- 4 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 2, 2025
- Iba't ibang disenyo ng mga dekalidad na parol, mabibili sa Las Piñas
- Ilang Pinoy, nais makasama ang kanilang pamilya sa Pasko | Nursing student, wish na makapasa sa kaniyang final exams ngayong magpapasko | Pagpapanagot at pagpapakulong sa mga sangkot sa katiwalian, hiling ng ilang Pinoy para sa Pasko
- DILG: Zaldy Co, hinihinalang nasa Portugal; DFA: hindi pa kanselado ang Philippine passport ni Co dahil wala pang court order | CIDG: Akusadong taga-DPWH, nasa Israel; 2 taga-Sunwest na nasa abroad din, gusto nang sumuko | Malacañang: PBBM, handang humarap sa ICI kung may ebidensiya laban sa kaniya | ICI proceedings, ila-livestream na simula ngayong araw | 4 na luxury vehicle ng mga Discaya na hindi naibenta noon, ipasusubasta ulit sa Biyernes | BOC: Mga ipasusubastang sasakyan ng mga Discaya, posibleng sirain kung hindi maibebenta | Dagdag-dokumento sa imbestigasyon ng flood control projects, isinumite ng CIDG sa ICI
- VP Duterte, ibinida ang "Unmodified Opinion" ng Commission on Audit sa financial statement ng OVP noong 2024; nilinaw ng COA na hindi ito rating o score | Mababang paggamit sa pondo ng OVP noong 2024 at kakulangan sa dokumentasyon sa distribusyon ng welfare goods, pinuna ng COA
- Abogado ni FPRRD, hihiling sa ICC na makasama ng dating Pangulo ang kaniyang pamilya sa Pasko
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Iba't ibang disenyo ng mga dekalidad na parol, mabibili sa Las Piñas
- Ilang Pinoy, nais makasama ang kanilang pamilya sa Pasko | Nursing student, wish na makapasa sa kaniyang final exams ngayong magpapasko | Pagpapanagot at pagpapakulong sa mga sangkot sa katiwalian, hiling ng ilang Pinoy para sa Pasko
- DILG: Zaldy Co, hinihinalang nasa Portugal; DFA: hindi pa kanselado ang Philippine passport ni Co dahil wala pang court order | CIDG: Akusadong taga-DPWH, nasa Israel; 2 taga-Sunwest na nasa abroad din, gusto nang sumuko | Malacañang: PBBM, handang humarap sa ICI kung may ebidensiya laban sa kaniya | ICI proceedings, ila-livestream na simula ngayong araw | 4 na luxury vehicle ng mga Discaya na hindi naibenta noon, ipasusubasta ulit sa Biyernes | BOC: Mga ipasusubastang sasakyan ng mga Discaya, posibleng sirain kung hindi maibebenta | Dagdag-dokumento sa imbestigasyon ng flood control projects, isinumite ng CIDG sa ICI
- VP Duterte, ibinida ang "Unmodified Opinion" ng Commission on Audit sa financial statement ng OVP noong 2024; nilinaw ng COA na hindi ito rating o score | Mababang paggamit sa pondo ng OVP noong 2024 at kakulangan sa dokumentasyon sa distribusyon ng welfare goods, pinuna ng COA
- Abogado ni FPRRD, hihiling sa ICC na makasama ng dating Pangulo ang kaniyang pamilya sa Pasko
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00BAM ALEGRE
00:30Matagal na po, siguro po mga ano na po.
01:0050? 60 to 40? 50 years?
01:04Mahalaga po sa amin kasi po, ito po yung gantong season, bare months po, ito po yung talagang ano namin.
01:11Kasi po, medyo okay naman po yung business na to.
01:14Ang ganitong mga puting parol na kung tawagin, tala 400 pesos ang isa.
01:19Maaari rin bumili ng isang set na maliliit at maningning na mga parol sa halagang 1,000 pesos.
01:25Meron ding mga ordinaryong parol na nasa 50 pesos at mga parol na mas masinsin ang disenyo sa halagang 60 pesos pataas.
01:32Pamorningan sa paggawa si Lauren Salen at kanyang mga kasama dahil dumadag sana ang mga customized order ng mga parol sa kanila.
01:39Specialty nila ang mga parol na likha sa capis.
01:42Depende sa size ang presyo nito.
01:43Ang small, nasa 1,500 pesos hanggang 2,000 pesos.
01:47Medium, 2,500 pesos hanggang 3,000 pesos.
01:50At large, 4,000 hanggang 6,000 pesos.
01:53Katulad ng ibang mga gumagawa ng parol dito sa Las Piñas, isa na rin itong talento na ipinamana sa kanya ng mga magulang niya.
01:59Yung sanap buhay ng pamilya ko na ganito, matagal na, halos parang family business na rin po.
02:10Natutunan ko yung paggagawa ng parol dahil sa magulang na parang tinuro at pinasok na rin sa amin.
02:20Iyan, yung salitang parol ay nagmula sa Spanish word na farol, ibig sabihin na ay lantern.
02:31At sa ating likuran, makikita ninyo yung mga sample ng mga handcrafted na mga parol na talagang pinagmamalaki ng Las Piñas.
02:37Ito ang unang balita, malarito sa Las Piñas.
02:39Bamalagre para sa GMA Integrated News.
02:42Abang mapalapit ang Pasko, may Christmas wishlist na ang ilang Pinoy.
02:47At live mula sa Marikina, may unang balita.
02:49Si EJ Gomez.
02:51EJ, ano bang nasa wishlist sa mga kababayan natin?
02:59Ivan, good morning.
03:00Naku, marami nga tayong iniisip na bagay tuwing darating ang Pasko, no?
03:04Ano ang ihahanda? Ano ang ireregalo?
03:07At ang tanong naman natin ngayon sa mga kapuso natin, ano nga ba ang inyong Christmas wish?
03:13Labing isang taon na raw nagtitinda ng taho si Bok. Todo kayod siya araw-araw. Ngayong Pasko nga, wala raw siyang hiling kundi maitreat ang kanyang pamilya.
03:28Sana po maganda po yung araw ng Pasko namin. At sana makagala ng mga bata at makakaya ng mga mas sarap.
03:39May ilan naman na humihiling na makasama ang pamilya sa Noche Buena, gaya ng nagtitinda sa karinderiya na si Leona at jeepney driver na si Noel.
03:47Sana po makapunta po ay makauwi po sa probinsya sa Ilocosur. Andito lang po ako sa Manila para po magtrabaho. Gusto ko pong makasama ang pamilya ko po sa Pasko.
03:58Sana makasama ko yung pamilya ko, mga kamag-anak ko na nasa Kabite at saka Negros para ang Pasko namin ay masaya.
04:08Excited naman ang fourth-year nursing student na si Joanna to enter the professional world. Kaya ang wish niya...
04:17Ang wish ko po ngayong 2025 is makapasa po ngayong finals namin sa Competency Appraison. Yay!
04:26May ilan naman na ang hiling ngayong Pasko, hindi lang pansarili, gaya ng Christmas wish ng may-ari ng tindahan na si Nanay Emeline at tricycle driver na si Victor.
04:36Ang wish ko, makakulong na bago magpasko, yung mga sangkot sa mga corruption. Para hindi na kami binabaha. Pahirap sa tricycle yun eh.
04:47Ang gusto ko po sana, makita ng mga tao na managot talaga sila. Para makita po talaga na wala silang pinapanigan. Para maging masayaman lang sana po ang Pasko natin ngayon.
04:59Iva, yun nga yung mga hiling ng mga kapuso natin. Halo-halo, may pansarili, pang-personal at may pang-common good o greater good.
05:14At sana raw, matupad nga yung kanilang hiling ngayong Pasko. And speaking of, ramdam na dito sa Marikina City, ang Pasko ngayong taon.
05:23Nakapag gabi o madilim, punong-puno ng ilaw dito ng Christmas lights. At kahit na maliwan, nagpakita yung iba't-ibang rides dyan.
05:30Merong frisbee, kiddie roller coaster at itong ferris wheel na pwedeng pasyalan ng mga kapuso natin dito sa amusement park sa Riverbank Center.
05:41At yan, ang unang balita mula po dito sa Marikina City.
05:44E.J. Gómez, para sa GMA, Integrated News.
05:56Handa raw humarap sa investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI si Pangulong Bongbong Marcos kung may ebidensya mag-uugday sa kanya sa katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno.
06:07Patuloy naman ang paghahanap sa mga at-large pang-akosado kabilang si Zaldico na pinaniniwalaang nasa Portugal na.
06:16May unang balita si Joseph Moro.
06:20Tuloy-tuloy ang paghahanap sa pito pang at-large na inisyuhan na ng arrest warrant ng Sandigan Bayan kasama si dating akobical partilist representative Zaldico.
06:29Ayon sa Interior Secretary, pinaniniwalaang nasa Portugal si Coe.
06:32Zaldico is believed to be in Europe, suspected to be in Portugal. He is suspected to have a Portuguese passport acquired so many years ago.
06:43Ayon lang ang details.
06:45Nakiyusap kami sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na kung makita na rin si Zaldico, kung pwede na lang picturan, padala ka agad, ipost ka agad sa internet para may idea tayo kung nasaan siya.
06:55Sa ngayon, ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, hindi pa kanselado ang pasaporte ni Coe dahil wala pang court order para rito.
07:04Ang isang taga-DPWH na sa Israel naman daw, ayon sa PNPCID, Jimmy, mga taga-Sanwest Corporation, na nagpahayag na gusto ng sumuko.
07:12May backchannel po na ano sa amin. Wala po silang personal na abogado and apparently parang napabayaan. So they're takot also. We're trying.
07:21Sa mga inilabas na video ni Coe, ilang beses din niyang inakosahan si Pangulong Bongbong Marcos na nag-utos umano ng budget insertions.
07:29Sabi ngayon ng Malacanang handang humarap ang Pangulo sa Independent Commission for Infrastructure o ICI kung may ebidensya.
07:36Is the President willing to appear before the ICI if there will be evidence that will link him to those issues?
07:44Ang ICI po ay isang independent commission. Kung ano po ang maibibigay sa kanilang maliwanag na ebidensya,
07:50wala naman pong pagtututol ang Pangulo dyan.
07:53Hinihingan pa namin ng pahayag ang ICI.
07:56Sila live stream na ng ICI ang pagdinig sa kanilang social media page.
08:00Handa raw ang mga kongresista na magpa-live stream at hindi hihingi ng executive session sa ICI.
08:06Naano nang sumulat si Presidential Sun at House Majority Leader Sandro Marcos na handa siyang tumistigo sa ICI.
08:13Hinahabol na rin ang pamahalaan ang assets o ari-arian ng mga sangkot sa anomalya.
08:18Sa Biyernes, muling ipapasubasta ang apat na luxury vehicle na mag-asawang Pasifiko at Sara Diskaya
08:24na hindi na ibenta nung nakaraang auksyon.
08:26Ibinaba na ang presyo ng mga ito.
08:29Ang Rolls Royce, mas mababa na ng halos 10 milyon piso.
08:32Kung hindi pa rin daw mabibenta ang mga luxury vehicle na mga Diskaya,
08:36pwede daw itong ipadirect offer o kaya naman ay sirain na lang.
08:40Condemnation or sirain na lang talaga yung mga vehicles.
08:43It's really an exercise of discretion on the part of the Commissioner.
08:47In fact, we could have dispensed with the auction and went straight to the condemnation.
08:53Considering the state of our country, we are in need more of a budget.
08:58Sinimite ng CIDG sa ICI ang mga dagdag na dokumento,
09:02kaugnay ng iniimbestigahang flood control projects.
09:05Binigyan din naman ni ICI Commissioner Rogelio Singson ang pagpapanagot sa mga sangkot.
09:09Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
09:24Ibinigyan din Vice President Sara Duterte ang unmodified opinion ng Commission on Audit
09:28sa Finance Statement ng Office of the Vice President noong 2024.
09:33Dati nang nilinaw ng COA na hindi rating o score ang unmodified opinion.
09:36May ilang ding po na ang COA sa OVP kaugnay sa mababang paggamit ng pondo noong 2024.
09:44May unang balita si Marisol Abduraman.
09:48Nakuhan natin ang unqualified opinion mula sa Commission on Audit ang highest audit rating.
09:57Ito ay malinaw na indikasyon ng ating transparency at fiscal integrity.
10:01Ito ang ipinagmalaki ni Vice President Sara Duterte sa kanyang year-end report para sa 2025.
10:10Ibinigyan ng BCI ang mga accomplishment ng kanyang mga programa,
10:13kabilang ang Medical and Burial Assistance, Disaster Relief, REST Program,
10:18Magnegosyo Today Program at iba pang programa ng OVP.
10:21Hindi kami pumayag na maging dahilan ang kakulangan ng budget para maputol ang serbisyo.
10:27Sahalip, nakipagtulungan kami sa ibang ahensya ng gobyerno at nagtagumpay na makakuha ng alternatibong pondo.
10:36Sinabi na ng BCI ang kahalagahan ng pagkakaroon ng plano at iba pa,
10:40gayon din ang paglaban sa korupsyon para umunlad ang bayan.
10:43Patuloy namin na ipapakita sa inyo na ang tanggapan ng pangalawang Pangulo
10:48ay mahalaga sa amin ang pagkakaroon ng plano,
10:52mahusay na implementasyon ng proyekto paglaban sa korupsyon at tapang at malasakit
10:59para magkaroon ng kapayapaan at kaularan sa ating bayan.
11:04Sa COA Audit sa Office of the Vice President para sa taong 2024,
11:09nakalagay nga na nagbigay ng unmodified opinion ng COA sa presentasyon ng financial statement ng OVP.
11:15Dati nang sinabi ng COA na ang ibig sabihin nito na sunod ang lahat ng alituntunin
11:20sa paghahanda ng financial statements.
11:23Pero nilinaw ng COA na ang audit opinion ay hindi dapat itulong na rating, score o grado
11:29na may lowest to highest.
11:30May mga pinuna nga ang COA sa 2024 Audit Report sa OVP.
11:35Isa na rito ang mababang fund utilization o paggamit ng pondo ng OVP.
11:39Mula nang kasi sa mahigit 89% na utilization rate ng 2022,
11:44bumaba ito sa mahigit 85% ng 2023 at lalo pang bumaba sa mahigit 73% nung nakaraang taon.
11:52Sa mahigit 2 billion pesos kasi na pondong pwede nilang gastusin,
11:55mahigit 1.5 billion lang ang nagamit ng 2024.
11:59Sabi sa ulat ng COA, dahil daw dito, maaaring maapektuhan ang epektibong paghahati ng programa
12:05at servisyon ng OVP.
12:07Sumangayon naman daw ang OVP sa rekomendasyon ng COA na ayusin ang pagplano at pagpapatupad
12:13ng kanilang budget.
12:14May kakulangan din daw sa dokumentasyon ng distribution ng mga welfare goods
12:18na nagkakahalaga ng mahigit 110 million pesos.
12:22Hindi rin kasi nagsumitin ang verifikadong master list ng mga beneficiaryo,
12:26situation reports at mission order.
12:28Ang situation report ay patunay na may nangyaring sakuna o kalamidad
12:32na basihan para naman sa mission order,
12:35habang ang master list ay basihan para sa paghahanda
12:38kung gaano karami ang mga welfare goods na ay pamamahagi.
12:42Ayon sa COA, pumayag naman ang OVP na i-review ang kanilang policy manual
12:47para matiyak ang pagsusumite ng kumpletong dokumentasyon.
12:50Pino na rin ang COA, ang anilay kakulangan ng malinaw na alintuntunin
12:54at proseso sa pagtanggap ng mga donations in kind,
12:58inventory management at pagsusumite ng mga report ukol dito.
13:02Sabi ng COA, sumangayon din ang OVP na rebisahin ang mga alintuntunin
13:06upang makasunod sa accounting rules and regulations.
13:09Sinita rin ang COA ang magnegosyo taday o MTD program ng OVP,
13:14layo ng MTD na magbigay ng cash grant upang magbigay ng puhunan sa negosyo
13:19sa mga kababaihan, kabataan, mga miyembre ng LGBTQ+, at iba pang sektor.
13:25Sabi ng COA, hindi raw nasuri ng DTI at PDIC
13:28ang feasibility at viability ng project proposals ng halos 140 na beneficiaries
13:33na nakakuha ng kabuang mahigit 3.4 milyon pesos na pondo.
13:37Hindi rin daw nila binisita para imonitor ang karamihan sa mga beneficaryo.
13:42Nangako naman daw ang OVP na kanilang aayusin ang sistema ng pagsusuri sa project proposals
13:48pati na ang pagbisita sa mga beneficaryo.
13:51Sinisikap naming makuha ang panig ng OVP sa mga obserbasyon ng COA.
13:56Ito ang unang balita, Marisol Abduraman, para sa GMA Integrated News.
14:03Mga kapuso, yung hilingin po ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
14:07sa International Criminal Court na mabisita siya ng kanyang pamilya sa araw ng Pasko.
14:12On the actual Christmas Day itself, Boxing Day, these are official court holidays
14:20and no visits unfortunately are allowed at all.
14:22However, we are going to try and change that.
14:27We will do our best to make sure that that happens.
14:30But unfortunately, I can't be too optimistic, but we do our best.
14:33Ayon kay Attorney Nicholas Coffman, Legal Counsel ni Duterte,
14:40hiling ng dating Pangulo na makasama niya ang kanyang pamilya sa espesyal na araw.
14:45Pero malaki raw ang posibilidad na magpapasko mag-isa ang dating Pangulo.
14:49Ipinagbabawal daw kasi ang bisita tuwing December 25 at 26.
14:53Noong biyernes, ibinasura ng ICC Appeals Chamber ang hiling na interim release ni Duterte
14:59na naharap sa kasong crimes against humanity.
15:03Ayon kay Coffman, sa December 5, inaasahan lalabas sa medical results ni Duterte
15:07para malaman kung siya'y fit to stand trial.
Be the first to comment