts.
18:29We're just really happy po to bring you the news.
18:32And of course, kami ni Sean, more of the adventures po kami sa unang hirit.
18:36So aside from that, ayun po, we also are here to serve the fun for all of you guys.
18:4125 years na nga kami, and more sana, more to kami sana po, tuloy-tuloy po tayo magsama tawing umaga.
18:47Best Magazine Show, ang kapuso mo Jessica Soho.
18:49Best Public Service Program, ang wish ko lang.
18:52Best Lifestyle Travel Show, ang pinasarap.
18:55Sa GTV, kung saan ang host nito na si Cara David, ang Best Lifestyle Travel Show host.
19:00Best Documentary Program host, si Cara David, Sandra Aguinaldo,
19:03Javi Severino, Atom Araglio, Mav Gonzalez, at John Consulta.
19:07Best Documentary Program naman, ang The Atom Araglio Special.
19:10Best News Program, ang 24 Horas.
19:12Best Public Affairs Program, ang Kayatanong in Action, with Boy Abunda.
19:16Habang ang mga host nito, ang Best Public Affairs Program hosts.
19:20Best Game Show host, si Ding Dong Dantes, para sa Family Feud.
19:23Best New Male TV Personality, si John Clifford, ng Pepito Manaloto.
19:27At Best Comedy Show, ang Pepito Manaloto.
19:30Best Celebrity Talk Show, ang Fast Talk, with Boy Abunda.
19:33At si Boy Abunda, ang Best Celebrity Talk Show host.
19:35Best Child Performer, si UM Mikael.
19:37Best Drama Anthology, ang Magpakailanman.
19:42Best Single Performance, Bayan Actor, si Alden Richards, para sa Magpakailanman episode.
19:47Sa Puso at Isipan, The Cantillana Family Story.
19:49Best Single Performance, Bayan Actress, si Rochelle Pangalina, para sa Magpakailanman, The Abused Teacher.
19:55Best Primetime TV Series, ang Maria Clara Atibara.
19:58Best Drama Actor, si Rian Ramos, para sa Royal Blood.
20:01Best Daytime Drama Series, ang Abod Kamay na Pangarap.
20:04Best Drama Actor, si Joshua Garcia, para sa Unbreak My Heart, na collaboration project ng GMA, ABS-CBN, at View Philippines.
20:12Best Comedy Actor, si Charisse Solomon.
20:14Best Comedy Actor, si Paolo Contis.
20:17Best Miniseries, ang Walang Matingas na Pulis, ang Matinik na Misis.
20:20Best Variety Show, ang It's Showtime sa GTV.
20:24At Herman Moreno, Power Tandem Award naman, ang iginawad kina Barbie Fortesa at David Licauco o Barda.
20:34Nagtamo ng mga sugat si Sparkle star Christopher Martin matapos mabangga ng motorsiklo habang nagbibisikleta sa Marcos Highway sa Antipolo, Rizal.
20:48Sabi ni Christopher, mabagal ang takbo niya.
20:50Nag-check daw siya sandali ng kanyang sapatos nang mabangga siya ng motor.
20:54Tumilapon daw siya at natumba naman ang nakabangga sa kanyang rider.
20:58Thankful si Christopher na pareho silang buhay.
21:02Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nangmusta sa kanya.
21:05Ayon naman sa investigasyon, nag-counterflow ang motorsiklong nakabangga kay Christopher at lasing umano ang rider.
21:12Nagkaayos na raw ang dalawang panig.
21:15Get well soon, Christopher.
21:17Samantalang abisala ang Cantadix, nabawi na ni Sangre Perena.
21:21Glyza de Castro ang brilyante ng apoy.
21:23Sumakses na nga rin, finally, si Perena sa muling pagbawi ng brilyante ng apoy mula kay Organa Bianca Manalo.
21:39Sa unang attempt kasi, failed si Perena na mabawi ang brilyante.
21:43Isa rin sa mga dapat abangan ay kung paano makakatawid si Perena at terra Bianca Umali
21:48papunta sa Encantadia mula sa mundo ng mga tao.
21:52Malapit na rin kayang malaman ng mga tao na si Tera at ang superhero ay iisa.
21:59At ano nga ba ang magiging major conflict sa friendship ni Tera at Akiro, Vince Maristela.
22:05Lahat ng yan, abangan sa Encantadia Chronicle Sangre sa GMA Prime pagkatapos ng 24 Horas.
22:10Nananatiling malaking usapin sa bansa ang national budget.
22:16Kung ang mga ordinaryong mamamayanan tatanungin, ano-ano kaya ang mga dapat paglaanan ng malaking pondo?
22:22Alamin natin sa Street Here It Live ni Bam Alegre.
22:25Bam!
22:25Susan, good morning. Usapin national budget nga dito sa Street Here It.
22:33Kung may say lang naman daw yung pangkaraniwang mamamayan, ano kaya yung priority nila dito sa ating pambansang budget?
22:38Yan, ang ating inalam.
22:44Kapag usapin tungkol sa national budget, mga mambabatas ang karaniwang nagdidiskusyon.
22:49Pero buwis nating lahat ito.
22:50Pera ng bayan, kaya magandang kasali rin ang taong bayan sa talakayan.
22:55Nagkaroon ng House Resolution 94 para i-accredit at imbitahan ng ilang civil society group sa budget deliberation sa kalye.
23:02Inalam natin ang pulso ng ilan nating kababayan kung ano sa tingin nila ang dapat paglaanan ng malaki sa 2026 national budget.
23:08Para sa taxi driver at senior citizen na si June Kapalad, health is wealth kaya dapat itong gawing prioridad sa paglalaanan ng pondo.
23:15Kung kayo po masusunod, sir, anong sektor ng ating bansa yung dapat paglaanan ng malaking budget?
23:22Sabi ko nga po, sir, as a senior citizen, siyempre number one sa akin, siyempre yung health.
23:29Yung health ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno.
23:32Si Rubalas, maganda rin yun. Maganda yung mga walang kakayanang magbayad ng mga buwan sa hospital.
23:42Ang kapwa driver niya si Rogelio de la Cruz, ang sektor ng transportasyon naman ang naisip.
23:46Sa amin ha, sa transport. Sa amin, dapat, hindi na kami dapat i-piss out.
23:52Solusyon sa baha naman ang gusto sana matutukan ng vendor niya si Raul Moreno.
23:56Di raw kasi siya makapagtindang kapag bumabaha sa pwesto niya rito sa bangketa sa Pasay.
24:01Malaki makatulong kung paglalaan po ng budget. Kung hindi, wala.
24:06Makarating kaya?
24:07Kung makarating, hindi nakakarating eh.
24:10Mas malaking ayuda sa edukasyon naman ang nasa isip ng rider na si Nolly Apsun.
24:15Hirap daw kasi siyang pag-aralin ng kanyang kambal na anak na nasa grade 10.
24:19Mas mahirap lalo.
24:21Ako nga, may trabaho ako. Kulang pa sa budget.
24:26Tapos ako lang mag-isang datarabaho. Ganun lang yan.
24:28Sakto ang hiling niya dahil base sa 2026 National Expenditure Program,
24:32ang education sector ang makahakuha ng pinakamalaking alokasyon.
24:351.224 trillion pesos ang nakalaang pondo riyan.
24:40Sana madamaraw ito ni Richelle Robles na pinakakasya sa pagpapaaral ng mga anak niya
24:44ang kanyang minimum wage bilang housekeeper.
24:47Kagaya sa amin na mahirap. Maganda po yung edukasyon ang priority po.
24:54Gano'n po ang hirap magpaaral niya?
24:56Naku po ang hirap po talaga.
24:57Alam mo na sa budget araw-araw.
25:01Pakahirap po talaga sir sa kagaya namin na minimum lang po ang sahod sir.
25:05Susan, kabilang dito sa breakdown itong mahigit 1 trillion pesos na budget sa edukasyon
25:15ay 928.5 billion para sa DepEd, 134.9 billion naman
25:20sa State Universities and Colleges at 33.9 billion sa CHED.
25:25Ito ang street kinit mula rito sa Pasa.
25:26Eba malagre para sa GMA Integrating Games.
25:29Kapapasok lang po na balita.
25:35Tinanggal sa pwesto si PNP Chief General Nicholas Torrey III
25:39at kinumpirma po yan na Executive Secretary Lucas Bersamin.
25:44Inaalam pa namin ang dahilan ng pag-relief sa jepe ng PNP
25:47at sinusubukan pa rin namin kunan ng pahayag si Torrey.
25:52Ivan, ano sabi sa inyong Secretary Bersamin?
25:54Kanina nga, bago tayo sumayin pa bawid, may umiikot na dokumento
25:58na nire-relief nga si PNP Chief Torrey.
26:02So minabuti natin kung pirmahin yung dokumento
26:04kay Executive Secretary Lucas Bersamin
26:07na paminsan-minsan nakakatext naman natin.
26:10At kinumpirma po niya.
26:12Yung dokumentong yan ay lehiti mo at pirmado niya.
26:15Abangan natin sino magiging tagapangalaga ngayon
26:18ng Philippine National Police
26:20at ano ang reaksyon dito ni PNP Chief Torrey?
26:24Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
26:30para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments